Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 05-2. Hubad na Katotohanan.

Anak ng sampung kabayo!!! Walang hiya talaga si Borge!! Ano ba naman itong napasok ko??? Anakshotang animales… kung alam ko lang na ganito kahirap ang magiging training dito sa soccer hindi na ko nagpabuyo sakanya na sumali… Dios ko, hindi ko naman PINANGARAP na magpakamatay nuh!!! Gusto ko pang masilayan si John Lloyd Cruz sa personal!!! Kahit likuran lang niya magiging masaya na ko!!!

Hingal na hingal na ko. Parang wala na ngang hangin na dumadaloy sa baga ko. Halos isang daang beses kaming pinatakbo paikot sa buong school, pinagapang sa field ng limangpung beses at pinatalon ng mahigit isang libong beses. Warm-up daw. Anak ng… WARM-UP daw bago kami patayin!!!

Kumukulo na talaga ang dugo ko kapag naiisip ko si Borge!!! Sinadya niya toh!! Sinadya niyang wag magdala ng damit dahil alam niyang ganito ang mangyayari… Sinadya niyang wag sumama sakin at iwan ako ngayon dito mag-isa… Ni hindi ko na nga ata maramdaman ang mga binti ko… ang sakit-sakit na nga ng buong katawan ko!!!

Coach: Oh, kaya niyo pa? Hindi biro ang training ng soccer. Hindi biro ang pakikipag laban naten sa ibang Unibersidad. We have to keep on winning and give pride to for Matute University of the Philippines.

Nagdidilim na paningin ko. Bakit muka ba kong nagbibiro ng sumali ako dito? Muka bang kabiro-biro ang isang Eleonor Malicsi Dimaculangan??? Gusto kong sumigaw. Pride-pride pa siyang nalalaman siya kaya I-FRIED ko!!! Hmp!!!

Coach: Oh, this time let’s play soccer.

Tapos let’s play na daw??? Ngayon pang halos kasing haba na ng dila ng kalabaw ang mga dila naming sa sobrang hingal at pagod. All girls pa naman ang soccer team na toh. At mga ilang months daw ang try-outs bago pa kami makakapasok.

Coach: Oh, break into two groups.

Break-break… E kung muka kaya nito I-break ko?? Anak shota talaga… Buti na lang kamo, second batch pa ako makakapaglaro kaya makakapagpahinga pa ako. Napatingin ako sa may bleachers dahil gustong-gusto kong I-upo ang mga binti ko doon at hindi dito sa damuhan… ng bigla akong nagulat… Oo dahil ayun oh, yung muka niya ang siyang kitang-kita ko mula sa bleachers hanggang dito sa gitna ng field. Oh sino pa nga ba mga kaibigan? Sabay-sabay pa nating bigkasin ang pangalan niya: Miguel Josef Uy Monteverde!!

Nakangiti siya sa akin. He did not even bother to look elsewhere… talagang pinahahalata niyang SA AKIN siya NAKATINGIN at NAKANGITI. Kasama niya sila Japo at iba pang guys at mga ilang girls dun sa bleachers. Kahit sa malayo… nagiistand out pa din talaga ang muka niya.

Inirapan ko na lang siya. Bahala siya jan!! Hmp.

Maya-maya pa ee sinenyasan na kami nung masokistang coach. It’s our turn na daw. Hindi ko alam para ba kong na-recharge. Gusto kong pagumpugin itong si Coach at ang manyak na yun!!! Naku, hindi ata nila alam, ibang magalit ang isang Dimaculangan.

PRRrrrttt…

Pumito na si Coach. Haha. GAME!! Bring it on!!!

Despite the fact na superr sakit na ng katawan ko, nakakatakbo pa din ako’t nakakahabol ng bola… sobrang brutal maglaro ng mga kalaban namin to think na mga babae din sila. Talagang sipa lang sila ng sipa ng bola wala silang pakialam kung may matamaan o wala. May isang babae naman na tinulak ako ng bonggang-bongga at napagulong ako sa lapag.

WWWAAAAAHHH!!! Naiinis na talaga ko!! Mga animales silang lahat!!! Pagtayo ko, hinabol kong ulit yung bola naagaw ko mula sa babaeng nanulak sakin bago pa siya maka-goal… naghihiyawan yung mga tao sa bleachers (si Sef nakangiti lang) at yung isa pang grupo na nauna samin maglaro. Binaba ko ulit yung bola papunta sa goal ng kalaban namin… at sa hindi inaasahang pagkakataon ng sinipa ko yung bola as in… lahat na ng galit ko sa mundo ee IBINUHOS ko na sa sipang yun ee… biglang SBAM!!!

BULLSEYE!!!

Kung baga sa basketball: three point shot!!

At sa boxing: KNOCK OUT!!! Ding-ding-ding-ding!!!

Girl 1: COACH!! COACH!!! Okay ka lang?

Girl 2: Tumawag kayo ng medic!! Dali!!!

Oha. Tinamaan ko lang naman sa muka si Coach!!! Di ko naman sinasadyang gawing GOAL ang face niya!! It just so happened na first time ko lang maglaro ng soccer at hindi ko alam pano I-control yung bola. So ayun, dumugo ilong ni coach at hinimatay.

Mga ilang sandali pa ng nagkamalay si coach…

Coach: Ikaw… (points at me) 50 laps bago ka umuwi!!!

Aba… at talagang nakuha pa niya kong pahirapan??? Anak ng… may anting-anting ata toh ee…

Pag dating ko sa girls’ shower room… wala ng tao… by the time na natapos ako sa parusa ni Coach ee nakauwi na silang lahat at nakalubog na ang araw… Para na kong patapon… luray-luray na katawan ko… daig ko pa nagpinetensya nito aa… Sabog talaga si Borge saken bukas!!!

Bibilisan ko na lang maligo para makauwi na ko agad… haii… ang sarap-sarap sigurong humiga sa kama ko ngayon… haiii…

Ang lamig-lamig ng tubig ng shower… hindi pa naman sanay ang balat ko sa malamig dahil kahit papano naka shower heater kami sa bahay… at tulad ng lagi kong ginagawa kapag nasa shower…

Ako: Don't call my name... dont' call my name... Alejandro... I'm not your babe. I'm not your babe, Fernando. Don't wanna kiss, don't wanna touch. Just smoke one cigarette and hush. Don't call my name. Don't call my name, Roberto. Alejandro. Alejandro. Ale-ale-...

Ng mejo feel na feel ko na ang pagkanta… bigla akong napatigil… kinuha ko yung towel ko at pinatay agad ang shower… bakit parang may insektong lumilipad-lipad?? Lumabas ako balot-balot ng tuwalya… alam niyo kasi mga kaibigan… wala naman talaga kasi akong kinakatakutan… WALA… pera lang sa… nanlaki mga mata ko… sa totoo lang mas gugustuhin ko pang makakita ng multo kesa sa nakita ko ngayon… oo mga kapatid… ito ang masaklap na KATOTOHANAN… TAKOT si Eleonor Malicsi Dimaculangan sa IPIS!!!

Ako: WWWWWWWWWWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!!

Um-echo sa buong hallway ang sigaw ko… Ew. Ew. Ew. Ew. Napatalon ako sa bakal na bench na nasa Girl’s shower room ng biglang lumipad yung ipis…

Tatakbo na ko palabas ng showeroom ng biglang may nabangga ako… ouch!! Na-out of balance kami at napahiga sa lapag… At ayun… mga kaibigan… narealize ko na si Monteverde pala ang nabangga ko.

Nakakaloka!!!

Namula ng bonggang-bongga ang muka ko, ayun kaming dalawa sa malamig na lapag ng shower room. I was on top of him at TAKE NOTE naka balot lang ako ng TUWALYA!! Halos basang-basa pa nga ang buhok ko at… bigla siyang…

Sef: Uuhh… Ellie… merong ipis sa ulo mo!!!

Nakalimutan ko ng galit ako ke Miguel Josef Uy Monteverde. Nawala na isip kong kinamumuhian ko ang lalaking ito dahil sa takot ko… NAPAYAKAP AKO NG MAHIGPIT NA MAHIGPIT sa kanya with my arms wrapped tightly around his neck.

Ako: EEEeeekkk!!!

Naiimagine kong gumagapang yung ipis sa buhok ko kaya hindi ko naririnig ang mga sigaw ni Sef.

Sef: T-teka lang Ellie!! Oi!!! (namumula) Saglit… Ellie!!!

Nang nahimasmasan na ako ng konte… I removed my arms from him at nagkatinginan kaming dalawa ni Sef. Parang huminto ang oras. Waaahhhhhhh!!!!!!!!! ANO TOH??? ANONG… halos sasabog ang puso ko sa bilis ng tibok nito!!! Parang nakakapaso sa sobrang init at PULA ng muka ko!!! HALA… Diyos ko po…

Tumayo agad ako… at sa unang pagkakataon HINDI ako makatingin sa kanya…

Sef: (turned his back agad kasi nga naka tapis lang si Ellie) Sus. Akala ko naman kung anong nangyari halos umabot sa Mountain Province ang sigaw mo ee…

Papalakad na siya palabas ng shower room...

Ako: T-teka lang… (para kong batang takot na takot maiwan mag-isa)

Sef: (hindi pa din niya nakuhang lumingon sakin kasi nga naka towel lang ako… may pag ka-gentleman naman pala ang MANYAK na toh kahit papano, hindi ko tuloy makita kung anong itsura niya) Dun na lang kita sa labas hihintayin...

Lumabas na si Sef at kinakailangan ko pang hawakan ang dibdib ko sa pagnanais na mapatigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko... at ng ako na lang ulit ang magisa sa loob ng shower room... wala ng iba pang nasa isip ko kundi ang: SUNUGIN ANG LAHAT NG IPIS SA BUONG MUNDO!!!

To be Continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌