Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 38-5. One Night Only?

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Right that very moment, parang gusto kong sumigaw at sabihan si Sef ng, UWI MO NA ULIT AKO SA INYO OH!! BALIK NA LANG TAYO, PLEASE??

Ahy, shocks, nawili ka Ellie?? Hahaha. Oi hindi aa... Mas okay na sigurong bumalik sakanila kesa harapin ang angkan ng mga Malicsi. Pramis! Hindi niyo kilala yang ankan kong yan... lalo na yang Tito ko! Nakuu, hindi niyo na itatanong ex-marine kasi yan. Tapos yang tita ko, yan ata ang reyna ng majong sa village nila. At yang pinsan ko? Ayan ang head ng frat - Frating Gutom!! At yang isa ko pang Tito? Nakuuu, yan ang kapitan ng mga sunog baga sa barangay nila! Haha. Naiimagine ko na nga ang sasabihin sakin ng mga Tito’t Tita ko. Alam ko na kung anong naghihintay sakin kapag bumaba ako ng kotse ni Sef.

Dios mio, dealth penalty na ito!! Wahahahaiii...

Parang mas okay pang lumipad papuntang Libya at maki-gyera dun kesa harapin ang hatol ng mga kamag-anak ko!! Bakit ganun? Isang gabi lang naman ee, atchaka... ngayon lang naman ako hindi nakapag-paalam. ATCHAKA WALA NAMANG NANGYARI!!! Sayang nga ee. Hahaha. Ee di kung ayaw nilang maniwala sakin, fine, ee di IPAKASAL na nila kami nitong si Sef!! Hahahaha. Ee di naging pabor pa saming lahat yun? Malalahian kami ng Monteverde. Kahit ilang Sef junior pa hilingin nila sakin ee okay na okay!! Buwahahahahaha.

Oo nga nuh, bakit hindi ko na lang yayaing mag-pakasal saken si Sef ngayon? Para hindi na nakakahiyang humarap sa pamilya ko.

TOINKS!! Lechugas ka talagang babae ka. Kung anu-ano pang iniisip mo!! As if naman, he’d agree. Atchaka, hellow?? Never mo kayang pinangarap na mag-propose sa lalaki!! DUH!! Magtatalon pa yan sa tuwa at wala nanamang katapusan sa pang-aasar!!

I took a deep breath. Kaya mo yan Ellie!! Sabihin mo lang ang totoo, siguradong maiintindihan naman nila ee. When I turned to look at Sef para sana mag-paalam, nakababa na siya sa kotse at nag punta sa may pintuan ko para pagbuksan ako.

Wala na kong nagawa as he opened the door for me. Dahan-dahan akong bumaba, I must be looking pale already. Ng bigla ba namang...

“SSSEEEEEEEEEFF!!!” It was the usual deafening scream of Ate Karla that greeted us. Tumakbo siya papalabas nung gate sabay yakap ng mahigpit na mahigpit kay Sef. Remember, kaya nga Yakap-sul tawag ko sakanya?? Haha. Ngayon na-experience na din ni Sef yung feeling. “Kamusta ka na? Mas lalo ka atang guma-gwapo aa?”

Sef only smiled shyly. “Okay lang. Nothing changed, really.”

Napataas ang kilay ko. That was the last thing I was expecting. Ang warm welcome na kagaya ng kay Ate Karla. Akala ko pa naman tutuhugin na nila ko agad.

WTH... Masyado pala akong napa-paranoid that I didn’t notice na busy pala ang lahat ng mga kamag-anak ko. Mga tito’t pinsan ko binubuhat yung karaoke na ni-rent pa nila sa barangay. Mga tita ko naman, busy sa pagaasikaso nung mga nilulutong inihaw. May mga lamesa’t mono blocs na naka setup. Naka-maximum yung volume ng speakers namin na ang tugtog ee mula pa sa 70’s. Siguradong si Tita Lory nanaman ang nagpatugtog nun. At syempre hindi mawawala sa picture ang mga chikiting na takbuhan ng takbuhan kung san-san.

AND THEN REALITY HIT ME!! OH SHEET!! December 24 pala ngayon... Christmas Party ng angkan ng mga Malicsi!!!! Nakatulog lang ako kela Sef at andami ko ng nakalimutan!!

Napatigil ang mga Tito at mga pinsan ko… All eyes were on Sef, who seemed very at ease. “Hello Good morning.” Sef waved a hand & gave them his killer smile.

“YYYAAAAAAAAAAAH!!” Excited na nag tilian yung mga babae kong pinsan at agad na pinalibutan si Sef.

“Ako nga pala si Mae.” Agad namang inabot ng pinsan kong si Mae ang kamay ni Sef para makipag-shake hands.

“Call me Anna.” Hinablot naman agad ni Anna sa kapatid niya yung kamay ni Sef, with matching beautiful eyes pa yan aa?

“Oh my gaaad… and my name is Agnes.” Ang pinaka loka-loka kong pinsan. “I’m single…” She smiled flirtingly. “And you’re welcome to change that...”Sabay kindat.

Napangisi si Sef. And I could only slap a hand on my forehead. PATAY!! PWEDE BANG IPADALA NIYO NA KO SA LIBYA?? NOW NAAA!!!

And to make things a lot worse?? Lumapit na din ang pinaka nakakabaliw kong pinsan, si AJ. Ang pinsan kong gay na mas malandi pa sa lahat ng malalandi. Sabi nga nila, nagkapalit kami ng kaluluwa nitong si AJ ee. Siyang lamya at gaslaw niyang gumalaw, siyang maton ko naman daw kasi. Hahaha.

“Teka nga, teka nga!!” Sabay sigaw ni AJ, yung boses niya pilit niyang pinapalaki.“Pare,” He pressed a hand on Sef’s shoulder na kala mo kung sino siyang siga. “Ano bang pangalan mo, pare?”

“Uhh,” Nakita kong na-weirduhan si Sef sakanya. “Sef... just call me Sef.”

“Ann Jolina. AJ for short.”

I heard Sef let out a small laugh. AWWW. PLEASE KILL ME NOW!!! Kahit kelan talaga itong si AJ, pasaway!!

“Oi. Oi. Oi.” Sigaw ni Ate Karla, pinagpapapalo niya yung kamay nila Mae, Anna, Agnes at AJ. “Bisita ko yan!! Dun nga kayo! Dun! Dun!” Kala mo sila mga asong tinataboy ni Ate Karla.

T-teka nga... HELLO?? DIBA AKO PINSAN NIYO?? Gusto ko sanang sabihin… kala mo naman itong si Sef ang kamag-anak nila!! Para kong tangang nakatayo sa likod nila oh.

“Uy, Sef!!” Siyang lapit naman ni Kuya Andrew. Talaga bang WALANG nakakapansin saken??? PATI BA SILA ITINAKWIL NA DIN AKO??? “Pasok ka! Feel at home lang aa? Wag kang mahihiya…”

Grabeee… So hindi lang pala first kiss ang balak nakawin sakin ni Sef… pati pala pamilya ko balak niyang kunin!! HMPF.

“Oh, halika – halika, pasok tayo dun sa loob.” Tawag ni Ate Karla as she led us inside the house. Tahimik lang akong sumusunod. Si AJ naman tumabi sakin. “Ang haba ng buhok mo teh...” He whispered to me with matching funny facial expression. And he mouthed the word, “Gwapuu.” Then he gave me two thumbs-up.

Napailing ako ee. “Sira ka talaga.”

“At ikaw Ellie... Bilisan mo, ikaw talaga... kanina ka pa hinahanap ni Tito Dan.” Sabi ni Ate Karla.

Pagpasok na pag-pasok namin sa loob ng bahay, naamoy ko kaagad ang mabagong kare-kare ni mama. At sobrang dami ng commotion sa kusina. Mga tunog ng kawali, ng plato... sila mama sigurado yun chaka sila Tita Alice at Tita Grace. Sila kasi ang talagang incharge sa pagluluto sa mga family gatherings naming kagaya nito. At syempre hindi mawawala ang malupit kong SPAGHETTI. Yeah, paboritong-paborito ng mga Malicsi ang luto kong spaghetti. Hindi kumpleto ang handaan kapag wala nun.

“Andito na si Ellie!” Sigaw ni Ate Karla and Em-em was the first one to poke her head from the kitchen.

“Ate Ellie!!!”Ramdam na ramdam ko yung excitement sa boses ng kapatid ko as she went running towards me mula pa sa kusina. “Nahiwa ko na yung mga rekado pang-spaghetti---” Napatigil si Em when she noticed Sef standing behind me. Nakatingin lang si Em sakanya.

“Uh,” Napakamot ako sa ulo. “Kapatid ko nga pala, si Em-Em.” I told Sef. “Em-em si---”

“Eleonor??” I was cut off when I heard my mom’s voice. Hindi ko alam kung bakit pero bigla talaga akong kinabahan. My mom was next to emerge out the kitchen. Naka-apron pa nga siya and it only took one look... one glance... and my mom quickly smiled widely at Sef. I knew exactly what she has in mind. Kaya nga ba kinakabahan ako ee... Yung excitement niya mas doble pa sa naging excitement ng mga pinsan ko kanina. “Oh, may kasama ka pala Ellie...”

“Tita, Merry Christmas!!” AJ butted in. “Regalo sa inyo ni Ellie... Manugang!!”

“Manugang?” It was a deadly voice that echoed in the entire living room. Napalunok ako. Pababa sa hagdan ee walang iba kung hindi... Si papa!! Gusto kong sipain papalabas si AJ!! Animales talaga itong baklang ito, kahit kelan!!! GGRrrr...

“Uh, tito...” Ate Karla said. Isa pa ito ee. “Ka-ibigan ho ni Ellie... este... KAIBIGAN ho pala.”

Kung hindi lang disperas ng pasko, kanina ko pa binura sa mundo itong dalawang pinsan kong ito!!

Habang bumababa si papa sa hagdan, hindi na naalis ang masamang tingin niya kay Sef. Parang merong mga imaginary bullet na tumitira papalabas ng mga mata ng Papa ko. I looked worriedly at Sef, who then felt a bit uncomfortable under the sharp scrutiny of my dad.

“Magandang umaga ho.” Sef greeted once my dad was standing before us.

My mom, on the other hand, was still smiling fondly at Sef. Yung ngiting parang nagsasabing, SALAMAT PANGINOON, MAY BOYPREN NA ANG ANAK KO!!

Nakapamewang si Papa sa harap namin. His face was really unreadable. Pakiramdam ko nasa harap ako ng judge sa Supreme Court. Hindi ko alam pero, nananalangin ako ng, Lord, please... sana naman pasado si Sef!! Hindi ko alam kung bakit o papano kong naidasal yun!! KAKALOKA KA ELLIE!! Gaga ka talaga, pinsan mo talaga yang si AJ!! Magsama kayong dalawa!! May pasado-pasado ka pang nalalaman!! AMP!! Hahaha.

And in one split second, biglang ngumiti ang papa ko. “Oh, ano pang tinatayo-tayo mo jan Ellie? Asikasuhin mo bwisita mo.” Napakunot ang noo ko, I wasn’t sure kung tama yung pagkakarinig ko sa sinabi ng papa ko. Bwisita?? But he said it so fast it was hard to understand. But still, he was smiling... PASADO na yang si SEF!! Hahahaha. Lakas ko talaga kay Lord.

“Nakuu, halika dito iho.” My mom was already pulling Sef towards the dining table. “Halika, kumain ka! Paghahain kita!! Em-em, ilabas mo yung leche flan sa ref!”

“T-teka lang ma.” I tried to protest kaso lang papunta na silang lahat sa may kusina.

“Oi ‘insan!” AJ nudged me. “Ano pang tinatayu-tayo mo jan?? Magluluto ka pa ng spaghetti!!”

“Sige, sandali... maliligo muna ko.” I answered weakly.

Sa tanan ng buhay ko, ngayon lang ako kinabahan ng ganito... I took flight up my room. Kelangan bilisan kong maligo!!! Hindi ko pwedeng iwang mag-isa si Sef!!

Oww, sheet this is bad!! Really, really bad!! WWWAAAAAAHHH!! At nararamdaman kong marami pang mangyayari sa araw na ito... this is going to be a very very long day!!!

PATAY KA TALAGA ELEONOR MALICSI DIMACULANGAN!!

----------------------------------------------------------

Miguel Josef Uy Monteverde sat alone in the wooden dining table. Maliit lang ito kumpara sa dalawang dining table nila sa bahay. Well, the entire house was way smaller. Oo, maaaring maliit nga lang... but at least... it was full of life, full of lovely people... hindi kagaya dun sa tinitirahan niyang mansyon. Meron ngang malaking-malaking Christmas Tree but he doesn’t have anyone to celebrate Christmas with. Punong-puno nga ng regalo, but none contain what he really wants.

Wala na siyang nagawa as Ellie’s mom kept placing food on his plate. Mula sa leche flan, pansit, barbecue... dinalan din siya nito ng inumin – coke, tubig. He was in fact too full to eat. Kumain din naman kasi siya sa bahay kanina bago umalis. But the way Ellie’s mom greeted him with such warm welcome, hindi siya makatanggi.

“Naku,” She said smiling. “Parang ngayon lang kita nakita, kaklase ka ba ni Eleonor sa Matute?”

“Ah,” Sef shook his head as he looked nervously on the pile of food before him. Parang pang-limang tao na sa dami ee. Na-isip niya agad kung papanong nagalit si Ellie nun nung hindi niya naubos yung pagkain niya sa date nila sa barko. If Ellie thinks like that, siguradong ganun din ang patakaran dito sa bahay nila. “No, ma’am. Taga- GWAPS po ako.” Hindi niya alam kung papanong uubusin ito.

“Oh, wag kang mahiya. Kaen lang ng kaen!!” Dinagdagan pa ni Mrs. Dimaculangan ng dalawa pang BBQ ang plato ni Sef. “Naku, hintayin mo ang spaghetti ng anak kong si Eleonor. Haha. Yun kasi ang specialty niyang lutuin.” Madaling maging komportable sa mga kamag-anak ni Ellie, especially her mom who has a warm smile. “Yang anak kong yan, hindi ko alam kung saan nakuha ang pagiging maton niya. Biruin mo nung highschool prom nila, balak ba namang magsuot ng rubber shoes? Hahaha. Nakakaloka yang si Eleonor ee. Imbes na mga make-up at mga damit ang interes ayun mas gugustuhin pang sumamama sa papa niya sa talyer, hilig ang nagkakalikot ng mga kotse dun.” Ngayon alam na ni Sef kung kanino nagmana si Ellie. Haha. “Oh, siya. Sandali lang iho. Baka nasusunog na yung piniprito ko.”

Sef nodded. “It's okay. No problem.”

Suddenly, Em-Em went to sit next to Sef. Her face was serious as she continued looking at him. At wala ng paligoy-ligoy biglang tinanong ni Em-Em ang binata, “Nililigawan mo ba ang Ate ko?”

Halos mabulunan si Sef sa kinakaing pansit. Once he got his poise back, he smiled with much amusement at Ellie’s little sister. “Sa tingin mo ba, kapag niligawan ko Ate mo may pag-asa ako?” He tried to keep his voice down.

Em-Em grabbed a stick of BBQ on Sef’s plate and started to bite from it. “Hmm, ano bang pangalan mo?” She waited for his answer. Ineexpect ni Em ang pangalang Miguel.

“Sef. My name’s Sef.” Natutuwang sagot ng binata.

“Sorry.” Ang taray ng pagkakasagot ni Em-Em. “Wala kang pag-asa sa ate ko!! Meron na siyang gusto!!”Nagulat si Sef sa sagot ng bata. And to top it all off, she then leaned towards him and cupped a hand over her mouth to whisper in his ear.“Yung pangalan nagsisimula sa letter M.”

The letter seemed to reverberate inside Sef’s ear. M... M... M... as in M-MAX????

To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌