Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 10-2. Tagaytay Getaway.

PART 2

Daig ko pa tuloy ang nakakita ng multo... hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko... nakapikit ako... parehong kamay nakatakip sa mga mata ko... at ubud ng bilis ng tibok ng puso ko!!! Swear!!! Walang ibang nakakagawa saken nito kundi si Miguel Josef Uy Monteverde lang!!! Wala ng iba!!!!

Sa totoo lang... naiimagine ko na yung itsura ni Sef... nakangiti at talaga namang nageenjoy siya sa mga nangyayari... teka nga... ee meron bang mawawala saken kung makita ko kung ano man yung pinagmamalaki niya... baka wala naman talaga siyang pinagmamalaki... baka nga bulaklaking underwear pa ang isusuot niya... atchaka ngayon pa ko matatakot magkaroon ng kuliti ee kanina pa ko namboboso ng bonggang-bongga!!! Lam niyo, tuwing kasama niyo ang isang kagaya ni Sef... lakasan lang naman ng loob ang kelangan ee... atchaka bakit ako maiilang... iimaginine ko na lang babae lang din siya!!! Linshak talaga tong baklang toh... masakit na siya sa ulo aa... nagpapaka maldita siya.. hmp tignan lang naten kung sino mas maldita!!!

Binuksan ko na yung mata ko... kaso... tsk... sayang... nakasuot na siya ng white na shorts... pero... hinga Ellie... hinga lang... naka ngiti nanaman siya saken... as in nakatitig mula dun sa cabinet niya... naka pose pa nga siya na kala mo kung sinong modelo na kukuhanan ng picture ee... nakadantay kasi siya dun sa isang pintuan nung cabinet at kahit papano naman... wala pa siyang suot na T-SHIRT!!!!

Sef: Heh. (smiles) Wag kang mag-alala di naman ako papatol sa ka-uri ko!!!

Wwwaahhh!!! Buti naman at UMAMIN na din siya sa wakas!!! Kita niyo na??? Ano??? TAMA talga ako!!! Tsk tsk... Oh kaya naman mga kapatid itigil NIYO na ang pagpapantasya sa isang kagaya niya... masasaktan lang KAYO!!! haha.

Ako: Favor lang. Sa susunod na bold show mo sabihan mo ko agad. Maraming bakla sa baranggay namin na siguradong mageenjoy jan!!! Hmp!

Lumabas na ko ng kwarto at sumunod na din siya saken habang nagsusuot ng itim na t-shirt na Lacoste.

Sef:Haha. (sabay umakbay siya saken ng pareho na kaming nasa may hagdan) Wag kang magalala marami naman ng paraan para maging kagaya mo ko!!! Wag ka ng masyadong bitter!!!

Sasagot pa sana ko ee ng biglang sumigaw na si Borge.

Borge: Oi!!! Bilisan niyo nga... kayong dalawa na lang hinihintay!!! Andito na sila Japo, Jill, Ken at Max.

Sila Ken ee kaklase din namin na barkada nila Japo at Sef. At si Max... oo, si Darren Max Sanchez... ang kababata ko!! ;) Well, hindi niyo na itatanong... we grow up together... mabait yan, at parang kuya-kuya ko na nga yang si Darren ee. Este Max nga pala. Ayaw kasi niya na tinatawag siyang Darren. Parang sira kasi yan!! Mas gusto daw niya Max. Sabi ko nga parang pepsi lang ee.

Sef: After you...

Ako: Ah... hehe... (fake na ngiti)

Kinurot kong muli ang kamay niyang nakaakbay saken... tulad nung kurot ko sa kanya nung nasa kotse niya kami nung isang gabi... pinung-pino... as in yung tipong matatanggal na yung lamang loob niya sa tindi ng sakit... Ee di nawala yung kagwapuhan sa muka niya... di niya alam kung anong aray ang dapat niyang gawin ng mamilipit siya sa sakit!!! Baklang toh!!! Kainis!!!

Kumaripas ako sa pagbaba nung hagdan at iniwan siya dung umaaray!! haha.

Naka set ng lahat pagdating ko sa garahe. Ready na si Manong driver. Nasa loob na sila Jill, Meg, Borge at Sara. Pati na din sila Ken at Max, si Japo naman yung nasa passenger's seat sa harap. Isang malaking van ang gamit namin at ako at si Sef na lang tuloy ang papasok... sa sobrang bait nila Borge... iniwanan nila kami ng upuan ni Sef... dun sa unang upuan ng van... very good diba??? So... ilang oras ding byahe ito... na wala akong choice kundi ang makatabi ang baklitang ito!!!!

Mejo matagal-tagal din ang byahe... syempre picture taking kami sa loob ng van... at higit sa lahat... hindi mawawala ang kantahan namin ng mga girlfriends ko... Sila Ken ee barkada ko din naman... madalas kong kasama yan sa DOTA session sa school... haha... kaya nga siguro madalas talga kong napagaakalaang tibo...

Si Darren panay lang ang tawa.

Maya-maya ba ee mejo nanahimik buong van... nagkakaantukan nanaman... chaka mejo napansin ko na tahimik lang si Meg... tatawa-tawa lang pero hindi din gaanong nagsasalita. Siguro nga pagod lang at inaantok siya. Ako naman, bumibigat na din ang mga mata ko... sa totoo lang makakatulog na ako ee... kaso bigla bang bumigat yung kanang balikat ko... paglingon ko... haiiii... ayun oh... ang napaka mala-anghel na muka ni Sef ang bumulaga saken... tama ba kong gawing unan??? Hmpf!!! Pero... hindi naman ako ganun kasama sa iniisip niyo nuh, kahit papaano naman marunong din naman ako makonsensya... atchaka... ansarap palang pagmasdan ng muka ni Sef pag natutulog... masyadong mapanlinlang... aakalain mo na napaka buti niyang tao... kung hindi lang siya gwapo ihuhulog ko na toh palabas ee... t--teka... anong sinabi ko??? GWAPO??? Anakshota... feeling ko nagsisimula ng matetano ang utak ko... I'm allergic to GAYS!!! My goodness... pero sa totoo lang aa... parang sana habang buhay na lang na tulog tong si Sef nuh??? hahaha... Mabait lang pala toh pag tulog ee!!!

Bigla siyang umungol, lam niyo na kapag mahimbing na yung tulog... tapos... bigla-bigla... as in halos tumaas ang mga balahibo ko ng bigla niyang iniyakap sa bewang ko yung kanang kamay niya! Okay, binabawi ko na... hindi din pala siya mabait... kahit tulog may pagka manyak pa din!!! Pero hindi ko na din nagawang tanggalin ee... ehem... kaw ba naman diba may gwapong yayakap sayo??? WWWWAAAAHH... gwapo nanaman sinabi ko?? Talaga atang may tetano na utak ko!!!

Napahikab ako. Bakit ko pa ba dapat prublemahin ito?? Ee pareho naman kaming babae!!! Walang malisya ito... kaya wag niyo ngang lagyan ng kulay!!! Nag-hikab pa ko ulit bago tuluyang makatulog...

hindi ko naman na din namalayan na inihiga ko ang ulo ko against sa ulo ni Sef...

To be continued.