Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 40-1. Big BAG Theory!

“Ano? Ano ng ginagawa?” Ellie’s dad asked in a low voice as he was poking his head in the small gap of the door. Sinisiksik din nito ang ulo niya kasama sila Eddy, Em at kanyang asawa. Para silang apat na bola na naka-float sa opening nung pinto ng kwarto. “Tulog na ba?” They were trying to steal a glance of Sef na siyang naka-higa sa sofa sa salas. Gising na gising pa.

“T-teka nga.” Em then whined, trying to free herself from the battle of the heads na nagaganap. “Bakit mo ba kasi dun pinatulog si Kuya Sef, pa?”

“Oo nga,” Sagot naman ni Eddy. “Kawawa naman yung tao.”

Their mom only raised a brow at her husband, obviously sharing the same sentiments kagaya sa mga anak niya.

Mr. Dimaculangan suddenly felt uneasy with the three pair of eyes staring at him. “Aba,” He said. “Dapat malaman ng lalaking yan na hindi niya basta-basta makukuha ang kapatid niyo.” He walked across the room. “Nung panahon namin, hindi basta-basta ang panliligaw. Dumadaan muna sa butas ng karayom.”

Nagkatinginan si Em at Eddy, looking quite convinced. At nabulong na lang ni Em, “Hay, Good luck na lang kay Kuya Sef.”
One of the best feelings in the world
Is when you’re hugging a person you love
And they hug you back even tighter.


December 25
1:30AM
Dimaculangan Residence


Hindi makatulog si Ellie. Patuloy lang siya sa pag-ikot sa kama niya, and as much as she tried to close her eyes, hindi pa din siya madapu-dapuan ng antok. Pano nga ba siya aantukin, mas okay na yung gising siya kesa matulog, mas okay yung ngayon kesa managinip. Sino bang dapat sisihin? Ee di yung lalaking nakahiga sa sofa nila ngayon sa salas!!

Tinakpan na ni Ellie ng unan ang ulo niya, wishing with all her might that she could just doze off to sleep. She stared at the wall clock hanging against her wall, 3:30 na ng madaling araw, at gising na gising pa din siya. Daig pa niya ang adik sa ginagawa niyang ito!! GAAAAAAD!!

She shifted her weight on the other side, ikot dito- ikot dun. Pero wala ni isang umipekto. Her mind was swirling with endless questions... Tulog na kaya si Sef? Okay lang kaya siya dun? Bakit kasi pinili pa niyang matulog dun ee kung pwede naman siyang umuwi?? Napa-upo na ang dalaga sa kama nito, looking irritably annoyed with herself. Bakit ba siya nakikialam? Why does she care so much??

Sheet ka Ellie, nabulong nito sa sarili. Tama na pwede? Hala, sige Eleonor, kausapin mo pa ang sarili mo!! But the questions & the thoughts never stopped... Kumportable kaya siya dun? Hindi naman yun sanay matulog sa sofa!! Baka sumakit lang likod nun.

“GAAAAH!!” She gritted her teeth in annoyance. Kulang na lang palu-paluin niya ang sarili ng unan.

Ellie then let out a deep breath as if trying to calm herself. “Titignan ko lang kung tulog na siya... yun lang.” Sabi ng dalaga na kala mo meron ngang kausap sa kwarto niya.

She stood up, her heart filled with uncertainty. She reached for the door knob ever so slowly but then she backed away, hesitating. Argh, wag na nga Ellie! Wag na! She chanted in her mind. Babalik na sana siya sa kama niya but it was as if nakikipag laro siya ng patintero sa sarili as she quickly grabbed the knob and turned it open.

And she knew, the moment she stepped out her door... the moment she opened it... alam na ni Ellie... something has changed...

Kaso lang... bigla napatigil ang dalaga... pagbukas niya ng pintuan napatitig siya sa lapag, and there, before her were a pair of feet, tapos legs... dahan-dahan niya itong tinignan pataas until she was finally looking at the handsome face of Miguel Josef Uy Monteverde, who was standing right outside her room looking all surprised just as she was.

“U-uh,” Sef stuttered, parang biglang kinabahan ang binata. “Gising ka pa pala, hehe.” Wow, he must have sounded so stupid.

Ellie was looking down, mas pinili ng dalagang titigan na lang si Sef sa paa so as to not show her face, which was blushing wildly now. Obviously, she wasn’t expecting to see him there. “Oo nga ee.” She said with matching kamot pa sa ulo. “Ano? Di ka makatulog nuh?”

“Yeah, sabihin na lang naten, may hang-over pa ko sa party.” He smiled back at her.

“Excuses.” Ellie frowned. “Sabihin mo, hindi ka makatulog sa sofa.”

He shrugged then his eyes scanned Ellie’s room. “Yellow?” He smirked, referring to the color of the room and he walked pass Ellie, uninvited.

“Ohy!” Nagulat na sinabi ni Ellie. Hindi naman ito ang unang beses na may pumasok na lalaki sa kwarto niya, sila Japo, Max, Ken lagi pa ngang humihiga sa kama niya kapag bumibisita dito. But, Sef? Well, that would be another story... baka mamaya halayin na niya ang binata!! Haha.

“Ikaw toh? Haha.” Sef laughed, holding a picture frame. Yung picture na tipong eight years old pa lang si Ellie. Naka-pamewang ito na kala mo super model siya. “You’re not even cute kahit nung bata ka pa.”

She pouted like a small girl na binu-bully. “Akin na nga yan!!” She whined, trying to grab the picture from Sef. “Lagot ka sakin pag nakita ko baby pic mo.”

“Bakit? Sasambahin mo?”

Ellie was glaring at him already. Ang kapal talaga!! Batukan ko ito ee!! “Hindi, ipapakulam ko.”

Sef gave her his usual teasing smile. “Really? Or ipapagayuma would be more like it?” He then turned around, placing back the picture sa study table ni Ellie. He then grinned widely ng na-recognize niya yung gitara na niregalo niya sa dalaga. It was carefully hanged against the wall, halatang hindi pa ito nagagamit. Siguro katulad nung laptop, wala ring nakakagalaw dito.
Airplane
Sa Himpapawid ng Los Angeles


She was strikingly attractive. She has long eye lashes, dark brown hair, smooth flawless skin and red kissable lips that are quite irresistible. There was a touch of sophistication and intelligence about her. She seemed like someone na kayang dalin ang sarili kahit saan. She was a complete package of every man’s dream.

She was seated near the window pane, staring at the name Sef on her black berry phone.

There was no point in denying it, she was pleased to hear his voice once again, kaso lang... it seemed to her as if binabaan siya nito ng phone. Sef never did that before. Hindi pa sana siya tapos magsalita... she has many things to tell him. One of which was that...

She missed him.
Back at the Dimaculangan Residence

They sat comfortably on the sofa sa salas. Kelangan pa ngang itulak ni Ellie si Sef papalabas ng kwarto niya. Ayaw pa sanang umalis ni Sef, but she threatened him about screaming and waking her parents up. Kaya wala na siyang nagawa kung hindi lumabas.

Sinamahan naman siya ng dalaga sa sofa, she even made him a cup of hot chocolate. “Hindi ka na nga makatulog, magkakape ka pa.” She told him while they were in the kitchen. Pinapanuod lang niya si Ellie habang tinitimplahan siya nito nung chocolate. “Oh, ayan. Baka isipin mo masyado ka naming inaapi dito.”

Non-stop ang kwentuhan nilang dalawa. Nawalan ng saysay ang oras. She knew exactly how to keep a conversation interesting. Minsan ng sumagi sa isip ni Sef that talking was actually FUN when you’re talking with someone like Ellie. Walang dull na conversation. Pero parang one way nga lang ang nagaganap ee, since ang dalaga lang talaga itong kwento ng kwento. Sef wasn’t the type who talks at ikwento ang buhay niya. He would rather listen, laugh and ask questions every now and then.

Maya-maya pa ee nag-offer si Ellie na manuod na lang sila ng movie sa laptop niya, pampaantok daw. She brought it out in the living room, and they have to sit close to each other magkahati pa sila sa earphones.

Sef wasn’t even paying attention to the movie, he didn’t even bother about the lovely leading actress or the funny jokes or the plot itself... all he was aware of was the girl sitting next to him, smiling and laughing and obviously enjoying watching. Mas gusto niyang panuorin ang dalaga.

Ellie, on the other hand, was not even aware she was being observed at. Kapag si Johnny Depp na talaga ang pinapanuod niya, nakakalimutan na niya ang lahat. They were watching PUBLIC ENEMY. Isa sa mga favourite niyang movies. Kahit ilang beses pa niya ito ulit-ulitin okay lang sakanya. Memorize na nga niya yung ibang lines ni Johnny Depp ee. But half-way through the movie, hindi na niya namalayan, magisa na lang pala siyang nanunuod.

Sef was already soundly sleeping next to her.
Eleonor Malicsi Dimaculangan

Tignan mo tong lalaking toh!! Tamang tulugan ako?? Well, yun naman kasi talaga saysay nung movie diba?? Pampatulog. He has his head rested against the sofa. I slowly took the other end of the earphone off his ear. Haiii naku, hindi man lang niya tinapos ang palabas ni Johnny Depp!! Hindi pa nga pinapakita yung pinaka magandang part ee.

I let out a sigh. Oh well, there was no point para tapusin pa ito. Tulog naman na siya ee. I might as well go to sleep. I turned off my laptop, turned off the lights but decided to keep the lampshade on... inayos ko yung mga baso ng chocolate na pinag-inuman namin, yung plastic ng chips, yung plato ng spaghetti na pinagkainan namin, then I took the blanket na binigay sakanya ni Mama and carefully wrapped it on him... then... then I found myself staring at his sleeping form.

Hindi ito yung unang beses na nakita ko siyang tulog. Haiii naku Eleonor, pwede ba?? Dis oras na ng gabi oh, pwede matulog ka na rin?? Kaya lalong nananaba yang mga alaga mong eyebags ee!! But instead of going back in my room, I scanned the living room as if to make sure na walang tao. Hahaha. Konti na lang, pramis... I’ll just... stare at him for another minute tapos nun... matutulog na ko.

Kelangan titigan siya?? Hindi ba parang napaka creepy ko na nito?? Ee, bakit ba?? Wala namang nakakaalam ee... hahaha. I sat there beside him, yeah... staring... studying him, putting every detail of him into mind... before I knew it, I was memorizing his face, every feature, his eyebrows, his lips, his perfectly carved nose, his chin, his ears...

Sa tanan ng buhay ko... hindi ko inakalang may taglay akong ka-weirduhan. Ka-weirduhan o ka-maniyakan? I was just there kontentong pinapanood siya. Lechugas ka Ellie!! Matulog ka na!! PAKYU KA TALAGA, mamaya magising pa yan, prublema nanaman yan!! Non-stop nanaman sigurado yan sa pang-aasar.

Alam mo ikaw babae ka, ikaw din naman ang laging nagbibigay sakanya ng dahilan para asarin ka ee. Tignan mo nga yang ginagawa mo?? Normal ba yan?? Isipin pa niya, IN LOVE NA IN LOVE KA NA TALGA SA KANYA!!! Punyemas!! Gumalawa ka na nga kasi...

TUMIGIL KA NA JAN!! ISTOP!!!

But I then found myself smiling, para kong tangang kinakausap ang sarili ko... kanina ko pang sinasabing matulog na ko, pero hindi naman ako gumagalaw sa kinauupuan ko.

Napaisip tuloy ako... si Lianne... Yeah... He was talking to her awhile ago. I’ve seen Sef became angry, nakita ko na siyang tumawa, mang-asar, matulog, mainis... pero kanina when he was talking to Lianne on the phone... ibang Sef yung nakita ko ee... I saw a guy who is... hurting... in pain... nonetheless, he’s still probably in love with her.

Lianne, wow... I have to say, she is one lucky girl.

Ano kayang nangyari?? Sa mga kwento ni Yaya Kusing, it was her who dumped Sef. Tama nga sabi nila, wala ngang taong BOBO pero may mga taong TANGA!! Oo, ang tanga-tanga ni Lianne... kung ako lang ang nasa lugar... T-teka ELLIE!!

Bigla akong kinilabutan... napalunok ako... WHAT THE MADAPAKING HELL WAS I JUST SAYING??? POOTEK!! POOTEK TALAGA!! ANASHUTANG ANIMALES NAMAN TALAGA OH, ALAM MO ELEONOR PUYAT LANG YAN EE!! Kelangan mo ng itulog yan!!

I quickly scrambled up on my feet... and was about to go, really... pero TEKA NGA... mga ganitong sitwasyon?? Mga ganitong CHANCE?? Hindi dapat toh pinapalagpas Ellie!! Tulog si Sef. Walang ibang gising kung hindi ikaw!! Hindi araw-araw na merong isang Sef na matutulog sa salas niyo nuh, gaga ka!! Hindi ka na magkakaroon ng ganitong pagkakataon Ellie!! Naku, kung nasa pwesto mo lang si AJ ngayon... sinisigurado ko sayong nakagapos na si Sef!! Hahaha. GAPANGIN MO NA!! PUNYETA!! GO FOR THE GOLD!! BUWAHAHAHAHA. ISULONG MO ANG BANDERA NG MGA BAKLA... ESTE NG MGA KABABAIHAN!! Oo nga naman, hmmm... wala namang makakaalam kung... ikikiss ko si Sef diba??

ISA LANG. Oo. Isa lang, pampatulog ko na din!! Hahahaha. Ginawang sleeping pills ang kiss? Chaka, ano baaah, si Sef yan!! He’s just too irresistible!!

Hindi na ko nag-isip... hindi na ko nakinig sa bulong ng isip ko na HUWAG!! HUWAG MONG GAWIN!!

I simply leaned forwards and planted a good night sleep on Sef’s cheek. Yun lang. Simple lang. Hahahahaha. WAGI KA ELLIE!! WAGING WAGI!! Hahahaha. Makakatulog na ko ng mahimbing nito.

I turned my back to leave... okay na ee... kala ko nakalusot na ko ee... kaso lang... kaso lang... bigla akong nanlata when I heard Sef smirked. Oh, that oh-so-handsome smirk!! “Ehy, Ellie.” I froze. Nakalimutan ko biglang huminga. “Good night.”

PUNYEMAS!! PARANG NAGTAASAN ANG LAHAT NG BALAHIBO SA KATAWAN KO!! ULTIMO SA KILI-KILI... ALL THIS TIME, GISING PALA ANG GAGUNG TOH??

WWWWWAAAAAAAAAAHHHHH!!!


To be continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌