Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 12-1. NO GIRLS ALLOWED.

Yo, girls! Wassup? I know… I know… I probably shouldn’t barge in like this but, hey… I can’t just let the girls do all the talking… We boys do know how to talk as well… at alam niyo ba na MAS CHISMOSO pa mga lalaki kesa sa mga babae? Well, I tell you… It is TRUE. No kidding. At mas totoo mga chismis namin… kaya don’t worry kung chismis lang hanap niyo… you’re in good hands. =)

Oh, I forgot to tell you… the name is John Paul Sy Crisostomo… you know? Yung guy na pinangalanan ni Ellie ng JAPO? Haha.. Yep, JAPO… that’s me. =)

PART 1

John Paul Sy Crisostomo

So, how am I supposed to start this one? Hmmm…

You girls are not probably interested with me… I know… it’s the same old story… si Sef lang… haha… Oo na. Alam ko naman na si Sef ang mas gusto niyong makausap… pero alam niyo ba yung kasabihan na… mas makikilala niyo ng lubusan ang isang tao sa mga sinasabi ng iba?? Totoo yun. Naku… Maniwala kayo.

Alam niyo… kaya ko nga ata isulat ang buong talambuhay nitong si Josef ee. Di niyo na itatanong ano, well, di naman sa pagmamayabang… but my family is wealthy. Ever since… close family friend na ng mga Monteverde ang pamilya namin – ang mga Crisostomo. We have a bond. Sabay kaming lumaki nitong si Sef. Araw-araw yan magkasama kami… Hindi kami mapaghiwalay… He’s more than my best friend for he’s already like a brother to me.

There are a lot of things you should know about him but as his friend… I can’t talk about it… I just can’t. Hayaan niyong sakanya na lang mismo manggaling. Sa tagal-tagal ng pagkakaibigan namin nitong si Josef, natutunan ko ng itago ang mga lihim niyan. Sa totoo lang, marami ng napagdaanan niyan. Sooobrang dami and… I should change the topic… bago ko masabi ang sensitive na chapter ng buhay niya. Anyway…

Naka dive na kami nila Max sa pool pero wala pa din sila Borge, Sef at Ellie… Napaka sakit talga sa ulo nung si Ellie kahit kelan. Kaya nga kami nandito… to have fun and to swim… pero basketball pa din ang inatupag.

As for Eleonor Malicsi Dimaculangan, unang tapak ko pa lang sa Matute University siya na agad ang nakilala ko. First day na first day ng college life pero ayun, inaaway na agad niya nun si Manong Guard. She’s really one crazy girl! Haii… anyway…

I got out of the pool, pero itong si Max talagang nagbababad pa din sa tubig.

Japo: Hoy!! Ano? Kala ko ba iinom ka?

Max: Oo… saglit lang… nakakatamad pang umahon… (nasa POOL pa din habang nakatingin sa malayo)

Sa apat na taong pagkakakilala ko dito kay Max ee siya yung tipong tatahi-tahimik lang pero ibang klase kung bumanat… haha… naging kaibigan ko siya through Ellie… madalas kasi silang magkasama… anyway, syempre lalaki din ako kaya naman alam ko yang mga tingin-tingin na ganyan!!! Sinundan ko siya ng tingin… Si Sara naka higa dun sa recliner naglalagay ng lotion. Well, I have to admit, maganda naman talaga si Sara ee. No doubt about it. She’s rich, beautiful, smart… lahat na… all the things a typical guy is looking for to a young lady MERON siya. Pero… isa lang talaga ang maganda sa paningin ko ee…

I scanned the area para tanawin si Jill… at nakita ko nga siya… she was, unsurprisingly, with Ken. Nakaupo sila dun sa may kubo, nagkekwentuhan… I dunno kung ano yun… pero they sure are enjoying themselves. Si Jill… she’s very different… I mean… different in a good way… Compare mo talaga kela Ellie, Borge, Meg at Sara… siya yung pinaka TAHIMIK, pinaka MABAIT at pinaka SOFT SPOKEN sa kanilang lahat… Napapaisip nga ako ee kung bakit at kung papaano siya napa barkada kela Ellie, when she’s not like them at all. I-compare na lang naten… Jill is the one who is afraid to violate the rules… si Ellie? Dios ko, law breaker yun ee. She has her own rules. Si Jill, kung bulong niya parang sigaw na. Ee si Borge? Sigaw nun bulong pa lang. Jill is very refined, graceful and very natural ang ganda niya. She’s simple and she doesn’t put on things on her face… unlike si Sara na hindi nga ata nakakaalis ng bahay ng walang make-up. Si Jill walang kaartihan sa katawan. She’s mahinhin and hindi katulad ni Meg na ubod ng sungit.

May binulong si Ken kay Jill and I saw how she blushed…

Wala na kong nagawa kung hindi ang alisin yung tingin ko sa kanya—sa kanila… ayokong tuluyang masira ang araw ko… at siya namang dating nila Borge at Sef.

Borge: WWWAAAAAhhh… SARA… bakit hindi mo ko hinintaaay!!! (Tumakbo papunta kay Sara)

Si Sef naman tumigil sa harap ko at napansin kong napaka lalim ng iniisip niya. I was about to ask kung nasan na si Ellie but then speaking of the devil… Ellie suddenly came running behind Sef… naka ngiti siya… alam ko yung ngiting yun… yung tipong may iniisip siyang kalokohan…

Ellie: BULAGA!!!! Hahahaha…

Sef: What the…

Ellie: Ito bagay sayo Monteverde… buwahahahaha…

Out of the blue… bigla-biglang tinulak ni Ellie si Sef… at si Sef wala ng nagawa as he dropped on the pool… nagtawanan kaming lahat… even Sara and Borge na naglalagay ng lotion… nakatingin nga lahat pati na mga waiter at iba pang swimmers na nandun sa pool… Pinaka malakas talaga yung tawa ni Ellie ee.

Lumangoy papunta sa may stairs si Sef para umahon… well… nakangiti din siya… tumingin siya saken at sumenyas… HAHA… alam ko na gusto niyang gawin… ang maghingantiii… hahaha… tumayo ako sa gilid ni Ellie para i-corner siya habang si Se fee naglalakad papalapit sa kanya…

Sef: Aah. Mabuti naman natuwa ka… pero itong gagawin namin sayo mas masaya!!!

Japo: Wahaha… ikaw humiling nito Ellie!!!

Ellie: Anong… T-teka… JAPO!!! SEF!!! T-teka lang… ikaw Monteverde napaka pikon mo talaga… parang binibiro ka lang ee…

Sef: Ee bibiruin ka lang din naman namin ee…

Ellie: Japo aa. Tangkain mong… WWWAAAAAAHHHH!!!!

Biglang hinawakan ni Sef si Ellie sa paa, tapos ako naman sabay hawak sa may armpits niya… buhat-buhat na namin si Ellie… sinwing namin siya ni Sef…

Sef: Sa pang-tatlo Japo!!!

Ellie: WWWAAAAAHhhh… t-teka lang!!!!

Japo: Isa…

Sef: TATLO!!!!

Ellie: YYYAAAAAHHH!!!

Sabay binato namin si Ellie sa pool ng nakahiga… isang malaking SPLASH!!! Tawanan kaming lahat… pero maya-maya pa ee hindi pa din umaangat si Ellie… yung kamay niya lang yung nakikita namin…

Tumakbo si Borge sa tabi namin ni Sef…

Borge:
Sheet. Hindi nga pala marunong lumangoy si Ellie!!!!!!!

Nagkatinginan kami ni Sef… pareho kaming kinabahan bigla…


SHEET!!!


To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌