Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 26-1. Oh my...Dad!

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Alam niyo ba yung pakiramdam ng nasa alapaap? Ako din ee, hindi ko alam. Haha.

Basta ang alam ko masaya ko, para bang kakagising ko lang mula sa isang napaka gandang panaginip. Ang gaan-gaan nung feeling. Abot tenga nga ang ngiti ko habang nakatingin sa kawalan. Haaaiiii... Feeling niyo naman? Syempre nakapag papicture ako kasama ang buong banda ng Parokya, with matching Chito na nakaakbay saken. Papano ee wala naman akong dalang camera nun? Tanong niyo. Well, sabi ko naman sa inyo ee, If there’s a will there’s always a way!!

Syempre anong silbi ni Miguel Josef Uy Monteverde at ng cellphone niyang all in one na nuh? Haha. He has that annoyed frown on his face habang kinukuhanan nga niya kami nun ee. Porket ba may-ari siya ng Ferrari at barkada niya ang Parokya Band at VIP siya ng isang barko ee hindi na siya pwedeng maging camera man? Ugali talaga nun ee. Todo simangot ang loko. Pero syempre may magagawa ba siya?? Excited na nga akong makuha yung pictures namin sa phone niya!! Ipapa frame ko pa talga yun!! Nakuuu.

“Naku talaga.” Iritang sabi saken ni Borge habang nagkaklase kami sa Advance Accounting. “Kanino ka ba talaga nakipag date? Kay Sef o sa banda ng Parokya??” Kanina pa kasi niya ko kinukulit kung ano daw nangyari samen ni Sef nung sabado. Kinwento ko naman sakanya na nagpunta kami sa concert. Nag-smile saken si Chito at nagulat pa nga ako kasi alam niya pangalan ko. Tapos sinabi niya saken na nice meeting me daw. WAAAAAAH!!! Tapos nagpapicture kami, at umakbay siya saken!!!

“Hay naku Ellie. Bahala ka nga. Napaka daya mo talaga!!” Sabay dabog ni Borge ng calculator niya at kunwaring nagfofocus kay Sir. “Pag kami nag date ni Nico hindi ko din ikikwento sayo!!”

“Sino yung captain ball ng soccer? Ee diba may girlfriend yun?”

“SSSssshhh...”
Pinapatahimik kami ni Rica, yung madamot kong seatmate na ayaw mamigay ng yellow pad!!

Nagtinginan kami ni Borge. “Oh, shhh daw Ellie!”

Bigla-bigla ba namang, “Sir, si Ms. Dimaculangan po hindi po nakikinig!!”

AKO?? Ee hello!! Si Borge nga itong...grrr... minsan talaga kelangan matabas ang sungay nitong babaeng ito ee!! Aba’t talagang gumaganti siya saken.

“Good luck Ellie.” Bulong ni Borge na tila nangaasar pa. “Yan kasi... di nagkekwento.”

Napatingin saken buong klase. Sira ulo talaga itong si Borge oh!! What’s the big deal about last Saturday?? So what kung lumabas kami ni Sef? Chaka totoo naman na yun ang nangyari nun aa? Ano pa bang gusto niyang marinig? Na na-late ako sa pagdating sa starbucks at naimbyerna saken si Sef? Na kumain kami ng street foods at halos masuka si Sef nung biniro ko siya na pwet na kalabaw yung kinakaen niya? Na nagpunta kami ni Sef sa barko at kumain ng lunch dun? Na... na kinantahan ako ni Sef sa harap ng maraming tao... and that I kissed him habang nasa Ferrari kami pauwi??

WAHAHAHAHA!! HINDI NIYO ALAM YUN NUH?? Yeah. I kissed him. OOOoohh... chismosa!!! Hahahaha. Wag na... wag ko ng ikwento!! Wala lang yun!! Sus. Kiss lang yun.

Sheet Ellie. Kiss LANG? Ee nun kiniss ka nga nun ni Sef sa Eastwood halos isang linggo kang hindi nakatulog!!

Okay fine. On second thought... dahil malakas kayo saken... kekwento ko na!!! Hahaha. Pero summarized na lang aa? Ee kasi... that night I told him na wag na niya ko ihatid sa mismong bahay. Kasi... basta... issue nanaman yun sa pamilya ko. Lam niyo naman kung papano mag-react yung mga yun... sa jacket pa nga lang ee over na sila makapang issue!! Just imagine kapag nakita pa nila si Sef at nakita pa nila kong bumaba sa isang Ferrari. Baka mabulabog pa buong baranggay namin nun pag nagkataon. So I insisted na sa may kanto na lang niya ko ibaba, then from there I could walk my way home. May dalawa naman akong paa para makapaglakad diba??

“Fine.” Sef finally said. “In one condition.”

I raised a brow questioningly.

“Asan yung kiss ko?” He said with matching na nangaasar na ngiti.

“Kiss your face Monteverde!!” I blurted out angrily. Sus. Kanwari ka pa iha!! Lam mo namang gusto mo din!! Well... he does deserve it... lalo na dahil sa hinarana ka niya!!

He smiled. Ayan nanaman!! Heart attack!! Goodness!! Easy ka lang Ellie. Wag kang magpahalatang bumibilis nanaman ang tibok ng puso mo!! I looked hurriedly on my watch, which now read 11:45pm. Sumimangot ako na para bang sayang ang bawat takbo ng oras. Yung acting na parang kelangan mo na talagang bumaba kasi may curfew ka!! Hahaha. Yak. So parang si Cinderella pa ko ngayon??

I glanced up at him pero nakatingin siya sa rear mirror niya. Meron na atang kotse sa likod. And that was when I took my chance...

GULP!!

As in... sobrang bilis lang... in one swift motion I planted a kiss on his cheek. Oo!! Sa cheek lang naman!! Kayo talaga!! And without more ado I stepped out his car and walked straight... WITHOUT TURNING BACK, WITHOUT LOOKING KUNG ANONG NAGING REASKYON NIYA!! All I know as I turned the corner... I WAS SMILING LIKE HELL!! Hahaha.

“Ms. Dimaculangan, answer problem number 3 on the board.” Aaw. Sheet!! Tapos na nga pala ang Sabado, Lunes na at nasa classroom ako ngayon!! Hindi ko tuloy alam kung binabangungot na ko!! Napakamot ako sa ulo as I eyed Borge!! Lechugas ka talaga kahit kelan, gusto kong sabihin sa kanya!!

Ano nga bang topic? Sheet, hindi ko alam kung anong topic namin!! Pakyu talaga itong seatmate kong maldita!! Pahamak!!

I looked around sa room. Lahat ng mga mata nila nasaken. Lahat ng classmates ko galit. Yeah, you know... going out with someone like Sef was big of a deal kaya nga pati mga barkada ko ee galit kasi nga hindi ko daw kinikwento kung ano nangyari.

“Aaah. Ano pong number sir?” I asked.

“Number Three.” May kutob akong pag hindi ko inayos sagot ko, mukang mapapalabas nanaman ako. Pero hindi ko hahayaang masira ang araw ko. Lalo na’t parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko.

Hinablot ko yung libro ni Borge. Chapter 9 na pala kami. Bakit parang hindi ko naramdamang dumaan ng Chapter 1? Haha. So, Installment Sales pala ang topic. “Okay Sir.” I walked towards the white board, took the marker and started solving the problem.

Gulat ang buong klase. Biruin niyong FIRST TIME na sasagot ang isang Dimaculangan ng isang Accounting problem... at take note, sa board pa!! Pero sus mio, in the end napalabas din ako!! Hahaha. Ee kasi halos twenty minutes akong nagsosolve sa harap at ang yabang ko pa nung dineclare kong tapos na ko. Kaso... yun pala... maling chapter yung sinasagutan ko!! Hahaha. Ibyernang-imbyerna professor ko. Ee matandang binata pa naman yun kaya mainitin ang ulo. Kaya ayun... pinalabas na lang ulit ako.

Usually, parang hulog ng langit kapag sinasabihan ako ng mga professors ko ng “Eleonor, get out!!” Parang ang sarap-sarap pakinggan... haha. Tamang-tama, namimiss ko na sila Lolo Perding, Butchoy at Totoy. Makapunta nga sa carpark...

But as I was walking... I wished with all my heart na sana hindi na lang ako pinalabas... na sana... hindi na lang ako dumungaw sa may railings ng 3th floor... kasi... kasi... nakita ko nanaman si Miguel Josef Uy Monteverde standing on the same spot sa may 2nd floor. He was looking – no, probably staring – at the MUP clinic ulit sa may ground floor. Nakatingin nanaman siya kay Ms. Elena?? Dios mio, ano ba?? Andito ako oh, ako na lang tignan niya kahit hanggang kelan pa niya gusto...

Yung magaan kong feeling earlier... yung masasayang pangyayari nun Sabado... lahat yun parang NABURA. Parang may isang maitim na enigma na biglang bumalot saken. KAINIS!! Bakit ba sa tuwing nakikita ko siya, laging nasisira ang araw ko??

Lunes na lunes at andyan nanaman siya nakatayo, nakatitig sa bawat kilos ni Ms. Elena. Wala na ba talaga sa bokabularyo nitong lalaking ito ang MAG-ARAL?? Great, like I got the room to talk. Ee ako nga pumapasok pero lagi namang pinapalabas ng mga professor!!

Hindi ko alam, basta the moment I saw Sef standing there, I felt a pang of anger – no, more on hatred. Hindi ee... parang, matinding inis?? EWAN!! BASTA MALAYO SA SELOS!! SOOOBRA!!

“Oh, Ate Ellie!!” Totoy excitedly sat down beside me pagkaupong-pagkaupo ko sa bangko ni Tata Perding. “Kamusta? Parang ang tagal ka naming di nakita dito aa? Ano na nangyari sa date niyo ni Boss Pogi??”

I was biting my nails completely dazing off.

“HOY!!” Butchoy snapped a finger right infront of my face. I blinked and looked at him as if I was just seeing him for the first time. “Anong prublema mo? Wag mong sabihing...”

“Huh?” I raised a brow. Over sa reaction tong mga toh aa!!

BUNTIS KA? Sabay na nabulalas nila Butchoy at Totoy.

I swear. I could have laughed by the way their eyes grew wide in unison. As in sabay na sabay silang nagulat. Mas maigi pang maki-ride sa kanila. Haha. “Grabe bilis naman, first date palang nuh!!” I blurted out. “Tingin niyo naman saken?”

“Sa second date pwede na?”

I rolled my eyes. “Duh. Sa pang third naman. Konting pakipot!!”

The three of us then burst out laughing. Oo nga, ngayon ko lang na-realize kung gano ko namiss ang mga kakosa kong toh!! Hahaha. Tamaah, bakit ko ba pinoproblema ang hindi pag-pasok ni Sef?? Paki alam ko ba kung magdamag pa niyang titigan si Ms. Elena?? Tsk. I’m not the type who would sulk in a corner over nonsensible things. Yeah. Nonsense tong nararamdaman kong... galit or whatever it is. Korek. NONSENSE ELLIE!! NONSENSE!!

“Sinong buntis?” Tanong bigla ni Lolo Perding na siyang papalapit. He coughed as he sat next to me. Hindi na ko nakasagot para magexplain sa tanong niya because the first thing I’ve noticed was that Lolo Perding was looking tired and pale.

“Hala...” I said in shock. “Anong...” I pressed a hand on Lolo Perding’s forehead. Tama ako. He has a fever. “DIOS MIO TATA PERDING!! MAY LAGNAT KAYO!!”

TO BE CONTINUED.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌