Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 40-8. Big BAG Theory.

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Nagsisisi si Sef, that I am sure of! Hindi na niya kelangan sabihin, ramdam na ramdam ko. Maybe he was thinking that he shouldn’t have risked jumping off the dock... nasira pa tuloy ang precious watch niya na bigay ng one and only EX girlfriend niya!!

Bakit? I didn’t ask him to dive in there to save me in the first place!! In fact, si Chowee pa nga itong una’t huli kong tinawag!! But then... on second thought, dapat lang talaga na sagipin ako ni Sef, aso nila dahilan kung bakit ako kamuntik ng sumakabilang buhay nuh!! Ayon sa batas, liable sila sakin due to negligence!! Oh diba? Base on law na yan!! Haha.

Atchaka, sandali nga! Bakit ba AKO sinisisi niya?? Sino ba naman kasing tangang hindi nagtanggal ng relos bago tumalon sa lawa diba?? Tapos sakin siya galit na galit!! GGGRrrrr... Tapos tingin pa niya sakin suicidal ako!!

Ako? Hello, I’m a big fan of LIFE. I live it. I love it. I enjoy it!! Syempre, ako pa!! Haha.

Naiinis ako sakanya... alam niyo yung parang sasabog ka sa inis pero hindi mo ma-express kasi hindi mo alam kung pano??

But then, naisip ko... pano nga naman kung LAPTOP ko yung nasira? Feeling ko hindi ko kaya yung ginawa ni Sef na nag-walk out lang. Pakiramdam ko nun, magwawala tlga ako. Magdidilim ang paningin ko... sasabog ang lahat ng hindi dapat sumabog!! RRRAAAAHHH!! Hahaha.

Yeah. Sa tingin ko naiintindihan ko yung nararamdaman ni Sef. Importante sa kanya yun... pero... hindi ba ko mas mukang importante sakanya?? Ehem... ibig kong sabihin... RELOS lang yun. Kung baga in elementary terms, non-living thing yun. AKO? AKO NA LIVING THING ang dapat niyang pahalagahan!! Ako nagsasalita, kumakain, natutulog... at higit sa lahat... NALULUNOD!! Haha. Hndi kagaya ng relos na yun na pwedeng PALITAN!!

Pinagbuksan ako ni Butler George ng pintuan and as I entered, nakita ko agad yung Tita ni Sef. She was standing by the stairs, hawak-hawak yung tungkod niya. “What’s the commotion all about?” Parang napatigil ang lahat ng tao sa buong mansyon, lahat ng maids at mga katiwala... oo, pati lahat ng lamok na lumilipad, mga langgam na nagtatago sa mga suluk-sulok... pati nga ata oras biglang napatigil just by hearing Tita Yolly’s voice.

Sef,on the other hand, was at the foot of the stairs, papanik palang siya.“Just a little accident in the lake, Tita.” Halata pa din yung pagiging BV sa boses niya. Napansin kong hawak-hawak pa din niya yung relos na bigay sa kanya ni Lianne na kakasira ko lang. Oo, inaako ko na ang kasalanan, kahit na hindi nman talga dapat!!

I then clutched tighter onto the towel wrapped around me. I was slightly shivering. Parang whiplash na bumaling ang mga nakakatakot na mata ni Tita Yolly sakin. “Hm, I see.” She raised one eyebrow and her lips were in a thin straight line. “You.” A-ako? Ako daw? Napaturo nga ako sa sarili ko ee. “Follow me.”

Napatingin ako kay Butler George, who gave me a look of fear. Kahit yung mga maids na naka-witness ee kabadong tumingin sakin. Parang sila tong biglang natakot. Yung para bang, sesentensyahan ako ng kamatayan at parang huling araw ko na sa planet Earth. Sef stood frozen by the stairs, I could feel his angry stare on me pero pinili ko na lang na wag siyang tignan as I ascended up the stairs and walked behind his aunt.

Tahimik lang akong sumusunod sa likuran ni Tita. Sheet Ellie. Tlagang kinarir mo na, TITA na tlaga ang tawag mo!! Haha. Even though I was a good distance behind her, amoy na amoy ko yung pabango niya. It was sweet, pero may pagka matapang sa ilong. We walked in silence, ako naman nakikiramdam lang... at ang natatanging naririnig ko lang were our footsteps and the clicking of her cane against the marble floor.

Mejo bata pang tignan si Tita. Nakakapagtaka nga kung bakit kelangan pa niyang gumamit ng tungkod. Siguro style yun. Haha. Her brownish hair was in a tight bun. Kahit nakatalikod siya, I could see her skin na sobrang flawless... ni wala ngang kulubot o wrinkles ee. Siguro gumagamit siya ng age-defying ng Olay. Hahaha. O kaya customer siya ni Vicky Belo.

Isang mahabang hallway yung nilalakaran namin, compared nga sa bahay ni Sef... this mansion could actually be mistaken as a five star hotel in itself. Dios ko ang layo ng isang kwarto sa isa’t isa. May velvet na carpet. The design of the entire place has a touch of elegance and style.

Tita Yolly led me to a room na soooobrang laki!! No, exaggeration but I think kasya ang lahat ng mga Malicsi sa kwartong ito. Sana nga dito na lang kami nag Christmas party nun. Kahit mag-patentero o mag-langit at lupa pwedeng-pwede. There’s plenty of room para magsama pa ng alagang elepante. Hahaha.

Tahimik lang ang Tita ni Sef even as we entered. Dire-diretso lang siya sa malaking wardrobe niya at meron siyang hinahalungkat. Ako naman, nakatayo lang dun, basang-basa pa din. Dios ko, balak ba niya kong patayuin na dito??

Aside from the size of the room, the next thing that completely got my interest was the family portrait hanging by the wall. I found myself staring at it. Tatlong tao lang yung nasa painting. Yung sa tingin kong ama, ina at yung nag-iisang anak na lalaki.

By the way the father smiled, I could conclude that he’s a humble kind man. He has strong appealing features, matangos ang ilong, at may pagka-grayish ang mata. He was standing behind his spouse, at naka-hawak ito sa balikat ng kanyang anak na lalaki, looking all proud to his son.

The son, however, appeared around ten or twelve years of age. He has the same eyes like his father, pero hindi masyadong mahahalata kasi kelangan pang titigan dahil sa kapal ng eyeglasses na suot-suot nito. The son’s shoulders were slightly hunched down but still he gave a small shy smile.

Last but not the least... the mother... she has long curly hair, brown rounded eyes and thin lips that are coiled up to a sweet, genuine smile. Parang hindi ito marunong magalit, yung tipong hindi marunong mag-sungit. Tinitignan ko pa nga lang yung smile niya parang nakakahawa na ee. Tipong mapapa-smile ka din sakanya.

Napangiti ako. Naisip ko kasi... ano kaya itsura ng family portrait ko pag nagpagawa ako twenty years from now? Haha. At naimagine ko, ako yung nakaupo sa pwesto nung babae sa painting, may hawak-hawak na baby. Tapos sa likod ko... ang nakatayo... si SEF, may hawak-hawak din siyang isa pang baby namin!!! PPppffffttt... hahaha... Loka-loka ka talaga Eleonor Malicsi Dimaculangan!! Nakita mo ngang galit sayo yung tao ee...

“Done already?” Biglang sabi ni Tita Yolly sakin. “Ay, tokwa!” Napahawak ako sa dibdib ko. Nagulat naman daw ako... Pero t-teka nga... My eyes darted from the painting to Tita Yolly. Parang naglalaro lang ako ng SPOT THE DIFFERENCE!! Hahaha. SURE AKO. SIYA YUNG NASA PICTURE!! Weeeeh? Oo nga, and the difference was that yung nasa painting mukang ANGHEL!! Then Ellie... that means... yung nasa harap mo ngayon...

INAY KO PO!!

Tinignan lang ako ni Tita Yolly at napalunok ako. Her eyes were lethal. Her thin lips twitched downward. This woman standing before me was the exact contrary of everything the painting portrays her to be.

Without blinking, inabutan niya ko ng damit – jeans and a shirt. Mali ka Ellie... see? Mabait pa din naman pala ee. Binigyan ka ng damit pampalit!! Hahaha. “Ah, s-salama--”hindi ko pa man tapos ang pagpapasalamat ko sakanya bigla na siyang nagsalita as though she doesn’t really want to hear my thanks.

“You don’t look like a stupid girl to me.” Uhhh... It took a second bago ko na-absorb yung sinabi niya. Grabe naman mag-compliment itong tita ni Sef... kelangan pang negate the negative para maging positive. Pwede niya na lang namang sabihing You looked like a smart, intelligent girl to me. Pero hindi ee, talagang kelangan pang gumamit ng STUPID!! “So, I assume you already know.” Wala man lang preno... wala man lang PAUSE... dire-diretso lang siya. “You’re not good enough for Josef.” She gave me an evil grin. “And, sweety...You never will be.”

Pakiramdam ko tinamaan ako ng kidlat. Para kong sinampal ng walang kamay na dumadapo saking pisngi. Her words were sharp and it pierced right through me. Para siyang nagpsabog ng granada. Kung baga sa gyera... na-ambush ako... parang gusto kong sumigaw ng, SOLDIER DOWN, SOLDIER DOWN!!

Pero mas masarap isiping napo-possess lang itong babaeng nasa harap ko kaya niya nasabi yun!! Hahaha.

Oo. Alam ko... ako yung tipong kahit kelan walang pakialam sa iniisip at sinasabi ng iba. I know... easy ka lang... I have my reasons... siguro dahil alam ko sa sarili kong TOTOO yung sinabi niya. Actually siguro nga... matagal ko ng alam, hindi ko lang kayang i-admit sa sarili ko.

Animales, hindi ako sanay na nagiisip ng ganito!! Parte pa rin ba ito ng after shock ng pagkalunod ko?? AHHH. EWAN!! MASAKIT KA NA SA ULO ELLIE!!

I forced a smile.“Haha. Oho naman tita. Hindi niyo naman po kailangan sabihin ang obvious.” I chuckled. Oo, Ellie... itawa mo lang. TAWA.

“Good.” Tita Yolly nodded once. “Good thing we’re on the same page. The driver will get you home.” With that, Tita Yolly pointed her cane towards the door which only meant one thing – she wants me to leave the room.

I was still smiling as I turned my back to leave.

Ellie... Remember our little technic?

DEDMA.

Oo, Ellie... poise. DEDMAHIN MO LANG... kahit pakiramdam ko... I would break any minute now. Masakit pala... masakit pala marinig yung TOTOO sa iba... the truth that I was denying from myself all along.

Parang dahan-dahan kong naramdaman yung bigat ng mga pangyayari sa buong araw na toh. Parang meron akong pasan na isang malaking BAG na punong-puno ng kamalasan.

I started this day feeling all excited... but that excitement turned to five hours of hell while I was waiting for Sef sa Starbucks. Tapos I got terrified for nearly drowning to death, yung parang pakiramdam ko magtatapos na lang ang lahat-lahat ng ganon... tapos si Sef naman nagalit sakin at sinisisi ako sa pagkakasira ng relos na binigay sakanya ni Lianne... and here I am now in front of the woman version of Hitler, basang-basa at punit-punit pa ang damit, dinaig ko pa nga ata si Sisa sa itsura ko ngayon...

Now, somebody tell me... Who wouldn’t feel like crap?!

Sheet Ellie!! Sheet talaga!!

Ellie, hindi ka superhero. Wala kang super powers!! It’s okay to admit... nasasaktan ka.

To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌