BAKIT IKAW PA?

Bakit ikaw pa?
Sa dinami-dami ng tao sa paligid ko,
sa'yo pa ako nagkagusto?

Bakit ikaw pa?
Sa mga pagpipilian ko,
ikaw pa din ang ipinilit sa sarili kahit ayaw ng iba.

Bakit ikaw pa?
Ang mga pangako mo na nababalewala,
pinatawad pa din kita.

Bakit? Bakit ikaw pa?
Sa lahat ng mananakit sa'kin, bakit ikaw pa?
Sa dami ng mga tanong ko, masagot mo pa kaya?
Sana...

Sana hindi na lang ikaw.
Sana minahal ko muna ang sarili ko bago mahalin ka.

Ngayon nagtatanong ako sa'king sarili...
Bakit ikaw pa?
♠ ♠ ♠
My regrets. :(