Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 38-2. One Night Only?

THE NEXT DAY!!
Time: ???
Place: ???

Eleonor Malicsi Dimaculangan


Hmmmm... nakahiga ba ko sa ulap?? Haiii... I could feel everything around me soooo SOFT at sobrang bango... yung unan ko parang gawa sa bulak, para kong nakakumot ng bulak... maski yung mismong hinihigan ko parang bulak. Hindi din mainit, para kong hinihingahan ng malamig na hangin. Napangiti ako as I cuddled the pillow, gigil kong niyakap ito... ang sayaaa naman!! Kung ganito ba ang ang araw-araw kong panaginip ee, perfect na sana ang simula ng araw ko... haiii... kaso lang oras na para gumising ELEONOR!!

I slowly opened my eyes... I was aware that the soft feeling of cotton o nung ulap... andun pa din... I winced as the bright rays of the sun hurt my eyes. Sobrang nasilaw ako. Argh, at parang dahan-dahang sumasakit ang ulo ko. At para kong biglang binaril ng walang katapusang bala ng armalite... nanlaki bigla ang mga mata ko!! HUWAT THE HELL... kelan pa ko nagkaroon ng ganito kalaking kama?? Kelan pa ko nagkaroon ng mala-palasyong kwarto?? Higit sa lahat, kelan pa ko nagkaroon ng AIRCON??? Punyemas!!

Napa-upo ako and my heart was pounding like crazy as I looked around!! Wala akong kasama... I was alone... Dahan-dahang gumana ang isip ko... oo mag-isa lang ako dito sa... sa... TEKA... KWARTO TOH NI SEF AA??

My mind was racing... kung anu-anong imahe ang pumasok sa isip ko...Mmm-may... may nangyari ba... nanlalamig ang buong katawan ko. Did I... did we...??

ANAKSHUTANG ANIMALES!!! Sana naman gising ako nung ginawa namin yun diba?? Sana man lang may maalala ako kahit konti!! Nakakalungkot naman... pwede bang REWIND?? Para naman this time, GISING na ko!! Hahaha. TOINKS!!

Punyemas!! Kung anu-ano pang iniiisp ko!! I hurriedly jumped off the bed and I noticed I was completely dressed. Walang labis... (Sinilip ko yung loob ng damit ko), wala din namang kulang.

At sa lapag... napansin ko din yung bag ng cupcake na dala-dala ko kagabi... bukas na ito, wala ng laman... nakakalat sa paligid nito yung mga papel na lalagyan nung cupcakes... meron ng kumain ng mga ito... LAHAT, as in SIMOT!!

But what made my heart jumped was when I heard something... meron palang sariling CR ang kwarto na ito ni Sef. Meron tao sa loob nun!! As it turned out, hindi pala talaga ako nagiisa sa kwartong ito!! Punyemas... kinabahan ako!! Para kong nasa isang thriller na movie... Gusto ko ng makatakbo palabas sa kwartong ito... gusto ko ng lumayo sa mansyong ito!! GAAAAAAD!! I tiptoed my way towards the door... para kong tanga na ingat na ingat sa bawat pag hakbang ko...

Kaso lang... biglang bumukas yung pinto nung CR... I froze as my eyes widened trying to stick my EYES on Sef’s FACE!! OO, ANG HIRAP KAYAAAAA... LALO NA AT WALA SIYANG IBANG SUOT KUNG HINDI YUNG TUWALYANG DILAW NA NAKAPALIBOT SA MAY BEWANG NIYA!!

Parang nagaati-atihan ang puso ko, ambilis ng pag-drum nito... Hindi ko alam kung kinakabahan ako oh ano...

Sef stood there giving me his usual smug smile. Yung mayabang niyang ngiti... as if he was amused about something.“Ah, you're awake.” He said while drying his hair with another white towel.

Napalunok ako as he was walking towards me. “A-anong nangyari k-kagabi?” I couldn’t find my voice, napapalakad na lang ako patalikod hanggang sa tumama na yung likod ko sa pader. SHEET!!

Nakatingin lang sakin si Sef, nakangiti pa din... at sa unang pagkakataon... NATAKOT AKO SA NGITI NIYA!! There was something really different about the way he smiled... Kinakabahan ako!! Wala na kong nagawa for I found myself trapped.

“Let me think,” He said mejo malapit na siya sakin. Naaamoy ko na yung imported na shampoo niya. “Uhm...” He acted as if he was really thinking... “You were calling my name in your sleep.” The way he said it, para bang... tuwang-tuwa siya... para bang meron siya gustong i-point out... na para bang, NANALO siya in some game I don’t even know.

Dahan-dahang pumanik ang dugo ko sa muka ko, and I knew I was blushing like crazy!! Naiimagine ko ang sarili ko habang tulog kagabi... and I couldn’t believe na TINATAWAG KO ANG PANGALAN NIYA!!! SHEET!! Totoo ba yun?? HINDI PWEDE YUN!! HINDI TALAGA...

But something clicked... naalala ko si Em-Em nun... remember nung ginising ako ng kapatid ko one time, and she was asking me kung sino si MIGUEL??? Kasi... kasi... tinatawag ko daw habang tulog ako!! (REFER TO Chapter 4: No ID, No Entry!)

WAG KANG MAGPAPATALO ELLIE!!! EASY KA LANG!! EASY!!

“Huh, don’t be so sure of yourself Mr. Monteverde!!” I tried to sound angry kahit na sa loob ko gusto ko ng himatayin right on that spot!! “Hindi lang ikaw ang nagiisang MIGUEL sa mundong ito!! Aba, hindi mo ba alam? Miguel din ang pangalan ni John Lloyd sa ---”

He laughed right on my face. “You’re blushing.”Kailangan ba talagang SABIHIN ang obvious?? Punyemas!! Ngayon ko na talaga kailangan yung SUPER POWERS na mag-transport papaalis dito!! WWAAAAAHHH!!! Ano baaaaah!!! ELLIE!! DIOS MIO!! GUMAWA KA NG PARAAN!!

“Gusto ko ng umuwi, so if you’ll excuse me...” Yun na lang ang nasabi ko as I tried to walk pass him.

But then... Sef's face turned rather serious. His eyes looked unblinkingly at me. And to my surprise...

He pressed me against the wall. He was dripping wet and I could see the beads of water running from his face down to his chest. He looked like a god who suddenly decided to set foot on earth. Sweet Jesus! Ano pa bang hahangarin ko?? This irritating guy who looked like some Greek god was only clad with a piece of towel... and his face was moving closer against mine.

Hinga Eleonor!! Hinga!!

"I can't believe this."He scoffed."You are falling in love with me!" he said with an evil smirk plastered all over his god-like face.

Alam kong nangaasar lang siya, but my face wouldn't stop from blushing nor my heart couldn't stop from beating wild.

THERE IS NO WAY IN HELL...

NO WAY AT ALL...

THAT AN ELEONOR MALICSI DIMACULANGAN COULD FALL IN LOVE WITH THIS LOATHSOME GUY!!!


Mapanot man ng tuluyan si P-noy!!! Tumangkad man lahat ng unano sa mundo!! Kahit manganak pa ng baboy ang manok!!!

WHAT HE SAID,

COULD NEVER EVER HAPPEN!!!


TO BE CONTINUED.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌