Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 42-1. Adobo Delivery!

Miguel Josef Uy Monteverde plopped down on the black leathered sofa in his living room and aimlessly threw the car key on the glass table. Hindi pa din maalis-alis yung ngiti niya. He seemed happy and amused about something. Yung parang may nag-joke at ngayon lang niya na-gets. Sef rested his arms against his knees as he stared on the floor, the smile never leaving his face... and unconsciously, he was running a finger across his lips... reminiscing the feeling of that kiss.

He almost laughed. Ellie was wrong to think it was NOTHING to him... for, truth be told, it was ALL he could ever think about...

“Sef!” It was John Paul Sy Crisostomo who jumped next to the handsome lad. “O, anong okasyon?”

Nakangiti pa din si Sef. “Wala lang. Just feel like partying tonight. C’mon lilibre kita. Kahit sang bar mo pa gusto.”

Japo raised a brow in wonder. Nagtataka na tuloy ito. “Dude, ikaw pa, hindi ka nagyayayang pumarty without a reason...” Japo stared at Sef, trying to decipher the mystery why his friend was in such a good mood. Kahit yung boses niya kanina sa phone nung tinawagan niya si Japo, parang masaya na excited na ewan. “Hm, is this about Lianne? Nagka-balikan ba kayo?” Hula ni Japo. Si Lianne lang naman ang may ganyang epekto sa kaibigan niya.

Sef gave a laugh. “Nah." He then reached for his car keys. “Tara na Japo, before I change my mind!”

Napakamot na lang si Japo. “Kahit kelan, ang hirap mo talagang ispelengin!!”
Eleonor Malicsi Dimaculangan

Kinakabahan ako. Bakit ba kasi sa lahat pa ng tao sa buong mundo... bakit kay AJ ko pa nagawang sabihin ‘tong linshak na prublema ko?? Dun pa talaga sa HINDI ISIP tao!! Nakaka-bobo ata talaga ang epekto nitong nararamdaman ko!! Pero ano ka ba Ellie, sabi nga nila, desperate times call for desperate measures. Wala ka ng choice!! Kailangan maagapan yang prublema mo, bago pa lumala!!

Mas lalo pa kong kinabahan ng umupong pa-indian style si AJ sa kama ko, tapos may hawak-hawak na ballpen at papel... yung mata niya naka tingin sa ceiling na kala mo meron siyang sino-solve na calculus problem ng wlang gamit na calculator!! DIOS ME ELEONOR, KABAHAN KA NA TALAGA!!

“Hm,” AJ muttered in deep concentration as he scribbled something on the paper. Ano naman kaya ang sinusulat niya?? Maya-maya pa ay malanding tumayo si AJ mula sa kama, “Makinig ka Cuz. Dahil hawak ko na!! ITO NA... ang sagot sa prublema mo!! At tatawagin ko itong,” Malanding niyakap ni AJ yung papel sa dibdib niya. “LOVE 101 – GILITAN SA LEEG ANG LALAKING HAMPASLUPA!!” He was dramatically moving his hand over his head na tila ba meron siyang ginuguhit na invisible na rainbow sa hangin, at with matching facial expression pa yan!!

Nagdilim ang paningin ko sabay batok sakanya. “Anakshuta ka talaga AJ!! Umayos ka nga... puro ka talaga ka-weirduhan!!”

“Weird? Ako?” He said with his GAY-ish tone. “At nagsalita ang hindi??”

“Ah, at pano ko naging weird, aber?”

“Normally cuz, ang mga girls na nasa kalagayan mo, ang unang tinatanong e kung papano nila mapapaibig ang lalaking napupusuan nila!! Hindi kagaya mo, falling out of love agad ang drama!!”

“Ee anong gusto mong gawin ko??”

“Bakit hindi kaya...” He smiled sheepishly at me, yung kilay niya taas-baba. “Pa-ibigin natin sayo si Sef? Chos!”

Pa—paibigin si Sef? Just the thought of it made me blush!! WWWWWWWWAAAAAAAAAAAAAAAHH!! “Animales, ang usapan ititigil na toh!! Hindi palalain!!” I screamed at him.

“Ow-ver!!”Nasabi ni AJ, sounding a lot like Melay. “Cuz, papano mo malalaman na masarap ang isang bagay kung natatakot kang masaktan diba?” Pumupungay-pungay ang mga mata ni AJ as he jumped over my bed at umupong parang serena sa tabi ko. “Parang sex!” He said the S word so naturally. Ganyan nga pala yan ka liberal!! Hindi ko napigilan ang sarili ko as I burst into fits of laughter. “O ngayon tatawa-tawa ka. Harapin mo na lang kasi yan, wag mo ng takbuhan!!” At kamuntik ko ng makalimutan kung gano nga pala ka-green ang utak nitong pinsan ko. Ultimo nga yung mga parlor games niya nung pasko hindi niya pinatawad ee. Haha.

“AJ namaaaan...” I pleaded.

“Oo na sige na nga, ito na...”Umupo siya ng maayos and took a deep breath. “Hm, ganito kasi yan... sabihin natin, nasa restaurant ka at hinainan ka kanwari ng lechong baboy, sabihin nating si Sef ang lechong baboy na yun, fresh na fresh from the oven at maini-init pa... ee ikaw namang si gaga, hindi mo pa nga natitikman, inaayawan mo na agad.” Tinaasan niya ko ng kilay but I only stared back at him. When AJ putted it that way, parang... parang... it looks to me as if, AKO NA ANG BOBO. Gusto ko nga atang sabihing SIGE NA, WAG NA!! KAKAININ KO NA LANG YUNG LECHONG BABOY!! Hahaha. But then he continued, “Ngayon, ang tanong ko sayo, since ayaw mo ngang kainin yung lechong baboy, anong gagawin mo?” Dios ko Eleonor? Sinong tanga ang aayaw sa lechong baboy?? Lalo na kung si SEF yun?? Napalunok ako. “HELLO!! Syempre, o-order ka ng iba!!” Si AJ din ang sumagot sa sarili niyang tanong.

“O-order ng iba?” Napakunot ang noo ko dun. Anong...

“Exactly my beloved cousin!! O-order ka na iba...” Abot tenga ang ngiti sakin ni AJ. “Pinatayong manok, pinritong butiki, sinampalukang palaka, inihaw na bibe, pinaputukang piranha, pinritong suso, kahit ano cousin. Name it!! Kahit ano!! So ano pang hinihintay mo? ORDER NA!!”At wala na kaming ibang pinagusapan kung hindi puro pag-kain... na nagtapos sa Adobo.
Eleonor Malicsi Dimaculangan

“Wow Ellie!! Yan ba ang New Year’s Resolution mo??” Borge asked pagkaupong-pagkaupo ko sa classroom. “For the first time, naunahan mo pang pumasok si sir!! Hahaha.”

“Pakyu ka talaga Borge.” I sniggered.

Oo mga kaibigan, first day ng classes ngayong bagong taon... at MAAGA ako!! Oo, alam ko... Achievement!! Hahaha. Pero... hinggil sa kanilang kaalaman, napapasok lang ako ng maaga dahil kay AJ!! Oo, nakuuu, ang magaling na bakla, sinabi ang masama kong kalagayan sa buong pamilya ko. “Aba, Eleonor wala ka naman sinabing secret lang yun aa?” He told me over the phone. Talagang tinawagan ko siya pagkabangon na pagkabangon ko!! GAAAAAAAHHH!!! Kung pwede lang ipaampon ang mga pinsan, matagal ko ng inapply ‘to ee!! Sinasabi ko na ee, bakit ba kasi sa lahat, kay AJ ko pa nasabi?? Nakalimutan ko... bubula ang bibig niyan kapag pinagtago mo ng sekreto!! Grrr...

“Oh anak,” sabi ni Papa. “Papagawa na ba tayo ng gayuma? Meron akong kakilala.” Sige nga, papanong hindi ako magmamadaling umalis ng bahay?? Walang ibang ginawa ang mga magulang at mga kapatid ko kung hindi ang asarin ako at paulit-ulit na banggitin ang pangalan ni... ni... nung linshak na lalaking yun!!

“ELLIEEEEE!!!” Ang lakas ng boses ni Japo. Napalingon ako at napansin ko kaagad na bagong haircut ang loko. Haha. He walked towards me with his arms wide open, ako naman napatayo agad at sinalubong ang yakap niya. Aaawwww... sobrang namiss ko tong mga baliw na toh!! One thing’s for sure... I was excited to see all of them... Although kahit papano naman nung Christmas break, nakukuhang dumalaw ni Japo at Borge sa bahay... si Meg naman madalas kong ka-chat sa facebook, si Jill panay naman ang tawag sa phone ko, si Ken naman ayun parang kabuteng biglang nagpaparamdam sa FB ko, o kaya naman minsan magte-text kaso GM pa. Hahaha. And as for Sara... well, she managed to send me a video greeting, oo... she told Max na ipakita sakin... she did explain her part about sa naging slight misunderstanding namin dati... loka-loka nga yun ee kasi umiyak pa siya... which actually made me teary-eyed as well... Haha. Oo na. Isa talaga sa mga weaknesses ko ang mga pasaway na yan!! Pag sakanila madali talaga akong maiyak!! Amp yan!!

“Parang tumaba ka ata?” Nasabi ko kay Japo, pinching his cheeks. He looked down on his stomach. “Oo nga ee, lam mo naman pag pasko, umuulan ng pagkain. Chaka, nasobrahan sa inom.” He then took a seat on my desk, kulang na kasi yung upuan sa ginawa naming pa-bilog na arrangement. “Jill, ikaw? Kamusta Christmas mo?” Borge, Meg and I exchanged teasing looks.

“Well, it was fine. Medyo nabitin nga lang.” Jill said with a shrug of nonchalance.

“Ikaw Max?” Meg butted in, yung boses niya naka pang chismis-mode. “Balita ko panay ang usap niyo ni Sara sa YM!!”

“Hindi lang YM, magdamag pa yang naka Skype!!” Dagdag ko.

Um-echo ang AYIIIEEEEEEEE. Max turned slightly pink as he stared at all of us. “Bagong taon na bagong taon, issue na agad kayo.” He said with a note of seriousness in his voice.

“Kelan daw ba siya uuwi? Naiinip na ko sa mga pasalubong niya sakin...” Meg said.

“After class... susunduin ko siya.”

Lahat kami sabay-sabay na napatingin kay Max. “IKAW LANG?” We all asked in unison.

Darren felt suddenly uneasy with all our eyes on him. Ganyan kasi yan, he hates attention. Namula siya lalo. Hahaha. Kawawang Max.

“Naks naman, lume-level up ka dude!!” Kantiyaw ni Japo.

“Nu ba kayo!” Jill said. “Syempre they need to spend time alone. Namiss nila ang isa’t isa!!”

“Nice one Max!!” I teasingly nudged him by the elbow. “Pa-burger ka naman!!” But he only gave me an angry look. Ayaw talaga niyan ng inaasar siya. Yikes.

Inipit ni Japo yung leeg ko sa mga bisig niya. “Nakuu, ikaw talaga Ellie... muka ka pa ding libre!! Hahaha. Yan dapat ang idagdag mo sa new year’s resolution mo!!”

“Ara-aray!!” I frowned while grinning. I struggled to free myself from him. “Animales ka Japo!! Alam kong kamiss-miss ako, pero wag mo naman akong solohin!! Haha.”

“Sandali,” I could hear that dangerous tone in Beatrice Gong-gora Natividad’s voice. “Ee ikaw Ellie... kamusta naman ang pasko mo? Parang hindi ka ata nagkekwento...” Sobrang malaman yung tanong niya. Like there was some unspoken name that goes with her question. Well at least she has the decency not to mention he-who-must-not-be-named!!

So, from Max... bigla ng tumutok sakin ang SPOTLIGHT!! Bigla akong kinabahan... my heart was racing so darn fast... OH SHEET!! Ee pano ba naman... the first thing that came in my head was that... night by the road... GGGAAAAAAAHHH!!!

Kahit kelan talaga ‘tong si Borge... baka nakakalimutan niya, may malaki pa siyang kasalanan sakin nung Pasko!!

“Uh,” I said, trying to sound casual as possible. “Sus. Ako pa edi kain-tulog lang. Patabaing baboy lang ako sa bahay. Kelangan ko pa bang ikwento yun??”

“E si Sef?” Biglang singit ulit ni Borge. Dios ko, pangalan pa lang ganito na mag-react ang puso ko... pano pa kaya kung andito ang lalaking yun diba?? Well, to be honest, after that night... yung huli naming date... hindi na kami nagkita ni Sef. Just as I’d hoped and prayed to happen...

“Aba, malay ko dun!! Bakit muka bang samin siya nag-pasko?” I retorted defensively at nagkatinginan kami ni Max. He frowned, of course he knew the damn truth. Andun siya nun.

“Actually,” Borge grinned. “Si Japo tinatanong ko ee.”

They all laughed. At halos namula naman ang muka ko!! PUNYEMAS TALAGA!! Paker ka Ellie!! PAKER KA!!

“Ikaw aa...” Meg gave me a naughty look.

“Aahh, si Sef ba?” Sagot ni Japo. “Ewan dun. Ang weird nga niya lately. Well, darating naman daw siya mamaya. Bibisita.”

“Bibisita o may bibisitahin? Hahaha.” Banat naman ni Borge who threw a meaningful glance at me.

Tumawa si Japo sabay nakipag-appear kay Borge, like they were having a conversation na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

“TAMA NA NGA!!” Max then declared, standing up. He pulled his chair off the circle. “Magta-time na, umayos na kayo.”

Napatigil sila Borge sa tawanan and I took the chance na dilaan sila. “Bleh!” Hahahaha. Inayos ko na din ang upuan ko sa harap ni Max at lumingon ako sa kanya. Naka simangot siya and he was staring out the window. Obvious, bad mood. Tsk. Nakisali pa kasi ako sa pangaasar sa kanya kay Sara, alam ko namang numero uno sa pagiging PIKON tong si Max.

To be Continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌