Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 28. Taxi

1:01 AM
Dimaculangan Residents
Sa mismong kwarto ni Ellie

Eleonor Malicsi Dimaculangan


I wasn’t aware na naaapektuhan din pala ng insomnia ang isang Eleonor Malicsi Dimaculangan. For about two hours now, all I do was to toss and to turn on my bed...for the same reason that I COULDN’T SLEEP!! NOT A BLINK!!

DEYM!! I know this. This is nothing but a trap!! Yes, a trap!! I’m sure. More than sure. Alam ko na kung anong nangyayari saken. This is what Miguel Josef Uy Monteverde wanted to happen... ito talaga ang plano niya from the very beginning!! ANG SIRAIN ANG ULO KO!! Aba, simula talaga nung nangyari sa Clinic nung Monday, hindi na ko nakatulog na maayos!! Ilang araw na kong puyat nuh!! Kaya pwede ba?? TIGILAN AKO!!

I covered my head with my pillow. NAIINIS AKO!! SOBRA!!

“GRRRR...” I mumbled irritably as I sat up. Mag-isip ka Ellie. Yep, THINK!! I took a deep breathe. Tama Ellie, wag mong hayaan na manalo si Sef. Wag mong hayaan na mangyari ang lahat ng pinaplano niya. Oo. Plano niyang lahat ito. Lalo na ang magkaganito ka!!

Wag kang papayag Ellie. YOU ARE NOT SUPPOSED TO FEEL THIS WAY!!

Inhale.

THINK!! GAMITIN MO ANG UTAK MO!! MAGISIP KA!!

Exhale.

YOU KNOW PERFECTLY WELL... THAT YOU SHOULD STOP THIS RIGHT NOW BEFORE IT CONSUMES YOU.

Inhale.

HINDI TAMA EE. SI SEF YAN!! SI SEF!! ANG MAYABANG NA ALASKADOR NA SI SEF!! Hahaha. Pero sa tuwing naaalala ko yung kinwento saken ni Ms. Elena, sa tuwing naaalala ko ang laging naka ngiti na si Sef... somehow... I could feel my heart melting away. GAAAAAAH!!!! TAMA NA!!! UTANG NA LOOB!!! DAPAT KASI... HINDI NA KO NAKINIG SA KWENTO NA YUN!!

“WAAAH!!” I howled in desperation.

Humiga ulit ako, kulang na nga lang ata isalubsob ko ang muka ko sa unan. Sa susunod, bibili na talaga ako ng SLEEPING PILLS!!
The next day
11:36 AM
Sara Felisidad’s Palace


“Hi SEF!!” Borge chirped excitedly habang papalapit na si Sef at Japo. Sabay na dumating ang dalawa. “Finally, meron ding mukang MODELO dito!!” Nasa malaking hardin sila ng palasyo ni Sara.

Sef smiled a greeting to Borge at sa lahat pa ng andun. He looked stunning even without trying. Lahat ng andun, the first thing they’ve noticed about Sef was his alluring perfume that was drifting through the air. Napaka bango talaga ng binata. Muka ngang pinapaligo nito ang isang bote ng United States of Beneton na pabango.

“Hi Jill!” Japo personally waved a hi to the long black chinita girl sitting quietly beside Meg. Jill sweetly smiled back.
“ Oh, bakit parang may kulang? Parang tahimik.” Japo then blurted out, looking from one face to the other. “Asan si Ellie?”

Sef also has the same question in mind. Asan nga kaya yung babaeng yun? At... asan si Max??

Sara then came, looking extravagantly beautiful in her cotour dress. Kasunod niya dalawang maids na may tig-isang dalang tray. Yung isa puro juice, yung isa naman cake and white pasta. “Is everybody here?” she asked excitedly.

Ken was there and boy was he surprised the moment his eyes landed on Sara. She successfully took the air out of him. Too bad, wala si Darren but Jill was there to notice the spark in Ken’s eyes.

“Wala pa, umalis ulit si Max ee.” Meg answered as she was handed a plate by one of the maids.

“Bakit, nakalimutan niyang maligo? He shouldn’t have bothered. Meron naman kaming shower dito nuh.” Mapangasar na sabi ni Sara. Basta pag dating talaga kay Darren, laging iritable ang mga sagot niya.

“Haha. Grabe ka naman. Susunduin daw niya si Ellie.”

“Wow. Lakas talaga ni Ellie kay Max!”
Biglang comment ni Japo habang nakatingin kay Sef na siyang nananahimik lang sa pagkain ng sinerve sakanyang cake. Kala mo walang naririnig ee.
Eleonor Malicsi Dimaculangan

Nakalimutan ko na Christmas Break na pala namin at dapat pala ee magkikita-kita kami ngayon sa bahay nila Sara. Nagunat pa ko bago ko napagdesisyunang tumayo sa kama ko at lumabas ng kwarto.

“At nagising din ang reyna...” narinig ko yung boses ni Eddy.

I looked down the stairs at nakita ko agad si Darren. “Oh, ano ginagawa mo dito?” I yawned.

“Sinusundo ka.” He said, rolling his eyes. At talaga ngang sinundo niya ko, dahil the next thing I knew ee nasa taxi na kami on our way kela Sara. Nakaupo kami sa likod pareho... at all through out nung byahe, walang ibang pinamumuka si Darren saken kundi ang pagsundo niya at panlilibre niya saken sa taxi.

“Ano bang meron at kanina mo pa binibida ang pagsusundo mo saken. Konti na lang talaga bababa na ko dito at magji-jeep na lang nuh!!!”


Darren grinned as he scratched the back of his neck. Hindi siya makatingin saken as he murmured, “Ee, kasi... meron sana akong sasabihin sayo... pero...”

I rolled my eyes. “Sinasabi ko na nga ba ee. Alam mo ikaw, minsan ka na nga lang gagawa ng kabutihan, may kapalit pa!!”

“Ee... kasi Ellie...”
he then blushed.

“ANO NGA?”
malapit na talaga kong mainis dito, kung hindi lang talaga niya ko nilibre ng taxi kanina pa siya nakatikim ng suntok saken. “Ano nga yun MAX?”

“Ellie...” He took a deep breathe na kala mo, sobrang mabigat yung sasabihin niya. Na para bang ilang beses na yang pinraktis sa isip niya linyang bibitawan niya. “Gusto ko sanang... MANLIGAW.”

Sorry, pero mejo slow processing ako ngayon. Kahit papano at the back of my head, nasa isip ko pa din yung kwento saken ni Ms. Elena about Sef.

I glared at Darren Max Sanchez. At ano naman ang kinalaman ko kung gusto niyang manligaw??? Sus mio talaga itong si Max. Ang sakit sakit sa ulo. Pati ako dinadamay.

Ee di manligaw siya, dapat ba KASAMA PA KO??

To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌