Status: Still writing the next chapters...

God Bless the Broken Road

Chapter 7: He was reprimanded but he's fine with it!

Chapter 7: He was reprimanded but he’s fine with it.
. September 8…. May mass kami nun.Isa ako sa magoofer nang flowers para kay mama mary. Habang hinihintay namin ang school bus, nag sinages nanaman kami ni Jared.
“Sacristan ka ngayon?” Tanong ko sa kanya.
Di siya kaagad sumagot dahil inaayos niya pa ang polo niya.
“Oo…kasama ko si Jade Camacho.” Sagot niya.
“Yes naman! Alam ang buong pangalan!” Asar ko.
“Syempre no!!!” Sagot niya.
Sila ang sponsor sa mass na ito kaya nakakatuwang isipin na magoofer ako ng flower.
Pagdating ng School bus namin, sumakay ako dala ang maliit na bag, at ang bulaklak,
“Ang ganda naman..” Sabi niya bigla sa akin.
“Ahh… syempre….si Mama ang pumili!” Pagmamalaki ko naman
Ngumiti siya at nagtanong. “May nagbigay nab a sa iyo nang ganyang kagandang bulaklak?”
“Sadly, Wala pa..” Sabi ko.
“Talaga??” Mukhang hindi siya makpaniwala at nakakunot ang noo niya.
“Oo naman… tsaka di ko inaasahan pa.” Sabi ko naman.
“Bakit naman?” Tanong niya.
“Eh kasi, di naman ako kasing ganda ng mga taong nakakrecieve ng ganito.Tsaka, di ako santo!” Tawa ako.
Pag dating naming sa school, si Jared na ang nagbuhat ng bulaklak. Hinatid niya ako hangang sa loob ng classroom at naandoon sila Echo kaya nagstay siya.
“Salamat.” Ngumiti ako sa kanya.
“No prob,” Sagot niya naman.
Wala pa nun sila Cathrina at ako pa lang ang babae sa loob… eeeee… okay lang at least andun si Jared. Naisipan kong gumawa na lang ng assignment.
“Seryoso yung isa dyan oh.” Asar ni Carlos.
Binigyan ko na lang sila ng “whatever” look ko habang sila’y nagtatawanan. Pumasok na sila cath.Sabay pa!
“Talagang sabay pa kayo!”Bati ko sa kanilang dalawa.
“Abby, grabe ka naman…”Sabi sa akin ni Sam. Sa tingin ko, she’s pertaining to Jared.
Hinayaan ko na lang ito. Hindi kami bumaba kasi umaambon, walang flag ceremony. Lumabas si Jared sa classroom ng dumating na si Ma’am dumancas. Asusual, may goodbye wave. I think I blushed..ewan ko… aayyiiiee!!

Mga 10 minutes before8, bumaba na kami pagkatapos ng mass, nakita ko siyang dala ang kanyang suotin kanina sa mass. Ang weird, di siya naglalakad ng maayos nakaharap siya sa akin at may tinatago sa likod. Nang Makita namin si Ms. Olaguer, nskita niya ata ang nasa likod ni Jared.
“Ikaw ha!” SIta ni Ms. Olaguer, habang ibinabaling ang kanyang mga mata sa akin at kay jared ng pasalitsalit.
Kinunot ko ang nook o.
“Mamaya.” Sinabi sa akin ni Jared at bumalik kami sa loob ng classroom.
Nang nasa loob na kami ng school bus, grabe ang pagproprotect ni Jared sa Bag niya.
“Anu ba kasi yan?” Tanong ko sa kanya.
“Eh! Mamaya nga!” Sabi niya naman. “Patience is a virtue nga.”
“AHsus! Basta! Pakita mo sa kin mamaya!”
Pagdating namin sa bahay papasok na siya sa bahay pero ako hindi pa. Hinihintay ko siyang sabihin at ipakita yung nasa likod niya kanina.
“Hoy!” Sigaw ko sa kanya.
“Ano?” Tanong niya.
“Anu ba yung secret mo!!!” Sigaw ko.
Bumaba siya sa porch nila at pinuntahan ako.
“Eti na..”Inilabas niya ang isang maganda at pulang pula na rosas sa bag niya.
I just gasped.
“It’s an honor na maging unang laalking magbigay ng isang bulaklak na maganda.” Lumuhod siya at itinataas ang bulaklak.
Di ko ito tinanggap agad.
Yumingala siya at winika, “Ano? Ayaw mo?”
Kinuha ko ito at inamoy. Haay… ang bango.
“San mo to kinuha?” Tanong ko naman sa kanya habang sinisipat ang rosas.
Yumuko siya at hinimas ang batok.
“Sa altar…”
Lumaki ang mga mata ko.
“Loko ka pala!” Binatukan ko siya.
“Basta for my lil’ sis okay lang!!” Sabi niya sa akin.
“Buti di ka napagalitan!” Sabi ko naman.
“Napagsabihan nga ako ni ma’am kanina.” Sabi niya sa akin.
“Sino ba kasi may sabi na kumuha ka dun?!?”
Tumawa na lang kaming dalawa ng tumawa