Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 12-2. NO GIRLS ALLOWED.

PART 2

John Paul Sy Crisostomo

AWWW… sheet!!! 7th feet pa naman yan!!!

Papatalon na si Sef para sagipin si Ellie… pero si Max nasa pool pa kaya nag-swimming siya agad papunta ke Ellie.

Pinanuod namin si Max ng makuha niya si Ellie…

Max: Nakuha ko na siya!!!

Japo:
Kaya mo dude?

Max: Yeah. Yeah.

Mahigpit na yumakap si Ellie kay Max… ubo siya ng ubo, at obvious na kumukuha ng hangin… Napalingon ako kay Sef… at parang kakaiba yung naging expression ng muka niya… pero wala na kong oras para isipin pa yun… agad naman namin inahon si Ellie.

Japo: Sheet ka ELLIE!!!!

Nagsilapitan na sila Sara, Jill at Ken…

Sara: Omg. Is she okay?

Max: Sira ka talaga, tinakot mo kami!!! (umahon na din bigla)

Borge:
KAHIT KELAN KA ELEONOR MALICSI DIMACULANGAN!!!!!! LECHUGAS KA TALAGANG ANIMALES KA!!!!!

Japo:
Bakit di mo sinabi di ka pala marunong lumangoy!!!

Ellie: Haha… (ubo) Wag kang OA Borge… Oo okay na ko… haha… (ubo) E kahit naman sabihin kong di ako marunong lumangoy ibabato niyo pa din ako ee.

Max: Oh ano? Ayos ka na?

Ellie: (umuubo-ubo pa din) Yeah. Haha. Salamat, salamat Max.

Inabot ko kamay ko para tulungan tumayo si Ellie.

Japo: Sira ka talaga!!!

Napansin kong tahimik lang na nanunuod si Sef… at ng may lumapit na saming employee ng hotel.

Manager: Is everything okay? Meron po kaming medic dun miss…

Ellie: NAKU KUYA!!! AYOS NGA LANG AKO!!!! MASYADO LANG KAYONG UMIINOM NG KAPE!!!! MGA NERBYOSO KAYONG LAHAT!!!! Hahaha…

Inalalayan na nila Borge si Ellie sa may kubo… at ng kami na lang naiwan ni Sef at yung manager…

Sef: Bakit wala kayong Life Guard dito???

Manager: Ah, sir… (biglang kinabahan ng nakilala niya ang muka ni Sef) Mr. Monteverde… Sir…

Sef: Bakit wala kayong Life Guard dito? (inulit ni Sef, yung tono ng boses niya seryosong seryoso)

Manager: Ah Sir…

Sef: Sige. You may go. Kunin mo na din ang last paycheck mo!! Ayoko ng makita ka pa dito…

Sabay naglakad na pabalik si Sef sa kwarto namin... tinignan ko na lang yung gulat na gulat na muka nung Manager…

Oh ano, ngayon niyo lang nakita ang side niyang niyan ano?? Pero pag ganyan na mood niyan, maigi pang wag munang kausapin kaya naman pinili ko na lang na puntahan sila Ellie at wag siyang sundan. Super na-guilty siguro siya dun sa nangyari. Medyo sensitive kasi yan sa mga ganoong klaseng bagay… pero hindi niya alam wala lang naman yun kay Ellie. Lahat naman kasi kay Eleonor ee malaking JOKE. Kaya nga tignan niyo, halos ikamatay na niya tawa pa din siya ng tawa. Sira ulo talaga yung babaeng yun ee.


To be continued.