Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 17-1. Dare me NOT!

Ako si Eleonor Malicsi Dimaculangan at wala sa prinsipyo ko ang umatras sa kahit ano pang hamon ng buhay!!! At lalong wala akong balak umatras sa hamon ni Miguel Josef Uy Monteverde lalo pa at… BUHAY ko ang nakataya dito!! Oo. This is a matter of life and death!!! I cannot lose in this game!!! It cannot be!!

Hindi ako papayag na yurakan niya ang pagkababae ko!!! Dapat hindi tayo papayag na matalo!!! Itaas ang bandera ng mga kababaihan!!! Para sa katipunan!!! Para sa BAYAN!!! TOINKS!! Pero… kapag iniisip ko, manalo-matalo ee maganda pareho ang premyo ko!! Hahahaha. Ang maka-date siya??? Hmmm… PWEDEH!!!

Grabe din naman talagang dumiskarte tong si Sef ano? If I know, gusto lang niya kong maka-date… hindi lang niya alam kung pano ako tatanungin!! Hahaha…

Ahh. Teka, teka!! Ano ka ba naman ELLIE!!! Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo??? Ambisyosa ka naman!!! ATCHAKA SI SEF YAN!!! HINDI KAYO TALO!!!

MAGISIP KA NGA!! SI SEF ANG MAKAKA-DATE MO!!! YANG HAMPASLUPANG IMPAKTO NA AKALA MO KUNG SINONG PILANTROPO NA SAKSAKAN NG GWAPO!!! KUNG TUTUUSIN EE MUKHA LANG SIYANG PWET NI JOHN LLOYD CRUZ!!! Nyahahaha… TAMAHH!!! =)

Hindi syempre ako papayag. Kahit kelan hindi ko pa naranasan ang makipag date. At hindi na ko papayag pa na nakawin pang muli ni Miguel Josef Uy Monteverde ang first date ko kagaya ng pagnakaw niya ng first kiss ko!!! HINDI NA KO PAPAYAG!!! HINDING HINDI NA!!! GYERA NA TOH KUNG GYERA!!!

Hindi pa man nagsisimula ang laro namin ni Sef ee todo na sa hiyawan yung mga binatilyong nanunuod samen. Tama, ganyan nga… Wag na wag silang kukurap para makita nilang maigi kung paano ko gagawing basahan itong kaibigan nila!!!

Kaming dalawa lang ni Sef ang nakatayo sa loob nung court. Magkatapat kami at halos nanlilisik ang mga mata ko habang nakikipagtitigan sa kanya at habang nag-iistretching ako. Syempre kailangan mag-warm up muna ko... gyera na toh ee!! Si Sef naman nakatayo lang sa harap ko, cool na cool na nakangiti saken at nakuha pa niyang pumamewang.

Bakit ganun nuh? Sa tuwing lumalabas ang mga sungay nitong lalaking toh, ako lang lagi ang present!!! Dapat nandito din sila Borge ee para malaman na nila na totoo ang mga sinasabi ko tungkol sa lalaking toh!!!

Sef: Oh, ikaw na una! (dinribble papunta saken yung bola) Naaawa naman ako sayo ee, baka hindi ka na maka-score kapag ako nauna.

Ellie: Ah ganun? (binalik ko sa kanya yung bola)

Sef: Huh. Sabi ko na nga ba ee. Gusto mo kong manalo dahil gustong-gusto mong maka-date ako!! (Sabay kindat saken)

Ellie: Ano ka? Pinauuna na kita. Girl’s first diba?

Sef: (nagiba yung ngiti niya natapakan ko ata ang pagkalalaki niya, kung lalaki nga siya) ….

Hindi na siya nagsalita, naiba na yung kislap ng mga mata niya as he started dribbling. Humanda na din ako, yung mga kamay ko inistretch sidewards ko na for defense. The way Sef handled the ball, aakalain ko ngang NBA player siya ee. Napalunok ako!!! Ano ba tong napasok ko… nagyabang ka pa kasi ee, ikaw na nga pinauna!!!

Binata 1: (yung kamuka ni Derek) Alright. Ready. Set. GO!!!

Kapipikit ko lang ng mata ko ng biglang nawala na sa harap ko si Sef. Ni walang kahirap-hirap… superrr SWABE lang niya kong nalagpasan. As in. Ni hindi nga niya ko nasagi ee. Para lang siyang hangin na dumaan.

HUWWAAAA!!! SHEET!!! HABOL ELLIE!!! HABOL!!! Sinubukan ko siyang habulin pero… napanganga na lang ako ng nag SLAM DUNK pa ang loko!!! Lalong hiyawan yung mga binatilyo!!!

Sef: 1 point. Pano ba yan?

Inabot na saken ni Derek Ramsey the second yung bola. Ako naman ang dapat na makalagpas kay Sef!! Hesus Maria Josepa, lahat na ng mga propetang nasa langit, KAILANGAN KO PO NG HIMALA!!!!! NOW NA!!! ASAP!!!

Nakangiting pinagmamasdan ni Sef ang pagdidribble ko. Halatang nababasa niya bawat galaw ko. Sinubukan kong umatake sa kanan, sa kaliwa… tinangka ko din mag-fake… pero wala… hindi ko siya malagpasan. Tumalikod ako kay Sef at ginamit yung likod ko pang-push sa kanya para makagawa ng daan patakbo paloob…

Alam ko kung pano maglaro ang mga lalaki ng basketball. Susmio, ikaw ba naman araw-araw mong kalaro yung mga tambay dun sa kanto!!! Oo, mga tambay at sanggano mga kalaro ko samen!! Kahit nga sila Japo at Darren ee… walang anu-ano tulak kung tulak, brutal kung brutal!!! Pero si Sef… halatang hindi siya nageexert ng effort ee, super obvious na light lang siya maglaro… para bang… dahil siguro naiilang siya na babae ako…

He slightly placed his right hand sa may bewang ko, as in naka dapo lang, habang yung isa, yung kaliwa niyang kamay yun yung winawagayway niya para magbo-block saken. Magkadikit kami. My back was touching against his chest and well-built body. I could feel his warm breathe against the nape of my neck. Magkadikit kami. Balat sa balat. I felt a shiver ran down my spine at nawala concentration ko at na-steal ni Sef yung bola saken.

ANONG KALOKOHAN YUN ELLIE???? ANO YUN!!!! BAKIT NAGKAGANUN????

Hindi na ko nakagalaw sa pwesto ko, pinanuod ko na lang siya as he made another score. Punyeta!!! Ano bang nangyayari sayo Ellie!!! Lumaban ka naman!!! At least matatalo ka ng may kalaban-laban!!! Ipakita mo sakanyang MVP ka nung highschool sa intrams ng basketball women’s division. Ipakita mong kasama ka sa mythical five nung sports fest nun sa barangay niyo!!! LUMABAN KA!!! Ano bang nangyayari kasi sayo… tandaan mo… buhay mo ang nakasalalay dito!!! BUHAY MO!!!

Ee dios por santo santisima!!! Papano ko makakapag-concentrate ee kung yung kalaban ko ee ganito ba naman ka… ka ano Ellie?? Ka ano??? WWAAAAHHHH… Ano ng nangyari sa bandera ng mga kababaihan??? Bakit ba kasi naisipang gawin ng Dios si Eba at Adan!!!

Eba at Adan??? T-teka… TAMA!! Eba… oo, tama… babae ka Ellie!!! Babae ka!!! BUWAHAHAHAAHA… oo nga pala… DAHIL BABAE AKO… YUN ANG MAGPAPAPANALO SAKEN!!! HUMANDA KA SEF!!! HUMANDA KA!!!

HINDI PA TAPOS ANG LABAN!!!

To be continued.
♠ ♠ ♠
ATTENTION!! --- Guys, yung PART 2 ng Chapter na ito ee hindi ko pala na-ipost dito sa Mibba. Hindi ko pwede isingit... hindi pwede i-edit ee... so, para mabasa niyo, you can check out the following link.

MISSING CHAPTER <--- click to read.
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌