It's Never Too Late

Take Risks

Mahal ko siya. Mahal ko na siya. Pero hindi ko alam kung pano ko sasabihin o kelan. Natatakot din ako. Pano kung hindi niya na ako mahal? Pano kung late na pala ako?

Tinignan ko yung phone ko. Almost 3 na, salamat naman! Ang boring na ng klase at hindi ko na alam yung gagawin ko. Kanina pa ako kinakabahan. Nagpasyahan ko na kasing sabihin sakanya. Inabot ako ng hanggang 12 kagabi, nagsulat ako ng isang letter para sakanya, oo love letter. Old school pero wala na akong maisip na ibang paraan. Ayoko sa text or tawag lang kasi ang pangit. Kung magtatapat ka, ayusin mo naman, mag-effort ka kahit in the end eh basted ka. For sure naman na wala akong masasabi o hindi ko masasabi yung gusto kong sabihin kung personal ko siyang kakausapin at isa pa, busy daw siya kaya wala ding oras.

Tinext ko siya kanina. Magkita kami sa harap ng library kasi may ibibigay ako sakanya. Sabi niya wala daw siyang oras pumunta, hindi ko alam kung totoo o nagdadahilan lang siya. Ayaw naman na maulit yung nangyari sakin nun,—na hindi ko nasabing mahal ko yung kaklase ko noon (hanggang ngayon, nagsisisi parin ako na hindi ko nasabi) —tinext ko ulit siya, kinulit ko siya na ako nalang pupunta. Na kahit sa pinakamalapit na building nalang, ayaw ko kasing pumunta sa building nila at ayaw din niya akong pumunta. Iba ang feeling. Iba ang aura. Nakakatakot. Nakaka-conscious. Nabwisit na siguro siya kasi pumayag na siya.

Natatakot na ako. Kinakabahan. Ilang buwan din kaming magkakilala, magkaibigan at niligawan. Pero nung nakaraang linggo, hindi na siya masyadong nangungulit, nagtetext at tumatawag. Inisip ko nalang na baka busy siya kasi malapit narin naman ang Finals namin. Natatakot lang akong magisip na baka hindi na niya ako mahal kasi nag-give up na siya, na iba na yung nararamdaman niya. Natatakot ako. Ba’t ngayon pa? Ngayon pa na mahal ko na siya.

Nagring yung bell, iniwan ko yung mga kaibigan ko at pumunta sa building ng mga Nursing. Tinext ko siya. After ng ilang minuto, dumating siya.

Nag-hi siya at nagsmile sakin, katulad ng dati pero may iba. Iba talaga. Alam ko na that time na may nagbago. Muntik ko ng sabihing wala akong kelangan sakanya at gusto ko lang mag-hi pero feeling ko at sigurado akong eto na tamang oras. At baka ito narin ang natitirang right time.

“Bakit?” tanong niya sakin. “May klase pa ako, nag-excuse lang ako.” Kinuha ko yung sulat sa bag ko tapos binigay ko sakanya. “Ano to?”

“Basahin mo yan pero sana ikaw lang ang makabasa.” Tumango nalang siya. “Sana maging okay ulit tayo.” Tumingin siya sakin. Alam kong madami siyang tanong. “Nasa letter ang lahat. Sige, baka mapagalitan ka pa. Aalis na ako. Salamat sa oras.”

Naglakad na ako paalis pero tinawag niya ako. “Importante ba to?” tanong niya. Tumango ako at bumalik na sa building namin. Para akong nahugutan ng malaking tinik sa laamunan. Kung hindi man maganda ang magiging resulta, okay lang. At least na sabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko na pagsisisihan yan. Alam kong masmadaling magmove-on pag wala ng nagho-holdback sayo para mag move on.

May isang oras pa akong break, hinanap ko yung mga kaibigan ko sa library. Dun naman ang tambayan ng grupo. Buti nalang may pinapagawa yung instructor namin sa susunod na klase kaya hindi masyadong iniisip yung mangyayari mamaya. Hindi ko na alam. Bahala na.

Nagdiscuss at walang pumapasok sa utak ko. Kabado kasi ako. Nagquiz kami, nagulat nalang ako nung marealize kong madami rin pala akong masusulat.

Natapos ang klase, nagring na yung bell. Tinignan ko yung phone ko, walang text, walang missed call. Okay, huli na siguro ang lahat. Hay, buhay! Nagulat nalang ako nung makita ko siyang naka-sandal sa tabi ng pintuan ng room. Tumingin siya sakin at nag-smile.

“Hello,” sabi ko. Grabe! Ang awkward. Parang feeling ko nasa korte na ako’t hinahatulan.

“Hello. Usap tayo,” sabi niya. Naglakad siya papalayo, sinundan ko. Pumunta kami sa pinakamataas na floor, wala kasing masyadong pumupunta doon kasi daw “haunted”

“Uy, wag naman dito. Pwede sa ibang lugar nalang. Natatakot ako,” sinabi ko. Napaparanoid na ako. Feeling ko mas magpapakita na sa harap namin. Ay jusko! Maatake ako pag nagkataon.

Tumawa siya. “Wag kang mag-alala. Walang multo dito tapos, andito naman ako eh.” Feeling ko nagblush ako sa sinabi niya.

Nakatunga-nga lang kami. Hindi nag-uusap. Ang tahimik, nakakabingi.

“Kala ko mag-uusap tayo.” Natatakot na kasi ako, feeling ko may nakatingin samin na hindi ko nakikita.

“Oo. Sorry.” SORRY? Anong sorry? Sorry…kasi hindi na kita mahal. Sorry…kasi may iba na? Mas grumabe pa yung kaba ko, sobrang lakas ng tibok ng puso. Nagpa-palpitate na ata ako.

“A-ah, e-eh. Okay lang yun. Wag mo ng isipin yun. Uwi na tayo, please. Natatakot na kasi talaga ako dito. Feeling ko may nanonood satin dito.” Nanlalamig na ako, hindi dahil sa malamig ang hangin, kundi sa kaba at takot.

“Meron nga.” Bigla akong napatayo tapos tumingin sa paligid. Narinig ko siyang tumawag. Binatukan ko siya ng malakas pero tumawa parin. “Napaka-violent mo talagang tao. Nagjo-joke lang yung tao.”

“Joke yun? Hindi obvious ah.” Nakatayo parin ako at iniirapan siya. “Sabi mo mag-uusap tapos pagtri-tripan mo lang pala ako. Aalis na ako, may quiz pa ako bukas.” Hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila paupo. “Aray naman! Sabihin mo na kasi yung gusto mong sabihin.” Kinakabahan na kasi ako sa sasabihin mo.

“Mahal mo ko?” tanung niya. Hahawak parin niya yung kamay ko.

“Nasa letter naman yan.”

“Mahal mo ko?” tanung niya ulit.

“Basahin mo yung letter.”

“Nabasa ko na. Gusto ko lang na manggaling sayo mismo. Mahal mo ba ako?”

“Oo.”

“Anong oo?”

“Ang gulo mo naman eh. Tinanung mo ko kung mahal kita, sabi ko oo.”

“Sabihin mo kasi ng maayos. Hindi yung oo.”

“Answerable by yes or no kaya yung tanong mo tska…” Ang sama naman makatingin nito. Nagjo-joke lang ako. “Oo na! Sige na. Sasabihin ko na. Oo, mahal kita. Mahal kita, Lucas.” Tumango siya. “What’s up with the nod? Yun lang?”

“Sorry…”

“Sorry? Okay lang. Sabihin mo lang na may gusto ka ng iba, maiintindihan ko naman eh. Sabihin mo na para hindi na ako nahihirapan pang maghintay sa verdict mo. Sabihin mo na kung iba-basted mo na ako.”

“Basted? Kelan pa naging baliktad ang mundo?”

“Huwag mong ibahin yung usapan. Gusto ko ng umuwi. Sabihin mo na kung ba’t ka nagso-sorry.”

“Eto na nga, diba? Atat lang?” binatukan ko ulit siya pero hindi na masyadong malakas ngayon. “Aray naman! Sorry kung naging cold ako sayo. Sorry kung nagiba ako. Sorry kasi nasaktan kita.” Napatunga-nga nalang ako. Hindi yun yung expected answer niya. Pero at the same time, hindi ko na alam kung san pupunta yung usapan. “Sabi kasi ng kaibigan ko, iwasan muna daw kita. Kasi baka, nasasakal ka na sakin. Baka nabwi-bwisit ka na. Bigyan daw kita ng space para makapag-isip isip. Ako naman si tanga, pumayag naman. Hindi ko alam na masasaktan ka sa ginawa ko. Sorry.” Tumingin siya sakin. Ako naman, nakatunga-nga lang. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Hindi ko napraktis to. Sabi ko nga sainyo, hindi ako magaling sa face-to-face confrontation. “Pero aaminin ko, gumana nga yung pakana niya.”

Natawa ako. “Loko-loko ka talaga.” Bigla niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko. Sinubukan kong itulak yung mukha niya papalayo kasi ang awkward kaya pero mas malakas siya tapos hinawakan niya yung isa kong kamay. Wala na akong magawa. “Naman! Lumayo ka nga sakin.”

Ngumiti siya. Iba yung feeling pag nakikita ko siyang naka-ngiti, nakaka-kalma. “Alam mong mahal kita diba? Mahal na mahal,” sabi niya. Ilang inches nalang…

“Isa pa nga.” Bigla kong namiss yung pag-sabi niya ng “Mahal kita” “Mahal kita. Mahal na mahal kita. At mahal kita, Jamie.”

Linapit na niyang tuluyan yung mukha niya sakin at hinalikan ako.

At eto yun, finally. Alam kong hindi ako nagkamali. Siya lang yung lalakeng nakatagal sakin. He was the one who broke the barrier.

Kaya ikaw. Ikaw na matagal ng nagmamahal ng palihim. Ikaw na matagal ng naghihintay ng tamang panahon. Gawin mo na, bago pa huli ang lahat. Wag kang matakot mareject, parte yan ng buhay. Maging malakas ka nalang para tanggapin yun pero at least, nasabi mo yung gusto mong sabihin. Hindi ka na magiisip ng mga “what-ifs” in the future. Hindi ka na magsisisi.

It’s never too late nga. It’s never too late to do the thing you’ve been wanting to do for the longest time. Sum up your courage, stop being a coward and go!
♠ ♠ ♠
I hope you like it. My first ever one-shot.

Comment and Recommend.

P.S. I do have a Wattpad account, I'm tomatoketchup there :)) Go find me! I usually fan back.