Status: Still writing the next chapters...

God Bless the Broken Road

Chapter 1: Mystery Man

Saturday ng bandang tanghali, nag OL ako sa YM. Nakita ko may gustong magadd sa akin. Hindi ko alam kung sino, pero biglang pumasok sa isip ko si Jared. Crush ko siya noong first grading pa. Kaya siya ang naisip dahil, parang siya ang may mas malaking posibilidad na malaman ang e-mail ko. Buti online yung nagadd sa akin.
Tinanong ko,
“Who is this?” eninglish ko kasi baka jbnoy ito or what. Di nagreply, hinulaan ko.
“Jared ba to?” Tanong ko.
“Yeah.” Nagreply siya. Ano? Si Jared to?!?!? Sandali, kailangan ko atang sumigaw.
Bumibilis yung tibok ng puso ko.
“Ikaw ba si Abby? Yung may necklace na may heart shaped pendant tapos, punung puno ng gems?? :))”
Naalala ko, nagsuot ako ng necklace na may pendant na ganun noong mass. Pero, ang weird ha… Siya pa ang nag add sa akin, tapos, tatanong niya kung ak ba si Abby??
“Sige, bukas na lang.. g2g na eh “ Sabi ko sakanya. Kahit ayaw ko pa mag sign out, kailangan. Aalis kami. Tsk.. “Geh, Bye :-h”
The next day,pag dating ko sa school, syempre, morning rites, subjects subjects… Grabe, minsan ang boring. Minsan kailanan kong sampal-sampalin ang sariili ko para magising. “O sige, mag recess na kayo” Sabi ni Sir Gallardo. HAHAHA!! Recess na!! Woohhoo!! Maikwento nga yung nangyari kahapon I hope di ako mamula….
Kasabay naming lagi sila Steph at Jill tuwing recess and lunch. Friends parin forever!!! Naupo kami sa table na ang nasa likod namin ay sila Jared.
“Uy alam niyo ba may nagadd sa akin sa YM… si JARED!”Pinaringgan ko si Jared para pakinggan niya ang susunod kong sasabihin. “Siya ang nagadd sa akin, pero alam niiyo ba, tinanong niya pa ako kung ako ba si Abby!” Tumawa kami at lumingon si Jared at tumayo, pumunta sa table namin.
“Ikaw naman ang sinabi mo Ikaw ba si Jared?” Itinaas niya ang kilay niya. Parang ipinaparating niya na iniisip niya na may gusto ako sa kanya.. Which I’ll deny.. But it’s True..LOL
Inirapan ko siya at tumayo. “Whatever! Time na.. Malelate na kami…”
Tumawa nalang siya at umakyat na kami nila Sam.
Nakakatuwang isipin, parang, biglang nagpansinan na lang kayo ng isang tao na di mo ka close…at crush mo pa.

Ang bilis ng oras… Di mo mapapansin na break time na naman. Akalain mo yun,Natuwa ako sa Math?!?!
Lunch na,Naupo nanaman kami malapit kela Jared. Dahil sa super kilig ko sa nangyari kahapon at kanina, pinagusapan nanaman namin si “strawberry”… Sino si strawberry? Haha… Nickname naming kay Jared. Kahit nagging close na kami ni Jared, di ko sasabihin sa kanya yun noh! Sa min sa min lang nila Cath ito…. Pati na rin ikaw…
Habang pinaguusapan naming siya, syempre…Kilig naman ang ate niyo giggle ako ng giggle. Napapatingin na tuloy ang mga tao na nasa canteen.
“Uy abby, nakainom ka ba ng gamut mo? O sadyang overdose lang??” Sabi ni Steph.
“Steph, intindihin mo si Abby, desperado yan. Ngayon at malapit niya nang makamit an gusto niya, ayan ang resulta! Tsananan!!” Sabi naman Ni Sam.
“Talagang alam ni Sam!” Tawa naman si Jill.
“DI ba nga ako ang superior? Mothers Knows Best!!!” Sinabi ni Sam, taas noo si mother!!
Nang di ko na nakayanang kumain at parang nabusog sa hangin kakatawa, tinigilan ko nang kumain at inaya ko na sila Jill na umakyat. Tumango naman sila. Nang aakyat na kami, nilingon ko si Jared mula sa bintana Nakita ko siyang kumaway. Ningitian ko na lang siya at kumaway rin. Pagkalipas ng isang staircase,tumawa nanaman ako… Grabe!! Kakakilig!!
Pagadating ng last subject namin, English, wala akong ginawa kung hindi, ipukpok ang dulo ng lapis ko sa mesa at tumingin sa orasan. Naeexcite na ako mamaya.. Anu namang pangyayari ang ikakabaliw ko??
“Gabrielle! “ Sigaw ng Teacher namin, si Ms. Guevarra.
“Ay naku! Gabrielle daw!” Napasigaw ako at napatayo.
Tumawa ang lahat ati si Ms. Guevarra.
“Are you okay?” Natatawang sinab ni Ms.
“Ahm.. Yes ma’am” Sabi ko.
Whew, kinabahan ako nun ah…. Akala ko kung anu na. Pagtingin ko uli sa orasan. Yeah! Time na!! haha!! Umalis na si Ms.Guevarra, pumasok na I Ms. Dumancas, ang homeroom teacher namin, at pinauwi na kami.
Agad-agad, pumunta kami sa harap ng classroom nila steph. Tinatawanan na nga kami ng adviser nila, si Ms. Olaguer. Faithful daw kami. Panu ba naman, hinihintay namin sila steph araw araw!
Nang pinalabas na rin sila, pinuntahan namin sila steph at jill. Bumaba na kami.Binilisan ko ang pagbaba ko. Ang dami ko kasing dala. Nang papunta na ako sa service ko, biglang may nanggulat sa akin.
“BAH!” Sigaw nung nanggulat sa akin at tinulak ako.
“Ay!!!” Sigaw ko dahil sa gulat at dahil din sa pag hulog ng mga dala kong libro.
Tinulungan ako ni Jared na kunin ang libro ko. Binigay niya sa akin yung mga libro, tapos, biglang may lumipad na papel.
“Pwedeng pakuha?”Request ko sa kanya. Pinulot niya ito at binasa.
“STRAW..BERRYYYYY… Favorite mo yun?” Tanung niya.
“Oo..”Sagot ko naman.
“ice cream?”
“Lahat.” Nagulat siya.
“Ano? Lahat?” Pagulat niyang sinabi.”Pati tao?”
“Oo.. crush ko yyan eh.. Nick name ko para sa kanya.” Paliwanag ko sa kanya.
“Ah… sino siya?”
“Do you need to know? “ Yun na lamang ang sinagot ko.
“hindi naman….”Tumawa siya. Inirapan ko siya at dumeretso na sa service ko.
Ang weird no, tinatanong niya. Honestly, I feel, he feels the same way?? I feel lang ha!! Pero let’s see.. Malay mo? Totoo!