Kristoper

lumiliyab ang kalawakan
sa tiklop ng iyong ngiti
inaantay kong maligaw
sa galaw ng iyong labi

bawat buntog-hininga'y
tila'y parang regalo
bawat kislap ng mata'y
pinapatibok ng puso

hinahanap ko ang araw
sa iyong bawat salita
humahaplos na liwanag
kundima'y diwata

laos na kung sabihing
ikaw ang matingkad na kulay
pagpasensyahan ang pag-ibig
natutuwa lang na ika'y buhay