Status: Still writing the next chapters...

God Bless the Broken Road

Chapter 6: Friday Night

Chapter 6: Friday Night.
The next day, was Friday and maganda ang mga grades ko sa quizzes and long tests.. Yey! Then nung lunch, nakatabi namin ang mga boys. Ang ingay infareness…
“Jared, Jared, ano ba talaga???” Biglang tanong ni Carlos. Mukhang nangiintriga.
“Uy ang ingay niyo! Shhh!!! Friend ko lang siya!” Biglang paliwanag ni Jared.
Nagsigawan ang lahat…. Parang mga hindi naniniwala. Mayamaya lang, narinig ko silang nag change topic…
May narinig ako.. Party daw..
“Mamaya ba?” Tanong ni Echo.
“Oo… Friday night ito!” Sabi ni Jared.
Syempre winiwish kong isama niya ako kaso, baka all boys sila. Let’s see na lang…
Right after naming kumain, umakyat na kami…Kasabay naming ang mga boys, as usual.
Biglang kinalabit ako ni Jared.
“Oh hey….”Sabi ko sakanya ng tumingin ako.
“Punta kayo later? Sa bahay ko lang… wala sila mama kaya, okay lang..” Sabi niya.
“Hay naku! Ayoko maging partner mo in crime!!” Sigaw ko kahit gusto ko pumunta.
“Alam naman nila!!!” Sabi niya.
Medyo narelieve ako. “Ah..osige…we’ll try to be there…. Anung susuotin?”
“Casual lang… kung anong gusto mo suotin…” Sabi niya sa akin.
Tumango naman ako at nagproceed sa klase.
Pagkatapos ng klase, sa school bus, nagtabi uli kami ni Jared.
“Exciting naman mamaya..” Sabi ko sa kanya.
“Anung exciting? Feel ko nga di magiging Masaya mamaya..”
“Bakit naman..?” Tanong ko.
“Eh kasi, baka hindi pumunta yung isang taong gusto kong makasama.”
pinat ko ang likod niya. “Okay lang yan.”
Ngumiti siya sa akin.
Naisip ko, baka ako yun…kasi kanina ang sinabi ko, susubukan kong makarating… magpapaalam pa kasi ako kela mama.
Nung hapon na iyon, tumawag ako kay mama.
“Ma, may party kela Jared…Pede ba akong pumunta?” Tanong ko.
Medyo choppy si mama… pero naintindihan ko naman. “Wag… walang tao sa bahay… gabi na kami uuwi eh.”
Halos maiyak ako. “Ahh.. osige.. yun lang… maya na lng.” Binaba ko ang telepono.
Naiyak nga ako sa kwarto ko. Kung kalian may tsansya ako… bawal naman….
Pag dating ng gabi, ginawa ko ang mga ilang assignment nang gabing yun. Nang narinig ko ang music sa bahay nila Jared, napatingin ako sa window ni Jared at nakita ko siya.
Itinaas niya ang isang papel na nagsasabing:
“Ano? Pupunta ka ba??”
Nagsulat ako..
“BAWAL ako….;(“
Itinaas ko ito ng may lungkot sa aking mukha.
“Sayang… Di bale may next time pa.” Sulat niya.
Itinaas ko na lang ang dalawa kong balikat at ibinaba ang kurtina.
Nagbuntong hininga ako tinuloy ang pagaaral.
Pag dating ng 9 pm, nawala ang music sa kabilang bahay. Nang sinilip ko, nakita kong naglalabasan na ang mga tao, kumakaway. Tapos na ata ang party. Biglang nagring ang phone sa baba.
Bumaba ako at sinagot ito.
“Hello, Abby!” Sinabi ni papa.
“oh?” Sagot ko naman.
“magluto ka na lang diyan, mukhang makakarating na kami dyan ng 11… sobrang traffic.. dadaan pa kami sa SM.” Sabi ni papa.
“Ah osige..” Sagot ko.
Binaba ko ito at naawa sa sarili. Wala nanamang kasama. Biglang may kumatok sa pinto.
Binuksan ko ito.
“Lonely?” Tanong bigla.
Nagulat ako. Si jared pala yun.
“Umm.. oo.” Hinayaan kong bukas ang pinto at umupo sa sofa.
Pumasok siya, sinara ang pinto at inilapag ang dala niyang cake.
“Ako din… maaga kong tinapos ang party…di gaanong Masaya e.”
“Bakit naman?”
“Wala ung sister ko e.” Bigla niya akong tinignan.
Tumawa ako.
“Ano ka ba! Okay lang un!” Sabi ko sa kanya.
Narealize ko, ako pala yung sinasabi niya nab aka wala doon. Aww.. blush, blush.
“Hay.. magluluto pa ako ng dinner ko.. mamaya pa sila mama dadating eh.” Tumayo ako at pumunta sa kitchen namin.
“Anong plano mong lutuin..” Tanong niya sa akin, sinundan ako sa kusina.
“Umm, siguro, mag pancit canton na lang ako…. Gusto mo?” Tanong ko habang inaabot ko ang isang pack ng pancit canton sa cabinet.
“Osige ba…” Sabi niya sa akin.
Hindi ko maabot ang pancit canton kinuha ko ang upuan.
“Oh anung gagawin mo?” Tanong ni Jared sa akin.
“Eh,di ko maabot ehh..”
“Ako na. mahulog ka pa.”Kinuha niya sa akin ang upuan at ibinalik ito.
Pumunta siya sa may cabinet at kinuha ang pancit canton.
Niluto ko ito at habang hinihintay ito, naisip naming ni Jared na manuod ng movies.Pumunta muna ako ng CR. Ewan ko kung anong napili niya, pero narinig ko na lang sa CR na nagsisimula na ang movie. Di ko na tinanong kung anong movie yun, umupo na lang ako sa tabi niya.
Nang naka 3 minutes na, tinanggal ko na ang pancit at prinepare ito at dinala sa sala. Umupo muli ako sa tabi niya. Nang narinig ko ang horror na tune, nagulat ako.
“Anong pinili mo??” Tinanong ko siya.Habang nakatitig sa TV.
“Shutter” Saktong sakto, pag sabi niya ng Shutter, dun lumabas ang nakakagulat na babae.
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!! Patayin mo yan!!!!!!” Sigaw ko sa kanya habang tinatakpan ko ang mukha ko ng unan.
Pinatay niya ito at narinig ko siyang tumawa.
Pinalo ko siya sa kanyang braso. “nakakatakot kaya!!! Buti sana kung mamaya iiwanan mo ako na nandito sila mama.”
“Ano ka ba, di kita iiwan na ikaw lang magisa!” Sabi niya sa akin.
Tumahimik na lang ako at biglang nagbrown out.
“Omigosh..”Sabi ko nang biglang namatay ang ilaw.
Hinawakan niya naman ang aking kamay at sinabing “ Wag kang bibitaw.”
Tumayo kami at medyo nababanga kami sa mga furnitures pero nakalabas din kami.
“Ayan, may liwanag na.” Sabi niya sa akin.
Umupo kami sa front porch ng bahay namin.
May nakita akong isang shooting star.
“Oh gosh! Make a wish” Sabi ko sa kanya.
Mabilis kong winish ang sa akin. Ang wish ko ay, ‘sana maging kami at maging Masaya.’
Nang nawala na sa paningin naming ang shooting star, sabay kaming nagsalita.
“Anong winish mo?”
“Sige ikaw muna.” Sabi sa akin ni Jared.
Hindi ko alam ang sasagot ko kaya ang sinabi ko ay, “Secret.”
“Ganun? Gusto malaman yung akin?” Tanong niya sa akin.
“osige.. anng winish mo?” Sgaot ko sa kanya.
“Sana, Mahalin ako ng taong minamahal ko ngayon kahit mali ang pagmamahal kong ginagawa. Tsaka sana, siya na talaga habang buhay.” Sabi niya sa akin.
Nakita ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Naiiyak na nga ata siya.
“Ayaw kitang paiyakin, pero bakit mali?” Tanong ko sa kanya.
“Pwede bang hindi sabihin? Ayoko na pagusapan pa.” Sabi niya sa akin.
“Osige…” Sabi ko sa kanya.
Niyakap ko siya at winika, “ Okay lang yan.. Everything’s gonna be alright.”
Tinignan naming ang mga bituin na nasa langit, may tinuro ako sa kanya. Para sa akin, yun ang pinaka maliwanag sa lahat.
“nakikita mo yung bituin na yon?” Tanong ko sa kanya.
“Oo…” Sagot noya naman.
“Simula ngayon, yan ang bituin natin bilang magkapatid.”
“Magkapatid?”
“OO, di ba sabi mo, little sister mo ako?” Sinabi ko sa kanya yun kahit hindi bilang kapatid ang turing ko sa kanya.
“Pano naman natin malalaman kung iyon ang star natin?” Tanong niya.
Napaisip ako, ngunit alam ko ang isasagot ko. “If it’s the one that shines the most for you, that’s the one.”
Ngumiti siya sa akin.
Ilang oras ang nakalipas, nakatulog si jared ng nakasandal sa poste. Dumating naman sila mama.
“Ma,Pa” Nag mano ako sa kanila.
“Oh, si Jared to ah….Di naming alam may “thing” pala kayo ni Jared.” Asar ng Ate ko.
“Wala ah!!! Wala din kasi siyang kasama.”
Nagising si Jared. “Ay, goodevening po.”
Ngumiti namian sila mama, papa at pati sila ate sa kanya. Kumaway siya sa akin at umuwi sa kanila.