Status: This is in Filipino/Tagalog story. If Had a time I'll translate it in English

You Were Wrong

First Mistake

Chapter 1

Paano ka nakakasigurong tama ang ginagawa mo at hindi mali?

Ilang pursyento ba ang nasisiguro mo na gusto mong itamang pagkakamali ay hindi tama. At kailan mo mapapatunayan sa sarili mong wala kang ginawang mali.

Sabi nila, wala raw mali pag dating sa pag-ibig. Sinong bobo ang maniniwala d'yan. Dahil sa punyetang pag-ibig na 'yan maraming tao ang nagkakamali. Oo, andoon na tayo walang taong perpekto. Pero, hindi mo ba p'wedeng gamitin kahit minsan lang ang utak mo para mabawasan ang pagkakamali mo?

Last year ko na ito kasama sila. Kung minsan iniisip ko bakit nandito pa rin ako. Nakarating ako ngayon dito dahil sa isang maling desisyon ko. Ngunit ang manatili rito ay ang pinaka mas malaking pagkakamali na hinayaan kong mangayri. Alam ko, noong una pa lang ay p'wede na akong umalis tumakbo at magtago. Hindi ko nga lang nagawa. Bakit? Kasi nagkaroon ang ng malaking rason para manatili dito. Ang rason na iyon ay isang pagkakamali na hindi ko na p'wede pang balikan para baguhin pa. Kailangang tapusin ko ang nasimulan kong pagkakamali sa isa pang pagkakamali muli.

Sa inaraw araw ng buhay ko, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin nag sasawa ang inaamag kung utak kaiisip sa iyo. Ang isip kong palaging lumilipad sa kawalan. Tulad ngayong papasok ako sa campus. Hindi ko maiwasang isipin ang mga alaalang ginawa nating dalawa sa loob ng dalawang taon. Ni hindi man lang umabot ng tatlong taon. Pero kung sa bagay alin ba ang totoo sa loob ng mga taong lumipas. Wala naman 'di ba.

Nasa tapat ako ng hagdanan. Noong unang taon ko dito sa kabilang hagdan ako dumadaan. Sa paglipas ng taon itong hagdan na ito ang naging testigo ng maraming bagay. Tulad ng pagtakbo ko kapag late na ako sa major subject ko. Tambayan ng buong barkada. Saksi rin ang hagdan na ito sa mga luhang iniyak ko ng dahil sa iyo. Lahat ng iyon sabay-sabay na naglaho.

Late na ako pero hindi pa rin ako umaakyat ng hagdan. Nagkakaroon na naman ako ng sariling mundo kung saan ng ta-time travel na ang utak ko. Okay na sa akin ang ma-late ngayon, madalas hindi pa ako pumapasok sa mga subject ko. Bakit? Simple lang tinatamad na kasi ako sa buhay ko. Wala na akong barkadang kasama na tatambay dito. Hindi na rin ako iiyak dito ng dahil sa iyo.

Walang wala na ako. Kinuha mo na silang lahat sa akin.

Ilang sandali pa nang maisipan kong umakyat na rin. Mabagal lang ang bawat hakbang ko. Bihira lang ang mga students ang dumadaan dito. Madalas doon sila sa kabila.

Ayoko sanang pumasok ngayon kaso major subject namin iyong papasukan ko ngayon. Saka ito na lang ata ang subject na mayroon akong mataas na grado. At finals namin ngayon.

Ang bilis ng paglipas nang oras at ang bilis ding naglaho ang mga masasayang araw ko kasama nila.

Nakita kong nakaupo ang barkada nila Zachary sa hallway ng hagdanan. Noong first year ako crush ko si Zach at ang dalawa pa sa kaibigan niya. Halos lahat ng crush ko ay sa section lang nila. Mga nine ata lahat 'yon.

Well nevermind, noong first year pa naman ako noon at wala na lang sa akin 'yon ngayon.

"Walang klase Rebecca." Bungad sa akin ni Dylan.

Tumaas naman ang kilay ko. "Oh talaga." Sarcastic kong sagot at umupo sa gilid.

Wala akong makita ni isa sa mga old classmates ko. Lumipat ako ng section. Bakit? Feeling ko kasi ayaw na sa akin ng mga dati kong kaibigan. Kumbaga hindi na ako nag-e-exist sa mundo nila. Hindi ko na rin sila nakausap pa simula ng lumipat ako ng section. Siguro galit lang sila sa akin.

Kinuha ko iyong pamaypay sa loob ng bag ko saka nagpaypay. Ang init kasi ngayon.

Tumabi naman sa akin si Dylan. "Amin na 'yang pamaypay ako magpapaypay." Sabi niya kaya hinayaan ko na lang siya.

Ang circle of friends nila madalas binubully ako. It's not that 'yong super bully ako na tinatakot nila ako. Hinahayaan ko lang silang gawin iyong mga bagay na gusto nilang gawin sa akin. Like sila iyong unang kumakain ng pagkain ko. Inuubos nila ang stock ng mga ballpen at papel ko. Nagpapalibre sila ng kung anu-ano.

I cannot call them as my friends. Kilala ko sila oo. Kaya kong makisama sa mga trip nila sa buhay. But I can't count on them as one of my friend. Dahil siguradong kapag ako na ang may kailangan wala silang ibibigay sa akin.

"Anong size ng paa mo Rebecca?" Tanong ni Zach habang nakatingin siya sa flat shoes na suot ko. Naka upo siya sa left side ko then katabi niya si Miles. Hindi ko alam kung girlfriend ba niya. Pero lagi silang magkasama at parang may something sa kanila.

"5." Maikling sagot ko.

Magulat ka na lang kung size 9 ang paa ko samantalang ang height ko lang ay 4"8. And to tell you fifth year na ako graduating next year. Fifth year college na ako at ganyan pa rin hanggang ngayon ang height ko.

"Paano pagbibili ka ng sapatos sa kids section ka maghahanap." Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba si Zachary sa sinabi niya. Pero dumating iyong point na minsan sa kids section na ako naghahanap para may magkasya sa akin. Kasi minsan 'yong size five na hells maluwag pa rin sa paa ko.

"Hindi naman. Minsan lang." Ako.

"Ang liit ng paa mo Rebecca." Sabi ni Dylan at idinikit niya ang paa niya sa akin.

"Alam ko. Ano bang size ng sapatos mo?" Tanong ko.

"Parehas lang tayo." Sagot niya.

Which is hindi totoo. Dahil ang laki ng sapatos niya.

Nagkwentuhan pa sila ng kung ano anong bagay. 'Di na ako nagsalita pa dahil hindi na ako makarelate sa mga pinag uusapan nila. Maya maya biglang kinagat ni Dylan ang kanang balikat ko.

"Aray Dy!" Reklamo ko.

Dumaan siya! As in dumaan siya sa harapan namin.

Bumaling ako kay Dylan at hinimas ko iyong balikat ko na kinagat niya. "Ang sakit hah." Hinampas ko siya sa braso.

Letseng 'to. Nabawasan unti iyong sakit ng makita ko siyang dumaan sa harapan namin. Nakita kaya niya? Iyong ginawa ni Dylan.

"Di ba jowa mo iyon." Sabi ni Dylan.

Tumaas namang ang kaliwang kilay ko. Kung boyfriend ko iyon sa tingin niyo kasama ko kayo?

"Ilang year na kayo noon?" Si Zach naman ang nagtanong.

Kumunot lang ang noo ko. "May ibang girlfriend iyon. At hindi ko naging boyfriend 'yon ano." Sagot ko.

"Ku ikaw pa Rebecca,"

"Hindi nga Rebecca? Hindi mo boyfriend iyon?" Tanong ni Naomi. Isa sa mga friends nila. Umiling lang ako bilang sagot.

"Seryoso, hindi mo naging boyfriend 'yon. Bagay pa naman kayo." Gatong ni Zach.

Halos mapunta na sa bunbunan ko ang kilay ko sa pagkakataas. "Hindi nga sabi, eh." Inis na sabi ko. Oo, naiinis ako pag-inaasar nila ako sa kanya. Galit ako, galit na galit ako sa kanya. Dahil sa kanya nawalan ako ng mga kaibigan. Ang sakit isipin na iyong mga kaibigan ko na okay lang sa kanila na parang wala siyang ginawang mali sa akin.

"Pero nagka-boyfriend ka na Rebecca?" Tanong ni Naomi.

"Never pa." Sagot ko. At tiningnan niya ako na parang nagsabi ako ng isang nakakatawang joke.

"Wee? Hindi ka pa nagkakaboyfriend, Rebecca? Impossible." Sabi pa ni Naomi. Bakit dahil mukha ba akong malandi? Or inggit lang talaga silang dalawa ni Miles sa akin dahil game na game makipag landian sina Zach at ang crush na crush niyang si Roman sa akin noon.

"Sa itsura mong 'yan 'di ka ba nagkaka-boyfriend." Si Naomi. Ayaw 'ata akong tigilan hanggat 'di ko sinasabing nagka-boyfriend na ako.

"Bakit ano bang itsura ko?" Bored na tanong ko.

"Ang ganda mo kaya." Nakangiting sagot niya. Napangiti na rin ako. Ang ganda ko lang naman pala, eh.

"Dylan!" Sigaw ko. Agad naman siyang lumayo ng kunti. Kinuha ko iyong pamaypay ko at hinampas siya. Tumakbo na ako paakyat sa corridor baka igla pa siyang gumanti sa akin.
♠ ♠ ♠
Tagalog po ito. I'm gonna translate this into English if I have a time.

-Coco