Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 40-5. Big BAG Theory!

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Parang... parang...fairytale.

Wow. Yan na ata ang pinaka weirdest na nasabi ko!! TOINKS. Pinaka na nga, weirdest pa.

Ellie, hello... you don’t believe in fairytales!! I know... kaya nga ‘parang’. I mean nakaka in love kasi yung lugar... as in yung lugar, not the person I am with okay? Tapos... uhm, Sef and I were just walking around, talking about random stuffs tapos si Chow-Chow naka buntot lang samin... Somehow... everything... just feels right... seems right...

Para bang sana, wag ng matapos toh... haha. Ano yan? Lalakarin niyong dalawa ang buong hacienda ng Tita ni Sef?? Kontrabida ka talaga Ellie!! Ngayon lang ata ako nakaramdam ng ganito... yung parang hindi matapos-tapos yung ikikwento ko sakanya... parang, kahit magdamag kaming mag-usap... o kaya kahit... tahimik lang naming libutin tong hacienda, okay lang... Sheet Ellie. And weird mo talaga!! Epekto ng mapait na lunch?? Kinikiliabutan ako sa mga sinasabi mo ee!!

Pero... Hm. Fairytale huh. Siguro para kaming Shrek. Teka, fairytale ba yun? Chaka, ang ganda ko naman para maging ogre. Sige na nga, hmm... Frog and the Princess na lang. I remembered my dream last time. Yung naging isang malaking giant na palakang Sef si John Lloyd? Haha. Yung malaking berde na palaka na fresh pa from putik... Kikiss ka dun Ellie? Ew. Eerrr... Beauty & the Beast na nga lang. Syempre si Sef yung Beast!! Perfect. Hahaha. At ako si Beauty?? Ew. Di bagay. Parang kabayo ang dating. Beauty.

Shocks kung anu-anong naiisip ko. Pa fairy-fairytales ka pa kasing nalalaman. Ano yan, kayo si Romeo at Juliet?? Ellie, umayos ka!! U-MA-YOS KA!! Oo, oo... alam ko... haha. Gusto ko lang naman i-enjoy ang araw na toh lalo na’t... LAST NA TOH!! As in huling Sabado na. Haha. Pagkatapos ng araw na toh... Tapos na lahat... tapos na ang lokohang ito... tapos na ang LARONG ito... ang pustahan lang naman na to ang siyang dahilan kung bakit ko pinagtiya-tiyagaan ang lalaking ito ee. Ows, kaya pala ayaw mo ng matapos ang paguusap niyo?? Hmp. SHATTAP!!

Sef took me near the lake. “This is my most favourite spot.” He opened his arms wide na kala mo pwede niyang yakapin yung lawa.

Dinala niya ko sa isang malaking puno na merong nakasabit na malaking duyan na gawa sa banig!! Agad ko namang inangkin yung duyan, humiga ako dun na kala mo ako si Cleopatra.

WOW!! This is what I’m talking about!! Super relaxing... okay talaga dito. Kahit ata tawasin ako ni Sef parang ayoko ng umuwi. Okay naman sakin kahit araw-araw ko pang kainin mga luto ni Tita Yolanda. Umaga, tanghali, hapunan. Teka, diba nakakababa ng dugo ang mapapait? Hindi kaya mawalan ako ng dugo nun??

Sef then took a seat sa may paanan ko. “Grabe,” he said, looking at my...WAIST!! Na-conscious tuloy ang lola niyo. Kita mo toh, lumalabas nanaman ang pagiging manyak niya. “San mo ba nilalagay ang lahat ng kinakain mo?”

Natawa ko sa tanong niya. I grinned sheepishly at him. “Bakit, sexy ko nuh?” Sabay tawa ng malakas.

“Pwede na din.” He made a face of slight disappointment. “But still,” He smiled at me, umiiling. “...definitely still not my type.” Ah, ang kapal!! The nerve!! Ggggrr... Feeling naman niya type ko siya!! Kahit maghubad siya sa harap ko, hindi ko pagiintresan ang katawan niya. Ows, talaga lang Ellie aa? Baka kainin mo yang mga sinabi mo!! Hahaha. Ehm, ok... sige na nga, slight lang.

“Pero, serious question, Ellie...” Nakangiti pa din siya, but there was a different spark in his eyes when he looked at me. Like he was... serious. Yeah, tingin pa lang yan and it made me blush a little. Sheet. “Just, curious... Tell me, na... na inlove ka na ba?”

Pakiramdam ko mas lalo akong namula sa tanong niya and answering his question was like going naked in front of him. Mag-best friend nga tlaga si Japo at Sef. Pareho silang SIMPLENG CHISMOSO!! Kaso lang... parang masyado ata akong nacarried away sa killer eyes ni Sef that I unconsciously whispered sa napaka hinang boses, “Naiinlove pa lang.”

“Huh? What was that?”

“Ah... eh...” Oh dios por santo santisima!! Parang bigla akong nanlata. Nasabi ko ba yun ng malakas?? Anashutang animales!! WHAT THE FCK WAS THAT ELLIE?? Anong kahibangan yan!! Na-naiinlove pa lang?? Where did that come from?? Parang kahit ako... nagulat sa sarili ko!! Humanda ka Ellie... magkakaharap tayo mamaya!! “Sabi ko... sila naiinlove sakin, hindi ako.” Good. Haha. Excellent!!

Well, technically... may pagka... totoo naman ang sinabi kong yun ee. Haha. Mali lang yung SILA na word. Kasi, I was referring to only ONE guy na na meet ko nung highschool pa ko. Matagal ng nangyari yun, pero yun na ata ang pinaka malapit sa lovelife na nagkaroon ako. Hahaha. Hndi ko alam kung tamang lovelife yung term... Basta, kayo na lang ang humusga!!

Actually, parang... friend... ah hindi, hindi, pinsan ata ni Pepita yun... basta, kilala yun ni Pepita... kasi siya nagpakilala sakin dun sa lalaking yun. Nerd kasi, makapal ang glasses, may braces... mabait naman, sweet at matalino, syempre kasi nerd nga. May nerd bang bobo Ellie? Aah, basta... to make the story short, high school pa lang, tamad na ko sa pag-aaral. Kaya naman, lagi kong hinihiraman ng notes ang nerd na yun... Oo na, sige na... ako na ang USER!! Haha. Pero kasi, nung minsang nanghihiram ako sakanya... sinabi niya sakin, ‘Ellie, m-m-may g-gusto s-sana a-akong itanong s-sayo.’ Ako naman si gaga, sumagot naman ng ‘S-sige l-lang.’ Atchaka sinabi ko din na basta wag tungkol sa lessons namin nung araw na yun yung tanong. He nodded and out came the words na sobrang ikinainis ko. Hindi ko alam, basta kumulo ang dugo ko nung sinabi niyang, ‘Pep-pwede bang mm-a-manligaw?’ Simpleng tanong, simpleng sagot lang din ang binigay ko sakanya. ‘Kung ayaw mong magpahiram ng notes, edi wag!! Hindi yung kung anu-ano tinatanong mo!! PAKYU KA!!’ Actually, hindi lang natapos sa pakyu yun, pinaulanan ko pa siya ng samu’t saring MURA. Yung malulutong. Yung tipong babaunin mo pa sa bahay kasi sobrang crispy. Hahaha. Naabutan nga kami ni Max nun ee, he was the one who pulled me away from that nerd. Nung mga oras na yun, hindi ko alam kung bakit, pero galit na galit ako. Kamuntik ko pa nga siyang pauwiin ng duguan. Pakiramdam ko kasi, he was making fun of me. Matino kong hiniram yung notes niya tapos ganun yung ibabalik niyang tanong. Gosh. Konting respeto naman diba?

Okay, ako na. Sige na, ako na ang WALANG PUSO’T DAMDAMIN. So, ano, sweet ng lovelife ko nuh? Segundo lang nabuo, segundo lang din natapos. Hahaha.

“Teka, bakit parang linya ko yun?” Sef then asked, smirking. “Sayo? May naiinlove?” He sounded like it was the most impossible thing in the world. Grabe naman ‘tong lalaking toh, maka-react o!! Sana sinampal na lang niya ko!! Hmp. I glared at him, in my mind tinutubuan na siya ng sungay at buntot.

“Oo, hindi lang ikaw sa mundong ito ang may TANGA-HANGA!!”

Instead of arguing back, Sef gave a laugh. Ayan nanaman... siya lang talaga tong tawa ng tawa sa kahit anong sinasabi ko. Sabihan ko kaya siya ng I love you, tawanan pa din kaya niya ko? Haha. MALAMANG!! But what came out from my lips were far from I love you, cause a crazy idea suddenly came over me. “Sef, pano kaya kung tumalon ako ng hubo’t hubad jan sa lawa?”

Grabe, FOR THE WIN ang naging reaction ni Sef. His eyes widened, at napansin kong pumapanik ang dugo mula sa leeg niya up to his cheeks. He was suddenly all flustered. Hahahaha. Oh e di hindi siya makatawa?? Ahahahaha. “Are you crazy? Hindi ka nga marunong lumangoy ee!”

I rocked into bits of laughter na halos maiyak na ko. Kita mo toh, so, kung marunong pala akong lumangoy he would simply let me jump in there naked? “Hahahaha. E di sasagapin mo ko!!”

“Ano ka? Hindi kita sasagipin!!” He then raised a brow at me. “Sandali, you’re changing the topic. Hindi mo pa din sinagot yung tanong ko ee.”Bigla na siyang humiga sa tabi ko, he folded his left arm para gawin niyang unan. Shocks. I felt terribly conscious. Naamoy ko kaagad ang pabango ni Sef. Dios ko talaga tong lalaking ito. Kung maligo ng pabango!! Haha.

Teka, ee bakit ba gustong-gusto niyang malaman?? Hmm... ee sinagot ko naman na... di ko kasalanan kung binge siya. Pero... siya kaya? Ano nga kaya talaga nangyari sa kanila ni Lianne? Bakit sila nag-break? I bit my lower lip, curiosity suddenly taking over me. Kaso, hindi ko alam kung papano itatanong without actually sounding too interested about them and without actually letting him know na alam ko yung tungkol sa kanila ni Lianne. Baka mapa-layas pa ng wala sa oras si Yaya Kusing kapag nalaman niyang chinismis siya nito sakin.

“Ee bakit ka ba tanong ng tanong?” I asked irritably. “Bakit ikaw ba? Siguro hindi ka pa naiinlove ano?”Good question!! That should trigger it...

“Well...” He then stared up the sky, his eyes looking serious and distant like he was seeing something – or maybe, someone – na hindi ko nakikita sa mga ulap. Nagre-reminisce siguro siya. Ang galing mo Ellie... your question triggered a memory of Lianne. Haha. Bravo!! Kaso lang, na-glue yung mata ko kay Sef. “Once.”I felt the pain in his voice. At parang gusto kong magsisi at nagtanong pa ko. “J-just once.”

Yung itsura ni Sef... it was the same look he had nung pasko na narinig kong kausap niya si Lianne.“Once?” I repeated. Hindi ba pwedeng twice? Ako na lang yung pangalawa. “E...A-anong nangyari?”

“It just didn’t work out.” He let out a deep sigh. Grabe... hindi ako makapaniwala... si Sef ba tlaga to?? Parang... gustong-gusto kong makilala si Lianne. Ano bang ginawa niya para magkaganito si Sef? “Sigurado, if you meet her... magkakasundo kayo.”

Hindi din.

Hindi siguro.

“She’s a great cook. Tapos ikaw naman, a great eater. Haha.” He laughed... but his eyes tell otherwise... obvious at confirmed, mahal pa din talaga niya si Lianne.

O, ayan Ellie. Alam mo na, wala ka talagang pag-asa sa gagung yan. Teka nga... So? Edi wala. Hindi ko naman kelangan malaman yun. Ayan kasi napapala, chismosa ka kasi!! Animales ka!!

“But it was all over.” He then said, propping up his head in one hand so he was facing down on me. Nagbalik na ulit yung ngiti niya, yung mapangasar niyang ngiti. “Your turn.”

Napalunok ako. Dios ko naman diba? Tamang gumanyan?? “Huh?” Okay, nakaka pang SLOW ng braincells si Sef.

“Seriously? Hindi ka pa naiinlove?”

Ang kulet. Kailangan talaga pa-ulit ulit?? “Hindi pa nga.” I answered him with a frown. “Wala akong panahon sa ganyan!!”

He just stared at me parang ina-absorb niyang maigi yung sagot ko. “Kahit na...”Seryoso yung muka niya, seryoso yung mga mata niya... napalunok ako. Kahit na ano? Bilis... antagal... ituloy mo na!!

Kaso bigla namang tumahol si Chow-Chow. Pumaikot-ikot ito. And when Sef and I were still frozen staring at one another, bigla ng pumanik si Chow-Chow sa duyan so as to get our full attention.

“Okay, okay.” Sef told the dog in defeat. “Come on. Get down boy!”

“Bakit ano yun?”

“Gutom na yan.” Sef said, already standing up. “I’ll just go get him inside.” Gusto ko sanang umapila. T-teka lang... may sasabihin ka pa diba?? Tuloy mo muna Sef!! Simulan mo ulit, dali... Ka-hit na... “Di toh titigil, kukuha ko muna ng pagkain, Ellie.”

“Mabuti pa nga.” Naman... pa-bitin pa oh!! RRrr...

To be continued.
♠ ♠ ♠
Pahabol ni Eleonor Malicsi Dimaculangan --> Ngayon alam ko na kung anong pakiramdam ng binibitin... sisihin ang AUTHOR!! SUNUGIN!!

HAHAHAHA.