Status: :3

Isang Araw: Bye Bye Na

Bye Bye Na

Sa wakas! Matatapos na rin ang school year! 'Di na ako makaintay! Dami talagang nangyari sa buhay ko ngayon, pero ang hindi ko makalimutan ay nung nakipagclose ako kay Nick, na dati tahimik na tahimik kapag kausap ko pero ngayon, para na kaming magkapatid. At dahil nga kami ay parang magkapatid, ay hindi ko makalimutan nung pinagusapan namin ang kanyang love life:

"Eh? May nanliligaw na siya?! Seryoso ka ba?!" Sigaw ko sa corridor, buti na lang at lunch break nun eh.

"Oo, bakit ako magbibiro ng ganun?" Sabi ni Nick, na nakangiti.

"Sino yung lucky boy?" Tanong ko. Tumahimik si Nick ng isang segundo at sinagot niya,

"Si Luke."

Napalaki ang mata ko at sinigaw ko,

"Si Luke?! Himala! Best friend na best friend mo ay inunahan ka!"

Tumawa si Nick.

"'Yun nga eh, 'di kapani-paniwala."

Sumimangot ako at sabi,

"Bahala na si Batman..."

"Oo nga, bahala na si Batman..."

Pagkatapos nun, iniwanan ko na si Nick at nakasalubong ko si Aile, na bagong kong kaibigan, kaklase niya kasi ang crush ko eh (Aiieeee)

"Ui, Aile!" Tawag ko. Lumingon si Aile at tumakbo siya papunta sa akin.

"Musta?" Tanong ko.

"Okay lang, ay, 'di ba kasama mo si Nick ngayon lang?" Sabi niya.

"Ay, wala lang 'yun." Sabi ko.

Tapos biglang tumahimik si Aile.

"Puwede ba kitang kausapin?" Tanong niya na mahina ang boses.

"Bakit?" Sabi ko. Nakakapagtataka na talaga ang taon na ito ah.

"Tungkol 'to kay Nick..." Bulong niya.

Napaisip tuloy ako...

"Oo nga pala, dating nga pala si Aile sa mga dating syota ni Nick..."

At habang kami ay naglalakad, kakaiba ang mukha ni Aile, sobrang lungkot. Hindi pa ako nakakita ng mukhang sobrang lungkot.

Tapos, umupo kami sa mga malapit na bench ng school at sinabi niya sa akin...

"Shai... Aalis na si Nick..."

Napatayo ako at sigaw ko,

"Ha?!"

Ang dami talagang nangyayari sa taon na ito eh... Lalo na sa mga love life ng mga taong 'yan.

"Mamimiss mo ba siya pag umalis siya?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman! Sinong hindi mamimiss 'yun? Parang kapatid ko 'yun eh!" Sagot ko na pasigaw. Lalo na hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ng mga tao ngayon...

"Hanggang ngayon... hindi ko pa rin siya makalimutan... Siya lagi ang iniisip ko kapag mag-isa ako sa bahay... Ganyan pala pag 'first love' mo ano?" Sabi niya sa akin.

Nung sinabi niya 'yun sa akin, napaupo ako at tumango na lang ako.

Pagkatapos nun, klase na, lumipat ako sa upuan at tumabi kay Nick.

Sinapok ko siya para makuha ang attensyon niya.

"Wala hiya! Ano ba?" Sabi niya sa akin.

"Ikaw ang walang hiya! Hindi mo sinasabi sa akin na aalis ka?!" Pasigaw na pabulong kong sinabi.

"Alam mo na ah, bakit ka pa magagalit?"

Saltik ako dun ah.

"Kailan ka aalis?" Tanong ko.

"Sa April..."

"Ah, okay..."

At ngayon, hula ko nasa London na 'yun....
♠ ♠ ♠
True story people :D
Medyo inedit lang