Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 00. Potchi is the Word.

Hindi biro ang buhay college. Hindi biro ang umupo ng walong oras sa loob ng classroom at magmuni-muni at magkunwaring nakikinig sa mga propesor. Hindi biro ang tuition fee na binabayaran ng mga magulang ko pang-kolehiyo ko. At higit sa lahat, hindi biro ang kumopya sa accounting quiz na siyang sinasagutan ko ngayon! Bawat numero, bawat puntos, MAHALAGA!

Kaya nga dito sa kursong nakuha ko - B.S. Accounting - tatlong bagay lang naman ang kinakailangan mo para mabuhay:

1.) calculator
2.) mga butihing KABARKADA na handang ibigay sayo ang sagot kahit sa ANO pang paraan!! Be creative!!
3.) and last but not the least, a pair of trained EYES para makita ang mga sagot kahit gaano pa ito kalayo!!!

Kung wala ka ni-isa sa mga ito. Ha. Good-bye!! Ika nga nila, "No man is an island!" At sinasabi ko na, take it from someone na nabuhay at nakaabot na ng 4th year dahil sa tatlong bagay na toh. Hinding-hindi ka tatagal sa kolehiyong ito kapag nagiisa ka lang!! Pero minsan talaga hindi maiiwasang magkalimutan... kaya't kinakailangan ko pang sipain ang upuan ng bestfriend kong si Borge na nasa harapan ko.

Si Borge nga pala ay isang babaeng nabuhay sa future. Isa siyang loka-lokang babae. Haha. Gets niyo naman na siguro yun! Chaka ko na i-explain ng maayos, busy pa ko sa pangongopya nuh!!!

So ayun na nga...nakuha na ni Borge ang malupet kong signal at bigla na siyang pumindot ng calculator niya. Tumingin muna ko kay prof. Area's clear! Sumimpleng tingin na ko sa calculator ni Borge. Una niyang tinaype e 1. Ibig sabihin question number 1. Tapos sumunod ee 950,000 na siyang sagot sa nasabing numero at dire-diretso na ang ritual naming dalwa. Itatype muna niya yung question number tapos yung mismong sagot!

Oh diba? Creative? Anong say niyo? Naisip ba yang gawin ni Einstein nun? Kahit nga si Newton o kahit sino pang genius yan... walang magagawa sa iba't ibang style namin ni Borge sa pangongopya!! haha. On with the story... baka naman isipin niyo B.I. na kami niyan.

Naku aa, hindi naman namin gawain ito. Medyo medyo lang. Basta kami ni Borge ang pagtatabihin niyo, asahan niyo na... asahan niyong wala kaming gagawing matino. haha. Saming limang magbabarkada kami talaga kasi ni Borge ang pinaka TANDEM, for short pinaka gagu at pasaway. Sa totoo lang, inseparable kami nitong si Borge.

Hindi niyo na itatanong. Meron akong reputasyong iniingatan dito sa Matute University... lagi kasi akong napagkakamalang tomboy tapos ganto pa ko umasta, lalo na at ganto pa itsura ko - short hair (boy cut) at ni walang kaarte-arte sa katawan. Ultimo bag ko, pang lalaki - bag pack.

Pagkatapos kong masagutan ang last na number, pinasa ko ng agad ang papel ko. Wala ng re-check re-check. Ee para san pa yun? Wala nga akong masagutan.

Prof: Oh, Ms. Dimaculangan mukang aral na aral ka ngayon aa?

Syempre ngumiti na lang ako. Hindi niya alam na ang lubos kong pinagaaralan kagabi ay kung ano seating arrangement namin nitong sila Borge at kung anong pinaka madaling paraan para makakopya!! haha.

At sa wakas... natapos na din ang linchak na quiz!! Ang hirap talagang mangopya!!! Bukod sa nakakapagod ee talaga namang nakakagutom... kaya naman pagkatapos na pagkatapos ee dumiretso na kaming lima sa McDo.

Borge: Hoy Ellie! Ano nakuha mo bang lahat kanina?

Siya nga pala ang pangalan ko ay Eleonor Malicsi Dimaculangan, Ellie na lang for short. I'm 19 years old taking up BS Accountancy sa Matute University of the Philippines.

Ako: Malamang. Gagu ka talaga ee. Kung di pa kita sisipain ee di mo pa ibibigay saken sagot ee malapit ng mag-time.

Borge: Lul. Masyado kang excited ee hindi ko pa tapos kunin sagot dito ke Sara.

Ako: Sigurado ba mga sagot naten?

Sara: Oo. Sigurado yun. Siguradong babagsak tayong lahat!!!

Ako: haha. Anakshota!!!

Jill:Magbagong buhay na nga kasi kayo!!

Meg: Asa ka jan ke Ellie at Borge!!

Borge: Oh, tae ako nanaman dadamay niyo! 'to ngang si Ellie malakas mangopya ee. Ewan ko ba jan, wala na ngang pinoproblema sa buhay hindi na lang mag-aral.

Ito ang usual scenario namin tuwing lunch pagtapos ng accounting period. Asaran. Kwentuhan. Tipikal na lunch break ng mga magbabarkada. Wag kayong magalala makikilala niyo rin ng lubusan ang mga loka-lokang 'toh sa mga susunod pang kabanata dahil ngayon umaatake nanaman ang sakit ko.

Ako: Sheet!!

Jill: Bakit?

Borge: Ano yun?

Ako: Tae!!!

Borge: Huh? Asan?

Sara: Kumakain kami diba?

Ako: Gagu. Na-popotchi ako!! Peram wet wipes!!! Dali!!!

Borge: hahaha. Anakshota ka talaga Ellie!! Alam mo minsan... ikapapahamak mo yang pag-potchi mong yan!!! Pigilan mo na yan!! Time na oh, may class pa tayo!!

Hindi ko naman aakalain na magkakatotoo ang sinabing 'to ni Borge. Sino ba naman magaakalang ikapapahamak ko ang pag-potchi kong ito??? Hindi man lang pumasok sa isip ko na kahit papano - kahit minsan - may sense din pala ang sinasabi niya. Minsan nga... iniisip ko... na sana pala... kung nakinig lang ako sa kanya nun... kung sana... pinigil ko na ang tiyan ko... siguro... siguro nga... hindi mangyayari ang dapat na mangyari... hindi mauuwi sa ganito ang lahat... ee di sana tahimik pa din sana ang takbo ng buhay ko... ee di sana... hindi ko na nakilala ang lalaking yun!!!!


To be continued.


Ano kayang kamalasang naghihintay kay Eleonor Malicsi Dimaculangan??

NOTE:
1. Matute University of the Philippines ~ does not exist!! Imbento ko lang po ito.
2. Potchi ~ it means, pupu. Pina-sosyal na nata-tae.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌