Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 39-1. Asaran Blues.

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Ganito ba talaga yung feeling kapag meron kang pinapakilala sa pamilya mo?? I’ve never imagined na darating ang araw na ito sa buhay ko… that a Miguel Josef Uy Monteverde will meet my entire family… mula sa lola’t lolo ko hanggang sa mga pamangkin kong nasa sinapupunan pa lang ng mga pinsan ko!!

Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. WWWWAAAAAAHHH!! Ano ba ito?? Diba you’re only supposed to be this way kapag BOYFRIEND mo na yung tao?? GAAAD, bakit kasi hinayaan mong ihatid ka ng antipatikong lalaking yan??

I grabbed the first piece of clothes in my cabinet at sinuot agad ito. Ellie, kahit kelan ka talaga… BILISAN mo na nga lang jan at baka mamaya kung anu-ano ng ginagawa nila kay Sef!!!

Halos lumipad na ko pababa ng hagdan, at naabutan kong nagtatawanan si Em-Em at si Sef. Sa totoo lang, I kind of like what I’m seeing. I love it when someone’s being nice with my family.

Papano kaya nagagawa ni Sef yun ano? Madali talaga niyang nakukuha ang loob ng mga tao… naisip ko tuloy, how could he say such words back in Tagaytay, ‘Papano kung walang nagmamahal sayo?’

Hindi talaga ko makapaniwalang nasabi niya yun… andito naman ako?? WWWEEEH!! Ellie… hahahaha.

“Oh, ano?” I tapped Sef lightly on his shoulder. At halos matawa ko ng napansin kong punung-puno ng pagkain yung plato ni Sef. “Kaya mo bang ubusin yan? Haha.”

“Aah,” Napakamot si Sef sa ulo niya. “Hindi ba magagalit mom mo?” He whispered hesitantly.

“Kuya Sef, bawal ang nagtitira ng pagkain dito.” Em-Em said while munching over her BBQ at naki-kagat na din ako dito.

Parang nalulula si Sef when he stared back on his plate. Gabundok naman na kasi ang nilagay ni Mama sa plato niya. I knew he was somehow scared kasi nga alam niyang hindi niya ito mauubos. Tsk. Oo na , sige na… naawa na ko!! “Akin na nga.” I then told Sef as I took his plate. I transferred the excess sa isa pang plato.

“Em, pa-abot naman nung mga uling jan!!” We heard the voice of Kuya Andrew mula sa labas.

Tumayo si Em, inabot yung plastic ng uling. “Kuya Sef aa?” She then said, smiling. “Yung secret naten. Quiet ka lang.”

I froze at napatingin ako mula kay Em to Sef, who by then was smiling back at my sister. Kinabahan ako. It then occurred to me that Em-Em has an obsession with Sef, I mean with Miguel. I felt the blood creeping up my cheeks. Parang bigla akong nanlata. Sa daldal na taglay ng kapatid ko… anakshutang animals talaga… siguradong nasabi na niya!!! “Anong secret?” I asked angrily pero tumakbo na agad si Em-Em papalabas ng pintuan. But before she could actually step outside meron pa siyang dinagdag, “Kuya Sef, mamaya maraming games… partners tayo aa?” Salamat naman... my question was being ignored.

Sef nodded, “Sige ba!”

Napalunok ako and I couldn’t even look at Sef. Naiimagine ko na yung mga pinagsasasabi ni Em-Em sakanya. I knew my sister too well. Alam kong matutuyo laway niya kapag pinatahimik mo even in just a minute. I could hear what she told him, May gusto ang Ate ko sayo.

WWWAAAAAAAAHHHH!!! Namula ang buong muka ko, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ako makatingin kay Sef even as I returned his plate to him. “K-k-kung ano man sinabi sayo ng kapatid ko,” I said, and I probably sounded nervous. “W-wag kang maniniwala dun.”

I saw the way Sef gave an angry frown as he intentionally avoided my gaze. Parang bigla siyang nawala sa mood at kala mo galit siya sa mundo. “I really don’t care.” He said it so bluntly, without even a smile.

Para kong nasampal sa sinabi niya. Of course, why would he care if Em told him that?? Ano nga naman sakanya KUNG gusto ko siya diba?? KUNG lang naman… buti na lang talaga… IMPOSIBLENG MANGYARI YUN!! Hmpf!! Parang nagsisi tuloy ako, sana pala hindi ko na lang binawasan yung pagkaen niya!! Ggrrr… kainis!!

And all of a sudden, biglang pumasok si AJ pakendeng-kendeng pa. “Nakakaloka na ito!!” He said with matching irap effect pa. “Nakakasira ng beauty yang si Tita Lory!!” He sat next to Sef. “Dios ko, mga pinatutugtog niya sa labas pang kopong-kopong pa na music!! Ni wala ng bar sa Metro Manila ang nagpapatugtog ng ganyan!! Nakakahiya sa mga neighbours naten, baka isipin nila kalahi natin si Magellan!!”

Napangiti na lang kami ni Sef pareho sa kanya. “Hay naku, AJ! E ano naman gusto mong gawin natin?” I told him. Buti na lang pumasok itong pinsan kong ito, makakalimutan ko ang inis ko kay Sef kahit papano.

“Pwedeng... pahiram ng laptop mo?” Mali din pala ako. Hindi din pala mawawala ang inis ko. Mula kay Sef napunta na ito agad sa malandi kong pinsan.“Hah. Manigas ka!”Tinaasan ko talaga siya ng kilay.

Naku, ladies and gentlemen… isang malaking kasalanan ang hawakan ang laptop ko. Oo, WALANG nilalang ang sino mang pwedeng humawak dun. Kung baga sa Lord of the Rings, yun ang precious ko!! Hahaha. Seryoso. I’m not exaggerating, regalo kasi sakin yun ng lola ko. My grandmother from my father’s side. Sa angkan bali ng mga Dimaculangan. Oo, regalo niya sakin yun nung debut ko. Talagang pinagipunan yun ng lola ko. Kaya naman sobrang ingat ko sa laptop kong yun. Sabi ko nga sa inyo, hindi ako ma-cellphone na tao. Hindi rin ako ma-MP3 o Ipod. But when it comes to my laptop?? Dios ko, it means the WHOLE world to me. Ganun ko kamahal yun. Kung lalaki nga lang yun, siguro pinakasalan ko na!! Hahaha. “Hindi talaga pwede AJ!!”

Bumaling ng ngiti si AJ kay Sef, “Mm, iba talaga umibig yang pinsan ko nuh!!” He playfully brushed his fingers on Sef’s arm. “Wag ka, laptop pa lang yan. Pano pa kaya kung IKAW na?” Sabay tawa ng pinsan ko. Sef smirked, obviously nagustuhan niya yung banat ni AJ!! Ako?? WAAAAAAH!! Pati ata leeg ko namumula na! Magkaron ka nga naman ng pinsan na adik oh!! Ihawin ko kaya ng buhay tong si AJ?? Tamang-tama wala pa yung lechon na inorder nila Tito… Kaso lang kahit ata budburan ko pa ng pinaka masarap na sawsawan hindi pa rin siya masarap kainin!! GAAAAAH!!

“Pakyu ka talaga.” I muttered, glaring at him. “Hiramin mo na lahat sakin, wag lang yun.”

“Ows?” AJ made a funny GAY expression. Pero para saken para siyang tinutubuan ng mahahabang SUNGAY!!! “Kahit SIYA??” Tinuro niya si Sef na kala mo isang bagay lang si Sef na hinihiram at binabalik. “Papahiram mo saken??”

“Alam mo ikaw?” I hissed angrily at my cousin. “Isa kang dakilang PAKYUUUU!!!”

Agad na tumayo si AJ, ready ng umalis. Tama, alam na kasi niya kung anong naghihintay sakanya!! “Affected much?” Ngisi ni AJ. “Kung ayaw mo ipahiram si Sef, ee di wag.” He was smiling teasingly at me. “Sasabihin mo lang na, ‘AKIN SIYA!’ Sabay takbo ni AJ papalabas ng bahay, pero sumisigaw pa din siya ng, “AKIN SIYA!! AKIN!! AKIN”

Sef was laughing so hard now. “Mag-pinsan nga kayo.”

I just glared at him. My face all flustered. ARGH!! Gusto kong sumigaw at sabihin kay Sef, UMUWI KA NA NGA!! Kaso lang… hindi ko naman masabi. Haha. “Kumain ka lang jan, pwede?”

Kaso lang, hindi pa din nakuntento ang baklang yun. Dinungaw ulit ni AJ ang ulo niya sa pinto sabay sigaw pa ulit ng, “AKIN!! AKIN!!”

GAAAAAH!! “AJ!!” Sigaw ko as I started running outside the house. Handa na kong paikutan siya ng lubid at isalang sa apoy!! Lelechunin ko na ang pinsan ko!!! GADDAMMIT!!

----------------------------------------------------------

Ng lumabas si Ellie at iniwan si Sef na mag-isang kumakain dun, bigla namang lumabas ang mommy niya mula sa kusina. Narinig siguro ang sigawan nila ni AJ. "Mga batang ito talaga." Nasabi niya habang hinahainan ng panibagong putahe si Sef. Isang bowl ng bagong lutong kare-kare. Sarap! Haha. "Kumain ka lang ng kumain iho. Bawal ang gutom sa bahay ko. Hahaha."

"Uh," Sef said, kinakabahan baka kasi dagdagan nanaman ng pagkaen yung plato niya. "S-sige po, salamat."

"Sabihin mo nga saken iho ano bang paborito mong pagkaen?" Her voice has a touch of motherly tone in it. Napangiti si Sef. So, this is how it feels like when you have a mom to cook for you.

Miguel Josef Uy Monteverde then imagined himself, a boy of nine being, sitting in their dining table, at nakatayo sa tabi niya was his faceless mother, serving him his favorite food. Hindi na niya maalala ang muka nito. It was a blur. But the feeling? Wow. It was warm and nice... His mom.

"Ginatang adobo po."

Natuwa si Mrs. Dimaculangan. "Ahy naku, hayaan mo sa susunod na bumalik ka dito, ipagluluto kita!!"

Sef would love that.

"Hindi ka ba hinahanap ng mga magulang mo?? Haha. Kung ano, hanggang hapunan ka na dito aa? Ipagbabalot kita mamaya nung spaghetti ni Ellie."

Naisip ni Sef, kahit nga hanggang bukas pa siya dito okay lang ee. "Ah, okay lang po. Wala naman pong naghahanap sakin sa bahay."

Napataas ang kilay ng mom ni Ellie. "Wala? Bakit? Asan parents mo?"

Ito na, the topic Sef has always been avoiding to talk about. Never niya actually sinagot ng diretsa ang tanong na niyan. Most of the time, he'd just shrug and try to divert the conversation. Or he'd just simply answer 'They're just not around.' Yun lang. Pero ngayon? It seemed different. There was something about Ellie's mom na parang hindi kayang magsinungaling ni Sef.

"I-" Sef struggled to form the right words. Nahalata din ni Mrs. Dimaculangan ang biglang pagtamlay ng binata. "I don't... T-they're long gone."

"W-wa..."Dahan-dahang nag-sink in kay Mrs. Dimaculangan ang sinabi na yun ni Sef. Kahit siya nawala ang ngiti niya and she could feel the sudden sorrow that embraced the young man before her. Gusto sana niyang magtanong pa about the details... but for a sensitive person like her... she knew it would be better not to ask. She smiled endearingly at Sef. "Ahy alam mo iho? Bakit hindi ka na lang dito matulog samin?"

Nagulat si Sef. Parang bigla siyang nabingi. "Ho?"

"Ahy, dito ka na lang matulog!! Sabay-sabay tayo mag-sisimba bukas!! Paskong-pasko oh, masaya dito... mag-eenjoy ka!! May mga palaro jan mamaya, sumama ka kela Eleonor!!"

Napakamot sa ulo si Sef. Gusto niyang mag-stay. Maybe just for once, yeah even for one Christmas... He wouldn't feel alone this time... and so, without any second thoughts, Sef nodded. "S-Sige po."

To be continued.