Status: fin.

Isang Araw: Bakit Ko Nga Ba Tinanong?

Bakit Ko Nga Ba Tinanong?

Isang araw, may isang babae at lalaki na may gusto sa isa't isa. Ang pangalan ng lalaki ay si Vincent habang ang pangalan ng babae ay si Annie. Nung una silang magkakilala, wala lang. Hanggang tingin at wala nang iba. Pero hindi papayag si Vincent na hanggang dun na lang. Kaya, lumapit mismo sya kay Annie.

"Hoy, Annie! Musta naman dyan?" Sigaw ni Vincent habang natakbo patungo kay Annie. At dahil patungo nga si Vincent kay Annie, kinabado bigla sya. Dahil nga may gusto si Annie kay Vincent.

"Okay lang ako. Ikaw ba?" Tanong ni Annie, medyo nahinga ng malalim.

Tumawa si Vincent. "Bakit ko naman kaya tinanong sa'yo?"

At pagkatapos nun, di makasalita si Annie, pero, dun nagsimula ang kanilang pakikipagkaibigan. Naka ilang buwan na lagi silang nag-uusap na parang kaibigan.

At nung isang araw, di na matiis ni Vincent ang kanyang totoong niraramdaman para kay Annie.

"Annie... May gusto ka ba sa akin?" Tanong ni Vincent sa seryosong tono.

Nabigla si Annie sa tinanong ni Vincent. Pero buti na lang at nag-isip agad sya ng sasabihin:

"At bakit mo naman 'yan tinatanong?"

Ngumiti si Vincent, na dahilan kung bakit medyo namula si Annie.

"Bakit ko nga ba tinatanong?" Sabi ni Vincent.

Napalaki ang mata ni Annie at kabadong sabi nya, "M-May gusto ka sa akin?"

Tumango si Vincent. At dahil dun, sumigaw sa tuwa si Annie at nagyakapan sila.

At dun nagsimula ang kanilang masayang buhay na nagmamahalan.