Love Anatomy: Forgiveness

Denial - ALTHEA -

Campus grounds. 6:43 AM.

 

"BESTS! Kailangan ko ng tulong n'yo!" Patakbo akong lumapit sa mga kaibigan ko. Tinext ko sila na kung pwede ay pumasok sila mg maaga at mabuti naman at tinupad nila.

"Bakit, anong nangyari?" Kinakabahang tanong ni Amber.

"At saka bakit ganyan ang mga mata mo? Natulog ka ba?"

"Nawawala ang brooch na pamana ng Lola ko sa'kin." Sumbong ko sa kanila.

"ANO?!" Sabay nilang sabi.

"Patay tayo niyan!" Nag-aalala si Cher base sa itsura niya.

"Anong oras ang first class nyo?" Tanong sa'min ni Amber.

"Ako 9 AM pa ang una kong klase." Sagot ni Cher.

"Ako 9 AM pa din ang akin." Sabi ko sa kanya.

"Tama lang iyon, tara magtulung-tulong tayong tatlo na maghanap, maghiwahiwalay tayo." Inilabas ni Amber ang cellphone niya. "Magtext text na lang tayo, Althea saan ang mga lugar na pinuntahan mo kahapon?"

Pagkatapos kong sabihin ang mga lugar ay nag hiwa-hiwalay na kami ng daan. Tinungo ko agad ang Old Music Room, nagbabaka sakaling andoon ko iyon nalaglag dahil ang alam ko ay suot ko pa iyon ng makita ko na nagkakagulo ang barkada ni Warren at ang girlfriend niya. Nakayuko ako ng konti para makita ng malapitan ang bawat sulok ng daan, halaman at paso. Wala akong nakitang brooch.

Sunod ko namang tinungo ang gym, pero hindi naman ako pumasok sa loob.

Napatigil ako ng maalala ko na dito ko niyakap si Warren. Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sarili. Niyakap ko si Warren kahit hindi kami magkaibigan at hindi naman kami malapit sa isa't-isa. Ano ba 'yan! Pinagsamantalahan ko pa na masam ang loob niya. Nakakahiya ako. Nainis ako sa sarili ko. Napabuntong hininga ako habang tinutungo ang upuan na malapit sa likod ng canteen ng school, dito ako huling nagpunta dahil dito ko ginamot ang sugat ko.

Naramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone ko. Nagtext si Amber at nagpaalam na mauuna na siya dahil 8 AM ang start ng klase niya. Nagreply ako at pinasalamatan na lang siya. Pagkatapos ay tinext ko naman si Cher na magkita kami sa harap ng building nila.

"Nakita mo ba?" Tanong agad niya sa'kin ng magkita kami.

"Hindi eh." Napailing ako.

"Saan kaya nalaglag 'yon?"

"Nalaglag ang alin?" Singit ng isang baritonong boses. Napalingon kami at nakita namin si Jared at nasa likuran niya ang mga kaibigan niya, kasama si Warren na nakatingin sa ibang direksyon.

"Ahh... Ehh..." Sabi namin ni Cher.

"Mga Bro, mauna na kayo." Bumaling si Jared sa barkada niya. Tinangunan kami ng mga kaibigan niya at pagkatapos ay umalis na sila, hindi tumingin si Warren sa'min.

Parang piniga ang puso ko na makitang ganoon si Warren. Mukhang galit talaga siya sa akin.

"Ano yong nalaglag nyo?" Tanong uli ni Jared sa'min.

"Ahhh... Kasi naiwala ko yung pamanang brooch ng Lola ko sa'kin."

"Tinatry namin na hanapin at baka nalaglag lang iyon dito sa campus."

"Anong itsura ng pin na iyon?" Seryosong tanong ni Jared sa'min.

"Para siyang animated na paa ng pig na kulay silver." Paliwanag ko. "Pero yung left side ay mas mataas kesa sa right."

"Ganoon ba?" Napahawak si Jared sa bab niya na tila nag-iisip. "Pwede akong tumulong maghanap?"

Nagulat kaming dalawa ni Cher sa sinabi ni Jared.

"'Wag na, nakakahiya sa'yo." Tanggi ni Cher. "Kami na lang ng kaibigan ko ang maghahanap."

"At isa pa makakaabala pa kami sa'yo eh." Sabi ko naman sa binata.

"Hindi kayo nakakaabala at walang problema sa'kin iyon." Nakangiting sagot ni Jared. Napansin ko na medyo namula si Cher sa pagngiti ni Jared. Hmmm?

"Naku, pasensya na." Hinging paumanhin ko sa kanya. "Maraming salamat."

"'Wag na kayong mahiya sa'kin. O simulan na nating maghanap." At naghiwa-hiwalay na uli kaming tatlo.

 

——————————

 

Warren's POV

Umaga.

Habang naglalakad. Kasama ko ang mga kaibigan ko, napatigil kami sa paglalakad dahil tumigil si Vien, may tinitingnan siya at base sa histura ng kanyang mukha na may maganda siyang nakita.

"Hoy! Vien! Bakit ka ba tumigil?!" Inis na tanong ng aming leader, si Kite.

"May nakita kasing inspirasyon." Sabi ni Silver. Nagtawanan ang iba naming mga kaibigan, pero si Vien hindi man lang napikon, todo ngiti pa.

"May lalapitan lang ako." Nakangiti niyang paalam sa'min, natawa na din ako, at niyaya ang iba na sumunod sa kanya.

Nang makita ko sina Deandra Cher at Nia Althea, alam ko na agad kung bakit masaya ang loko. Pumapag-ibig si Pareng Vien! Ha! Ha! Ha!

Lumapit kami sa dalawang dalaga na bahagyang nakayuko at mukhang may hinahanap. Seryoso ang kanilang mukha.

"Nakita mo ba?" Tanong ni Deandra sa kaibigan.

"Hindi eh." Malungkot na sagot ni Nia Althea.

"Saan kaya nalaglag 'yon?" Seryosong tanong ni Deandra.

"Nalaglag ang alin?" Singit ni Vien sa dalawa, mukhang hindi nila napansin ang paglapit namin dahil bahagya pa silang nagulat, bigla akong nailang kay Nia Althea kaya bigla akong tumingin sa ibang direksyon, para hindi niya makita ang reaksyon ko, hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan kung paano ko siya pinakitunguhan kahit naging sobrang bait niya sa'kin.

"Ahh... Ehh..." Tila nahihiyang sagot ni Deandra. Mukhang napansin naman iyon ng kaibigan namin kaya bumaling siya sa'min para sabihin na mauna na kami sa kanya.

Tumango kami sa dalawang dalaga bago umalis, pero pinilit ko na hindi mapatingin kay Nia Althea. Baka kasi kung ano ang maisip ko, naaalala ko pa rin kung paano siya napatingin sa mga mata ko noong nagkabanggaan kami.

Habang naglalakad kami may biglang humarang sa dadaanan namin, si Janette.

Biglang uminit ang ulo ko at hindi lang ako kungdi pati ang mga kaibigan ko.

"Ano'ng ginagawa mo?" Galit kong tanong sa kanya.

"Please, Hon... Mag-usap tayo!" Sabi niya habang nakaharang ang dalawang kamay.

"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan? Ginago mo ako, 'yon ang dapat kong malaman!" Gustong-gusto ko talagang saktan ang babaeng ito.

"Janette, nananahimik ang kaibigan namin, 'wag kang mageskandalo dito!" Mariin ngunit may babala na sabi ni Buwi sa ex-girlfriend ko.

"Please, Hon... Ayusin natin ito! Magpapaliwanag ako!" Medyo gumaralgal ang boses niya.

"Ano pa ang dapat natin ayusin?! Maghiwalay na tayo!" Nanggigigil kong sagot sa kanya.

"H-Hindi ako papayag!" Naiiyak niyang sabi sa'kin.

"MAGBREAK NA TAYO!" Medyo tumaas na ang boses ko dahil naiirita na ako.

"H-Hindi..." Umiyak na siya ng tuluyan. Naawa ako sa kanya, pero mas nangingibabaw ang galit ko.

"'Wag na 'wag kang lalapit sa'kin! Nandidiri ako sa'yo!" 'Yon lang at marahas akong lumihis sa gilid niya. Pasalamat siya at hindi ako nananakit ng babae.

Sumunod sa'kin ang mga kaibigan ko at nagpunta kami sa school grounds. Nagkanya kanya kami ng upo sa mga benches doon at huminga ako ng malalim, natahimik kaming lahat. Maya-maya ay may nag-abot ng tubig sa'kin, si Pierre at nakangiti.

"O Pare, para mawala ang init ng ulo mo." Sabi niya sa'kin.

Hindi ko mapigilang hindi tumawa sa sinabi niya sa'kin. Natawa na din ang iba at nag-usap ng kung anu-ano.

Pasalamat na lang sa kanila at hindi nila ako tinangkang kausapin tungkol sa babaeng 'yon, ayoko na siyang isipin pa.

Nakakaloko lang na nagago ako ng babaeng iyon, samantalang pinilit kong magbago para sa kanya. At putang*** ang James na iyon, gaganti din ako sa isang iyon.

"Pare, may pupuntahan lang ako." Paalam ko sa mga kaibigan ko, nagtataka sila pero umoo na lang sila.

Pumunta ako sa school gym namin kung saan kasalukuyang nagpa-practice ang ang mga kateam ko, maliban sa'kin. Dumiretso ako kay James na nasa gitna ng court at nagdidribble ng bola. Nagulat siya ng bigla akong sumulpot sa harap niya, at hindi niya naiwasan ng suntukin ko siya ng malakas sa mukha at pagkatapos ay sinikmuraan ko siya. Nagkagulo na sa buong gym ay pinipilit ng coach namin na awatin kami, pero hindi naman makaganti si James dahil marunong akong umiwas.

Nagsiawatan na din ang iba naming mga kateam, pero hindi na ako sumugod uli, nakatayo lang ako at tinitingan si James na napaupo sa court.

"Warren! Warren!" Awat ng coach namin." Tama na iyan!"

"Don't worry coach, tapos na ako" Sabi ko at medyo kumalma naman sila. "Hindi kasi ako nakaganti kahapon, bumabawi lang ako sa pangagago sa'kin ng hayop na iyan."

"Ha! Ha! hindi mo matanggap na ako ang nakatikim kay Janette?" Sabi ni James na ikinagulat ng mga tao sa paligid namin.

"Putang*** mo! Girlfriend ko ang sinulot mo!"

"Eh paano! Babagal-bagal ka!" Nanguuyam na sabi sa'kin ni James.

Huli na ng malaman nila na mabilis akong nakalapit kay James at sinuntok uli siya ng malakas, tumama ang kamao ko sa nguso niya kaya nagdugo ang bibig niya. Tsk, mukhang may natanggal akong ngipin sa suntok kong iyon.

"Tsk! Tsk! Naku, paano ba 'yan? Mukhang may natanggal na ngipin sa'yo?" Sarkastikong sabi ko. May nag-abot ng panyo sa'kin, nakita ko ang mga kaibigan ko na seryoso ang mukha. Pinunasan ko ang kamao ko at inihagis iyon sa harap ni James. "Wala na akong pakialam sa babaeng iyon, iyong iyo na siya tutal mahilig ka naman siguro sa basura?"

Tumalikod na ako at nakita ko si Janette na nakatayo sa may gilid ng court na malapit sa pinto, andoon din si Nia Althea at ang mga kaibigan niya at pati na din si Vien.

Hindi ko na sila pinansin lahat at lumabas na ako ng gym namin kasunod ang mga kaibigan ko.

 

----------------------------------------------

 

Althea's POV

Kinabukasan.

Papasok na ako sa Campus. Hindi maalis sa isip ko ang ginawa ni Warren kay James, totoo ngang natanggalan ng ngipin si James dahil sa pagkakasuntok ni Warren sa kanya. At ang mga sinabi ni Warren tungkol kay Janette. Kitang kita ang sakit sa mukha ni Janette. After noong insidenteng iyon, maraming ng bulung-bulungan sa paligid. Ngunit dahil sikat si Janette sa school ay walang nagpaparinig sa kanya tungkol sa ginawa niya.

Pagpasok ko ng Campus ground ay nagtataka ako sa mga tingin ng mga tao sa akin. Lahat sila ay parang galit sa akin.

Nagpautuloy ako sa paglalakad ng may humarang sa'kin na mga estudyante at binuhusan ako ng tubig. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

"Ang kapal ng mukha mo!"

"Sino ka para yumakap na lang basta-basta kay Warren?"

"Ambisyosa ka masyado para lumapit sa kanya!"

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, may nakakita sa'kin ng yakapin ko si Warren.

"YOU BITCH! Lumayo ka kay Warren!"

Basang basa ako, maya maya ay may nagsampay ng jacket sa balikat ko, paglingon ko sina Amber at Cher galit na galit ang itsura nila. Lumapit si Cher doon sa babaeng nagbuhos sa'kin ng tubig at ubod ng lakas na sinampal ito. Gaganti sana ng sampal ang babae kay Cher pero nasalag iyon ni Amber

"HOW DARE YOU!" Gigil na gigil na sabi ni Deandra sa kanila. "Ano'ng tingin 'nyo sa kaibigan namin? Basura na tulad 'nyo?"

"At bakit? Inaakit niya si Warren!" Sabi ng mga babae.

"Wala kayong alam!" Sigaw ni Amber sa kanila. "Mga inggitera! Kayo ang ambisyosa dahil inaangkin nyo ang hind naman inyo!

"Aba! Ang tatapang nyo ha!" Sigaw din noong  lider ata ng grupo, susugurin niya sana si Cher ng may humarang sa kamay niya.

"Kung ako sa iyo, hindi ko itutuloy na saktan si Deandra." May babala sa boses ni Jared ng mapatingin kami sa kanya. "Kung ayaw mong matanggal sa Campus na ito."

"Magsialis na kayo, bago pa namin kayo patulan." Sabat naman ni Mark na madilim ang anyo. Nagsialisan nga ang mga babae sa harap namin.

Napatingin kami sa grupo nila at nakita ko na kumpleto sila, ngunit walang imik si Warren at nakamasid lang.

Medyo nasaktan ako kasi hindi ako ipinagtanggol ni Warren, pero sa isang banda ay mabuti ng hindi siya nakialam.

"Nasaktan ka ba Deandra?" Concerned na tanong ni Jared sa kaibigan namin.

"A-Ah, hindi naman." Medyo namula si Cher. Hmmm.. Nagkatinginan kami ni Amber at napangiti. "Hindi ka na sana nakialam."

"At masaktan ka?" Medyo nainis si Jared.

"Ano namang tingin mo sa'min? Mahina?" Pagtataray ni Amber, pero kumindat si Amber sa'kin, meaning sinusubukan lang niya ang binata.

"Hindi naman sa gano'n... Ayoko lang na masasaktan si Deandra..." Napakamot sa batok si Jared.

"Kaya namin ang sarili namin, pero maraming salamat sa iyo, Jared." Sabi ni Cher sa kanya.

"Vien." Ang sagot naman ng lalaki sa'min.

"Huh?"

"Vien ang itawag mo sa'kin." Nakangiting sabi ni Jared kay Cher.

"O-okay..." Medyo na-wierd-uhan kami sa kanya ng may marinig kaming tumawa.

"Aba! Si Pareng Vien, lumelevel up!"

"Ha! Ha! Ha! Ibang klase ka tol!"

"Personal nickname na agad!"

Kantiyaw ng mga kaibigan ni Jared sa kanya. Napasimangot si Jared at pinagbabatukan sila isa-isa. "BWISIT!"

Napangiti na lang kami ng mga kaibigan ko sa kakulitan nila ng mga kaibigan niya, kahit si Warren ay tumatawa.

"ATCHOOO!" hindi ko napigilang mapabahin. Napatingin silang lahat sa'kin at namula naman ako sa kahihiyan. Natawa pa sila.

"Ay! sinisipon ka na!" Nag-aalalang sabi ni Amber. "Tara na, magpalit ka ng damit."

"Mauna na kami sa inyo, maraming salamat uli." Sabi ni Cher sa mga binata, kumway pa si Jared sa kanya at ngumiti na lang siya.

Buti na lang at may extra uniform kami lagi sa locker namin, in case nga na may mangyaring ganito.