Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 46-1. C'mon & Get Me!

AUTHOR'S NOTE: Hello guys, I would like to inform you na nilipat ko na pala sa ibang site ang LOVE-NAT. I'll be posting its LATEST CHAPTERS in this link -- NEW SITE Don't worry, hindi niyo na kailangan mag-register or mag-login para ma-access yung page. Pwede na rin kayo mag-comment ng hindi nagre-register. EVERYONE'S WELCOME sa site na toh!!

*P.S. - Pwedeng ipost ko pa din dito yung mga chapters, pero wala ng mga COLORS & all. Isa yun sa mga reasons kung bakit ko nilipat ang Love-Nat ee, ang hirap kasi mag-lagay ng codes dito sa Mibba.
Sara Louisa F. Dela Rama

I sat beside Meg, Jill and Ken on the bleachers at sa baba namin sila Japo, Borge & of course, Ellie. I have no idea what made me go watch the game, despite the fact that Max decided not to come. Everyone around me was screaming and cheering their lungs out. Yeah, everyone – except me that is.

Okay. I know I’m a spoiled brat. I don’t mean to exaggerate but my name alone can move a mountain if I wanted to. Meaning? I always get what I want. Always.

But this… with Max? This is killing me!! It’s like that annoying feeling na parang nagsho-shopping ako and saw the bag na sobrang tagal ko ng gustong bilin only to find out that my credit card already reached its limit and I don’t have any cash with me kaya hindi tuloy mapasakin!!

I wasn’t paying attention to the basketball game. I don’t care much about winning, or whether Nico made a three point shot or whatever. All I could see was Ellie, who was standing up on her seat and started screaming like a crazy fan girl. Nakapag-improvise na din agad siya ng sarili niyang drums. She got herself two empty bottles of water and she’d hit it together, making a vivid noise.

“GO NICO!! GO MUP!!” She cheered, grinning excitedly like a little girl. I wonder where she could get such energy. She’s always hyped up and full of vigour. Partida pa daw, masakit ulo niya’t may hang-over.

I looked around, wala bang naiinis sa kanya? She’s blocking the view ng lahat ng nanunuod sa likod niya. Shouldn’t anyone scream at her and tell her to shut up? But to my surprise, yung ibang tao sa likod, gumaya na din kay Ellie, bawat isa may hawak-hawak ng sarili nilang bote ng tubig.

And, that’s Ellie… the girl who always does what she wants.Pano kaya niya nagagawa yun? She’s just always being herself.

Argh, this is pathetic!! What am I even thinking? I suddenly felt sick.

Sara… will you snap out of it!! You’re talking about Ellie here!! Si Ellie yan!! Si Ellie and not just some random girl. Si Ellie na hindi ka iniwan nung times na may problema ka! Si Ellie na handang makipag-away sa kahit kanino just to protect her friends. I know, hindi mahirap pakisamahan yang si Ellie. She’s unique and special and all. And maybe, I couldn’t blame Max if he has feelings for her. But then… sheesh, this is just plain dumb Sara. How can you possibly be comparing yourself with your friend?

I looked away from Ellie. I must be going crazy!! Ito siguro epekto when Max is being a jerk!! Besides, I I know I shouldn’t just jump to any stupid conclusion!! Pinangungunahan ko masyado si Max.

Right. Hindi pa huli ang lahat. Tulad nga ng laging sinasabi ni Ellie, If there’s a will, there’s always a way!!

Sara Louisa Felisidad Dela Rama, remember, you always get what you want!!

DO SOMETHING!!

GO AND GET HIM!!
Eleonor Malicsi Dimaculangan

“Mas lalo lang sasakit yang ulo mo kapag hindi ka sasama!!” Yan ang sinabi sakin ni Borge to convince me to go with them. Kita niyo naman kahit sa pag-upo hindi nila kong dalawa tinantanan ni Japo. Pinagitnaan pa talaga nila ko dito sa bleachers ng gymnasium ng NEW University, baka daw kasi tumakas ako. Sa mismong school nila AJ ginanap itong game ee.

“GO NICO!!! GO MUP!!” I screamed na kala mo wala ng bukas. Totoo nga sinabi ni Borge, nakalimutan ko yung sakit ng ulo ko the moment na nag-simula yung game. Di naman masyadong halatang adik ako sa basketball diba? Dinaig ko pa ang buong cheering squad ng kabilang team!! Sa mga ganitong pagkakataon, dapat hindi tayo nagpapatalo – kahit sa pag-tili dapat winner!! Wag nilang iniinis ang babaing may Hang-Over!! HAHAHA. Kinuha ko yung dalawang bote ng mineral water na ininuman namin ni Borge at ginamit na pompom. Yun nga lang pompom na may tunog!! HAHAHA.

“I LOVE YOUUUU NICOOOOOO!!” Sigaw ni Borge.

Natawa ko sakanya. “Wooshoo… ikaw aa?” I told her. “Tine-take advantage mo ang paglalaro ni Nico!!”

Borge grinned. “Panong tine-take advantage ee mahal ko naman talaga yan!!”

Wala na lang akong nasabi ee. I nodded. Wow. Bilib talaga ako kay Borge pag-dating sa mga ganyang bagay… she wouldn’t hesitate about telling a guy how she feels about him. Hands down talaga ako dito!! Haha. Naa-amaze ako siguro kasi, alam ko sa sarili kong, hindi ko kayang gawin yang ginagawa niya. Sira ulo talaga ang babaing toh kahit kelan. HAHAHA.

Halos 4th quarter na, at malapit ng matapos ang laro, syempre lamang ang MUP ng halos 11 points. Hindi na mapakali si Borge, at lahat na din ng nasa bleachers ee naka-tayo na. Borge then handed me her precious DSLR camera, si Mr. Big. Hindi daw kasi siya maka-talon ng maayos!! Haha. Actually, kanina pa niya kinukuhanan ng picture yung buong court, pero madalas solo picture lang ni Nico.

Ilang minuto pa at dineclare ng panalo ang MUP. Umupo ulit ako while browsing the pictures na kuha ni Borge kay Mr. Big. Ayoko kasing nakikipagsiksikan, kaya pinauuna ko muna lahat na makalabas ng gym. But then, I realized na imbes na kumonti ang tao parang mas lalong naging jam-packed. Mas lalong dumami pa ang audience.

“May next game pa ata.” I heard Ken said.

“Ow? Ano daw?” Borge asked.

“GWAPS vs NEW-U.” Japo answered excitedly.

GWAPS? Napataas ang kilay ko and the whole crowd started screaming yet again when the next set of teams made their entrance in the court. Blue and Red ang theme.

“Ahy, GWAPS!” Meg gasped. “Panuorin natin guys!!”

I felt Borge nudge me by my arm, “Si Sef yun oh!!” She pointed. I was caught off guard at sinundan ko naman ng tingin yung daliri niya. Ayun, unang-una sa pila ng isang grupo was Miguel Josef Uy Monteverde.

It was as if my heart stopped at the sight of him. Parang ngayon ko lang siya nakitang naka-jersey at blue na blue pa. Kumpleto siya ng gear, meron siyang white band na naka lagay sa may ulo niya and another pair of white wrist bands. His name, SEF, was written at the back of his jersey sa itaas ng number niya na 17. At this moment, parang gusto kong isigaw ng malakas na malakas yung sinigaw ni Borge kanina but I felt my throat dried up, parang bigla akong nawalan ng boses.

Alam niyo yung feeling na WALA na kong naririnig? Parang walang ibang tao sa gym na yun kung hindi si Sef lang? DIOS KO PO, BAKIT GANITO?! I took one deep breath as if to calm my senses. Kailangan ba talaga may ganitong effect? Kailangan bibilis tibok ng puso mo, Ellie? PAKER KA NAMAN OH!! Wag kang KJ, panira ka sa panunuod ko ng basketball!!

“WWWOOOOHHH!!! GO SEF!!!” Sabay-sabay na sinigaw nila Borge, Meg at Jill. Ako parang puso ko yung sisigaw ee!!

Nag-start na yung game. Namukaan ko yung isang ka-team ni Sef, yung matangkad na lalaki na kamuka ni Derek Ramsey (Ivan)!! Isa siya sa naka-witness nung pustahan namin nun ni Sef sa Tagaytay!! Haha.

Pero parang magnet na biglang bumabalik ang mga mata ko kay Sef. WWWWWWWWWWWAAAAH!! ELLIE!! ANIMALES!! UMAYOS KA NGA!! BINASTED KA NA NGA NUNG TAO EE!! AND SO? KAYA NGA MERONG TINATAWAG NA PAGNANASA EE!! HAHAHAHA.

Nung hawak ni Sef yung bola parang sasabog yung gym sa lakas ng tilian ng mga girls and gays but Sef was in deep concentration. Parang walang tao sa paligid niya, he was completely focused on the game. Seryoso lang siya, at parang nagmistulang pabango lang niya yung pawis niya. WOOH!! MAGHUNUS TILI KA ELLIE!! EASY LNG, YANG PUSO MO!!

Haaaaiiii… bakit ba ganito? Sobrang layo niya pero parang naka-zoom yung mga mata ko kaya kitang-kita ko siya. I can vividly see every emotion he has, kahit pagpikit ng mga mata niya. Ganito ba dapat? Nagkakaroon ng super-eyesight ang mga taong… in love?! HAHAHA. Yeah right, PAKYU ELLIE!! HAHA.

“S-E-F! GO GO GO SEF!!” Meron na agad nagawang cheer sila Borge at Meg.

“S!”

“E!”

“F!”

“GO GO GO SEF!!”

Binuksan ko si Mr. Big. Kung si Borge puro si Nico ako naman kinukuhanan ko ng picture si SEF!! ARGH!! ANAKSHUTANG ANIMALES YAN ELLIE!! NABABALIW KA NA BA?!?! AAAHHH!! PRAMIS, ISANG PICTURE LANG!!

CLICK!

ISA LANG TLGA!!

CLICK!

And another…

CLICK!

Isa lang pala aa?! HAHAHAHA.

CLICK!

AHY BLURRED!!

CLICK!

SHEET!! BLURRED ULE!!

CLICK!

HAAAAAAAIIII… Alam niyo, malapit na kong maniwala that LOVE IS BLIND. Gusto kong magalit kay Sef. Gusto kong itatak sa isip ko kung gano siya ka-sama!! Kung gaano siya ka-yabang, ka-duwag dahil mas pinili niyang layuan na lang ako. Pero wala ee… ang nakikita ko lang ee lahat ng TAMA sa kanya.

At this very moment, naalala ko yung paguusap namin ni Ms. Elena nun sa clinic. (Chapter 23. Symptoms ng Love-Nat) That time when Ms. Elena asked me na wag ko daw iiwan si Sef.

“Wag mo siyang iiwan. He just needs someone to be there for him.”

Ang daya naman… bakit kaya ako pa ang naisipan ni Ms. Elena na sabihan nun? Obvious naman that I am the last person Sef wanted to be there for him.

Isang malaking pagkakamali talaga yung LOVE LETTER ko. Sana, meron ding undo button sa totoong buhay nuh? Para sana, sana… sa simula’t simula pa lang, nakinig na ko kay Borge when she warned me na wag ng mag-CR. (Chapter 00. Potchi is the Word)

Argh, bakit kaya ganun? Pag-nalalaman na nung tao na may gusto ka sakanya, lumalayo siya? Sabi ko nga noon, mas madaling tanggapin ang rejection sa salita, kesa yung ipaparamdam ng ganito. Ang stupid ni Sef!! ANG STUPID NIYA!! RRRRR…

Suddenly, biglang may mukang sumulpot sa gilid ko. “BULAGA!!”

“Anakshuta!!” Nabulalas ko, with matching hawak pa sa dibdib.

Sabay tawa ng malakas ang napaka galing kong pinsan!! Lechugas naman talaga oo.

“Hi!” Borge waved at AJ.

“Oh, hi!”

“Uh, guys…” I said, hesitantly. Hindi ko kasi alam kung kailangan ko pang i-introduce toh. Haha. “Pinsan ko si AJ.”

Isa-isa kong pinakilala ang mga kaibigan ko sakanya. Actually, this isn’t the first time na na-meet ni AJ sila Borge. Tuwing birthday ko kasi, sa bahay ko pinapakain ang mga ito, nagkakaraoke kami at nagiihaw-ihawan at ever-present syempre si AJ.

“Malanjot ka,” bulong sakin ni AJ, umusog si Japo ng isa pang seat para maka-upo si AJ sa tabi ko. “Sabi ko na manunuod ka ng laban ni Sef ngayon ee.”

Kinurot ko si AJ baka mamaya may makarinig sakanyang inaasar ako. “Ano ka, niyaya kami ng kaklase namin. Laban kasi nila kanina nuh!”

AJ made a face. “Ows?” He then shifted his gaze down the court. “Ay, ayan na si Brad!” Tumayo bigla si AJ and started chanting, “GO BRAD! SHOOT MO, I-SHOOT MO NA ANG BALL!!”

I wanted to scream at AJ!! PAKER!! ANONG KLASENG CHEER YAN?!?! Nakakaloka!! But instead of wasting my voice in arguing with him, I squinted at the basketball players, particularly sa mga naka red na jersey. Kita niyo na, kaka-SEF ko hindi ko namalayan na naglalaro din pala si Brad!!

“Cuz, ang cute naman niya!” AJ then said habang nakatingin sa may likod namin. I raised a brow. Sino nanaman ba ang cute? Tss. Wala na talagang ibang nasa isip itong pinsan ko kung hindi lalaki!! AMP. “Siya oh! Yang friend mo!”

I whirled around at tinignan kung sino yung sinasabi niya, only to make me frown in annoyance. E pano ba naman si KENNETH PAOLO FERNANDEZ yung tinutukoy niya!! ANIMALES, pati ba naman si Ken hindi niya patatawarin.

“Tss. Ee ako?” Sabay banat ni Japo. “Pogi, nuh?”

Natawa ko. Lechugas talaga tong mga kaibigan ko!! PASAWAY!!

AJ raised a brow in criticism. He clearly chose to disagree with Japo. “Ahy, sang parte kuya?” AJ chuckled. “Pero sige, ikaw na! Ikaw na talaga ang pinaka pogi, nung panahong hindi pa uso ang mga tao! HAHA.”

Napakamot na lang sa ulo si Japo at natawa kaming dalawa ni Borge.

“I like you AJ! Benta yun!”

“Ew. Don’t like me. Di tayo talo, teh! HAHA.”

“TSS AJ! BEHAVE!” Nasabi ko sakanya, na kala mo meron akong alagang tigre.

Suddenly, the whole crowd went “AAAAAAAAAAWWwwww…” that put all our attention back in the game. Ang lakas ng pito nung referee. I gasped in horror ng mamukaan ko si Sef, he was lying on the floor, trying not to wince in pain.

“Balbal talaga yang si Cortez ee! Madumi talaga maglaro yan!!” AJ said, dinuduro yung sarili nilang player na super higante, na parang galing sa Planet of the Apes. Lumapit yung mga ka-team ni Sef sakanya, including his coach and it was Ivan who offered him a hand to pull him up.

Sef stood up on one foot, not completely pressing the other on the floor. He was nodding and giving his coach a thumbs-up na tila ba sinasabi niyang, I’m okay. Pero hindi na siya pinakinggan ng coach as he was led out the court.

Pumito ulit yung referee at nag-signal ng player substitute ang team ng GWAPS. I was trying to get a good view of Sef, kawawa naman yung linshak na yun.

GGGRRRR… PAKERRR!! AABANGAN KO MAMAYA SA LABAS YANG CORTEZ NA YAN!! LULUMPUHIN KO SIYA AT ISASABIT SA PUNO WHERE HE BELONGS!! AMP!!

Japo then stood up, “Sandali.” He said. “Pupuntahan ko muna si Sef. Lagot nanaman si coach kay Tita Yolly niyan.”

“Uh, Japo!” AJ called, pulling me up with him as well. “Sasama na kami ni Ellie!!”

My eyes widened. ANO? AYOKO NGA!! NO WAY!! ANONG PAKIALAM KO SA KANYA? BALIIN KO PA KABILANG PAA NIYA EE!!

But on second thought… SIGE NA NGA!! BAKA MAMAYA WALANG NAGAASIKASO SA KANYA.

“Ah sige. Nac-CR na din kasi ako.” Sinubukan kong magpalusot ero parang mga baliw na nag-ngitian sakin sila Borge, Japo at AJ as if to say, Wooooshooo… Ellie wag ka ng pakipot!! Gusto mo lang naman talagang makita si Sef e!!

GAAAAAAHHH!! MGA DAKILANG PAKYUUUU!!

To be continued.