Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 40-2. Big BAG Theory!

Never question if you are in love or not,
because if you were you wouldn't need to ask.


Saturday
7:30 AM

Eleonor Malicsi Dimaculangan


“Wow, Ate Ellie!!” Nabulalas ni Em-Em, who was standing by my door way. I was already sitting on my bed, mejo kakagising ko lang din kasi. No, no, no... scratch that... Actually, kanina pa ko gising... it’s just that I’m not moving from my bed. Haaaiiii, sabado nanaman kasi. Yeah, sa wakas ito na... how many times did I pray for this day to come?? Ito na... as in ito na talaga ang huling sabado... ang... ang huling date ko kay Sef!! “May sakit ka ba?? Naunahan mo pang gumising ang alarm clock mo!!” I smiled at my sister, by alarm clock syempre she was referring to herself. Haha. Siya naman tlaga kasi ang taga gising ko, ever since. Haiii, gusto ko sanang sabihin sa kapatid ko na syempre last day ko na to with Sef, ayoko naman ma-late.

“Aalis ka?” Punong-puno ng curiosity ang kapatid ko. Chismosa talaga. Amp. Haha. I simply nodded, stretching my hands. “Sino kasama mo?”

I gave a yawn. “Si Sef...” I tried to sound normal. As if parang wala lang... like it wasn’t much of a big deal.

Em-Em looked quite shock, then as expected she threw me a teasing smile. “Kaya pala, excited ka!!”

Normally, I would have jumped over my sister at makikipag-argue sakanya. But I only laughed at her. Bakit naman hindi ako maeexcite diba?? Em-Em has no idea that I’ve been dying for this day to come. Ito na. Finally, dumating din ang ikatlong Sabado!!! Buwahahahaha. Sabi naman sayo Ellie diba? Konting tiis lang?? I want to end this day and fast... Sa mga susunod na araw... I will definitely be SEF FREE!! Buwahahahaha... matatapos na din ang lahat ng ito... no reason to talk to him, no more reason for him to talk to me... as in wala na...

Kaso lang... pagkatapos na pagkatapos ng araw na ito... alam kong merong konting side effects... pano ba naman kasi diba? Right after our Christmas with Sef... Sa one week na natitira bago ulit mag-resume ang klase, I think mga three times siyang bumalik dito sa bahay. Yeah, he brought food with him. Palabok, manok... he didn’t attempt to bring any sweets, alam kasi niyang against si Mama sa matatamis. I have no idea what’s he’s trying to accomplish. Kung parte pa din ba yun ng jokes niya... or if it was just a part of his schemes of making fun of me.

Pero sana naman... hindi na niya dinamay pati pamilya ko. I let out a deep sigh. Talo pa nga ako ni mama’t Em-Em ee... mas alam pa nga nila kung kelan at anong oras darating si Sef. One time pinagluto pa siya ni mama ng ginataang adobo. My dad, who seemed absolutely against him, ee dahan-dahan na din niyang napa-amo. One night, pagalis ni Sef, I found myself sitting by the garage. Napapaisip kasi ako, masama na kasi yung epekto ni Sef sakin ee... biruin niyo ba naman, matutulog na lang ako siya pa din nasa isip ko... tapos gigising ako sa umaga, siya pa din unang pumapasok sa isip ko. Sabihin niyo nga saken, NORMAL pa ba yun?? Samantalang dati, simple lang naman ang buhay ko ee... simpleng routine araw-araw... dati I slept thinking what food to eat for breakfast the next day, kung anong pagkaen kakainin ko sa lunch, merienda at dinner... o kea kung pano ko madudugasan si Mrs. Navarro sa mga damit na ibebenta ko sakanya galing korea o kea kung anong susunod na movie ang ida-download ko... Pero lately... parang... nag-iba lahat toh ee... That night, my dad saw me lost in my own thoughts, kaaalis lang ni Sef nun. My dad sat next to me, nagpupunas pa nga siya ng grasa sa kamay. “Okay na siya saken.” He said. I looked at him questioningly. “Si Sef. Ok na.”

“Pa naman. Ano bang mga sinasabi niyo?”

“Sagutin mo na.”

Natawa ko. “Pa, nu ka ba? Hindi yun nanliligaw sakin.”

My dad stared at me and looked me straight in the eyes. “Pumunta siya dito, sabi niya may sira yung kotse niya.”Dumating si Sef ng umagang yun, claiming na may sira yung Fortuner niya. Pina-check niya ke Papa. Maghapon kinalikot ni Papa yung sasakyan. Akala ko nga matindi talaga yung sira.

I nodded. “Yeah, meron diba? Sabi mo kanina yung karborador.”

My dad shrugged. “Hm.” I continued to look at him questioningly as he gave me a meaningful smile. “Bakit sa tingin mo, darating ang isang binata sa bahay ng isang dalaga dala-dala ang isang brand new na kotse tapos sasabihin niya may sira yung kotse pero ang totoo wala naman?” I was already frowning, trying to analyse what my dad was saying.

“Err, binagyayabang lang niya yung bago niyang kotse?”

My dad gave a small laugh. “Siguro, o kaya naman, gumawa lang ng paraan ang binata para makasama yung dalaga.”With that, tumayo na si papa at pumasok na sa loob ng bahay.

Namula ang muka ko!! Gusto kong sabihin sa dad ko, WEH DI NGA?? ANG HABA NAMAN NG BUHOK KO!!! Hahaha. Oo na, kinilig ako!! AHHH. SHEET!! Hindi na normal toh!! And I am HATING it!!

I scrambled up my bed and lazily grabbed the towel... oh well, ito na Eleonor... ito na ang kahuli-hulihang araw!!!

AJA!! AJA!!
Sef was seated on the futon, seryoso ang muka ng binata. Wala pa nga siyang suot-suot na shirt ee, naka pang tulog lang na pajamas ito at gulo-gulo pa ang buhok while sipping on his coffee na kaka-serve lang ni Yaya Kusing. He let out a deep sigh. Sef rested his head against the futon. Nope, hindi parehas ang iniisip ni Sef at Ellie... actually, there was only one thing Sef has in mind, and he was telling himself the simple words, “I wasn’t expecting this. Dammit!!” Of course, he was referring to a certain Eleonor Malicsi Dimaculangan, na siyang agad na pumasok sa isip niya.

Oo, tamang-tama yung iniisip ni Sef... because the person who suddenly barged in his room was the last person he was expecting, only it wasn't Ellie.

Nag-iba ang ihip ng hangin, bigla itong napalitan ng napaka bangong amoy. It was strong yet sweet. And Sef knew that smell too well kaya napa tayo agad ang binata sa inuupuan niya, his eyes widening in shock unable to come up with any decent greeting.

Because there by his door way, stood a beautiful woman...
Eleonor Malicsi Dimaculangan

Hindi ako prepared. Hindi rin naman ako masyadong nag-exert ng effort. Oo, hindi talaga pramis!! Haha. Actually, sakto pa nga dating ni AJ ee, hindi ko naman siya tinext o sinabihan... basta dumating lang siya at nagprisinta na ayusan ako. Pinaliguan niya ng wax ang buhok ko, giving it a messy look. Na sobrang nagustuhan ko. Hahaha. “Ayan, since hindi ka naman marunong magsuklay!” Sabi ni AJ. Natawa si Em-Em. “Tama!! Hahaha.” AJ put makeup on me as well. “Sinisigurado ko sayo, pagkatapos ng araw na toh? Pagmamay-ari mo na si SEF!!” Inahitan ako ng kilay ni AJ, nilagyan ng light na make-up at sa lahat ng ginawa niya dun ako sa mata pinaka natutuwa. Meron na kong favourite sa make-up kit ni AJ. Oo, eyeliner!! Hahaha. Para kong modelo na rampa ng rampa, papalit-palit ng damit hanggang sa... AJ and Em-Em finally agreed to something I wasn’t comfortable with.

It was a light-fleshed color dress... tapos yung tipong BACKLESS!!! Tipong pag nagkamali ka ng galaw baka makita na yung kuyukot ko. “Ayoko toh!!”

AJ frowned. “Ano ka ba naman? Papano mo siya maaakit kung hindi ka magpapakita ng konting laman?”

“Konti? Animales, ee kung mag-bra at panty na lang kaya ako?”

“Dios ko, gusto mong magtatakbo sa takot si Sef?? Wag kang mag ambisyon, kahit hubo’t hubad ka pa, hindi ka pagnanasaan nun.”

In the end, yun na nga ang sinuot ko... sa ingay ni AJ at Em-Em, nalaman na din nila Papa’t Mama at ni Eddy kung san ako pupunta. “Ang ganda-ganda naman ng anak ko.” Nasabi ni Mama. “Teka lang, pi-picturan kita!! Kunin mo nga yung camera, dali, dali!!” Sabi ni Mama kay Papa.

“Ma, wag na sabi ee.” Pero pumosing naman ako sa may hagdan. Hahaha. “Tama na.” Si mama din ang sumuko dahil ayoko paawat. Oo na mga kaibigan, may taglay akong VANITY. Mahina talaga resistance ko sa camera. Hahaha.

“Teka, teka.” Papalabas na sana ako ng pinigilan ako ni Papa. “Hindi ka ba lalamigin jan sa suot mo anak? Para namang...”

“Uncle, yan ang fashion ngayon!!” Sagot naman agad ni AJ, nakutuban niyang balak na kong pagpalitin ni Papa. “Fashion yan, fashion! As in with a capital EF!!”

Natawa na lang ako. Sira talaga itong pinsan kong toh!! Hahaha.
Ilang beses na bang tumingin sa relos si Sef? Ilang beses na ba siyang nagisip ng dahilan to excuse himself?

Sef is not the most religious person... but that moment, he was praying that Ellie would be LATER than usual... Sus, yun pa... lagi namang late yun ee...

But there was a nagging feeling in his chest... he wanted to go... to go as much as far away from her... from this woman standing next to him...

But then of course...

He couldn't.
Starbucks
11:55 AM

Eleonor Malicsi Dimaculangan


I was drumming my fingers in the table. Halos mapudpod na mga daliri ko, I was already nail biting. Napilitan na nga akong umorder ng kape ee.

White Coffee. Decaf. Grande.

Wow. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag sobrang excited kang makita SIYA?? Parang... ang bagal ng oras... parang pakiramdam ko, halos isang buong taon na kong naka-upo dito. Naka-ilang lipat na nga ako ng upuan ee. Mula sa tapat ng counter, sa may gilid ng CR, hanggang sa may tabi na ko ng salamin, katapat yung mga kotse na naka-park sa labas.

Dumating ako dito kanina pang 9’o clock ng umaga. Hahaha. Sa tanan ng buhay ko... ngayon lang ako naging MAAGA!! Sa tanan ng buhay ko... ngayon lang ako nakapag antay ng halos tatlo, apat-- limang oras...

Halos namamanhid na nga yung pwet ko kaka-upo ee. Gusto ko ng umalis, hindi na ko makapag hintay na maka-uwi at magpalit ng damit. Pero... biglang sasabihiin ng isip ko... Ano ka ba naman Ellie?? Para one hour pa lang late yung tao. Masyado ka lang kasing excited. Hanggang sa yung one hour naging two, three, four...

Bawat bukas ng pintuan sabay din ang pag-talon ng puso ko, baka kasi siya na yun. Pati cellphone ko nga, hindi ko pinatawad. Iniisip ko na sa pamamagitan ng TITIG mag-riring ito at pangalan ni Sef ang lilitaw. Pero ASA naman ako diba?? Hahaha.

Nagsisisi ako, kung bakit umalis ako sa bahay ng hindi kumakain ng almusal... kumakalam na ang sikmura ko, tinatawag na ang lahat ng baboy at manok sa lupa.

Hindi pala biro ang maghintay. Papano kaya ako napag tiya-tiyagaan hintayin nila Borge, nila Japo, nila Max?? Haha. Ganun pala talaga nila ko kamahal. So, ibig sabihin Ellie... since hinihintay mo si Sef... ganun mo din siya...

PAKER!! Andito ako kasi meron akong isang salita. Siya naman itong nag-simula nito. Natalo ako sa pustahan namin... at gusto ko lang tapusin ang lahat ng kalokohang ito.

Sus. Alam mo Ellie, sana kahit minsan... magpakatotoo ka... Ang sabihin mo... TANGA KA!! Kaya nga todo bihis ka pa ngayon? Kaya todo effort ka? Kaya excited kang makita siya??

Kasi... kasi UMASA ka...

Nakaka-awa ka Eleonor Malicsi Dimaculangan!! Nakaka-awa ka!! Ano ka ngayon? Para kang tangang naghihintay sa WALA!!

Naiimagine ko itsura nila Mama't Papa... nila AJ, Em-Em at Eddy... they were just as excited as I was when I left... tapos babalik ako para ikwento na nakipag-date ako sa sarili ko sa Starbucks??

Gusto kong matawa sa sarili ko. Gusto kong humalakhak ng malakas. Pero hanggang ngiti lang yung kaya ko habang unti-unti ng nagtutubig ang mga mata ko.

Sabi mo hindi ka makatawa? Pwes, yung guard, yung mga barista sa counter, yung maglalako ng yosi sa labas, yung mga customer, yung businessman na naka wifi... sila... sila na lang ang tatawa para sayo.

Pakiramdam ko sa mga oras na yun, pinagtatawanan ako ng lahat ng tao.

Tama.

Tama si Sef.

Clown nga lang talaga ako.

To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌