Status: My first story here in mibba. sana po magustuhan niyo.

Everything Has Changed

Everything Has Changed

Naalala mo pa ba kung kailan nagsimula ang lahat?

Malamang hindi na. . .

Pero ako, tanda ko pa.

First Year tayo nun. Lagi mo akong inaasar. Lagi mo akong kinukulit.

Lagi mo akong nililink sa kaibigan niyo. Sabi niyo kasi may gusto sakin yun.

Sabi mo pa nga ikaw ang magkakasal samin. Nakakatawa nga ehh.

Miski sa Facebook di mo ako tinatantanan. Lalo na nung bakasyon.

Wala kasing pasok kaya laging online ang mga tao.

Nag-message ka sakin sa Facebook. Sabi mo nangangamusta ka lang. Busy ako nun kaya hindi ako nakapagreply ng maayos.

Ganun lang tayo araw-araw. Wrong timing ka kasi ehh. Kapag busy ako tsaka ka nag-memesage.

Pero nagulat ako, isang araw, nung nag-message ka sakin, sobrang saya ko. Sa totoo lang may ginagawa ako nun pero itinigil ko para lang maka-chat ka.

Everytime na mag-oopen ako ng Facebook Account ko, ikaw agad yung una kong hinahanap sa mga online. Nalulungkot ako kapag offline ka.

Dun ko narealize na na-fafall na ako sayo.

Nung sinabi mo sakin sa chat na gusto mong manuod ng sine at niyayaya mo ako, alam kong biruan lang natin yun but I take it seriously.

Oo, nag-assume ako! Binigyan ko ng kahulugan ang mga bagay na alam kong wala naman talagang ibig sabihin!

Nung nagpasukan na, normal pa rin ang pakikitungo natin sa isa't isa. Wala kasing nakakaalam na may feelings ako para sayo kaya di mo alam.

Habang tumatagal, marami ng nakakaalam ng feelings ko. Nahahalata daw kasi nila. Natatakot ako na baka malaman mo.

One day, napagpasyahan ko na ipagtapat sayo. Hindi sa personal, sa text lang. Nahihiya kasi ako kapag personal ehh.

Sabi mo matagal mo ng alam. Marami na din kasing nagsabi sayo.

Umasa ako na di magbabago yung pakikitungo mo sa akin kasi matagal mo na palang alam.

Pero nagkamali ako! Simula nun, nalilink na tayong dalawa.

Hindi mo na ako kinakausap. Nagkakailangan tayo.

Simula nun, nag iba na ang pakikitungo mo sakin.

Kapag mag uusap tayo, hindi maayos kasi nasa pagitan lagi natin si Awkward.

Isang araw, papunta kami ng best friend ko sa cr, nang marinig kong kayo na DAW ni Angeline.

Gulat na gulat ako sa balitang narinig ko.

Kinausap ko yung mga kaibigan ko na kausapin ka para malaman kung totoo yun.

Sobrang saya kong nung nalaman kong HINDI!

Pero kahit na ganun, lagi paring nakadikit sayo si Angeline.

Minsan nga nagsulat siya sa board ng "HE'S MINE!" tapos tumingin siya sakin at ngumiti.

Alam kong ikaw ang tinutukoy niya.

Ang sarap sabihin ang mga katagang "SAYONG SAYO LANG! HINDI AKO MAKIKIPAG-AGAWAN SAYO!" kaso alam ko namang wala akong karapatan.

Unti-unti na ding nawala ang mga issue tungkol sa inyong dalawa.

At dahil dun, tayo ang nililink. Mas lalo tayong nagkaka-ilangan.

Naaasar ako!

Namimiss na kitang kakulitan!

Namimiss ko na yung pang-aasar mo sakin!

Namimiss ko na yung dating tayo!

Sana pala hindi ko na lang inamin.

Sana pala hindi na lang kumalat na may gusto ako sayo.

Pero alam mo, ang tanging bagay na hinding hindi ko pagsisisihan ay nung nagkagusto ako sayo.

Dahil dun naranasan kong

SUMAYA

MALUNGKOT

KILIGIN

MAPAHIYA

UMASA

MASAKTAN

LUMUHA

at higit sa lahat,

MAGMAHAL!

Dahil sayo natuto akong sumugal kahit na alam kong matatalo lang ako.

Nang dahil sayo pilit kong kinalimutang ang salitang "BAKA MASAKTAN LANG AKO" kahit na alam kong miski bali-baliktarin ang mundo masasaktan din ako sa dulo.

Ayos lang sakin ang masaktan, maipakita ko lang sayo kung gaano kita kahamahal.

Pero may isang tanong akong nais kong itanong sayo,

KUNG HINDI KAYA AKO UMAMIN, MAIBABALIK PA KAYA ANG DATING TAYO?

Malamang hindi ko na malalaman ang sagot sa tanong kong 'yan.

BECAUSE...

EVERYTHING HAS CHANGED </3
♠ ♠ ♠
Sana po magustuhan ninyo :)