Status: One-shot

All Too Well

All Too Well

Nakaupo sa tabi ng bintana si Sophia ng bus habang nakikinig sa isang awitin sa kanyang mp3 player, pauwi na siya galing sa eskwela, tuliko ang dalaga. Paborito niya ang awiting ito dahil napakaganda ng lyrics nito at ang kabuoan mismo ng kanta. Pag dating sa bridge ng kanta ay hindi niya napansin ang luha na unti-unting tutulo mula sa kanyang mga mata.

“Maybe we got lost in translation
Maybe I asked for too much
Maybe this thing was a masterpiece
‘till you tore it all up

Running scared
I was there
I remember it
All too well

And you call me up again just to break me like a promise
So casually cruel in the name of being honest
Now I’m a crumpled up piece of paper laying here
Cuz I remember is all all all too well”

Minsan hindi niya alam kung bakit niya pinakikingan pa rin ang kantang ito dahil kahit na ilang beses niya ito pakinggan ay napapaluha pa rin siya. Napakaraming emosyon at ala-alang akala niya ay nakalimutan na niya ang binikuksan nito, akala niya ay nakapag-move-on na siya pero noong narinig niya ang awiting ito at para bang bumalik ulit siya sa gabing nawala sa kanya ang taong minahal niya ng lubos.

“Emman, gabi na a. Anong ginagawa mo rito?” tinanong ni Sophia sa kanyang kasintahan, bigla tuloy siyang nag alala dahil malungkot ang itsura nito.”May problema ba?” tinanong niya, nag aalala na para rito.

Hindi ito agad nag salita bukas, sara ang mga labi nito para bang hindi niya alam kung papaano niya sasabihin ang gusto niyang iparating.

“Mag lakad lakad muna tayo dun ko sasabihin ang pinunta ko ngayong gabi.” Sabin g binata sa kanyang kasintahan.

Nag simula na itong mag lakad hindi tinignan kung sumusunod ang dalaga sa kanya o hindi.Madali namang hinabol ito ni Sophia nang sila ay nag lalakad ng ng magkatabi nahulog sila sa isang komportableng katahimikan. Isa sa mga bagay na nagustohan ni Sophia kay Emman ay hindi niya kailangan mag salita ng mag salita, ayos lang sa kanya na tahimik silang nag lalakad. Sabi pa nga ng binata sa kanya noon “Hindi mahalagang wala tayong sinasabi sa isa’t isa habang nag lalakad, ayos lang sa akin ang katahimikan bsata ba nasa tabi lang kita at hawak ko ang kamay mo.” Nang na alala ito ng dalaga, napansin niyang hindi kinuha ni Emman ang kanyang kamay para hawakan tulad ng lagi nilang ginagawa nag alala siya pero sabi niya sa isip niya nab aka gusto niya lang mag isip-isip.

“Pia.” Bulong ng binata.

Siya lang ang tanging tumatagag sa kanya ng ‘Pia’. Wala siyang palayaw noon tanging Sophia lang pero ng nagging mag kaibigan silang dalawa ay sinimulan na niya siyang tawaging Pia.

Napangiti ang dalaga dahil gustong-gusto niya ang palayaw na binigay nito sa kanya.

Lumingon ang binata sa kanyang kasintahan, “Bakit ka nakangiti?” tanong nito.

“Wala naman, naalala ko lang noong sinimulan mo akong tawaging Pia, ikaw lang kasi ang nag bigay ng nickname sa akin.” Sagot ng dalaga binigyan niya ang isang matamis na ngiti ang kanyang kasintahan.

Napa bugtong hininga at hindi makatingin ang binata sa kanyang kasintahan, nag patuloy na
tahimik na nag lakad ang dawala.

“Ngayong magkaiba na ang school nating collage na tayo, ikaw sa Mapua at ako sa UE, masyado na tayong busy. Minsan nga hindi na natin ma-text or matawagan ang isa’t-isa.” Sinimulan ng binata magsabi ng laman ng kanyang isip.

“Oo nga e, pero dib a pinangako natin noong grumaduate tayo na kahit anong manyari ay magiging matatag tayo?” Nakangiting tanong niya sa binata.

Ang lakas ng tibok ng puso ni Sophia natatakot siya sa kalalabasan ng usapang ito pero sinusubukan niyang huwag magi sip ng masama dahil mahal siya ni Emman.

“Alam ko pero-“ hindi maituloy ng binata ang nais niyang sabihin.

Napatigil sa pag lalakad si Sophia. “Pero?” bulong niya habang nakayuko at pinipigilang tumulo ang kanyang luha.

Tumigil din sa pag lalakad si Emman, hindi nito maharap ang babaeng kasama niyang mangarap ng kanyang hinaharap. Kinamot ng binata ang kantang ulo dahil sa pagkasiphayo ng nangyayari ngayon.

“I’m sorry.” Ang tanging sinabi ng binata sinubukan nitong kunin ang kamay ng dalaga ngunit pumalag ito.

“May tanong lang ako. Bakit?” tahimik nitong ninanong habang tinignan ng diretso ang binata sa mga matang kilalang kilala niya o akala niya ay kilala na niya. Hindi alam ni Sophia kung paano niya ito natanong ng hindi umiiyak.

“Mag classmate kami ni Katrina.” Yun lang ang sagot na kailangan niyang marinig.

Unang kasintahan ni Emman si Katrina, mas matagal na nagging sila, simula pag kabata ay mag kaibigan na sila, at mas higit na maganda kesa sa kanya kaya naman naintindihan niya kaagad kung mahal pa rin niya siya.

Tumungo si Sophia dahil na intindihan niya na kung bakit simula ng pasukan ay nag bago siya, nagging madistansya at bihira tumawag at mag text.

“Girlfriend mo na ba siya ulit?” Hindi niya alam kung bakit niya pa yun tinanong kahit na alam niyang lalo lang siya masasaktan kapag nalaman niyang niloko pala siya ni Emman.

Umiling ang binata. “Hindi ko yun magagawa sayo.” Sagot nito.

Tumawa ng malakas si Sophia dahil ang ginagawa niya sa kanya ngayon sa puso niya ay para bang basong binasag nito. Alam niyang bitter lang siya pero sino bang makaka-sisi sa kanya nag mahal siya e.

Marami siyang tanong pero takot siya sa isasagot nito. Marami siyang gusting sabihin pero ayaw niyang ipakita sa kanya ang kahinaan niya. Ang tanging alam lang niya ay naiwan niyang nag iisa at nag mamahal ng lubos sa isang taong hindi na siya mahal, ang mas masakit ay baka hindi siya minahal nito kahit kalian. Tumalikod ang dalaga at nag simulang mag lakad pauwi sa kanila.

“Pia.” Tawag sa kanya ng binata.

Hindi siya lumingon dahil nag simula na tumulo ang kanyang mga luha kaya naman kumaway na lang ito mula sa likod. Ang huling paalam niya.

“I loved you.”Sigaw ng binata.

Doon na tuluyang umiyak ang dalaga. At least, di ba minahal naman pala siya nito past tense na nga lang.

Ilang buwan na rin simula ng huling naisip ni Sophia ang gabing yun pero hangang ngayon ay para bang kagabi lang ito nangyari. Bakit the more mong simusubukang maka move-on the more na nahihirapan ka lang? Isama mo pa ang kantang “All Too Well”, wala na bumalik na naman siya sa gabing yun.