Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 06. Batman & Batwoman

Tinotoo naman ni Miguel Josef Uy Monteverde ang binitawan niyang mga salita. Totoo ngang hinintay niya ako sa labas ng Girl's Shower room. Nadatnan ko na lang siya na naka sandal sa pader at nakatingin sa kawalan. Sa totoo lang rin, hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya and for some unexplainable reason... I felt a sudden thud in my heart.

Ellie, sus ano ka ba??? HOY!!! Nakakita ka lang ng ipis kung anu-ano na yang mga nararamdaman at naiisip mo...

Nang nakita niya ako, agad siyang tumayo ng tuwid at binati ako ng napaka charming niyang ngiti. Napansin ko lang, lagi talaga siyang naka-smile ano? Kahit nagaaway na kami naka-smile pa din siya. Kahit alam niyang galit na galit na ang kausap niya sa kanya, smile pa din siya. Smile siya ng smile. Everytime he does it, my heart would do some crazy stunts. At hindi ako natutuwa sa ganun... lalo ko tuloy siyang kinaiinisan!!! I hate it!!!Ayokong-ayoko pa naman ng ganung klaseng pakiramdam... a feeling I couldn't explain... that feeling of being... so d**n weak. Tandaan niyo dahil minsan ko lang ito sasabihin: Ako, si Eleonor Malicsi Dimaculangan, wala sa bokabularyo ko ang pagiging MAHINA.

Sef: Oh, Ms. Dimaculangan... tapos ka na pala. (smiles)

Oh, ayan nanaman siya... binaling ko na agad ang tingin ko sa pintuan palabas ng building... hindi ko siya tinitignan at hindi ako tumigil sa paglalakad ko. Dire-diretso ako palabas with a frowning face pa!

Sef: Oh... sandali lang... haha... ayos lang yung nangyari kanina wag mo ng isipin yun!! haha...

Dedma.

Sef: Tsss... matapos mo kong chansingan di mo ko papansinin? Nakuha mo ng lahat sa akin tapos...

Nakakairita talaga ang lalaking ito!!! Bakit ba ayaw niya kong layuan??? Bakit ba ang KULIT-KULIT niya!!!!

Sef: Oi. Dimaculangan!!!

Ako: Alam mo, KUTO ka ba?

Sef: Bakit? Kasi hindi ako maalis sa ulo mo?? (smiles)

Ako: GGrrr... HINDE!!! Dahil nakaka-PESTE ka!!!

Sef: haha. Well, itong peste na toh ee gusto kang ihatid sa bahay niyo... (smiles ulit) Tara, hatid na kita!!

Nagulat ako. Speaking of... oo nga pala... gabi na... mahihirapan na kong sumakay nito... tapos para pa kong nag-passion dahil sooobrang sakit ng buong katawan ko.

Ngunit, subalit, datapwat... HINDI ako papayag na sumabay sa kanya kahit na alam kong may kotse siya... at kahit alam kong libre pa yun... at kahit alam kong...

Ako: Talaga???

Sef: (napakamot sa ulo) Kaso... nagbago na isip ko ee... peste nga pala ako diba???

Ako: Aba't talagang... KAPAG HINDI KA UMALIS SA HARAP KO NGAYON IKAW GAGAWIN KONG BOLA NG SOCCER!!!!

Sef: Biro lang... alam mo ikaw... (linapit bigla ang muka sa akin and pressed his hands on my eyebrows) Tatakutin mo papalayo lahat ng ipis kung lagi kang nakasimangot!!!

Sheet... ayan nanaman... here goes my heart again....

Thud. Thud.

Pinalo ko yung kamay niya para alisin sa muka ko and slightly pushed him away. Ayoko ng kausapin ang mga kagaya niya!!! Nakakainis at nakaka highblood lang!!! Naglakad na ko papalabas ng campus... at siya hinahabol lang ako...

Sef: Teka lang oi!!! Sabay ka na nga saken ee...

Dirediretso lang ulit ako... parang wala talaga akong naririnig... bahala siya jan!!! Sino ba siya?? Ee hindi ko pa naman siya lubos na kilala para sabayan ko... aba malay ko ba't saan niya ko dalin... minsan na niya kong ninakawan ng halik... kaya bakit ko siya dapat pagkatiwalaan???

Sef: Grabe ka... ikaw na nga tong isasabay ee...

Ako: Wala naman akong sinabing isabay mo ko aa???

Sef: Okay. Sige. Sinabi mo ee.

As in... ganun lang... bigla na siyang tumigil kakasunod sa ken... ambilis naman niya mag-give up… parang nagpapa suyo lang naman ako ee. Syempre I don’t want to give him the impression na MUKA AKONG LIBRE. Haha. But look at the bright side, mabuti naman at wala ng peste... nakalabas na ko ng MUP at naglakad papunta sa sakayan ko... punong-puno ang mga jeep at tayuan na din sa mga bus...

Dios ko... wag niyo naman akong parusahan ng ganito... halos pumipikit na nga din ang mga mata ko sa pagod... bugbog buong katawan ko... kasi naman ee... nagmagandang loob na mga ang aswang na yun inayawan mo pa!!! Ee ano ka ngayon? Ee mukang bukas pa tuloy ako makakauiwi nito... Nakakainis naman kasi ee... bakit ba napaka raming tao sa mundo na araw-araw na sumasakay ng bus at jeep??? Bakit ba kasi... may mayabang na kagaya nung si Miguel Josef Uy Monteverde???? Teka... ano nanaman ba't pumasok nanaman ang pangalan niya sa isip ko... ganun talaga siguro kasi kapag kinamumuhian mo ang isang tao!!! Nakakainis!!!

Mga labing limang minuto na kong nakatayo at wala pa din akong masakyan!!! Ano ba 'toh... Dios ko po... wag niyo naman akong tulugan... nasa isip ko na tuloy ang itsura ng kwarto ko... ang lambot ng kama ko... haiiii... at ang pinaka masaklap sa lahat??? Kumakalam na ang sikmura ko... sumisigaw na para pakainin ko!!!!!! Haiiii...

Maya-maya pa ay... may itim na Fortuner na tumigil sa harap ko... napaka bastos naman nitong animales na toh... dito pa nag-park ee pano kaya ako lalong makakasa --

Bumukas yung bintana sa passenger's seat... at sa gulat ko... muka nanaman ni Monteverde ang nakita ko...

Sef: Oh ano?? Sasakay ka ba, hindi??

At that moment... para siyang anghel na hulog ng langit... wala na kong nagawa pa kundi ang sumakay... gusto ko ng UMUWI!!!!!!!!! Yun na lang ang importante saken... ang maka uwi!!!!!!

Sef: Hahaha. Sasabay ka din pala, pakipot ka pa!!

Ako: Ako ba ihahatid mo o aasarin mo lang???

Sef: (smiles) Uhm... pwedeng pareho??

Alam niyo ginawa ko??? Since nag-dadrive siya?? Wala siyang nagawa ng kinurot ko siya ng pinung-pino sa braso... yung itsura niya hindi mo maipinta ng mamilipit siya sa sakit... haha..

At sa hindi inaasahang pangyayari... napatawa ako ng malakas na malakas...

Ako: ;D

Hindi ko na tuloy namalayang hininto pala niya yung kotse sa gilid para lang tumingin sakin... para lang siguro pakinggan ang tawa ko...

Sef: Marunong ka naman palang tumawa ee.

Napatigil ako... but the smile still plastered on my face... tumingin ako sakanya as expected he was smiling back at me as well... and for what seemed to be the hundredth time since nakilala ko siya nag-palpitate nanaman ang puso ko when he leaned closer to me... he was soooo darn close... too close for my liking... and I felt my cheeks turning red... and even redder when he was closing the gap between our faces... naalala ko yung panaginip ko nung isang gabi... maybe... I should close my eyes this time... But then again...

Sef: Yung seat belt mo Ellie, nakalmutan mo isuot!!

BANG!!!

Toogsh!!!

Ano bang sumasapi sayo Eleonor!!!!!!!!! Ano ka ba??? WWWaaaaahhhh!!!!!!!

Parang gusto ko ng tumalon pababa nung kotse niya at parang mas gugustuhin ko pang maghintay ng matagal sa susunod na bus kesa maupo pa dun... Dios mio!!!!!! Napaka ambisyosa mo talaga Eleonor Malicsi Dimaculangan... nakakaloka ka!!!!!!!!!

Sef: hehe.

Hehe ka pa jan... halikan kita ee!!! Kainis!!!

Sef: Oh, bakit sumimangot ka nanaman?

Ako: Pwede? Umuwi na tayo...

But to my surprise... Sef leaned towards me for the second time... Nanlaki ang mga mata ko... para kong naging zombie na naka upo dun... hindi ako makagalaw... Ano bang problema nitong mayabang na toh???

Sef: Sabi ko na ee... naaadik ka na sa kissable lips ko nuh... pero madali naman akong kausap ee...

Lumapit ulit siya... his face a few inch from me again... as in... malapit na malapit I could feel his breathe already... natakot ako... pakiwari ko naririnig na din niya ang mabilis na pag-drum ng puso sa dibdib ko... HOY ELLIE!!! Gumalaw ka nga!!! DO SOMETHING!!!

Hinampas ko ng malakas ang mga palad ko sa buong muka niya...

Ako: Hoy... hindi for FREE ang mga labing toh!! Kaya tangkain mo pa ulit akong halikan... babasagin ko na yang bungo mo!!!

Sef: haha. Hindi ka nga talaga babae... Wala pang umaayaw sa halik ni Batman!!!

Ako: Ikaw? Batman??? PPPpppfffftttt HAHAHAHA... pwede pwede...

Sef: (napasimangot) Bakit??? Idol ko si Batman...

Ako: Yeah. At ako naman si Bat Woman.

Sef: Oh e di sayo na din nanggaling... haha...

Ako: (napakunot ang nuo) Ano nanaman mga pinagsasasabi mo??

Sef: Na may gusto ka ngang talaga sakin... E sino bang partner ni batman? Diba si bat woman??

Ako: Hoy... anong comics ba binabasa mo??? Si ROBIN ang partner ni BATMAN!!! Nag---

Napatigil akong bigla... Pano ba naman... biglang-biglang KUMALAM ang nagugutom kong tiyan!!! Sheeet... nagrereklamo na siya... sumisigaw na pakainin ko siya!!!

Napatingin ako ke Sef... at kahit na nagmamaneho siya... nakangiti pa din ang loko...

Sef: Oh, bat woman... pakainin muna naten yan... mukang hangin na lang ang laman niyan ee...

Ako: Wag na!!! Sa bahay na lang ako kakain!!!!

Ayoko ngang gumastos!!!

Sef: Grabe... kamag-anak mo ba si Tita Kuri (Cory)?

Ako: Huh?

Sef: As in KURI… KURI--POT!!! haha.

Imbes na matawa ko sa joke niya... napataas ang kilay ko.

Ako: So... JOKE yun?? ???

Sef: Napaka sungit mo talaga... sige... masubukan nga sinabi ni Japo...

Ako: Sus. Wag mo ng tangkain... isa pang korni mga jokes nun!!!

Sef: Hindi yun!!! Para daw maging mabait ka sakin... madadaan ka lang daw sa LIBRENG PAGKAIN!!! ;)

Anong... walang ya yun si Japo... ganun kababaw ang tingin niya saken?? Anakshotang animales yun aa??? Humanda yun saken bukas... humanda sila ni Borge saken pareho...

Ako?? Si Eleonor Malicsi Dimaculangan??? Madadaan sa LIBRENG PAGKAIN???? Kahit lechon pa yan, beef steak o fried chicken... kahit eat all you can pa at unlimited rice..... WALANG PAGKAIN ANG MAGPAPA BATI SAKIN AT SA MAYABANG NA TOH!!!!


WALA!!!

AS IN WALA!!!!

Nevah!!!


To be continued... ♥

LOVE-NAT OFFICIAL WEBSITE
¦ check it out to see the CASTS & to know more about the author ¦
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌