Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 21. Double the Trouble

Wednesday
10:00 am
Classroom


Tinadtad ako ng tanong kahapon nila Borge. Akala mo nasa The Buzz kami ee. Hot seat talaga. Para kong reyna ng showbiz sa tindi ng issue. Kulang na lang ata iprito ko ng buhay nila Borge dahil hindi ko agad sinabi sakanila yung nangyari nun sa Tagaytay. Hanggang ngayon, hindi pa din sila nakontento at paulit-ulit akong tinatanong.

“Ee paano ko nga ikikwento iniwan niyo ko diba?” I told them. At pinakwento nga nila ulit saken ang buong detalye. Wala pa kasi yung prof namin, halos thirty-minutes late na nga ee. At ngayon lang… oo, ngayon ko lang hihilingin na sana dumating na si mam!!

“Aww.” Sara wiped an imaginary tear. “Naiiyak ako. Dalaga na talaga ang Ellie naten.”

I frowned at it. “Joke lang yun ni Sef! Hindi yun totoo!! Ano ba kayo?”

Inakbayan naman ako agad ni Borge. “Ellie, si Sef yun!! Si SEF!! Malay mo, he’s serious about you!”

Serious? Ee hindi ba niya narinig yung sinabi ni Sef kahapon? CLOWN nga daw ako diba? At kelan pa sineseryoso ang mga clown? Hindi ko nga alam kung anong sumapi sa kanya at tinawag niya kong clown!! Ee kung tawagin ko kaya siyang MANYAK sa harap ng lahat ng tao sa MUP? Naku, baka magpa-manyak naman sakanya ang mga taong ito! Haha. Wag na nga lang!

Bago pa namin mapagpatuloy ang usapan na ito… bigla ng dumating si MAM!! Sa wakas!! Finally!! Dumating din ang terror naming prof!!

“Get a one whole sheet of yellow paper!”
Bungad agad ni Mam. Wala man lang good morning class I’m sorry I’m late!!Tsk. The manners!!

“Oi.” Bulong ko sa katabi kong babae, si Rica. “Penge namang yellow pad.”

Rica glowered at me, “Ahy sorry!” pero hindi naman parang nagsosorry yung tono ng boses niya. “Ubos na kasi ee!!” Ee isang dangkal pa ng yellow pad yung nasa table niya!!

Usually, mabait naman ang babaing ito saken ee. I should have known… ganito pala talaga kalakas epekto ni Miguel Josef Uy Monteverde sa mga tao!! I gritted my teeth. Sabunutan ko toh ee. Lechugas siya!! Malditahan daw ba ko? Aba. Hindi uubra saken ang mga ganyan!!

“Alam ko na.” I said. “Kaya pala…”

Rica arched a brow at me. “Kaya pala ano?”

“Kaya pala hindi nagkamali si Sef sayo!” I told her. “Ang damot mo kasi!” Sabay irap. Hahaha. Aba hindi ako yung tipong inaapi-api!! Hindi ata niya ko kilala, Eleonor Malicsi Dimaculangan ata ito!!

Wala ng nasabi si Rica. Haha. Tameme siya ngayon! Sus. Para lang sa yellow pad pinapakita niya ang kanyang mabahong ugali!! Hmpf!! Pagumpugin ko pa sila ni Sef ee!!

Si Darren ang nagbigay saken ng yellow pad at nagsimula ng magsulat si mam ng isang katutak na accounting problem sa board. Well, seatwork lang naman daw pala ee, ibig sabihin pwedeng pwede ang kopyahan!! Haha.

Lumipat ako sa tabi nila Japo at Darren kung saan nandun ang sagot. After twenty minutes ng pangongopya ko… kailangan ko munang lumabas ng room. Nasasakal kasi ako ee. Parang iba yung ihip ng hangin dito sa room. Nakaka suffocate.

Ang sasama kasi ng titig saken ng mga classmates ko, it was as if susunugin nila ko!!

Ako kasi yung tipo ng tao na kontento ng tahimik sa isang sulok at walang nakakapansin saken. Ako din kasi yung tipo na walang pakialam sa kung anong iniisip ng ibang tao. Oo, ganon ako… But still I’m not used to the indifference of my classmates!! Ayoko kasi sa lahat yung may nagagalit saken ng ganyan lalo na’t wala naman akong ginagawa sa kanila!!

No, don’t get me wrong. Wala akong pakialam kung galit ang karamihan ng MUP saken dahil lang sa makikipag-date ako kay Sef sa sabado at sa dalawa pang sabadong darating. Hindi naman kasi nila alam ang buong pangyayari… WALA NAMAN TALAGANG NAMAMAGITAN SAMEN NI SEF!! DUH!! As if I care!! Hindi ko naman kelangan i-explain ang sarili ko sakanila. HMP!! Wala akong pakialam!! WALA!!

Lumabas na ko ng room. I closed the door behind me, at huminga ng malalim!! Haiii… fresh air!! Ang baho kasi ng hangin sa loob ee, amoy selos at inggit!! Haha. I leaned over the railing, nasa fourth floor kasi itong room namin at kitang-kita mo ang lahat sa baba. I watched few students playing badminton. Yung isang grupo naman kumakain. Yung isa nagjajamming session. And there was one guy who was standing alone sa may second floor.

SI SEF YUN AA!!

He has a serious look on his face, yung tipong parang… may malalim siyang iniisip habang nakatingin siya sa baba sa may school clinic. Kitang-kita kasi dun sa pwesto niya yung clinic, may malaking bintana kasi dun at kitang-kita yung loob. Sinundan ko ng tingin yung tinitignan niya… and I realized that he was staring at the head nurse, si Ms. Elena!!

Nakakapagtaka talaga tong si Sef, pumapasok pa ba tong lalaking ito?? Ano yan, hindi nanaman siya pumasok?? Bakit?? Para titigan lang si Ms. Elena?? Naku, yang si Ms. Elena? Yan ata ang isa sa mga pinaka mabait na taong nakilala ko. She’s in her mid 20’s. She’s very, very beautiful, yung tipong mala Maria Clara yung dating nya. Very well-mannered, soft spoken at bagay na bagay talaga sakanya yung trabahong nurse. At naging magkaibigan kami kasi kapag pinapalabas ako ng mga prof at tinatamad akong makipaglaro ng chess kay Mang Perding madalas pumupunta ako ng clinic para makitulog. Haha.

Mga kagaya pala ni Ms. Elena ang gusto ni Sef ano? Sana pala nag-nurse na lang din ako… WWAAH!! YAK!! Ellie? Kaw ba yan? Haha. Ibig kong sabihin kung may masama mang binabalak si Sef kay Ms. Elena. Hindi ako papayag!! Sakin na lang niya gawin nuh!! Hahaha. Este… Hindi ako papayag na si Ms. Elena naman ang guguluhin niya! Agad-agad akong bumaba ng second floor papunta sakanya, yung itsura ko parang susugod sa gyera!! SUSUGURIN KO TALAGA SIYA!!

Pero ng pababa na ko ng third floor, I heard a familiar voice.

“Ryan, ano ba!! Nasasaktan ako!”
Si MEG yun aa!! Nawala agad sa isip ko si Sef. I turned around the corner at nakita ko nga si Meg, kinakaladkad siya ng butihin niyang boyfriend na si Ryan!

“Shut up!! Sasama ka saken!!”

“Ryan, nasasaktan ako!! Let me go!!”

In my impulse to save my friend napasigaw ako ng, “HOY!!” I went towards them at pilit hinahaltak yung kamay ni Meg sa mahigpit na hawak ni Ryan. “Bitiwan mo nga kaibigan ko!!”

“Ui TIBO!! This is none of your fvcking business!!” Ryan hissed, his eyes were wide as an owl’s at nag ngingit-ngit siya sa sobrang galit!! Tapos yung itsura niya yung tipong susuntukin niya ko without second thought. Ang unang pumasok sa isip ko ee muka na siyang drug adik!! Seryoso!! The more na hindi ako papayag na isama niya ang kaibigan ko!!

“Bitiwan mo sabi siya Ryan!!” I said, returning his angry gaze. He pushed me roughly away from him. Hindi niya pa rin binibitawan si Meg, this time sa braso na niya ito hinawakan.

Naiiyak na si Meg. “Wag na Ellie. I’ll just go with him.” Obvious na natakot lalo si Meg dahil itinulak na ko ni Ryan. He could do more in harming me.

“Kapag hindi mo bibitawan ang kaibigan ko, sisigaw ako!!” I warned him. And his eyes flashed with fury!! Namumula na yung muka niya sa galit. My mind was racing, dapat tawagin ko na si Darren!! Siya lang katapat nitong gagung ito!!

“Don’t you even dare!”
Bigla niya kong dinuro, nanlilisik lalo yung mga mata niya. “Wag ka ng makialam dito TIBO!! Boyfriend niya ko! At kaibigan ka lang! Just go fvck yourself!!”

Fvck yourself pala aa!! “Kaibigan nga ako, kaya hindi ako papayag na saktan mo lang yang si Meg!” I kicked him hard on the balls and he moaned in pain. Nabitawan niya si Meg at tumakbo agad si Meg papalayo sakanya.

Actually, dapat hahaltakin ko na din si Meg patakbo sa baba but Ryan got my arm and he pulled me to face him. “YOU BITCH!” He cursed at nakita kong sasampalin niya ko!! Natakot ako. I could only close my eyes, yun tipong hinihintay na lang na lumapat yung kamay niya saken!!

But nothing came… I slowly opened my eyes and I saw a strong hand from behind me gripping Ryan’s hand, completely stopping him from hurting me.

“Pare,” I gasped, boses ni Sef yun!! “That is not the way to treat a lady!”

Hindi ko alam kung saan ako nagulat ee, yung katotohanang iniligtas ako ni Sef or the fact na he referred to me as a lady.

To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌