Mahal Kita

Mahal Kita! Mahal mo din ba ako?
Tanggapin mo naman ang pagmamahal ko
Handa akong gawin ang lahat kahit ang magpakagago
Sagutin mo lang ang hiling ng aking puso

Mahal kita! Mahal mo din ako.
Hindi ko lang mapaliwanag kung bakit nagkakaganito
Tibok ng puso ko'y biglang nagbago
Ang pag-ibig ko pala sayo'y lumalim ng husto

Mahal pa din kita! Mahal mo na siya.
Ako'y nalulungkot at ang puso ko'y nagdurusa
Di ko maatim na magmahal ka ng iba
Pagkat ang puso ko'y sayo'y ibinigay
Ngunit ito'y iyong iniwang nakahandusay

Mahal pa din kita! Iniwan ka na niya.
Ang puso ko'y nandirito lamang , iyong gawing kanlungan
Kanlungan ng iyong pusong nasugatan
Ito'y handog ko upang ika'y matulungan

Mahal pa din kita! Mahal mo na din ba ko?
Ilang beses ka nang nasaktan
Ilang beses na kong nagtiis
Ito at tumutulo na ang pawis
Ikaw lamang ay mapanagutan

Mahal na mahal kita! Mahal mo na rin ako!
HIndi na matatago pintig ng puso mo
Pagkat ika'y umiibig na rin ng totoo
Kaysarap isipin, pakinggan at damahin
Na mahal mo na din ako!

HAAHHAHA. Waleyy lang :D