Status: Still writing the next chapters...

God Bless the Broken Road

Chapter 4: Loving Math

Chapter 4: Loving Math.
My first grading, math average was great, but 2nd grading’s…. NOT so good. I’m eventually failing! I don’t know what’s wrong with me…why I keep getting grades that are awfully LOW!
Seriously, I need a tutor… Pero,hindi yung tutor na, napaka kill joy….Alam mu yung fun ba kasama…
Pagdating ko sa bahay, sinabi ko ito kela mama….
“Ayan kasi!!! Computer ng computer! TV lang ng TV!” Sigaw ni mama.
Tumakbo ako sa kwarto ko umiiyak. Binato ni Jared ang window ko. Binuksan ko naman ang bintana at pinunasan ang mga luha ko.
“Bakit ka umiiyak?” Tanong niya sa akin.
“Napagalitan ako ni Mama….mababa ang grades ko sa Math..”
“Sa math??? Gusto mo tulungan kita?” Tanong niya.
Na-enlighten ako kahit papaano. “oo naman!”
“Sige, bukas ng umaga….Sa school bus, tabi tayo” Kinindatan niya ako. “Sige tulog na tayo. Good night!”
“Goodnight.” Sinara ko na ang bintana ko at natulog.
Nang sumunod na araw, tumabi nga ako kay Jared. Hawak ko ang libro ko at pencil sa Math at siya naman paper at pencil.
“Goodmorning.” Sabi ko sakanya. Tumango naman siya.
“oh sige.. san ka ba nahihirapan?” Tanong niya.
Binuksan ko ang libro sa page na nahihirapan ako. At itinuro niya na ito. Lahat naman nagtitinginan sa amin dahil parang ilang inches na lang eh magkakauntugan na ang mga ulo namin!
Hangang pagbaba namin, tinuturuan niya pa rin ako kahit sa pag akyat hanggang sa nadapa siya.
“Oh! Okay ka lang??”Umupo ako sa tabi niya at inalalayan siya papunta sa staircase para umupo.
“Okay lang ako…. Okay lang.” Itinaas niya ang jogging pants niya namumula ang tuhod niya.
“Namumula lang pala! Kaya mo yan!!!” Itinayo ko siya.
“Ang sakit kaya!!!” Sigaw niya sa akin.
Inakay ko na lang siya paakyat.Pagdating namin sa classroom niya, inupo ko siya sa silya niya.
“Sorry ah..” Sabi ko sa kanya.
“bakit naman? Dahil sa inasar mo ako?” Tanong niya.
“Oo.. parte un pero kung di ako nagpaturo sa’yo, di ka madadapa.” Sabi ko sa kanya.
“Naku, okay lang yun! Littel sister nga eh!” Niyakap niya ako na parang kuya ko nga talaga siya.
“Thanks talaga…” Sabi ko sa kanya.
Sa isip ko, talaga bang sister lang?? Meron pa kaya akong pag asa na more than friends kami??
“No problem! Basta, pag may problems ka, puntahan mo lang ako!”
“EEEE… thanks talaga!!!!”
“Hay naku! Okay lang talaga! Halika na hated na kita sa classroom niyo.” Sabi niya sa akin, kinuha niya yung bag ko at inihatid ako sa classroom.
Naisip ko bigla, buti pala umiyak ako kagabi at magaling siya sa math. Kung hindi, di nangyari ang mga moments kanina.
Pag dating ng math namin at nakapag quiz at nagcheck, nakakatuwa! Alleluia!!! Nakpasa ako sa Math!