Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 42-2. Adobo Delivery!

Dismissal
MUP Field

Eleonor Malicsi Dimaculangan


Tahimik lang akong naka-upo sa may bandang itaas ng bench ng MUP field habang pinapanuod ang practice game ng football team ng mga kalalakihan, syempre with matching chips pa kong kinakain. V-Cut Sweet Chili flavour. Favorite ko!! Haha. Na-miss ko toh. Na-miss ko ang MUP. As in, sobra. Mga prof ko lang naman ang hindi ko kailanman mamimiss!! Haha. “Sige, dali!! GOAL!!” I cheered at saktong tinira ni Nico yung bola and it flew and went pass the keeper. “YES!!”

Haaaiiii... I gave a long, deep sigh. Alam niyo, simple lang naman talaga ang buhay ng tao ee... yun nga lang minsan tayo na lang mismo ang nagpapa-komplikado. Siguro iniisip niyo, duwag ako dahil ayokong harapin ‘tong nararamdaman ko. Pero hindi naman siguro masamang isipin ang magiging epekto kapag kumain ako ng LECHONG BABOY hindi ba? Syempre, baka mamaya ma-high blood pa ko, sasama pakiramdam ko at makakaapekto pa sa kalusugan ko. Oh diba? Haha.

Atchaka siguro... nagpapaka-totoo lang ako. Alam ko namang wala ‘tong patutunguhan. Siguro, ayoko na lang ding ma-ulit yung nangyari nun sa Tita ni... he-who-must-not-be-named. So, naging mala-Lord Voldemort na si Sef ngayon? I mean, mas okay na yung ipamuka ko sa sarili ko yung katotohanan kesa sa ibang tao ko pa marinig. And besides, tumatak ng husto sakin yung mga sinabi ni Tita Yolly.

Hindi ko minamaliit ang sarili ko. Hindi ako nagpapa-api... AKO PA!! Palaban ata toh!! Yun nga lang, minsan... syempre... alam ko naman kung pano at saan ilulugar ang sarili ko.

Kaya nga, ginagawan ko na ng paraan ito para hindi na maging KOMPLIKADO pa ang lahat... marami pa kong mas maiging dapat pinu-prublema’t iniisip... at marami pang mas importanteng bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin... kagaya ng FOOTBALL na toh!!

“GO NICO!!” I screamed, kahit ako lang tong mag-isang nanunuod nung practice game. Kumaway sakin si Nico and beamed a smile of recognition... tapos bigla kong naalala nung si Sef yung naglalaro... nung niyaya siya ni Nico na sumali... That was when Sef took off his shirt for all the MUP students to see... WWWAAAAAAAAAAHHH!! TOINKS!! Errr... Ehem. Ehem. Nabulunan tuloy ako!! I coughed hard, deym, wala pa naman akong dalang tubig... tae ka naman kasi Ellie ee... kung anu-ano pang iniisip ko!! Animales ka talaga kahit kelan!!

“Drink this.” May kamay na nag-abot sakin ng bottled-water. Kinuha ko naman at ininom ito. Haaiiii... buti na lang may mabuting anak ng dios na naisipang bigyan ako ng tubig “Salamat.” I said ng nahimasmasan na ko, pero parang kamuntik ulit akong mabulunan dahil paglingon ko... It was HE-WHO-MUST-NOT-BE-NAMED ang siyang bumulaga sakin!!

Oh Lord, parang gusto kong maging invisible na lang dun sa kinauupuan ko!! Parang may sumipa sa puso ko at naka-GOAL!! Pakiwari ko magiging isang malaking kamatis na yung ulo ko sa sobrang pula. I wasn’t expecting to see HIM, of all people. Ngayon na lang ulit kasi kami nagkita matapos yung...nakaraang Sabado.

He gave me his usual smile. Buti pa siya... buti pa talaga siya... WALA lang sakanya ang lahat... kaya he could act normal... pero ako?? Pano na ko?? Kaya mo yan Ellie!! Kaya mo yan!!

“Oh, uminom ka pa!” Binibigay niya ulit sakin yung bote ng tubig. “Mukang di ka pa okay. Your face is all red.”

“Ah, hindi... o-okay na ko.” I told him, giving him a weak, awkward smile sabay pinalo ko ng dalawang kamay ko ang magkabilang pisngi ko. Napataas tuloy ang kilay ni Sef sakin as I scooted away from him, masyado kasi siyang malapit. Lord... tulungan niyo ko!!

“Here.” This time, inabutan niya ko ng bag ng Burger King. Naamoy ko agad yung maini-init pa na French fries chaka yung Bulgogi na favourite ko. Pero tinitigan ko lang yung plastic. “Ha?” Grabe Ellie, kelan ka pa naging ganyan ka-slow??

“Ee, bumili kasi ako ng food sa BK... and I thought, baka pag nakita mo humingi ka pa sakin... so binilan na lang din kita ng para sayo.” He grinned. He reminded me of a little boy na parang nagpapakita lang ng artwork sa parents niya.

I hesitantly took it from him. Afterwards, I took a deep breath, parang kulang na lang mag-yoga ako dun sa harap ni Sef para lang kumalma ako. “Aaaw.” He made a long face. “Sayang, goal dapat yun!!” He commented about the game. He then leaned his arms against the bleachers habang suave na kumakain nung... onion rings. I frowned at him, kita niyo ugali nitong lalaking toh!! Samantalang yung akin fries lang.

Wag ka nga Ellie, at least diba inilibre ka?? Yun ang mas mahalaga. Haha. Atchaka, hindi ko na din naman nakuha pang magreklamo... the less I talked to him, the better.

Matagal na katahimikan... oo, para kaming pipeng dalawa na hindi nag-uusap habang patuloy lang kami sa pagkain ng kanya-kanya naming burgers. SHEET! GANITO BA TLAGA DAPAT? ANIMALES!! Naiinis na talaga ko!! Naiinis ako sa lalaking toh!! GGGGRRRR... bakit niya ko pinaparusahan ng ganito??

“OY!!” Biglang nag-appear si Japo sa likuran namin. “Aba, ano yan ha? Sabay pa kayong kumakain jan!! Mukang wala na yan sa pustahan niyo aa?”Animales!! Gusto ko lang namang manuod ng football praktis ng mataimtim bago tuluyang umuwi!! Lord, paalisin niyo tong dalawang toh sa harap ko, dahil kung hindi, ako magaalis sakanila sa mapa ng Pilipinas!!

Sef gave a smile of amusement. “Oo nga ee, mukang nawili atang ka-date ako.” Ang lakas ng tawa ni Japo, pero ako... para kong bulkang sasabog sa inis sa sinabing yun ni Sef!! Nakuu, wag niyang sabihing in love ako sakanya, dahil baka hindi ko siya matansya, gagawin ko talaga siyang lechong baboy!!

“Hoy!!” I fumed at him, gritting my teeth in uncontrollable anger. “Tawasin mo man ako, hinding-hindi na ko makikipag-date sayo!!”Para kong sinapian, hindi ko alam... basta naiinis ako!! NAIINIS AKO!! I stood up from my seat as I looked down on him. “And you wanna know something? Those were the worst three Saturdays of my life!!” Huwaw... nasabi ko yun?? Oh sheet!! Ang taray!!

Nawala yung ngiti ni Sef. His eyes narrowed as he glared back at me. I could see smokes coming right out his ears at tumayo na din siya. This time, I have to look up at him. Hindi maputol-putol ang masamang tinginan namin. “Like you got the room to talk.” He scoffed, his handsome face marred with rage. “It was a stupid deal. Buti nga I got some loose screws that time besides, no sane person would dare to ask you out, Clown!!”

Si Japo napanga-nga na lang samin, his eyes wide as an owl’s. I tried to come up with another insult... but none came... dahil parang may dahan-dahang kumukurot sa dibdib ko. I swear to God I could have punched Sef in the face kung hind lang sa lalaking biglang sumingit sa usapan namin...

“Uh--” came a voice behind Sef. “Excuse me.” Sabay kaming napatingin nila Sef at Japo sakanya. Meron pa bang mas wro-wrong timing sa lalaking toh?? “A-are you Eleonor Malicsi Dimaculangan?” The stranger asked, giving me an unsure stare. He was tall, in fact an inch taller than Sef. Malalim yung boses niya, and it’s soothing in the ear in a nice some sort of way. “Uh,” He bit his lower lip as if uncertain as to how to go on. “I-I think you and I have a date...”

AKO?? AS IN AKO?? Napaisip ako... as in, sa tanan ng buhay ko, ngayon ko lang nagamit ng ganito ang braincells ko... Meron nanaman ba kong ginawang kababalaghan?? Mag-isip ka Ellie... ISIP!! Saang lupalop mo nakilala ang nilalang na ito at SINO siya at... t-teka... when I saw the bewildered look on Sef... I raised a brow with satisfaction... Ano nga ulit yung sinabi niya kanina?? Na walang lalaking nasa tamang pagiisip ang makikipag-date sakin??

I rolled my eyes. “Ah, ganun ba?” I pushed Sef aside as to make way. “Excuse me, MAY DATE DAW KAMI!!”

Hindi nakapag-salita si Sef, nawala yung galit sa muka niya... all was left was a blank expression na hindi ko maintindihan... kung ano man yun gusto ko pa ding matawa!! HAHAHAHA. Oh, ano siya ngayon? Clown pala a! Huh.

Tahimik lang akong sumunod dun sa lalaki... and when Sef and Japo were already out of sight... bigla na kong kinabahan... syempre ACTING lang yung kanina... hindi ko naman talaga alam kung sino tong lalaking sinasamahan ko papunta sa car park... “Eh, k-kuya...” I stopped from walking, ready na kong tumakbo if ever. “Ano kasi...”

“Oh,” He gasped, giving me a friendly smile. “Nakalimutan ko, pinabibigay nga pala toh ni AJ.”

Para kong hinampas ng sinturon ni hudas. “AJ?” Para kong nagka-temporary amnesia... sino si AJ??

May kinuha si kuyang killer smile sa may bulsa niya and took out a piece of paper. Inabot niya sakin at agad ko namang binuklat, only to find a message na sulat-kamay pa ng walang hiya kong pinsan...

And the message read: “Cuz, ayan na ang order mo... signed, sealed, delivered!! Haha. Enjoy!! Adobo Special yan!! HUGS. From your friendly friend, AJ.”

HUWAT??? My jaw dropped, kulang na lang sumayad sa lapag ee!! ANAK NG SAMPUNG KABAYO!!

EY-JAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!!!

To be Continued.
♠ ♠ ♠
● LOVE-NAT FB PAGE ●
▌ check it out to see the CASTS & other infos ▌