Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 35-2. Peace na, Kiss na - Please!

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Tahimik lang ang naging byahe namin pauwi. Sumabay ako sa kotse ni Japo, kasama si Max – na nasa passenger seat, kasabay din namin sila Jill at Ken. On the other hand, sila Borge, Meg and her cousin John, ee sumabay sa wheels ni Nico.

Walang may lakas ng loob na kausapin ako. They knew I was in such a foul mood... tapos wala pang may gustong mag-salita kung bakit sila biglang nag-away dun. Nakuu talaga... ang sarap tapyasin ng tenga ng mga lalaking ito!!

Pinaka naiinis talaga ko kay Darren Max Sanchez!! Siya tong nakakatanda ee, siya pa tong pumatol sa immature na yun!! Besides, baka malaman pa ng coach niya sa taekwondo yung pangyayaring ito, siguradong lagot siya!!

Si Jill ang una naming hinatid... kaso lang, hindi ko kakayaning maiwan ng magisa kasama ang mga animales na lalaking ito!! Para talaga kong bulkang malapit ng sumabog!! GAAAAH. Sa totoo lang, I HATE VIOLENCE!! Para sakin kasi, WALANG HINDI NADADAAN SA MABUTING USAPAN. There’s no need to spill blood!! Usap lang naman ang kailangan ee!!

I walked out the car with Jill and slammed the door shut behind me. “Oh, Ellie...” Jill uttered in surprise.

“Don’t worry,” I told her. “Sasakay na lang ako pauwi samin.” With that I started walking away. Syempre alam ko naman sakayan pauwi mula dito kanila Jill nuh.

Narinig kong bumukas ulit yung pinto nung kotse ni Japo, “ELLIE!” It was Max. I didn’t turn around. Ahh, bahala sila jan!! Nakaka BAD TRIP talaga ee!!

Gusto ko na lang idaan sa tulog ang araw na ito! I mean, c’mon... nothing started right!! I wanted to go to EK so badly thinking I would be having FUN!! Pero, iba nangyari ee... Yung supposedly na ka-date ko, iniwan ako. Pinagpalit ako sa baklang yun!! Tapos umeksena pa yung mga kaibigan ni Sef... calling me a CLOWN and all... and then what? Makikita ko na lang sa parking lot na nagsasapakan sila!!

ISN’T THIS DAY SUCH A BUCKET OF FUN?? Hahaha. Sarcastic.

At kapag ganitong bad trip ako... It’s much better to be alone... baka kasi kung ano pang masabi ko!!

Tahimik lang na sinundan ako ni Max. Pumara ako ng jeep, sumakay ako at sumakay din siya. We didn’t talk for the rest of the trip. Hindi ko din siya pinapansin kahit na gusto ko ng itanong kung okay lang siya kasi mejo obvious na yung black eye sa kanang mata niya. He didn’t try to get my attention either but he just kept on looking at me. Basta tahimik lang kami. No one dared to talk.

Napadaan na kami sa may street ng bahay niya pero hindi pa din siya pumara. Nung bumaba ako, it was then na bumaba din siya.

Nauuna na kong maglakad sa kanya. He was just walking behind me. Hindi ko pa din siya kinikibo. Pero nung mejo malapit na ko sa bahay namin, Max said. “He called you a clown.” His voice was barely a whisper.

I stopped on my tracks, debating whether to turn around or not.

“He called you a clown.” Inulit niya, this time a bit louder.

“So?” Inis kong sinabi. “Rason na yun para makipag-rambulan ka kay Sef?”

“You were hurt and that was enough reason for me.”

I was a bit surprised... para kasing napaka seryoso ng pagkakasabi ni Darren. Pero na-touch ako, pramis!! Alam ko, Darren could be very overprotective... Swerte ko talaga meron akong matatakbuhang KUYA. But still... hindi dapat niya ginawa yun.

“Hindi ako magso-sorry sa ginawa ko Ellie. I did what I have to do.” Napayuko ako ee. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Alam niyo kasi si Darren, siya ang pinaka reasonable na taong nakilala ko. I mean, siya kasi yung tipong HINDI GAGAWA NG ISANG BAGAY NA HINDI NIYA KAYANG PANINDIGAN. I felt him placed a hand on my head na para kong bata. “But I am sorry kung napag-alala kita.”

Sus. Kahit gaano pa ko ka-STUBBORN... pano ko naman MATITIIS ang isang Darren Max Sanchez?? “Buti alam mo!!” I glared at him, removing his hand from my head.

And it was then that Max gave me a smile. “Tara na nga!” Umakbay na ulit siya saken sabay pisil ulit sa ilong ko. “Malapit na nga pala Christmas, ano reregalo mo saken?”He asked habang papalapit na kami sa bahay ko. It was a good way to start a conversation, kala mo WALA lang nangyari kanina ee.

I laughed, trying to free myself sa buhay niyang kamay na walang ibang ginawa kundi ang pisilin ang ilong ko!! “Regalo?? Posas, para matigilan mo na ilong ko!! KASI NAMAN EE MAPAPANGO NA YAN OH!!”

“Alam mo, ikaw na ata ang pinaka MADAMOT na taong nakilala ko.” He said. “PATI ILONG MO PINAGDADAMOT MO PA. Di naman katangusan!!”

“Ah ganun? At ikaw naman ang pinaka GAGU sa lahat ng GAGU!!”

He made a long face. “Hindi din.” He shook his head. Napataas kilay ko sakanya.“Hindi? May mas gagagu pa sayo?” Nagtataka kong tanong.

“Oo. IKAW!” Sabay tawa siya.

I frowned at him. “ALAM MO IKAW...” Gigil kong sinabi as I pinched him on the cheeks.

Napa-aray si Darren ng wala sa oras. Nakalimutan ko may pasa nga pala siya sa muka. Imbes na mag-sorry, tinawanan ko lang siya.

Very good talaga ko!! Hahahahahaha.
Two days later

John Paul Sy Crisostomo wasn’t really in the mood to see Sef, kaso lang kahit naman gaano ka sira ulo nito hindi naman niya makuhang humindi, syempre parang kapatid na din ang turing niya dito.

Pinapasok siya ng maid sa mala-mansyong bahay nila Sef. Kilala na siya ng mga ito ee. Sus. Ikaw ba naman halos sa araw-araw na ginawa ng Diyos lagi ka ba namang nandito. “Mr. Monteverde is in his room right now.” Sosyal diba? Umi-english talaga mga maid dito. Haha.

“Okay. Thanks.”Pumanik si Japo sa kwarto ni Sef and he was slightly surprised to see his friend lying on his bed, balot na balot ng kumot. “Sef?”

Matapos nung eksena sa EK. Ngayon na lang ulit nakita ni Japo si Sef. Actually, kung hindi naman siya tinawagan nito, hindi talaga ito pupunta ee. Kaso lang, Sef sounded desperate on the phone... now Japo knew exactly why.

May sakit ang loko!

“Anong nangyari sayo?” Tanong ni Japo. Marahang nawala ang inis niya sa kaibigan.

Sef has his eyes half opened. “Japo...” His voice was weak, halatang masama pakiramdam. Wala din naman ito sa mood ikwento ang mga pangyayari. Pero para lang malaman niyo... Right after the fight with Darren, nagpunta na sila sa bahay ni Ivan. Mejo nagka tuwaan sila, napag tripan nila ni Jerry na tumalon sa pool. And to think it was 2 o’clock in the morning and Sef was all drunk and tipsy... nakuha pa talaga niyang magbabad sa pool for two straight hours. Ang resulta?? Ayan!!

“Did you call your doctor?”

“Yeah, kakagaling lang niya dito kanina.” Sef tried to sit up but ended up lying back down. “Darn it!”

Japo sighed. “Magpahinga ka na lang. Sasabihan ko si Yaya Kusing na dalan ka ng gamot.”He was just about to leave when Sef said, “Japo... Kamusta si...” Parang hindi pa nga sure si Sef kung dapat ba talaga niya itanong ee. “...si Ellie?”

Japo wasn’t sure whether he was hearing the name right. Pero wala naman siyang ibang kilalang may pangalang katunog ng kay Ellie. “Si Ellie?” In fact, he was slightly surprised sa biglang tanong ni Sef. Why would he care in the first place right? CLOWN PALA AA. Haha. Japo smiled, pinipigilan niyang WAG matawa.

“Hm. Okay naman yung Clown mo. Okay din naman sila ni Max. Mukang nagkakamabutihan na.” Dire-diretsong sagot ni Japo, he tried to sound casual. Kaso mejo halata paring nangaasar ang loko. If there was one thing you should all know about Miguel Josef Uy Monteverde, it would be the fact na... may pagka TUOD siya!! Haha. “Since, ininjan mo ka-date mo. Si Max na din naghatid sakanya nung Saba--” Hindi na natapos ni Japo yung sinasabi niya kasi meron ng unan na lumipad sa muka niya.

BULLSEYE!!

Kawawang Japo. Hahahaha.

TO BE CONTINUED
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌