Status: Sorry kung hindi ko agad mauupdate ang mga stories ko, busy kasi sa trabaho...

High School Life

First Day of School... I don't think so...

“Ayoko nga sabi eh!” Painis na sabi si Reika. Nakasimangot siya.
“Bakit ba kasi ayaw mo?” pangungulit ni Rakka. Naiinis na din siya. “First day of school, tapos hindi ka papasok?!”
“Eh sa ayoko nga!” Humalukipkip ang dalagita. “May mambubwisit na naman sa’kin doon!”
“Sino? Si Eiga?” Tanong ng lalaki sa kaibigan. “Pinapansin mo siya kasi masyado.”
“Pa’nong hindi, eh sobrang nakakairita siya! HMP!”
“Hahaha! If I know, naiinis ka lang kasi masyado siyang flirt!”
“HMP! Eh talaga naman malandi siya! Malanding lalaki!”
“Hahaha! Edi lumabas din ang totoo!” Nakangising sabi ni Rakka. “Nagseselos ka sa mga babaeng lumalapit sa kanya!”
Nawalan ng kibo ang dalagita sa sinabi ng kaibigan. Siya, nagseselos? Hindi kaya!!! Ang kapal naman ng Eiga na yun! Basta ang alam niya naiirita siya tuwing may lumalapit na babae kay Eiga, hindi niya alam pero gustong-gusto niyang sugurin at sabunutan yung mga babaeng yun!
“O, nawalan ka na ng kibo dyan?” Takang tanong ni Rakka. “’Wag mo na muna siyang isipin. Pumasok ka na, ikaw pa naman ang napiling Student Assistant tapos hindi ka papasok?”
“Hayyy! Tara na nga at baka ma-late pa tayo!”