Status: Still writing the next chapters...

God Bless the Broken Road

Chapter 2: The dream: Came to life

Last night, napaginipan ko, I was trapped in a castle daw, then I saw strawberry, coming to save me daw. Tapos, he was all gentle and sweet. Alam mu yung moment na parang tarzan and Jane? Yung hahawakan ka ni “prince charming” tas’ you’ll escape using a rope. Then may hawak syang sword tapos, sasaksakin niya ang bawat kalaban na lumalapit sa’yo?Hahah… Like ko yun.. Yung guy na isasave ka kahit nakataya yung life mo. Akala ko dream lang siya pero magiging totoo pala… Many times in a day pa!
Dismissal noon, yung palabas ng school namin, is a steep, rough way. Like an inclined plane pero rough siya. Almost everyone at school goes out at that time. I was with my friends then Jared and his peer group was nasa harap namin. A bag was passed and thrown around by lame students and it fell malapit sa amin. Parang ahead lang sa amin ng 2 rulers. Eh dahil chika ng chika, di naming yun napansin. Then naramdaman ko na lang, sumabit yung paa ko sa handle nung bag na iyon.
“Aaaaahhh!!!” Sigaw ko, pati nila Cathrina. Napalingon si Jared. At tumakbo sa may tagiliran ko at namalayan ko na lang na, di ako bumagsak. Closing my eyes,I thought I was going to hit my head on that rough way. Pagbuka ko ng mata ko, nakita ko si Jared.
“My heeerrrrooowww..”Whisper ko sa sarili ko.
Di ko alam narinig yun ni Jared.
“ano?”tanong niya.
“Ha? Ano?”Sabi ko, kunwari di ko narinig yung sinabi niya.
Itinayo ako ni Jared at ng mga kaibigan niya.
“Okay ka lang?” Tanong naman ni Sam.
“Ano ba.. Okay na okay ako!” Sigaw ko habang inaayos ang damit ko. “Don’t worry!”
“YES NAMAN!!” Sigaw nila Jared at nag tawanan.
Talaga bang dreams come true? Tanong ng iba. Sa kasi ko, Oo… It does come true. ;)
Nang papunta na kami sa Mcdo, syempre trike tayo. 2 sa loob, 2 sa labas. Apat ang kasama ni Jared, ako 2 lang. Sa kabaitan ni Jared, pina una niya yung mga kasama niya sa loob, sabi niya sasama na lang daw siya sa amin. Since gusto ko sa labas, sa labas ako at ayaw naman nila Sam. Edi sa likod ko pumwesto si Jared. Medyo happy ako na nandyan siya. Syempre, crush nga dib a? Pero nakakailang. Habang papalapit na kami, hinahanda ko na yung pambayad ko, di ko namalayan, yung bag ko na nasa lap ko, nalalaglag na sa shoulder ko. Kaya nung naramdaman ko na na lumalagpas na siya sa tuhod ko,
“Ay! Ay!! Yung bag ko.!”
Naalerto ata noon si Jared, at nasalo ang bag ko.
“Thanks ha…” Sabi ko sa kanya. Huminto na ang trike sa mcdo.
Our eyes met again. Nagising na lang kami nang sabihin ng driver kung magkano ang fare. Bakit ganun? Lagi kong nafefeel na may gusto rin sya sa akin. Hay, sana malaman ko ang totoo.
Nung pumasok na kami sa mcdo, syempre, hiwalay na ang tables, malayo-layo na. Kaya medyo sad. Pero okay lang kesa naman may makakita sa amin at pagkamalan kaming nagdedate! So nagvolunteer na ako sa pag bili ng food. Ako lang mag isa ang bibili nakita ko, sila Jared at Ronald ang bibili para sa group nila. Naisip ko, nice huh…Buti na lang mabait ako at nagvolunteer na bumili!
“Ms. Tatlong coke float with twister fries. Yung 75 lang.” Order ko sa counter. Nasa likod ko sila Jared dahil sa andun siya, na mesmerize ako at di ko napansin yung tao sa harap ko. Itinulak nung tao na iyon yung tray papunta sa akin, siguro alam niya na na mababanga naming ang isa’t isa. Nasalo ko yung dalawang coke float pero nabawasan na, yung isa at yung tatlong fries natapon. At worse, natapunan ako.
“Di mo kasi tinitignan ang daanan mo!!” Pagalit na sinabi nung lalaking nakabangga sa akin.
“Whattt?!?!” Binulong ko sa sarili ko.
Siguro, kung di tinulak nung lalaki yung tray, naiwasan ko pa siya!
“Ngayon, ano na?” Tanong ko sa sarili ko.
May nagbigay ng sangkatutak na tissue. Mga 5 inches ang kapal! Napasnort na lang ako.
“Wow!” Sabi ko. Pag tingala ko, si prince charming pala.
“Halika, dun tayo sa may faucet, linisin natin yan.” Sabi niya sa akin. At nang nakarating na kami sa faucet, dib a may salamin yun? I looked at myself, eeww!!
Kumuha ng tissue si Jared mula sa kamay niya at pinunasan ang mukha ko, na nanlalagkit sa coke. Nagulat ako at tinignan siya. Di ko maintindihan, bakit niya ginagawa to? Kahit alam niyang nakatingin ako sa kanya, tinuloy niya pa rin ang pag punas sa akin.
“May extrang t-shirt ka pa?” tanong niya.
“Wala na… okay lang to…” Sabi ko naman sa kanya.
“Di okay yan no!! manglalagkit ka, may extra t-shirt ako dun. Plain white nga lang. Yun na lang. Hintayin mo ako.” Bumalik siya sa grupo niya at kinuha ang t-shirt.
Sinutsutan naman ako nila Cath, at binigyan ako ng thumbs up. Sinabi ko naman, sa sarili ko, di ko akalain mangyayari to.
Nang bumalik na si Jared, binigay niya sa akin ang tshirt at pumunta naman ako sa cr at nag palit. Pag palit ko, lumabas ako.
“Medyo malaki..pero okay lang yan.” Sabi sa akin.
“Salamat talaga…” niyakap ko siya.
“AYYYIIIEEEEE!!! SOBRANG CHEEESSSYY!!” Sigaw nila Sam at ng mga kasama ni Jared.
Napabitaw na lang ako at nag thank you ulit at bumalik sa table namin.
“Abby, kahit natapon mo ang pagkain namin, I think it’s worth it. Mukhang magiging kayo.” Sabi ni Sam.
“Oo nga!!! Tignan mo, ilang beses ka na niya sinave this day?” Tanong ni Cathrina. “ TATLO! At sa Isang Araw lang!!”
“Sa tingin niyo talaga??”Tanong ko. “alam niyo, may feeling ako na may gusto siya sa akin na wala. Ang weird nga eh.”
“Siguro, kailangan pa nating maghintay. Tsaka, siya dapat ang magtapat sa ‘yo.” Sabi naman ni Sam. Napatungo na lang kami ni Cath.
Mga after 5 minutes, natapos na kami. Sabay kami ni Jared umuwi kasi nasa iisang subdivision lang kami.
Ang mcdo, katabi lang ng petron tapos yung tricycle terminal na. Nagpaalam na kami sa isa’t isa. At sabay na kami ni Jared na papunta sa terminal.
Di ko napansin, may car palang paparating.
“Abby!!!” Sigaw ni Jared at hinila niya ako patalikod. Tapos nakita ko yung silver corolla na dumaan.
“Ano ka ba? Di ka nagiingat!” Tsk. Napagalitan tuloy ako ni Jared. Nauna na tuloy siya sa terminal. Ako, tumayo lang sa kinatayuan ko at ni Jared kanina.
“Ano? Di ka uuwi??” Sigaw niya sa akin. Nagbuntong hininga siya at pumunta sa akin at ako’y binuhat.
“Namumuro ka na.” Sabi niya.
“Sino bang may sabing gawin mo to lahat sa akin?” Complain ko naman.
“hay naku, kasi friend kita. And parang little sister ba.”sabi niya naman..
“talaga?” tanong ko sa kanya hanbang inbinababa niya ako.
“Oo naman…” Tumawag siya ng tricyle. “Nga pala, may surprise ako, basta sabay tayo sa trike tapos blindfolded ka… K lng bah?”
“Surprise? Osige….” Medyo nagdududa pa ako. Tsk.. kinakabahan tuloy ako.
Sumakay na kami sa tricycle, naka blind fold ako at nang pagtigil ng trike, inalalayan ako ni Jared palabas ng tricycle.
“Tanggalin mo na blindfold mo.” Sabi niya sa akin, habang naririnig ko ang mga barya na hinulog ng driver sa lalagayan niya.
Nang tanggalin ko, “Oh, ano naman? Eh bahay lang to ng kapitbahay namin, napinturahan lang at, nandyan ang kapatid mo.” Narealize ko bigla andyan ang kapatid niya at ang ibang family members niya.
“Weh? Are you kidding me???” Sigaw ko sa kanya.
“Binili na nila mama yan, kasi maluwag luwag daw kesa sa bahay namin dati.” Paliwanag niya sa akin.
“Nice,” Naisip ko, lagi ko na siya mkikita at baka ang kwarto niya eh yung kwarto na katapat ng kwarto ko. Lagi kaming magkikita. Pwede pa kami mag usap!! Rejoice! Rejoice!