Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 20. Burger Trouble.


Tuesday
3:15pm
Matute Field


Alam niyo yung parang batang binigyan ng pasalubong? Haha. Ako yun. Dali-dali kong tinakbo sila Borge na pumunta sa may bleachers. Mas masarap daw kasing kumain dun. I excitedly sat down ng inabot na sakin ni Jill yung libre nilang Bulgogi sakin. Alam niyo ba yung bulgogi ng Burger King?? NAKUU, i-try niyo ang burger na ito!! PRAMIS!! MAKAKALIMUTAN NIYO PANGALAN NIYO SA SOBRANG SARAAP!! Hahaha. HEAVEN!! Only 99 pesos!! Oh diba??

Sa baba ng bleachers umupo sila Borge, Sara at Darren. Sa taas ko naman, sila Japo, Jill at Meg. Talagang sinolo ko yung upuan na namamagitan sa kanila. Kung sila nasasarapan kumain dito sa may bleachers, as for me, mas masarap kumain ng walang istorbo!! But then… hindi ko na nga napansin na kasama pala nila si Sef na agad naman umupo sa kaliwa ko. Di naman masyadong halatang muka akong libre ano? Tsk. Ee sino ba naman kasi sa panahon ngayon ang aayaw pa sa grasyang kagaya nito? Sabi ko sa inyo ee, hindi masamang magtampuhan sa barkadahan!! Haha. Kita niyo na, nakalibre pa ko ng masarap na merienda!! :yahoo:

I excitedly opened the wrap of the bulgogi at nilanghap muna ang amoy nito… hmmm… I was smiling despite of myself… sarap talaga… And like what I always do before eating a burger, binuksan ko muna ito, removing the sandwich on top.

I didn’t realize that Sef was watching me intently, “Anong ginagawa mo?” He then asked when I left the burger open and took a handful of French fries.

“Kumakain, duh!!” I said irritably. Napaka obvious naman ng sagot ee, tinatanong pa niya!! How stupid can he get? Sef continued watching with apparent curiosity as I started placing French fries sa gitna nung burger ko!! Hehe. Yep, this is what I always do before I eat any burger. Ritwal na nga ata toh ee. Ginagawa niyo rin ba toh? Haha. Nakuu try doing this lalo na sa bulgogi ng Burger King!! Haha. Teka kanina pa ko advertise ng advertise ng Burger King aa? Babayaran ba nila talent fee ko dito?

Finally contented sa dami ng fries na nilagay ko, I started to pour ketchup all over it. And when it was all done, sinara ko na ulit ito, licking my fingers clean.

“Ano nanaman bang pauso yan!!” Sef blurted out.

“Huh!” I scoffed, “INGGIT KA LANG!!” :Tounge:

After closing the burger, I started wrapping it up again… haha… Sorry, masyado bang maraming ritwal? Well, this is just how I eat… last ko kasing kinakain ang bulgogi ee… I went back with the fries chaka yung ice cream na dinagdag nila Borge. Syempre baka matunaw na yun nuh!!

Ang sarap na ng kain ko nung fries ko, I even deep it in sa ice cream!! Hmmm… YUMMY!!! Ng bigla ba namang pumuslit si Sef ng fries saken!! I glared at him. Ang kay Ellie, kay Ellie!! Kainis talaga toh!! But he was smirking, obvious na nangaasar.

Ahh. Madamot na kung madamot!! Inabangan ko ulit siya when he reached for another round of MY fries… nilayo ko nga sakanya… bibiktimahin pa niya yung mga kawawang French fries!! AKIN TOH!! AKIN!!

Sef frowned back at me! “Ellie, wag ka ngang madamot!” Pilit pa din niyang inaabot yung fries saken, talagang ayaw niyang tantanan!! And it looked as if he were hugging me habang patuloy siya sa pag-abot nito.

“SEF! Bumili ka nga kasi ng sayooo!!”
I shouted, saving the fries out from his reach. Lumapit siya saken, and I swear… Naamoy ko kaagad ang napaka bangong perfume ni Sef!! Dios ko…Aaminin ko, mas masarap pa nga ata siyang kainin kesa sa mga fries na toh ee!! Hahaha. Naku tignan niyo, kung anu-ano ng pumapasok sa isip ko. Gutom lang toh!!

Inilapit niya talaga yung muka niya saken. “Mas masarap kapag yung sayo!” He suddenly whispered in my ear. There was something in his voice that made my face turned all red. NAKAKAINIS TALAGA SIYA!! Sa galit ko, I shoved the fries at him para matapos na lahat, para layuan na niya ko.

“Oh ayan!! Maging fries ka sana!!” he laughed, obviously pleased with himself. He took the fries and started eating. Enjoying every piece of it.

Samantalang ako? Wala… naiwan na lang saken yung bolgogi at yung ice cream!! Napakalaking KONTRABIDA talaga tong si Miguel Josef Uy Monteverde sa buhay ko!! Huhuhu…

I bit my lower lip, and my face looked like a helpless little child na binu-bully!! BULLY kasi yang si Sef ee. BULLY!! I looked at him, pouting my lips na para talagang batang malapit ng umiyak dahil inagaw sakanya yung pabortito niyang laruan. Yung itsura ko parang nagsusumbong ng, Yung fries ko!! Yung fries ko kinuha niya!!

Sef was beaming, feeling proud of himself dahil nasa kanya na yung French fries ko!! “Hehe.” I heard him smirk. At wala na kong nagawa kundi makontento sa ice cream ko… ang kapal talaga diba? Ni hindi man lang ako inaalok!! Kapag kakainin ko yung bulgogi, sisiguraduhin kong Miguel Josef Uy Monteverde was not in sight!!

“Oh, ayan na! Ayan na!” Borge started screaming, yung boses niya yung tipong alam mong may nararamdaman siyang gwapong presence. She was pointing at the group of soccer players na papunta sa gitna nung field. Kaya din pala kami dito umupo… para makanuod ng maayos sa practice ng soccer team. Meron kasing crush jan ang magaling na si Borge. I can’t remember the name, I think it’s Nike or Nark or something. Basta letter N nagsisimula yun ee.

But I wasn’t paying attention to the men’s soccer team, DUH, may pagkain ako remember?? At mas mahalagang mag-concentrate sa mga ito!!

And to Borge’s pleasure… tumatakbo papalapit samen yung captain ball. He was giving a friendly smile. He was attractive to some extent… pero…. mas lamang padin ng 100% itong lalaking nasa tabi ko!! hahahaha.

“Oh sh!t!!” Borge muttered, her eyes getting wide. “Lalapit siya saken!! Anong gagawin ko?? Anong gagawin ko?” She was blushing all over as she nervously pressed Sara’s hand.

“Ano ka ba? Just be yourself!!” Sara said. I was just watching as captain ball approached us.

“H-hi.” Borge greeted the guy shyly, even tucking her hair to her ear. Alam niyo yung itsura na FLIRT? Haha. Yep, yun ang itsura ngayon ni Borge!! Haha.

The captain ball just looked at her incredulously, as though not sure how to react. Parang nababasa ko nga nasa isip niya ee, parang, Ako ba kinakausap niya?

Suddenly, Sef handed back the fries to me, I smiled excitedly kasi kahit papano meron pang 1/4th na natira. Sef stood up, pinagpag yung Lee jeans niya then went down the bleachers… only to greet captain ball right there.

I could see Borge’s shocked face. Haha. “Hindi naman pala ikaw ee, loka-loka ka!!” Sara whispered teasingly.

Ako? Dedma lahat. Busy ako sa fries ko!! hahaha. Pero kung wala akong kinakain, nanguna na ko sa pangaasar jan ke Borge. Pero pwede naman i-postpone muna ang asaran diba? Haha.

“Sef!” said captain ball, offering his hand for a greeting. “Zup, my man?”

Sarap talaga ng fries…

“Okay lang.”

Fries… fries… fries…


“Well, meron kaming practice game… you wanna play with my team for a while? I need a good player right now. Madami kasing baguhan this year ee.”

“Uhm… alright! No problem.”

Fries… fries… fries pa din ang iniintindi ko, ng biglang… PAK! May nagbato ng t-shirt sa muka ko… infairness… ANG BANGO at hindi amoy downy halatang mamahaling perfume ee.

“Ano ba naman yan!!” I whined, frowning. Hinanap ko ang may sala at halos malunok ko ng buo yung fries ko ng makita ko si Sef. He was smiling at me and he was… SHIRT-LESS!! OH MY!!

Pakiramdam ko, tutulo na laway ko any minute!! Dios ko, ano ba naman tong mga fries na toh compared sakanya?? Sabi ko naman sa inyo ee, mas masarap talaga si Sef!! Parang nakakatempt siyang i-deep sa ice cream!! Hahaha.

Sef has a well-built body and flawless skin. Describe HOT!! Siya yun ee. Grabee!! Yung mga pandesal niya sa tiyan ee talaga namang, ang sarap gawing pang-almusal!! Nyahahahaha. Ano ba tong si Sef?? Nagkakasala lahat ng kababaihan dito sa school dahil sa itsura niya!!

Obviously, hindi lang pala ako ang may balak ng maglaway nuh? Pati syempre sila Borge, Sara, Meg at Jill… parang sabay-sabay nga kaming nanlaki ang mga mata ee. Pero nagkamali ako, hindi nga lang pala kami ang babae dito. Girls all over MUP started screaming their lungs out lalo na ng nagsimula ng tumakbo si Sef papalapit sa soccer team. Nagsilabasan sila at napalibutan na ng kababaihan at binabae ang buong Matute Field.

“Oi, CLOWN! Ingatan mo yang shirt ko! Mas mahal pa yan sayo!”
Sef was smirking mischievously, talagang ang lakas talaga mang-inis nito!!

It took a split second bago ko na-generate yung mga sinabi niya. Clown? Ako? At talagang… “SINGAHAN KO TOH EE!” I shouted back at him but he only smiled even more.

Sigawan lalo yung mga fan girls ni Sef. Duh! Kulang na lang ata banner ee!! Kainis, parang gusto ko tuloy batukan si Sef at balutan siya ng SAKO!! Pwede naman maglaro ng naka balot siya ng plastic o dyaryo diba? Paa lang naman kelangan niya sa paglaro ng soccer at hindi na niya kelangan pa i-display ang mga pandesal niya!! Sana yung pantalon na lang niya yung hinubad niya!! Hahaha.

“GO SEF!!” Japo started cheering sa likod ko!!

“WWWWWWAAAAAAAAHH!!! GO NICO!!!” Borge joined the cheer, yung sigaw niya mas malakas pa sa tilian nun mga girls ee. Napatingin tuloy yung captain ball na Nico pala ang pangalan. At lalong kinilig si Borge when Nico smiled at her. “WWWWAAAAAAAAAHH!! MABUBUNTIS NA ATA AKO!!!”

“Gaga!” Binatukan ko tuloy si Borge!!

Nagsimula ng maglaro yung mga guys… akala mo merong Soccer League ee!! Tinupi ko ng maayos yung t-shirt ni Sef and I ended up frowning, - no, glaring – at Sef!! Nakakainis siya. He looked so perfectly handsome. Alam mo yung kahit anong anggulo, he’s oozing with hotness?? WAAAH!! Parang gusto ko na ding tumili kagaya nila Borge. Pero yung tili ko ee hindi dahil sa gusto kong mag-cheer but rather tili dahil sa INIS sa mga poisonous thoughts na pumapasok sa isip ko!!

Gutom lang yan Ellie. Tama. Gutom lang yan!!

I removed my eyes off the field. Hindi ko na pinapansin yung laro… gutom lang ito!! I reached for my bulgogi… tama… this is the right time to eat this… wala si Sef… hahaha.

Puro tilian at hiyawan ang nagaganap sa buong MUP. At ako lang ang natatanging babae na walang pakialam, as I excitedly re-opened the wrap of my bolgogi… Inamoy muna ito… Ang sarap, sarap mo talaga!! I told the burger itself. Nagagawa talaga ng gutom oh!! Pati burger kinakausap ko na.

By now, naka-score ata ulit sila Sef kasi lalong naghiyawan yung mga girls.

Oh, siya… oras na para sintensyahan ang bolgogi… I slowly took it in the opening of my mouth… yep, KAGAT na lang ang kulang when all of a sudden… I froze, with the burger on hand at yung bibig ko naka bukas, ready for the bite… and my eyes went HUGE. Muka akong tanga sa pose kong ito aah!!

Bakit ako nagkaganun? Ee bigla ba namang sumigaw si Miguel Josef Uy Monteverde sa gitna ng field for all MUP students to hear!!

“OI ELEONOR DIMACULANGAN!! YUNG DATE NATEN SA SABADO AA!! WAG MONG KALIMUTAN!!”

Parang biglang tumahimik ang buong MUP field. Parang nawalan bigla ng tao sa sobrang katahimikan. I was completely frozen, ganun pa din yung posing ko, hindi ako makagalaw… dahil ramdam na ramdam ko ang LAHAT ng mata ng mga tao saken -- including the shocked looks of my friends…

If eyes could kill… siguradong patay na ko ngayon!!


To be continued.

LOVE-NAT OFFICIAL WEBSITE
¦ check it out. ¦