Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 12-3. NO GIRLS ALLOWED.


Siguro sa tingin ninyo, pa-epal na character lang ako… pero hindi niyo alam… MAHALAGA din ako sa kwentong ito!!! Hahaha…

Siya nga pala ako si Darren Max Sanchez. Mas okay na sa kin yung MAX… kahit na mas maganda daw yung first name ko… Darren… but still… MAX na lang… para mas madaling imemorize… dahil tandaan niyo… MAHALAGA ang role na gagampanan ko sa istoryang ito… pero wag naman kayong magju-jump sa conclusions… hahaha… mejo may sapak yang AUTHOR ee… meron pang TWIST na nalalaman… haha. Lahat naman ng character dito IMPORTANTE… hindi lang puro si SEF!!

Siguradong pasasalamatan niyo pa ko sa dulo… haha… oh well, tama na nga itong intro ko… baka madulas pa ko at maikwento ko na sa inyo ang mga hindi dapat ikwento…

Oh siya, siya… on with the story…

PART 3

Darren Max Sanchez


Siguro tinatanong niyo ngayon kung sino nga ba si Darren Max Sanchez sa buhay ni Eleonor Malicsi Dimaculangan??? Well, isa lang naman ako sa mga matatagal na niyang kaibigan… sus mio, elementary pa nga lang ata ee kakilala ko na tong si Ellie… pero… wag kayong magisip ng kung ano… magkababata lang kami… HINDI naman kami yung tipong BEST FRIENDS… sa katunayan… yung pinaka childhood best friend ni Ellie… (hindi si Borge) ee yun ang BEST FRIEND ko… hahaha… naiintindihan niyo pa ba??? Mejo magulo ba?? Mejo mahirap bang maunawaan na ako ang BEST FRIEND ng best friend ni Ellie??? TOINKS.

Wala kasi dito yung tinutukoy kong childhood bestfriend ni Ellie – si Pepita, oo yun ang palayaw niya. Wala si Pepita dito sa Pinas… kaya hindi na mahalaga pang pagusapan siya… bitter? Haha. Ee pano ba naman… halos mag-lilimang taon na yung hindi bumabalik dito… aaah. Ewan!!! Bago umalis si Pepita dito sa Pinas… pinagbilin niya sa ken itong loka-lokang si Ellie… na bantayan ko daw… na wag ko daw pababayaan… anak ng… tama bang gawin akong guardia sibil??? Ee papano kasi si Pepita naman talaga may gawain nun. Siya tong laging pinagtatanggol si Ellie… Hindi niya alam na kelangan ikulong ito bago ilayo sa kapahamakan… ee lumaking sira ulo tong best friend niya!!!

Ever since nung ginawa ko ang pangakong iyon, pakiramdam ko responsibilidad ko na din si Ellie. Wala naman akong kapatid ee, unico ijo naman ako… kaya parang kapatid na din turing ko dito… alam ko na takbo ng isip nito… hindi na ko nagugulat sa mga kabaliwan niya… halos kabisado ko na sikmura’t bituka nito ee. =)

Hindi niyo na itatanong… magkakaibigan ang mga tatay namin nila Ellie at Pepita. Alam niyo ba na…isang magaling na mekaniko ang tatay ni Ellie… Meron silang talyer… at kami ng tatay ko ee minsan masiraan sa tapat ng bahay nila Ellie. Ginawa ng tatay niya yung sasakyan namin at doon nagsimula ang mabuti nilang pagkakaibigan. Ang tatay ko na mahilig sa kotse ee laging nagpapagawa sa Papa niya. Suki din ang mga magulang ni Pepita dun… at madalas dumadaan mga tatay namin ni Pepita sa talyer… kaya naman kaming tatlo ee maglalaro… at ayun naging magkakaibigan nga kami… bigla ng malapit na ang graduation namin nung 4th year highschool nagpaalam si Pepita… magmimigrate na nga sila sa Canada… at yun na ang huling kita namin sa kanya…

Oh ano? Naniniwala na kayong IMPORTANTE ako sa kwento?? Haha.


Actually hindi naman na namin pinagsasabi pa ni Ellie na magkababata kami… wala nga ata nakakaalam ee.

Darren: Ayos ka na?

Ellie: Oo naman!! Kaw talaga… wag mo masyadong pahalatang nagaalala ka!!!

Darren: Sira. Ee sino ba naman di magaalala nun!!! Gusto mo bang mapatay ako nila Tito? Pinagpaalam kaya kita kahapon na meron tayong gagawing case study dito sa Tagaytay…

Ellie: Aah. Tae ka… kaya pala di sila nagulat ng bigla akong kinidnap nila Borge kaninang madaling araw ee.

Darren: Mismo. At… kung balak mo magpakamatay, mas mabuti pang ako na lang papatay sayo!!!

Ellie: Lul. Haha. Wag ka nga Darren!!

Lumapit na si Sara may madala-dalang soup. Napalunok ako… bigla akong nanlamig…

Sara: Oh Ellie, ito soup, inorder ko para sayo… inom ka muna.

Ellie: Ahy sows!!! (napakamot sa ulo) Salamat Sara… hehe… pero… okay na talaga ko… (bumangon bigla)

Tinulak ko pahiga si Ellie…

Darren: (pabulong kong sinabi sa tenga ni Ellie) Iinumin mo yan o yung pool ipapainom ko sayo??

Ellie: (sumimangot at pasigaw na sumagot) Edi IKAW uminom!!! Sara si Max na lang subuan mo niyan… napagod yan sa pagsagip saken!!!! Haha.

Nanlaki mata ko. Leche ka talaga Ellie!!!! Numero uno talaga siya sa pangaasar… Oo, alam kong nangaasar siya…

Darren: Haha. Ikaw talaga… masyado kang palabiro Eleonorrr!!!

Kinuha ko yung kutsara nung sopas at isinalaksak sa bibig ni Ellie!

Namula muka ni Ellie sa init nung sopas… haha… natatawa na ko ng biglang pinalo ni Sara yung kamay ko at kinuha niya yung kutsara…

Sara: Nakita mo na ngang masama pakiramdam niya ee, gaganunin mo pa!!!

Ellie:
Aaah… t-teka Sara… hindi… ayos lang ako…

Sara: Tumahimik ka Eleonor!!!

Ellie: (wala ng nagawa at nanahimik na lang)

Sara:
Hindi nakakatawa yung ginawa mo sa kaibigan ko! Alam kong gaga yan pero hindi naman dapat pasuin ang dila niyan!!! HMP!!!

Sabay irap si Sara at tumalikod papaalis…

Napatingin saken si Ellie, mejo napapalunok na siya dahil alam niyang delikado talaga lagay niya!!! Sinira niya deskarte ko ke Sara!!! Kahit kelan talaga toh…

Ellie: Eee… PEACE?? Hehe…

Darren: EEEEELLLIIEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Kumaripas ng takbo si Ellie palabas ng kubo… syempre hinabol ko talaga siya…

Japo: Whoa!! Andaya… bakit kayo lang naglalaro ng takbuhan??

Tumakbo si Ellie sa likod ni Japo…

Ellie: Japo!! Japo!! Wwwaaahh, tulungan mo ko!!!!

Tapos biglang tumakbo si Ellie sa likod ni Sara… napatigil ako… para kong may natapakan na GLUE at nakadikit mga paa ko sa kinatatayuan ko sa harap niya.

Dinilaan ako ni Ellie…

Sara: HMP!! CHE (inirapan ako)

Ellie: Haha… BLEH!!!

Itong si Ellie… alam kong sinadya niya… dahil kumindat pa siya ng tinulak niya si Sara papunta saken. Napayakap si Sara saken at ako naman agad siyang sinalo, yung mga kamay ko nasa bewang niya. Pero sa lahat ng ginawa ni Ellie… mapapasalamatan ko siya dito…

Darren: Ayos ka lang?

Sheet… magdudugo na ata ilong ko… magkadikit ang balat ko at ang balat ni Sara!!! Naaamoy ko pa ang mabangong lotion na pinahid niya kanina… at ang pinaka masaya… naka two piece pa siya… SHEET!!!

Dahan-dahang tumingin saken si Sara at parang tumigil ang oras ng nagkatitigan kami… walang ibang tao sa mundo kundi siya at ako…

Bigla-biglang… BINUHUSAN KAMI NG TUBIG NILA JAPO AT KEN…

Sara:
EEEEeeeeekk!!! (napasigaw sa inis)

Japo: Tama na yan!!! MASYADO NG CHEESY!!! Hahahaha…

Biglang kumunot ang noo ni Sara saken… inis na inis siya…

Sara:
RRRrrr… NAKAKAINIS!!! Hmp!!! (tinulak niya ko para umalis sa daan niya) RRRAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!

Wala na kong nagawa, yung TAWA ni Ellie ang pinaka malakas sa lahat… at ng napatingin ako sa taas… nakita ko si Sef, nakatayo sa may balcony sa kwarto niya… alam ko… oo, siguradong sigurado ako


… kay Eleonor siya nakatitig.


To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌