Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 35-3. Peace na, Kiss na - Please!

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Nakalimutan ko, isa nga palang parusa kapag sinamahan mo si MEG na mag-shopping!! Diyos mio, parang gugustuhin ko pang parusahan ako ng coach nun sa soccer try-outs kesa libutin ang buong SM NORTH EDSA. At ng hindi pa talaga nakuntento si Meg, lumipat pa kami sa Trinoma!! Hindi ko na nga nararamdaman ang mga binti ko ee, halos nasuyod na namin ang bawat store. Namimili kasi siya ng mga pang Christmas gift daw niya.

Sinamahan namin siya nila Jill at Borge. Pero infairness, mukang ako lang talaga itong nagrereklamo. Papano, kahit sila Jill bili dito, bili dun. Ako lang itong kinakaladkad nilang tatlo kung san-san.

Okay. Guilty na ko. Hindi naman kasi ako ma-shopping na tao nuh! Obvious naman diba? Kung meron man akong kailangan, alam ko na kung san yung bibilin. Wala akong panahong libutin ang buong mall ano!! Anakshuta talaga, hindi ko alam kung papano ako napasama ngayon sa mga babaitang ito ee.

Pumasok kami sa Marks and Spencer. Balak daw kasing bilan ni Borge si Nico ng jacket. Okay. Ito talaga ang mga tipong high-end na store ee. Biruin niyo yung jacket na balak bilin ni Borge ee halos nasa 8k na!! Lechugas, ee kung sa Divisoria na lang siya bumili? 250 lang meron na!!

“Ellie, ganun talaga. Mahal ang mag-mahal.”Sinabi sakin ni Borge ng sinabi kong bigyan na lang kaya niya ng love letter si Nico. Besides, it’s the thought that counts diba?? “Ee ikaw ba? Anong balak mong ibigay kay Sef?”

SAY WHAT?? “Si Sef?” Nanlaki talaga mata ko. “At bakit ko naman siya reregaluhan?” Nagtinginan sila Jill, Borge at Meg. Yung tinginang may MEANING!! Amp!!

“Sabi nga nila diba, give LOVE on Christmas day!!” sabay banat ni Meg.

“Give love...tss...PAKYU!! Haha.”

Pero infairness... bigla akong napaisip... actually, napalunok would be the perfect word. Kung gugustuhin kong regaluhan ang isang kagaya ni Sef... malamang kulang ang 8k. Mukang kelangan ko munang mag nakaw sa bangko!! Haha.

Atchaka, meron pa ba kong dapat iregalo dun? Parang kayang-kaya naman na niyang bilin ang kahit anong gustuhin niya ee. Ano ka ba Ellie!! Ikaw na nga mismo nagsabi ee, it’s the thought that counts!!

Ano kaya? TSINELAS? Parang hindi ko pa nakikitang naka-tsinelas yun ee. Siguro may patay na kuko kaya hindi pwede i-expose! Haha.

PABANGO?? Sus. Baka i-spray lang yun ni Sef sa banyo!! Kumpara naman kasi sa mga ginagamit niyang pabango diba??

WALLET?? Ay, sige. Try mo lang. Baka gawin lang niyang lalagyan ng barya yun!! Hahaha.

Ah, sheet!! SUMASAKIT ULO KO!! Hindi pa naman ako sanay ng pinagiisip ako ng mga ganitong klaseng bagay!! Ito ngang mga barkada ko wala akong balak bigyan SIYA pa kaya?? Tsss... atchaka matapos yung nangyari nung sabado, feeling niya mageeffort akong bigyan siya? NO WAY!! NO WAY TALAGA!!

Naka-upo na kami sa Isbarro to eat lunch pero kahit anong gawin ko, tumatakbo pa din isip ko... Ano kaya?? Bigyan ko siyang BULAKLAK?? Sabi kasi nung prof namin dati, gusto daw ng mga lalaki kapag binibigyan sila ng bulaklak! Hahaha. Tae, ee isa nga pala ako sa mga nag-react na baka bakla si Sir kaya niya nasabi yun. TOINKS!

“Oi, sino ba yang ka-txt mo?” Biglang natanong ni Meg kay Jill.

“Si Japo. Darating daw siya ee.”

Pagkasabing-pagkasabi ni Jill nun, biglang lumitaw si Japo sa may entrance ng Isbarro, sinisilip-silip pa niya kami. Kinawayan ko naman siya agad.

“Hey girls!” Bati niya. “Christmas shopping ba? Anyway, MEDIUM size nga pala t-shirt ko. Size 8 naman paa ko.”

Patawa talaga tong si Japo kahit kelan ee. “Kapal mo Japo!!” Borge said slightly slapping him on the face.

Second round na ulit ng pamimili nila Meg. This time, sa Lacoste naman kami napadpad. Naiwan kami ni Japo sa labas and then suddenly, it occurred to me na kung meron man akong dapat tanungan kung anong magandang iregalo kay Sef, dapat si JAPO yun!!

Wait. Wait. Wait. So ibig mong sabihin Ellie, meron ka nga talagang balak regaluhan si SEF?? Oh my gosh!! Prublema yan!! Ee, magtatanong lang naman ako hindi ibig sabihin nun BIBIGYAN KO TALAGA SIYA!!

Napatingin ako kay Japo. He was looking on his phone, panay ang txt. Wag na nga lang!! Tsk, baka mangasar lang din itong loko na toh siya pa unang matuluyang matanggalan ko ng tenga!! Haha.

“Ellie, how’s Max doing?”

“Huh?”

“Sabi ko si Max... okay na ba mga sugat niya?”

I nodded. “Oo naman.” Long pause. “Ee...Si Sef?” I tried to sound casual.

Napakamot sa ulo si Japo. “Hay naku, ako pa talaga tinatanong niyo pareho.”He then smirked. “Hindi na lang kayo magkamustahang dalawa.”

Napakunot ang noo ko. Ano bang sinasabi niya?? Kung ayaw niyang sagutin ee di wag!! Hmp. Suplado naman nito!! Tapyasin ko yang tenga niya, makita niya!!

Japo then sighed. “Tinatanong mo kung kamusta si Sef, ibig bang sabihin niyan, hindi ka na galit sakanya?”

“Galit?” Well, sa tanong ni Japong yun... inisip ko kung nagalit ba talaga ako kay Sef? Natawa ko ee. Dahil unang-una sa lahat, BAKIT AKO MAGAGALIT?? Pangalawa, MAY KARAPATAN BA KONG MAGALIT?? C’mon, a CLOWN doesn’t know how to be angry!! “Sus, Japo. Alam mong hindi ako marunong magalit!”

“Yeah, kaya pala you nearly ripped off their ears at umuwi ka mag-isa nung gabing yun.”

I playfully landed a good smack on his arm. “Sira ulo!! Ee pinapainit niyo ulo ko. Walang nagsasabi kung bakit sila nag-away!”

Biglang tumunog ulit phone ni Japo. He looked at it tapos napailing siya.“Anyway, Ellie... ano ireregalo mo kay Sef?”

ARGH!! Bakit ba lahat na lang sila nag-aabang sa ireregalo ko??

“Tss. KISS na lang, pwede na yun!!”

“Naku po! Siguradong magtatatalon yun sa tuwa.”

“Gagu, alam mo yung joke? Ako na lang regaluhan niya. Matutuwa pa ko.”

“Bakit ano ba gusto mo?”

I eyed Japo with a mischievous smile. “ANO? BAKA SINO?”
Hindi tumigil si Japo sa kakatawa.“Sira ka talaga Ellie!!”

After an hour or so, malapit na kami umuwi at dumaan muna kami sa grocery store kasi may bibilin daw muna si Japo para sa alaga niyang tuta na may sakit. Ang swerte naman ng tutang yun, biruin niyong isang galong Gatorade ang iniinum??

“Tuta mo ba talaga may sakit?” Tanong ni Meg as she was pushing the small cart. “Baka manigas pochi nun kung Gatorade papainum mo.”

“Yaan mo, siya naman tatae ng matigas. Hindi ako. Haha.”

Dumating na yung driver ni Meg at dapat sakanya ko sasabay. As usual, Japo insisted on riding Jill home. Kaso lang, minsan meron talagang prublema yan sa pagdiskarte ee. “Samahan mo na ko Ellie, dali na.” He told me at syempre wala naman na kong nagawa.

Nasa passenger seat naka upo si Jill. Tapos ako lang mag-isa sa likod. Magkausap yung dalawa kaya naman pinili ko na lang manahimik. Moment nila yun ee. Mejo inaantok-antok na nga din ako, sabi ko naman sa inyo diba? Isa talaga ko sa mga madaling makatulog pag nasa byahe. Hahaha. A moment or so, bigla kaming tumigil sa harap ng isang napaka gandang bahay. Tinapik ako ni Japo. “Ellie,” He said, inaabot niya saken yung isang plastic ng grocery na binili namin kanina. “Paki baba naman ito o. Kaw na muna bahala sa alaga kong tuta. Babalikan na lang kita mamaya.”

Napatingin ako dun sa bahay – well, kung bahay ngang matatawag. Para kasing maliit yung term na bahay, it was more like a mansion. “ANO? ANONG GAGAWIN KO DITO?”

"Ikaw na bahala." Japo eyed me, his lips pointing at Jill. Yung itsura niya parang sinasabi niyang ISTORBO ako. Gusto daw muna niyang ma-solo si Jill. Animales!! Kaya lang niya ko pinilit isama ee para ibaba ito sa tuta niya?? Punyemas na tuta yan aa!! Daig pa mga anak ni Pacman sa sarap ng buhay!!

“If you want, we could stay around for a while.” Offer naman ni Jill.

“Oo nga. Tama Jill!” Haha. Panira talaga ako ee.

“Naku, wag na Jill!” Biglang lumingon si Japo saken. “Dali na Ellie. Babalikan din kita agad.” He smiled at me pleadingly. Takte, ang hirap talagang maging mabuting kaibigan!!

Hinablot ko yung platic. “Naku Japo, siguraduhin mong mabilis ka lang. Kung hindi, iisawin ko yang tuta mo!!”

“Wag naman Ellie. Ingatan mo aa? Shower it with love...” Japo said laughing. “Nga pala, i-kiss at i-hug mo na lang din ako!!”

I glared at him and muttered deeply. “Pakyu!”

The moment I stepped out the car, kumaripas na agad sa pagpapaandar si Japo. Kita mo yung gagung yun!! Ugali talaga ee, wala man lang ba-bye!!

“Good afternoon Ma’am.” May maid na bumati agad sakin sa may gate. “C’mon in.”

I looked around, ako kinakausap niya diba? Takte, talo pa ko ng maid nila Japo aa? May accent pa siya mag-english!! “Ah,”I said a bit unsure. “S-sige ho. Thank you.”

Pinagbuksan niya ko ng gate and led me inside the mansion. Ang ganda pramis!! Bongga!!

She noticed the grocery bag I was carrying. She took it from me. “He’s upstairs miss.”

“He?” Wow. Para pala talagang tao turing nila sa mga tuta ano?

“Second room to your right.” With that, she disappeared to the kitchen. Hindi ako magkandaugaga sa paglingon even as I climbed up the marble staircase. ANG SARAP NAMAN TUMIRA DITO. Ang ganda-ganda. Tapos meron pang chandelier na kala mo gawa sa diamonds na nasa pinaka gitna nung bahay. Napaka swerte naman ng tutang yun, meron pang sariling kwarto!! Lintek talaga yung si Japo, ganito ba talaga kapag ONLY CHILD? Spoiled talaga? Haha. Paampon na kaya ako sa parents niya?

Pagdating ko sa tapat nung pangalawang kwarto sa kanan. I froze. Teka, seryoso? Pang-tao talaga na kwarto?? I slowly took a hold of the doorknob and opened it ever so slightly at sumilip. And I swear to God my heart almost made a leap when I saw Miguel Josef Uy Monteverde sleeping soundly on a king-sized bed, balot na balot ng putting comforter.

Meron bang Sleeping Beauty na lalaki?? Haha. Parang si Sef kasi yung male version ee. And then suddenly it dawned on me that all this time, SI SEF YUNG TUTANG TINATAWAG NI JAPO!!

WWWWWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!

Parang bigla kong narinig ang boses ni Japo nung bago ako bumaba ng sasakyan. Shower it with love... I felt my blood creeping up my cheeks. Nga pala, i-kiss at i-hug mo na lang din ako!! I was blushing like hell. SIRA ULO TALAGA YUNG SI JAPO KAHIT KELAN!! RRRRRRRR...

Papaalis na sana ako ee... kaso lang I stood frozen by the doorway ng narinig kong umubo si Sef.

Sa lahat ng sinabi ni Japo kanina, isa lang ang totoo... MAY SAKIT NGA ANG TUTANG ITO.

To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌