Ligaya

Naaaninag mo ba sa langit ang bituin?
Sa tingin ko'y hindi ko na kailangang tumingin
Sa mata mo pa lang ay nakikita ko na ang kislap
Sa puso ko'y ito ang kulang na sangkap

Naaaninag mo ba ang kalungkutan ng langit kapag umuulan?
O ang hiyaw ng kulog na parang walang katapusan?
Sa kabila ng malaking unos, nandyan ang iyong ngiti,
Na mas mainit pa sa ara na nakapagpapatigil sa aking hikbi

Naaaninag mo ba kung gaano ka kaliwanag?
Tumingin lang ako sa 'yo ay halos ako'y mabulag
Hindi ko na kailangan ng isang bagay para sumaya
Ikaw mismo ang aking ligaya.....
♠ ♠ ♠
Sinulat ko 'to para sa kaibigan ko. Retreat kasi nila eh.