Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 01. Boy's CR.

Minsan talaga... may mga simpleng pangyayari sa buhay natin na kahit kelan hindi natin ineexpect na makakapag pabago ng takbo ng buhay natin. Simpleng pangyayari lang.

A simple encounter that could make your whole world turn upside down.

Who would have thought that something so typical, so ordinary could change your life forever?


Haii... bakit kasi walang manual ang buhay ng tao? Ee di sana naman nalaman ko na beforehand para naka pag-prepare ako sa mga susunod na mangayayari - lalo na ngayon!!

Naku, tama na nga sa mga mala- Edgar Allan Poe ko na introduction... haha. ;D

Going back to where we've left off... Since time na nga at may next class pa kami sa Law pinauna ko na sila Borge, Sara, Meg at Jill sa room. Naku, strict ang propesor namin dun kaya walang magtangkang magpa-late. Malamang abogada kasi. Pero wala naman akong magagawa diba? Hindi naman pwedeng pigilan ko na lang ang tawag ng kalikasan.

Ganto talaga ang tiyan ko, masyadong maselan. Walang araw na ginawa ang Diyos na hindi ako nag-cCR sa school. Dalwang bagay lang naman ang kinakailangan ko para mabuhay sa mundong ibabaw: wet wipes o kea tissue at syempre matinding pabango. Kaya naman si Sara ang masugid kong sponsor dahil sakanya lahat ang gagamitin ko.

Ngunit, subalit, datapwat!!! Pagdating ko sa girls' CR, ang mga katagang "CLEANING TIME" ang siyang bumungad sa aken. Naka-lock ang pinto at napatingin ako sa aking relos. Oo nga pala saktong 1:20 naglilinis si ate janitor dito. Sh**t!!! Aruy ku pu!!! Lalabas na 'toh... malamig na pawis na ang tumatagaktak saken at nagsisitaasan na ang dulo ng mga buhok ko sa braso.

Diyos ko po Lord, pinapangako ko hinding-hindi na ko mangongopya... wag niyo lang ako parusahan ng ganito!!!! Hindi ko na talaga kakayanin toh!!!! Magpapakabait na ko... magiging mabuti na kong istudyante, anak, ate at mamamayang Pilipino...

Buti na lang at narinig ni Lord ang mga panalangin ko, paglingon ko sa kaliwa nakita kong bukas ang CR ng BOYS!!

I love you Lord!! Pramis, minsan minsan na lang talaga ko kukopya at susubukan ko sa abot ng aking makakayang magpakabait!!! hehe... sabay bawi ano?

Hindi man sa pagmamayabang ano, pero kasi lahat na ata ng CR dito sa buong Matute University of the Philippines ee nabinyagan ko na!! Name it, at siguradong na-potchian ko na yun pero ngayon lang... as in NGAYON lang... sa tanan ng buhay ko... ngayon ko lang 'toh gagawin... ang pumotchi sa boys' CR.

Tinignan ko muna ang hallway... walang tao... chaka ako sumilip sa loob ng boys' cr... wala ding kalalakihan. YAHOO!!! Kaya naman, dali-dali akong pumasok at ni-lock ko mismo ang entrance door!! Diyos ko Lord, alam kong trespassing toh pero sana naman maunawaan niyo... para sa tiyan at sa ikabubuti ng sambayanan... pagbigyan niyo na ko!!!

Pinatong ko lahat ng gamit ko sa may sink, kinuha ang wet wipes at pabango at pumasok sa cubicle.

Haiii... nakaraos din!!!! Salamat!!!

Mga ilang minuto na ang nakakalipas... at nagco-concentrate pa din ako... haii... pag biniyayaan ka nga naman ng gantong tiyan oh... maya-maya bigla ko naisip na sobrang tahimik ng kapaligiran... at naalala ko ang horror story na kumakalat sa unibersidad... meron daw nag-suicide na istudyante dito mismo sa CR ng boys at ayon pa nga daw sa sabi-sabi kapag kumanta ka dito sa CR ee merong magtutuloy ng kanta mo... bigla-bigla akong kinabahan... pano kung biglang may pugot na ulong lumabas sa ilalim ng cubicle? O kaya pano kung may kamay na humaltak sa paa ko? Biglang nawala ang hilab ng tiyan ko at napalitan ito ng mabilis na tibok ng puso ko... tama bang takutin ang sarili???

Ako: Easy ka lang Ellie... easy ka lang...

Bakit nga ba ko natatakot? Hindi naman totoo yun!! Kwento-kwento lang yun!!! Kaya naman naisip kong gawin ang imposible... sige, kakanta ako... tignan naten kung ano mangyayari!!!!

Ako:Cause I Don't Care eh eh eh eh eh.. I Don't Care eh eh eh eh eh Boy I Don't Care...

Hinihintay kong may mag tuloy ng kanta ko. Pero ang sumunod ay total silence. Malamang, napaka ambisyosong multo naman nun kung pati ang K-pop na kanta ng 2ne1 ee alam niya diba?

Perrroooo... kung bakit ako namutla at halos tumalon na palabas ang puso ko sa takot ay sa kadahilanan na biglang may nagtuloy na kanta ko... :o

Boses:Dareun yeojadeurui darireul humchyeoboneun// Niga neomuneomu hansimhae// Maeil ppaenonneun keopeulling// Na mollae han sogaeting// Deoisang motchameulgeotgata// Oh oh oh

SBAM!!!

Despite the fact na takot na takot na ako nakuha ko pa din maglinis kahit na gusto ko ng tumakbo palabas! Pero pang-Guinness Book of Record talaga ang ginawa ko sa bilis kong nagpack up at lumabas ng cubicle... hindi ko na din nakuhang magamit ang pabangong pinahiram saken ni Sara... wala na kong pakialam... hindi ko pinangarap na maging biktima ni Sadako nuh!!!

Pero pagbukas ko ng pinto ng cubicle nanlaki lalo ang mga mata ko dahil hindi ko ineexpect na ang bubungad saken ay isang GWAPONG MULTO... ayun siya... oo ayun... nakaharap sa salamin at nakangiti na para bang naaaliw... pero kahit gaano pa siya kagwapo o kahit kamukha pa siya ni Brad Pit o Leonardo De Caprio o kahit siya pa si John Lloyd Cruz o Derek Ramsey... nakuuu hindi napigil ng ka-gwapuhan niya ang tindig ng balahibo ko sa TAKOT!!! Dali-dali ko ng hinablot ang bag ko at tumakbo palabas ng CR.

To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌