Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 10-1. Tagaytay Getaway!

PART 1

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Wala na kong iba pang masabi... ikaw ba naman diba? Huling-huli na nga sa akto, magsisinungaling ka pa? E di mas lalo ko pang ipahihiya ang sarili ko... Haiii... Kung nalaman kong si Sef lang din naman pala yun... naku talaga hindi ko na sana pa pinagaksayahan ng oras pagpantasyahan... nasusuka't tumataas ang balahibo ko dahil kahit isang segundo ee sumagi sa isip ko na para siyang lechong manok na masarap papakin... at ang higit sa lahat ee... sumagi din sa isip ko ang YUMMY niya at pwede ko na siyang mahalin este yung katawan lang pala niya!!!! Ayan kasi napapala ng mga manyak na kagaya ko!!! Kung bakit naman kasi napaka KULIT talaga ng lahi ko!!!! Rrrrrr...

Nakangiting aso nanaman si Miguel Josef Uy Monteverde paglabas niya ng bathroom. At napalunok na lang ulit ako ng napansin kong isang puting tuwalya lang ang nakapalibot sa bewang niya... at ito pa... DIYOS KO PO... mamasa-masa pa ang buong katawan niya... mula sa buhok... hanggang sa paa... hindi ko tuloy namalayang nakatitig na pala ako sakanya... kulang na lang ata ee ang tumulo ang laway ko!!!

Sef: Ano? (ngiting mayabang nanaman) Ayos ba? ;)

Nakakaiinis talaga ang lalaking ito!!! Bakit ba merong isang kagaya niyang ubod ng yabang!!! Alam ko... kahit kailan... oo KAHIT KAILAN... HINDING-HINDI AKO PWEDENG MAINLAB SA LALAKING TOH!!!! Aanuhin ko naman ang ganda ng katawan at ng muka niya ee kung masahol pa sa asong may rabis ang ugali niya!!! EEeewww... matetano pa ko!!!

Tinignan ko siya sabay irap... mabuti pang wag na lang akong magsalita... aalis na lang ako para kahit papaano may dignidad pang natitira sakin. Pero, as usual, hindi naman ganoon kadaling gawin yun lalo na kay Miguel Josef Uy Monteverde. Hinaltak pa niya ko at tinrap sa may pader... isang kamay niya naka dantay din sa pader na tila nagsisilbing harang... at muli, napaka lapit nanaman ng muka niya saken!!!! DIYOS KO!!!! SINASABI KO NAMAN PO SA INYO DIBA???? ILAYO NIYO KO SA KASALANAN!!!! Pag hindi ko talaga napigilan ang sarili ko... HAHALAYIN KO NA TOH kahit sabihin pa niyang BAKLA siya!!!! hahaha... toinks ka talaga Ellie!!! Umayos ka nga!!! Pusong mamon din yan kagaya mo!!!

Nakangiti pa din si Sef at Hesusmariajosefa!!! Parang drugs yung bango ng sabon at shampoo niya... napa lunok ulit ako!!! SELF-CONTROL ELLIE!!! SELF-CONTROL!!!! Wwwaaahhh... meron ba ko nun???

Sef: Alam ko na kung bakit ka nandito! Naiingit ka sa isang gwapong kagaya ko nuh!!!

Ano daw??? Feeling niya??? At least ako babae talaga!!!!

Ako: Alam mo ba yung hostage taking sa Quirino Grandstand?

Napaisip siya, halatang hindi niya ineexpect yung bigla kong tanong... DUH!!! Napaka layo naman kasi ng sinabi ko diba?? haha.

Sef: Ano naman?

Ako: Nakalimutan mo atang sumakay dun sa bus!!!

Hindi ko din ineexpect yung naging reaction niya. Grabe, natawa siya sa sinabi ko. Sira ba talaga ulo nitong baklitang toh??? NAKOOO... wag nga siyang ngumingiti ng ganyan... konting-konti na lang gagawa na talaga ko ng kasalanan!!! haha.

Sef: Hm. (smiles ulit) Eh di mawawalan ng gwapo sa mundong toh??

Dapat sasagot pa dapat ako ng: "Ano ka? Mababawasan ang mga BAKLANG kagaya mo!!!" Pero wala ee... hindi ko na nasabi... kasi... kasi...

Sef: Tama ba ko? (smiles flirtingly)

...nanlaki mga mata ko... dahil yung isa niyang kamay inangat pa niya para makita ko talaga na hawak-hawak na niya yung puting twalya na natatanging nagsasaplot ng buong pagkalalaki niya!!!!!!

Ngumiti siya bago tumalikod papunta sa cabinet niya para kumuha ng damit... at ako naman... TODO PIKIT NG MATA with matching takip pa ng kamay!!! P--pero... pano kung niloloko lang ako nito?? Pano kung meron naman pala siya suot na boxers at pinagtritripan lang ako??? Dahan-dahan akong sumilip gamit ang isang mata ko... at napapikit na lang ulit ako ng nasilayan ko ang napaka CUTE na pisngi ng pwet niya!!!!!!!!

WWWAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!!!!!!!!!!!

To be continued.