Status: fin.

Isang Araw: Iisa Lang Ang Mahal Ko

Iisa Lang Ang Mahal Ko

Isang araw, may isa akong kaklaseng yanong tahimik. Nagpapatawa pag minsan pero sobrang tahimik nya. Lalo na kapag walang guro at kami-kami lang. Parang may sariling mundo sya. Tinanong ko sa kanyang mga "close" na kaibigan kung bakit sya ganun. Hindi nga rin alam nila. Ano ba yon? Hindi nila alam ang kalagayan ng kaibigan? Awan sa kanila.

At nung isang araw, habang yung mga tao sa amin ay may ginagawa, nakita ko na naman na mag-isa na naman sya. Ang pangalan nga pala nya si Nick. Dahil wala rin akong magawa, naglakad ako patungo sa kanya at umupo sa tapat nya. Hindi nya ako pinansin, pero hula ko, nakita nya ako.

"Hoy, ano ka ba Nick? Lagi ka naman ganyan!" Sabi ko, parang nagloloko lang.

Hindi pa rin nya ako pinapansin. Kaya para pansinin nya ako, sinuntok ko ang kanyang tuhod.

"Aray! Ano ka ba?" Sabi nya, parang medyo asar.

Ako'y napatawa ng maunti, pero hindi yun ang dahilan kung bakit ako pumunta sa kanya. At paghinga ko ng malalim, tinanong ko na ang dapat itanong:

"Bakit ka ganyan? May problema ka ba?"

Hindi napaimik si Nick ng isang segundo, pero sumagot sya.

"Sino naman ang taong walang problema?"

Medyo naasar ako sa sinabi nya pero hindi ko na lang pinansin. Naawa kasi ako sa kanya eh. Oo, naawa ako. Dahil nga ay laging mag-isa at walang pumapansin sa kanya. Ano pa ang magagawa ko?

"Eh, ano nga?" Tanong ko.

Sya naman ang huminga ng malalim at ang sabi,

"Kabre-break ko lang sa syota ko."

Napalaki ang mata ko. "Wow. Nagkaroon ka na pala ng syota?"

"Apat pa nga eh. Biruin mo."

"Sino ba ang nakipag-break? Sila o ikaw?"

"Ako."

Nabigla ako sa sinabi nya. Sya ang nangligaw, sya rin ang sumira. Kakaiba talaga itong lalaking ito ah.

"Eh, bakit mo sila binreak?"

At sa tanong ko na ito, dito tumahimik muli si Nick. Pero hindi ako susuko ng ganun-ganun lang. Tinanong ko yung tanong ng 'yon ng ilang beses hangga't makasagot sya. At ano ang sabi nya?

"Iisa lang kasi ang mahal ko."

Sa sagot na 'yon, ako naman ang napatahimik.

"...Pero alam ko naman na hindi nya ako mamahalin eh." Dagdag nyang sinabi.

Ako'y medyo nataaman sa sinabi nya. Mas naawa ako sa kanya kaysa kanina. 'Yun pala ang dahilan kung bakit sya ganun.

Dahil iisa lang ang mahal nya.