Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 12-4. NO GIRLS ALLOWED.

PART 4

John Paul Sy Crisostomo


Buong hapon kaming nagswimming… mga ilang oras ang nakalipas at bumaba na ulit si Sef at nakisali na sa ulit samin… at ng wala ng araw dumating si Meg sa kubo at kumain. Si Eleonor naman ee super hyper at hindi tinigilan si Meg hanggat di siya lumulubog sa pool... At halos pag dating ng 8:30 pm nagkayayaang maginuman…

Nang dumating yung waiter dala dala yung orders namin na sisig, barbeque at marami pang iba… bumanat nanaman sa kakulitan si Ellie… this time, yung waiter naman ang pinagtritripan niya… haha.

Ellie: Oh Kuya, kuya (tinatawag niya attention nung waiter)… Define LOVE kuya!!! Define LOVE!! Haha.

Nagtawanan lahat… kahit si Sef nakita kong nakangiti… hindi na siguro mainit ulo niya…

Borge: Oo nga. Haha. Define mo kuya.

Waiter: (napapangiti) Ah. Ee. Siguro… Love is like a rosary for it is full of mystery.

Ken: Wahahahaha… YOWN!!!

Japo: Takteng definition yan!!! Haha. Gasgas na yan ee.

Ellie: Ee ito, ito… kuya… yung taong MAHAL mo… o yung taong MAHAL ka???

Borge: WWOOOhoooo… nice nice, tol!!! Mukang madaming tinatamaan aaaahh??? Haha. (nag-appear sila ni Ellie)

Waiter: Ahaha. Ee, kelangan na po ako dun…

Japo: Hindi ka aalis hanggat di mo sinasagot yan!! Dito boss mo kaya wag kang matakot!! Haha.

Waiter: Ahh. (biglang naging seryoso) Siguro yung taong mahal ako!! Masarap kasi yung pakiramdam na ikaw yung minamahal… atchaka… hindi ako martyr para pahirapan ang sarili ko. Oo, sige, hindi naman kinakailangan mahalin ka ng taong mahal mo… dahil ika nga nila kapag nagmamahal ka, hindi kailangan ng kapalit, hindi kailangan na mahalin ka din niya, hindi ka kailangan humingi ng sukli… kaya naman para saken pagiging selfish yun. Selfish sa part niya dahil puro siya lang, selfish sa part ko dahil gusto ko siya lang… ee pano naman yung iba na mas WORTHY sa pagmamahal ko? Lalo na kung magiging insensitive lang ako sa feeling nung nagmamahal saken… bakit ko pa hahayaan na maranasan niya yung naranasan ko na hindi din mahalin ng taong mahal ko? Bakit ko ipaparanas sa iba yung sakit? Kaya nga may puso ang tao hindi ba? Para magmahal ng magmahal… bakit ko pa siya sasaktan? Siya na nakita yung HALAGA ko kaya niya ko mahal… siya na mahal ako kahit sino pa ako… nakita niya yun… nakita niya yung hindi nakita ng taong mahal ko sa kin… Atchaka… matututunan ko din naman siyang mahalin ee… sa tamang panahon…

Nanahimik kaming lahat… SPEECHLESS kami sa naging sagot ni Kuyang waiter… napatingin ako kay Jill… ewan ko sa iba pero… para saken… sapul ako ee…

Pero biglang may bumasag ng katahimikan namin… it was a voice filled with sorrow…

“Ee pano kung walang nagmamahal sayo??” Sabay-sabay kaming napalingon kay Miguel Josef Uy Monteverde… oo, si Sef ang nagtanong nun. Pero bigla siyang kumambyo…

Sef: Hahaha… masyado kasing seryoso sagot ni Kuya. Sige na nga. Ito tip mo!! (inabutan niya si Kuya ng 500) Gusto ko sagot mo, pang facebook!!!

Waiter: Thank you, Mr. Monteverde.

Borge: Haha… sheet!!! Ee kung may bayad sa may pinaka magandang sagot ee di sana ako na lang!!!!

Nagtawanan lahat… pero ako… hindi ako natawa… nakatingin pa din ako kay Sef… at napansin kong hindi lang pala ako yung nakaramdam nung seryosong tanong niya… dahil kahit si Ellie hindi nakatawa… nagtataka siyang nakatingin kay Sef…

After a minute or so… nag-cr muna ang mga girls… naiwan si Ellie at Max sa kubo… si Ken naman kukunin daw cellphone niya sa kwarto… at si Sef, tumayo at nagpunta sa may sulok, nakadantay siya sa may batong railing, tinatanaw yung night view ng Tagaytay habang hawak-hawak yung bote ng Tanduay Ice. Nilapitan ko siya, dala-dala yung sarili kong bote ng Tanduay.

Japo: Sef… ano problema?

Sef: Wala yun Japo!!! Hahaha. Masyado kasi kayong seryosong lahat…

Sinungaling. Syempre alam ko…

Japo: Huh. Nice try dude. Masyado ka ng predictable saken!!! Tungkol nanaman ba yan kay…

Sef: Japo… ni minsan ba? As in, kahit minsan ba? Sumagi sa isip mo na… Bakla ako??

Halos mabulunan ako!!! Pati ba naman si Sef nababakla na... SAKIN???

Japo: Dude naman, di tayo TALO!!!!

Sef: Pakyu!!! (sabay tungga nung Tanduay Ice niya)

Japo: Hahah... eee... ano ba naman kasing sumasagi jan sa isip mo... sinong...

Biglang POOF!! Pumasok sa isip ko si Ellie...

Japo: Hahaha. Si Ellie ba nagsabi niyan??

Sef:
Sino pa?

Japo: Hahaha… ee si Ellie lang naman nagsasabi ng ganyan ee. Lahat naman pinagdududahan niya. Ano ka ba? Wag mo siya masyadong… t-teka nga… ako naguguluhan na ko sayo aa? Nagkakagusto ka ba kay Ellie??

Sef: Haha. Sira ulo. Alam mong imposibleng mangyari yan!!! Di ako pumapatol sa tibo…

Japo: Sira ka pala ee. Pakitaan mo yan ng litrato ni John Lloyd Cruz, tignan ko lang kung masabi mo pa ding tibo yang si Ellie!!! Hahaha… baka himatayin ka na lang.

Sef: John Lloyd?? Sinong…

Japo: Dude, yung pinsan ko!! Si John Lloyd!!!

Sef: Hahaha. Oo na sige sige. Pinsan mo na kung pinsan!!! Pero mas dihamak na magandang lalaki ako dun!!!

Japo: Malakas na hangin dito Sef… balik na tayo!!!

Sef: Haha. Sira!! Pero, humanda yang Dimaculangan na yan saken!!! Sisiguraduhin kong mababaliw yan saken!!! Baliw na baliw...

Hindi ko na tinanong pa kung anong balak niya… I knew from that very moment… kung saan mauuwi ang mga salita niyang yun

… kung saan hahantong ang lahat ng ito.

To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌