Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 25-6. Parokya ni Sef.

Eleonor Malicsi Dimaculangan.

Hindi ako naniniwala sa mga hara-harana. Duh!! Uso pa ba yun??? Tsss. At ako?? Hindi ako yung tipong kinakantahan o yung tipong kahara-harana!!

But the moment my eyes met his... the moment I heard his voice... akala ko ako si Maria Clara na nakadungaw sa bintana... at sa ibaba... isang Miguel Josef Uy Monteverde na naka barong tagalog... hinaharana ako sa gitna ng gabi, sa gitna ng kagubatan at mga kuliglig.

♪♫ ♪ Some people love shoes of certain kinds. Some people love afternoons or the way the moon shines. And they have their reasons to feel the way they do. That's why i asked myself what it is with you. ♪♪

Pakiwari ko sa mga oras na toh... para kong isang kandilang unti-unting natutunaw. I could feel every part of me melting away with Sef’s stare. He has no idea how fast my heart rate was going. How I wish I knew kung papaano niya nagagawa ito saken.

♪♫ ♪ Is there something wrong with the way i speak? Do you even see me when i pass you on the street? I close my eyes and let it be. Because I just can't see. Why you love to hate me? ♪♪

I could feel the blood rushing up my neck and slowly dominating my cheeks. God, I was blushing wildly now. It was the first time... someone made an effort to sing a song for me... Bet tayo, malapit na kong maging jelly ace dito!!! Nanghihina mga binti ko!! Could somebody tell me what’s going on?? GAAAAH!!! Gusto kong sumigaw ng, TAMA NA SEF!!! TUMIGIL KA NA NGA JAN!! CORNY KA NA!!! CORNY!!!

♪♫ ♪ Some people love weekends because they can fool around. Some people love thunderstorms because of how the drops of rain fall down. And they have their own reasons whatever they may be. That's why i think it's kinda funny that you don't have one for me... ♪♪

GRABEEEH NA TOH ELLIE!!! IKAW NA!!! Ikaw na ang may pinaka mahabang buhok!!! Bullshit! Haha. Ano ba kasi ito? Naguguluhan na ko!! I tore my gaze off Sef then closed my eyes. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko!! Hindi dapat ganito!! Ellie!! Ano ka ba? Gumising ka nga!! Dapat ang kanta dito Foolish Heart ee!!

♪♫ ♪ ...stupid on my part to say that i love you. Even though i know you hate me and you don't know why you do... ♪♪

I took a deep breathe. Hindi na ko nakikinig kay Sef. Tinititigan ko na lang yung Security Guard na ngiting-ngiti naman saken. Siguro alam niyang ako yung CLOWN na tinutukoy nila Sef. I tried to push the door open. Kelangan ko ng fresh air. Hindi talaga ko sanay sa ganitong pakiramdam na para kong... in love?

IN LOVE KA JAN!! IN LOVE YOUR FACE ELLIE!! EWAN!!! EWAN SAYO ELLIE!!! HUMANAP KA NG KAUSAP MO!!!

“Miss bawal pa po talagang lumabas.” Sabi ulit saken nung Security Guard.

“Naiihi na ko kuya. Kelangan ko ng mag-cr!!”Go Ellie!! Galing mo talaga magsinungaling.

“P-pero... miss...”

“Aba, kuya. Against naman na ata sa human rights tong ginagawa mo saken!! Lalo kang mawawalan ng trabaho kapag pumanghi tayo dito.”

Napakamot siya sa ulo. May point ako!! Hahaha. He hesitantly unlocked the door at agad-agad naman akong lumabas, baka kasi magbago pa isip niya. Haha. Hindi ko na alam kung tapos na bang kumanta si Sef. At wala naman na kong balak pang alamin as I looked at my dishevelled hair on the mirror of the girl’s bathroom. Oo. Sure na ko this time na girl’s bathroom ito kasi meron pa nga akong kasama ee except na lang kung bakla ito.

Unlike ko na naka jeans, sleeveless at rubber shoes, she was rather wearing an expensive mini dress, red stilettos at may clutch bag pa siyang naka patong sa sink. She was applying foundation on her flawless face. Nagreretouch siya.

Napansin kong she was looking at me through the mirror. Seeing how messy I was, she still managed to give me a friendly smile. “Let me guess,” she said, now putting lipstick. “Heart problem?”

Una naisip ko, nagiging muka bang ganito kasabog kapag may sakit sa puso? Pero... teka, wala naman akong sakit sa puso aa? But then it took me another second para magets yung sinabi niya.

I gave a weak laugh. Stupid ko talaga. “H-hindi. Mejo napagod lang sa concert. Haha.”Mukang dumadalas ang pagiging sinungaling ko aa?

She smiled. “Don’t tell me you’re that Clown?” This time, she was already facing me. Pag galing talaga sa iba yung salitang clown parang iba talaga dating noh? Kahit nung sinabi yun ni Chito kanina para kong tinaga sa dibdib.

I was just looking at her, unsure as to what to say. Sigurado kasi ako na kapag bumukas itong bibig ko hindi magugustuhan ng babaing ito maririnig niya. Really lang Ellie? Or... wala ka lang talagang masabi???

“Never mind.” With that, she walked pass me and went out the bathroom. Naiwan ako dun na naka tulala. Hindi ko kasi alam kung sarcastic yung babae or friendly ee. Pero mas okay na siguro kung ignore ko na lang siya. Tamaaaah. Dedma na lang. Besides, hindi ko pinangarap na pumatol sa mga kagaya niyang BITCHY!!! Hahaha. Hmm. Ellie. BAD!! Haha.

Mga ilang minutes din ako sa loob nung CR. Gaaad. Gusto ko ng umuwi. Hindi ko naman alam na nakakapagod pala ang makipag date!! Kung alam ko lang na ganito mangyayari sana talaga... hindi na lang ako sumama!!

Paglabas ko ng girls’ cr, I was dragging my feet down the hallway. Not sure kung saan ako pupunta. When all of a sudden...

“Ikaw lang ata ang kilala kong nagwawalk out habang hinaharana.” It was Sef approaching. “Masyado ka bang nadala sa kanta ko? Ha?”

Ayan nanaman siya sa pangaasar niya!! Usually, makakasagot pa ko ng kahit anong panlalait o pambara. Pero ngayon... hindi ko alam kung bakit... HINDI AKO MAKATINGIN SA KANYA!!! PUNYEMAS TALAGA!!

“Tumigil ka nga Sef!” Biruin mong yun lang ang nasabi ko?? Buisit!! Hindi gumagana braincells ko... hala!! Tumayo talaga siya sa harap ko, completely blocking my way. I was looking at the floor trying to push him off. “PAG HINDI KA TALAGA TUMIGIL....!!” I looked up at him and I didn’t know... how close his face was against mine.

“What if I don't stop? You’re going to kiss me?” His smile was tempting – very tempting. Napalunok ako. Diyos ko? Nanalo ba ko sa lotto ngayon?? Bakit ganito?? Parang naka jackpot ako?? WAHAHAHA.

“Sef.” Sheet. Panira naman ng moment oh!! Sef looked around, at ako din naman tumingin kung kanino galing yung bo—yung bo— OKAY. I WAS STUNNED. Kumpletong nakatayo sa harap ko ang buong banda ng Parokya ni Edgar!!!

“Ui, salamat aa!”Sef greeted Chito with another brotherly hug. At tumingin saken si Chito nung magkayakap sila ni Sef. He gave me a small smile. Wait. Pakisampal nga ako. CHITO actually smiled at me. Napalunok ako!! Meron bang clinic dito?? Nakalimutan ko atang huminga!!

“Hey!” Chito tapped me at the shoulder. Pero nakatitig lang ako sakanya na para kong statwa sa tigas ng buong katawan ko. “Ellie diba?”

“EHEH.”

Kilala niya ko?? KILALA NIYA KO!!! Sheet!! Ngayon ko lang naappreciate ang pangalan ko!! Hindi ko alam na ganun pala kaganda ang pangalang Ellie lalo na’t si CHITO ang bumigkas.

“EHEH.” Wala akong ibang masabi kundi ang weird na sound na toh!! Hindi ko alam muka na kong OT-OT (short for autistic).

Natawa sila Chito, Gab at Vinci. “Marunong naman talagang magsalita yan. Usually madaldal nga siya ee.” Sabi ni Sef na pinipigil din ang tawa. Marahan siyang umakbay saken pero hindi ko na naramdaman. STARSTRUCK AKO NGAYON!! GAAAD.

“EHEH.” Kulang na lang ata tumulo laway ko ee.

“Anyway, nice meeting you Ellie.” Chito raised his hand na parang nakikipag appear. Grabe Ellie... nice meeting you daw!!! Hindi niya alam the pleasure was all mine!!! WAAAAH!!! Kelangan malaman ng buong mundo ang moment na ito!! Kelangan kainggitan ako ng lahat ng tao!!

Nakabitin pa din sa ere yung kamay ni Chito. GO ELLIE!! IT’S NOW OR NEVER!!!

“P-pwedeng magpapicture??”

Ikinamot na lang ni Chito yung kamay niya sa ulo. “Yun lang pala ee. Sure.”

WAAAAH!! DALI DALI NAMAN AKONG PUMOSE SA TABI NI CHITO. KILIG NAMAN ANG LOLA NIYO... umakbay kasi siya saken. Sila Gab, Vinci, Dindin agad din tumabi samin. GROUP PIC NA TOH!! Si Sef lang ang natatanging nakatayo sa harap namin, nakakunot ang noo.

“Teka. Asan ang camera?” Sabay tanong ni Gab.

ANAKSHUTANG ANIMALES!!! Ang lakas ko namang magpa picture.... pero wala naman pala kong dalang camera!!!

TO BE CONTINUED.