Love Anatomy: Colorful

Prologue

Philippines, Manila
October 11, 1986 10:09 AM

"Ladies and Gentlemen, I would like to introduce to you to Royal Family of Holland! His Royal Highness, King Edward and Queen Mabelline, with the only heir to the throne, Prince Sage Wilson!"

CLAP! CLAP! CLAP!

"Andito ngayon sa Pilipinas ang Royal Family ng Haring si King Edward upang dumulog sa isang World Conference na gaganapin sa Malacanang Palace, at ngayon ay nakikita natin ang ating Presidente na kinakamayan ang Hari ng Holland, makikita din na nagdadatingan na ang ibang mahahalagang tao sa iba't ibang panig ng mundo." Anunsiyo ng reporter sa camera na nakatutok sa kanya.

"Mahigpit ang seguridad sa buong Palasyo ng Malacanang upang siguruhing walang kaguluhang magaganap sa magsisimula pa lang na World Conference, nagkalat ang mga K-9 units sa paligid, at kung inyong mapapansin ay may mga sundalo, pulis at SWAT na nakabantay. Ang Amerika ay nagpadala ng mga tauhan mula sa Secret Service at Navy upang magbigay ng dagdag na proteksyon sa bansa." Anunsiyo ng isa pang reporter mula sa ibang istasyon.

Batangas
Oct 14, 1986

Natapos ang World Conference na walang anumang gulo ang naganap, ngunit hindi maiiwasan na may mga nagprotesta habang kasalukuyang ginaganap ang pagpupulong. Napansin iyon ng batang Prinsipe mula sa Holland. Tahimik siyang nakamasid sa mga nagrarally sa labas ng Malacanang hanggang sa tinawag na siya ng kanyang ina, si Queen Mabelline na half Pinay, half Hollandish at niyaya siya na mamasyal.
Nagtungo sila sa Batangas kung saan may bahay ang pamilya ng Reyna.
"Sage, you can play outside but never wander that far, you know that you are not just any child out there, you are a prince and your safety is important." Sabi ng Reyna sa anak. "Jacques! Marco! Watch over my son as he enjoys himself. Make sure to watch where he is going."
"Yes, Your Higness." Yumukod ang dalawang bodyguard na tinawag ng Reyna at sinamahan ang batang prinsipe na maglaro sa malawak na garden.
"Jacques? Marco?" Tawag ng prinsipe sa mga bodyguard. "Who owns that big house just beside this villa?"
"That, Sire is own by a wealthy family." Sinagot ni Marco ang tanong ng bata.