Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 34-2. Stuff toys & Ferris Wheel!

Sometimes the things you want the most don't happen
and what you least expect happens.



Eleonor Malicsi Dimaculangan


Ayoko sa lahat yung may mga nagtatanong sakin ng Ellie, okay ka lang? at mas lalong ayoko yung merong nagaalala sakin. Ayoko yung magsasabi ako ng prublema ko sa iba. Ayoko yung pabigat pa ko sakanila. Meron din naman silang kanya-kanyang iniisip, tapos idadagdag ko pa yung akin.

And most of all... ayoko sa lahat yung aamin akong... nasaktan ako.

Let me tell you a secret. I know the best and easiest way to cope up with this!! Wanna know how? Haha. Simple lang.

IGNORE IT.

Yep. Just ignore it.

Dun naman ako magaling ee. Wala lang toh. Parang kagat lang naman ito ng langgam ee. Tss. Kayang-kaya ko toh. Kaya nga ba sinasabi kong ITIGIL na toh habang maaga pa. Kita niyo na? Kung pinatagal ko pa itong kalokohan kong ito? Siguradong mas magiging malala ang resulta. See? I told you guys, MIND OVER HEART ang patakaran ngayon. Hahaha.

MIND OVER HEART.


Imbes na prublemahin ko si Sef... at isipin na iniwan ako ng ka-date ko... at damdamin ang pagiging CLOWN ko... aba, like I said, DEDEDMAHIN KO NA LANG. Sayang regalong ticket ni Japo kung di ko susulitin. Might as well enjoy myself. Kasama ko naman mga barkada ko ee. At ngayon, DAPAT MASAKYAN NAMIN LAHAT NG RIDES DITO SA E.K!!

Sumakay kami nila Japo sa Space Shuttle. Wahahahaha. Grabe, it was the best ride everrr!! Akala ko yung kaluluwa ko naiwan na sa itaas ee. “Isa pa!! Sakay pa ulit tayooo!!”I was telling them.

“Game ako!”Japo said.

“Gaaah, Ellie!” Meg whined, mejo namumutla siya. “I give up!! Ayoko na!! As in... marami pa kong pangarap!!”

“Jill, tara dali.”

Jill only gave me a small smile. Halatang nalula din siya ee. Ken has to offer her a bottle of water. Napatingin ako kay Japo, who was looking at Jill in return. Siguro gusto niyang siya magabot nung tubig dito. Haha. Kawawang Japo.

“Hay naku Ellie. Ano bang vitamins iniinum mo?”

“Oo nga, parang kelangan ko nun para sa mga soccer game ko.” Nico added.

I laughed. “Bakit Bea...” I trailed off, parang bigla kasing kumurot dibdib ko sa pagkakasabi ko nung pangalan na yun. Malaki naman ata ang pagkakaiba ni Borge at Bea. Mas di hamak na asal tao si Borge nuh!! Aaaahh... BASTA IGNORE NA LANG ELLIE!! IGNORE!! “Naku, tara na nga lang. Dun naman tayo sa malaking gulong!!”

“Sa Ferry’s Wheel.” Jill said.

“YEP!!” I grinned excitedly. “SA FERRY’S WHEEL!!!”

Max shook his head, napakunot noo ko sa kanya. Bakit siya umiiling? Bigla nanaman siyang umakbay saken tapos pinipisil ulit niya ang ilong ko. “Ikaw talaga...” Gigil niyang sinabi.

“Alam ko cute ako,” I told him habang sinusubukang kumawala sa mga galamay niya. “Pero wag mo naman masyadong ipahalata!!”

Max laughed at hindi niya lalo tinigilan ang ilong ko hanggang sa makasakay na kami sa Ferry’s Wheel.

Alam niyo, minsan iniisip ko, malakas talaga mang-joke si Lord ee. Mas magaling siya magbitaw ng mga punch line kesa kay Japo. Biruin niyo naman kasi, nakasakay na kami nila Max at Japo sa iisang cart nung Ferry’s wheel... okay na ee... as in okay na... but once the ride began, nasilip ko yung cart na kasunod namin. And guess what? Si SEF lang at yung baklang babae ang magkasama sa loob nun.

At that very moment, gusto kong magpaka-Superman!! Gusto kong lumipad at sipain papuntang outer space ang babaeng yun. Isama ko na din kaya si Sef? Pwedeng-pwede. Malawak naman sa galaxy ee, at siguradong there’s plenty of room para sakanilang dalawang mukang ALIEN!!

Teka Ellie, kala ko ba IGNORE?? Gaaaaad, and to make things a lot worse?? Bigla pa kaming huminto sa pinaka tuktok, magkatapat pareho ang carts namin.

DEYM!! Sino bang nakaimbento ng Ferry’s Wheel? Punyemas!! Pasasalamatan ko talaga siya!!

And then... my eyes met his. Nagkatinginan kami ni Sef. Hindi man lang siya nagkunwaring hindi niya ko nakita ee. AS IN TINITIGAN NIYA KO. Nanghina ako ee... kasi, ang sama ng tingin niya saken atchaka sa Patrick the Star na hawak-hawak ko. Grabe, gusto ko ng bumaba ngayon din!!

Asan ang logic ng lalaking ito?? At siya pa ngayon ang galit sakin?? Hindi ba MAS karapatan kong tignan siya ng masama? MAS karapatan kong magalit?? But then, I felt like a dying candle under his gaze. Parang kryptonite ang titig niya saken, and It’s making me weaker.

Nakalimutan ko, kahit nga pala si SUPERMAN marunong masaktan...

Bakit ganito? Sa tanan ng buhay ko... I never had a problem with what others think of me. I never gave a d**n about them. Tibo ako sa paningin ng karamihan? Fine. Tinawanan ko lang sila. I will never waste my time explaining myself to others. PASAWAY ako sa tingin ng mga professors ko? Compliment pa nga sakin yun ee. Pero yung ngayon... the idea of me being a CLOWN to Sef? Iba ee... shouldn’t it be easier if I just ignore it? And then I thought... kaya pala hindi madaling dedmahin kasi... hindi pala OTHERS si Sef. That explains why it hurts like hell.

Ako na lang ang umiwas ng tingin. I stared down on my feet and I felt my chest ached. IGNORE ELLIE. IGNORE!! KAYA MO YAN!!

I felt a hand rested around my shoulder, si Max. He pinched my nose again.“Oi.” He whispered in my ear. He placed a hand on my cheek and turned my head to look up at him and Darren Max Sanchez planted a soft kiss on my forehead.

Sa totoo lang, parang biglang gumaan yung loob ko. This wasn’t the first time Max did this. In fact, it was like a habbit for him whenever he sensed I am troubled about something. This is what I love about Max. Isa siya sa mga taong HINDI nagtatanong kung OKAY lang ako. He knew I hated being asked. Hindi man niya itanong. He just knew.

I’m glad I have a big brother to look up to.

He then grinned at non-stop na pagkurot ulit sa ilong ko!! Hahaha.

Si Japo naman, walang tigil sa kaka-picture nung view. Hawak-hawak kasi niya si Mr. Big – yung camera ni Borge.

And I realized, Sef was no longer looking at me either...


To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌