Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 37-5. Ellie's Chocolatey Buddy.

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Kapag ako nagkaroon ng chance na mabigyan ng super powers, siguro hihilingin ko na sana kaya kong mag-transport from one place to another. Siguro, hindi na din ako male-late kapag may powers akong ganun ano? Haha. Siguro, makakapag libot ako sa buong mundo ng libre. Ang cool nuh?? Siguradong pupuntahan ko kung nasaan man si John Lloyd Cruz... pero sa ngayon?? Parang... parang mas okay yung powers na katulad nung kay Superman para basag agad bungo ni Bea sakin!! Nyahahaha. Baka naman isipin niyo napaka brutal kong tao... actually, kahit ipahiram na lang sakin ni Panday yung espeda niya para putulin ko labi nung si Bea!! AMP!!

Ee diba ganun naman talaga ginagawa ng mga super heroes?? Ang puksain ang mga KONTRABIDA sa buhay nila!! Bukod sa mga minamahal kong propesor sa MUP, wala naman ng iba pang kontrabida sa buhay ko kung hindi itong si Bea Madrid!!

Nakakatawa naman ako!! Hahaha. Buhay na buhay pa si Bea, pero pinapatay ko na siya sa isip ko. Suddenly, gumana na ulit ang utak ko. And I realized... I can’t hate Bea just because she’s... well, expressive. Wala naman akong nakikitang dahilan para kamuhian ko si Bea. In fact, just by thinking about it, she did nothing to harm me in the first place. Kahit yung incident sa EK. I don’t think na meron siyang ginawang masama sakin. All she ever did was that... ang bumuntot kay Miguel Josef Uy Monteverde.

At hindi yung sapat na rason para hilingin ko na sana matamaan si Bea ng kidlat, o kaya na sana mamaga yung mga labi niya, o kaya sana matuklaw siya ng ahas o kaya mahulog siya sa kumunoy, o kaya...

Napabuntong hininga ako. Yung malalim. Haiiii...

May tanong ako...

Ano bang dapat kong maramdaman?

Ano bang dapat kong isipin??


Natawa ko sa mga sarili kong tanong. I felt so stupid!! Simple lang naman ang sagot ee, syempre WALA. Wala ka dapat maramdaman Ellie. Wala ka dapat isipin. GAAAAAD!! Remember yung strategy mo nun??

Dedma.

Ignore.

Act as if WALANG NANGYARI...

Pero... napangisi ako, minsan talaga, hindi pala effective ang strategy na ito... pano ba naman... alam kong WALA akong photographic memory... pero bakit ganito?? Kahit ipikit ko mga mata ko, the picture of Bea and Sef kissing back there, ang paulit-ulit kong nakikita. Animales!! Kulang na nga lang ata ee i-paint ko silang dalawa!! Daig ko pa si Mr. Big ni Borge nito aa??

Lumapit ako sa may mini-bar na itinayo sa may bandang gilid nung garden. “Isang tubig.” Sabi ko dun sa barista na nandun. Kelangan pa nga niya ulit tanungin sakin na tubig ang inoorder ko.

When all of a sudden, as if the angels knew na kelangan ko ng makakasama...

“Nakakailang bote ka na niyan Japo?” Narinig ko yung pamilyar na boses ni Borge sa may bandang kaliwa ko. Napalingon ako at nakita ko ang mga mahal kong kaibigan na sila Borge, Meg at Japo.

“Uh, di ko na maalala ee. Hahaha.”

Dali-dali akong lumapit sa kanila, at napansin ko kaagad ang namumulang muka ni Japo. Ganyan yung itsura niya kapag marami ng naiinom. Para siyang pinaliguan ng sampal sa buong muka sa pula.

“Ellie!” Tawag ni Meg.

“Oh, Ellie!!” Umakbay naman sakin si Japo, amoy na amoy yung alcohol sa hininga niya. Alam kong hindi pa siya lasing. Marami pang drum ng beer ang kelangan bago tuluyang tamaan yang si Japo. “San ka ba nanggaling??” Diba dapat ako yung nagtatanong nun?? AMP!!

“Jan lang.” Wala na kong balak pang i-elaborate ang ‘jan lang’ na sagot ko. “Ano yan? Bangag ka na ba?”

“Hindi pa uy!” He gave a laugh. “Actually, umiinom lang ako para pampalakas ng loob.” Gusto ko sanang asarin si Japo. Kaso naisip ko, parang sino ba ko para magsalita? Ee halos parang parehas lang kami ni Japo na na-torpe ngayong gabing ito. Biglang tinignan ni Japo yung bag ng cupcakes na hawak-hawak ko pa din. Napansin din ito ni Borge. “Hindi mo pa din nabibigay yang regalo mo kay Sef?”

Ee pano ko ibibigay, may um-extra na bakulaw kanina?? “Hindi ko pa kasi siya nakikita.” Oh c’mon, watta liar!! Hahaha. Parang sobrang active ng imagination ko ngayong gabing ito aa?

“Nakuuuu, kelangan mo din ata ng pampalakas ng loob ee.” Sabi ni Japo. Pootek talaga!! Sira ulo talaga itong si Japo kahit kelan!! Animales!! Kung alam lang niya, higit pa sa pampalakas ng loob ang kelangan ko. “Tara, i-inom na lang natin yan Ellie!!” He then shoved a glass of Vodka at me.

Hindi naman sa hindi ako marunong uminom. I do drink. Yun nga lang, hindi yung tipong kagaya ng inom nitong sila Japo, Borge at Meg. Madalas kasi patikim-tikim lang ako. Tinitigan ko muna ng matagal yung baso ng Vodka, naalala ko yung lalaki kaninang nag-offer din sakin ng inumin. Yun nga lang yung kanina parang mas mukang masarap tignan kasi kulay blue.

“Napaka bad influence mo talaga Japo!!” Nabulalas ko before taking the glass in one straight gulp!! Nag-inarte pa ko, iinumin ko din pala... hahaha.

“Wooohooo!!” Japo began to cheer. “DEYM!! Hahaha.”

“Ellie, dahan-dahan...” Borge reminded me, but she was too late para pigilan pa ko. Party ito diba?? I am supposed to have fun, to enjoy myself!! “Oh dali Japo!! ISA PA!!”

Napakamot sa ulo si Japo. “Seryoso ka? Ee, hindi ka naman...”

I smirked. Ewan ko ba at kung anong sumapi sakin at nasabi kong, “Heh, wag mong sabihing natatakot kang mapatumba kita??” Huwaw, heavy!! Biruin mong sa lahat ee, isang John Sy Crisostomo pa ang hinamon ko sa inuman!! Anakshuta!! Hahaha.

Hindi ko na maalala kung naka ilang baso ako ng Vodka. Basta nagkekwentuhan, kulitan at tawanan lang kami nila Japo, Borge at Meg. At maya-maya pa nga ee dumating si Nico na nag-abot ng regalo niya kay Borge. Akala ko nga may kasama si Nico... yun pala doble lang ang paningin ko.

After a while, may umakbay kay Japo. He excused himself at yun din ginawa ko dahil kelangan kong pumunta sa CR. Pag-tayo ko sa upuan mejo hindi ko nakuha yung balance ko. WOW. Ang bigat ng ulo ko. And my vision was starting to get blurry.“Ellie, okay ka lang? Kaya mo pa ba?”Tanong ni Meg as she caught me by my arm para suportahan ako sa pagtayo. Asteeg talaga itong mga toh ano?? Ginagawa kasi nilang tubig ang alcohol kaya hindi pa tinatalaban ang mga yan. Haha. Pramis!!

“Sandali, samahan na kita sa CR.” Borge offered.

“Sus. Wag na!” I declined her offer. Tumayo na ko bago pa siya makasunod sakin.

And so, I made my way papunta sana sa CR. Kaso kelangan ko pa ulit dumaan sa crowded area ng mga taong sayaw ng sayaw. Punyemas, ganito pala pakiramdam ng nakainom. Para kong may apat na mata at sobrang bigat ng mata at ulo ko. Grabe, nakakapagtaka tuloy kung bakit ang daming may gustong-gustong umiinom ng alak. Tsssk. Tapos bigla pa kong nasagi nung nasa likod ko and he nearly knocked me off balance. “Ahy sorry.” Nasabi nung lalaking nakabangga sakin at nahulog ko tuloy yung bag nung cupcakes sa lapag. Animales, hindi ko pala namalayan na pati ba naman papunta sa CR ee bitbit-bitbit ko ito. Tinignan ko muna ng matagal yung bag na nakahiga na dun sa lapag.

Sheet!! Tae naman talaga oh... kelangan ba talaga mangyari pa toh?? Duling na paningin ko ee. OH WHAT THE HELL!! I was about to kneel down to grab the cupcakes... pero may biglang pumulot nito. [color="#FF8C00"]“Ellie,” It was Darren Max Sanchez. Bilib din talaga ako sa perfect timing nitong gagung ito. Lagi na lang... bigla na lang siyang lumilitaw na parang kabute. Haha.

“Uyy!” Nasabi ko, tapping him at his shoulder. “Max.” Napahawak ako sa ulo ko. “Punta lang ako sa CR. Andun sila Borge o.” Nagturo lang ako sa likod ko.

Parang hindi ako narinig ni Max. Medyo nahihilo na ko to even notice the frown on his face. Suddenly, he placed a hand on my chin and he leaned his face closer against mine as he studied me closely - actually sniffing me was more like it. “Uminom ka?” He asked angrily, yung ilong niya sobrang lapit sa muka ko.

“Huh?” I frowned. Tama bang amuyin ako ng ganyan?? “Konti lang. Kasama ko sila Japo dun.”

“Kanina pa kita hinahanap.” He sounded like my older brother na handa ng pagalitan ako. “Oh,” He then handed back to me the bag of cupcakes. “Halika na nga’t iuuwi na kita.”

Natawa ako kasi parang iba yung pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Para bang iuuwi na niya ko sa bahay nila. Hahaha. Ano ko pasalubong?? Hahahaha. HUWAW Ellie!! Bangag ka na ata!! Kung anu-ano na pumapasok sa isip mo!!

“Wag na, wala akong tutulugan sa inyo.”

Smirking, napailing si Max. He took my right hand and without a word placed a small box on my palm. “Ayan, regalo ko sayo.” I stared at it for a moment, lasing lang ako pero hindi naman ako stupid. Kahit papano, alam ko pa din na lalagyanan ng singsing yung binigay niya saken.

I looked at Max and smiled. “Kaya pala balak mo na kong iuwi!!” It was the alcohol talking.

“Sira, buksan mo kasi.” He was glaring at me. Aaaawww... may regalo sakin si Max!! “Sige na nga!!” I excitedly opened it. Siguro dahil na din sa alak, ineexpect kong makita sa loob nun ee shining shimmering na diamond na singsing. Ee malamang, lalagyan nga ng singsing!! But to my surprise... mga ilang seconds pa bago nag-sink in... nakita ko PICK pala. Yung pang-strum sa gitara. Kahit doble-doble ang paningin ko... kahit papano I noticed that it was glossy black and my name in bright yellow was engraved on it. Ellie.

Para kong nahulugan ng BUKO sa ulo. For a fleet moment, I got my sanity back. Sweet naman ni Max!! He knew I’ve always wanted one of these. I was smiling habang pinagmamasdan ang sarili kong pick. Yeah, sarili. As in AKIN. Hindi ko na kelangan manghiram sakanya. Haha. Then I felt a heavy feeling in my heart... ako naalala niyang bigyan... pero siya??

I then realized... meron din akong isa pang hawak-hawak na regalo... yung cupcakes!! Yeah, yung cupcakes na niluto ko para kay Sef... Umalis ako sa bahay na dala-dala ito, wala naman akong balak na umuwi na dala-dala pa rin ang mga ito. Ee di sana, iniwan ko na lang pala sa bahay.

The picture of Bea & Sef kissing before me, flashed in my head like lightning. Ang isang Miguel Josef Uy Monteverde?? C'mon, i don't think he'll be needing these cupcakes anyway. Sa dami ng regalo niya?? Idagdag pa ang Raymond Welch na galing kay Bea?? Isang malaking joke lang ang cupcakes kong ito...

My hand reached for the ribbon na nagsisilbing lock nung regalo and I pulled it open. Limang cupcakes ang nasa loob ng bag na ito. Nag-effort akong gawin ang mga ito... mas maiging may mapagbigyan ako. I gave Max one genuine smile at naramdaman ko... I just knew... the moment was right... without second thoughts, without someone jumping in between, without anyone ruining the mood, without hesitation, & without doubt... I gave the cupcakes to Darren Max Sanchez.

TO BE CONTINUED.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌