Status: in-progress.

LOVE-NAT, isang makulit na lovestory!

Chapter 02. A Ghost's Kiss.

Ang napaka sungit at strict kong propesor sa Law e hindi na din nakuhang magtaray saken pag pasok ko ng classroom. Ikaw ba naman mamutla ka ng bonggang-bongga na parang nawalan ka na ng ‘sang galong dugo ee siguradong kahit sinong anak ng Diyos ee maaawa sayo. Tapos sabog na sabog pa itsura ko, tipong hahabulin na ko ng suklay at plantsa dahil sa gulo ng buhok ko at gusut-gusot kong uniform. At kahit sino naman ee hindi na kailangan mag-alinlangan pa sa itsura kong ‘toh. Isang tingin lang sakin alam na ng lahat na nakakita ako ng MULTO.

Borge: Tol, anong nangyari sayo?

Ako: (tulala pa din) …

Sara: Grabe, para siyang pinagnasaan at tinapon na lang sa isang tabi!

Meg: Asa ka naman!!! Yan?? Sinong magtatangka diyan nuh? Kadiri.

Borge: Hoy, tol!! Ano ka ba? Para kang nakakita ng tikbalang aa?

Ako: Oo tol... Isang gwapong tikbalang!!!

Nagkatinginan na lang sila Borge, Jill at Sara sabay tawa ng malakas na malakas.

Borge: Sa tanda mong yan, kung anu-ano pa yang mga nakikita mo!! Di na uso multo ngayon Ellie!!

Ako: Di ako nagbibiro… may multo talaga sa Boys’ CR!!! Totoo pala yung kwento-kwento na pag kumanta ka itutuloy nung multo yung kanta mo…

Borge: Tol, biruin mong may mas nakakatakot pa palang multo kesa sayo?

Sara: Flash News! Isang dalaging-ding, nakakita ng multo sa Boys’ CR ng Matute University of the Philippines!! Sosyal ka!! Mabenta yun sa diyaryo Ellie!!!

Ako: Naisip ko, pano kung sundan ako ng ligaw na kaluluwa na yun? Pano kung sirain niya ang buhay ko at habang buhay niya kong gambalain? Pano na ko? Marami pa kong pangarap sa buhay…

Sa mga sinabi kong ’toh binatukan tuloy ako ni Borge.

Borge: Pakyu!!! Masyado kang ambisyosa… ahh. Kung sa bagay, tama ka!! Hahabulin ka nga nun sa pagaakalang isa kang dalagang tikbalang!!

Sara: Oh e di kayo na!!! Kayo na ang hari’t reyna ng mga tikbalang… pakasal na kayo!!!

Ako: Gagu!!! haha..

Tama. Bakit ba ko natatakot sa multong yun? Ee wala naman akong ginawang masama? Pumotchi lang naman ako sa teritoryo niya… hindi naman siya masasaktan sa amoy nun!!!

Maya’t maya biglang may umakbay sa akin. Si John Paul (a.k.a. Japo). Mabait tong si Japo, siya pinaka ka-close ko sa mga kalalakihan. Intsik beho to na kilalang kilala sa buong campus hindi dahil sa gwapo siya o ano pa man… pero masaya kasing kaibigan tong si Japo kaya mahal na mahal ng lahat. Ako nga pala ang nagbigay ng pangalan niyang Japo ewan ko ba at biglang lahat ee nakigaya na. =)

Japo: Oi Ellie… itsura mo!!! Nakipag-habulan ka nanaman ba ke Manong Guard?

Ako: Sira!!!

Borge: Wag mo ng tanungin Japo, maloloka ka lang!

Japo: Oh sa Biyernes nga pala aa?

Meg: Bakit? Ano meron sa Biyernes?

Japo: Merong party sa Eastwood. 8pm. Lahat ng students ng MUP imbitado.

Borge: Yown!!! Deym!!! Party!!!

Sara: Tamang-tama may bago akong dress… masusuot ko na din!!!

Japo: Uh… (namumula) Ikaw Jill? Wag ka sana mawawala aa?

Borge: (sabay batok ke Japo) Gagu!!! Wag ka nga Japo… wag kang pa-cute di bagay sayo!!

Jill: Uh… di ko pa sure ee…

Japo: (hinigpitan ang akbay saken) Ellie talaga… wag ka magulo… (biglang tinatakpan ang mukha ko ng kamay niya) Uh, Jill… kung gusto mo sunduin na lang kita sainyo… chaka…

Ako: Taeeee… JAPO!!!!!!!!!!!! (tinatanggal kamay niya) Jill oh!!! Jill!!!

Jill: Magpapaalam pa kasi ako ee… hehe…

Japo: Ahhh ganun ba?…

Ako: Bat ako hindi mo tinatanong?

Borge: Ee obvious naman na si Jill lang ang gusto niyang pumunta nuh!!!

Japo: Oi hindi aa… lahat kayo imbitado… Oh ano Ellie?…

Ako: Hindi din ako sure… tsk… gastos lang yan… wala akong pera…

Hindi ako kagaya ng mga kaibigan kong ‘toh. Hindi naman ako anak ng donya at don pero hindi din naman ako kasing hirap ng daga. Sa katunayan naman ee kumakain naman kami tatlong beses sa isang araw. Kung baga, hindi kami mayaman at hindi din naman kami mahirap. Pero kasi, hindi kasama sa budget ko ang pag-gmik.

Borge: Umiral nanaman yang ka-kuriputan mo!!! Kaya ka minumulto niyan ee…

Ako: Gagu!!! Tinatamad kasi ako ee.

Japo: (nakaakbay pa din) Ano ka ba Ellie? Wag ka ngang KJ… at wag kayong magalala LIBRE lahat yun…

Borge: Huwaw!!! Sheet… oh tara na!!!

Ako: Eeeehhh… tinatamad talaga ako ee…

Sara: Ano ba kasing event yun Japo? Bakit buong school imbitado?

Japo: Wala lang… party lang… bakit kailangan ba lagi ng dahilan para pumarty? Meron tayong sponsor… sagot na niyang lahat.

Meg: Sinong niya?

Japo: Basta… kaya nga pumunta kayo ee…

Borge: Ellie ano? Tol naman ee… lam mo namang di ako pupunta ng di ka kasama…

Ako: Pakyu!! haha.

Borge: Sige na…

Ako: Libre?

Japo: Oo.

Ako: May pagkain ba dun?

Japo: Oo. Sagot na ng sponsor natin yun.

Borge: May beer?

Japo: Oo. Swimming pool ang beer dun.

Ako: Oh, Jill tara punta na tayo!!!!

Jill: Huh? Eeee….

Ako: Wag ka magalala meron silang isang drum ng iced tea dun!!!!!

Borge: Eeee… may gwapo naman kaya???

Japo: Ehem. Andun ako ee.

Ako: (tinanggal kamay ni Japo) Tara na. Nagkakalokohan na dito ee…

Borge: (tumayo na din habang nagkakamot ng ulo) Tara girls, gutom na ko ee…

At iniwan na lang namin ang kawawang si Japo…. hahaha… ;D
Makalipas ang tatlong araw matapos akong multuhin sa Boys’ CR… pumatak na din ang araw ng Biyernes… ang araw na magpapabago ng takbo ng buhay ko… ang araw na kahit kailan ay hinding-hindi ko na makakalimutan…

Kapag ganitong mga gmikan wala ka ng iba pang maaasahan kundi si Sara Felisidad. Sa taglay niyang galing sa fashion at make-up ee talaga namang talong-talo niya si Ricky Reyes at Vicky Belo combined!!! Naku, swear!!! Wala ng iba pang tatalo kay Sara sa larangang ito!! Oo mga kapatid nandito kami sa mala-mansyong bahay ni Sara nagkita-kita kanina pang alas-tres ng hapon. At biruin niyo tirik na tirik ang araw ng dumating ako dito ngayon nabalot na ng kadiliman ang kalangitan at hindi pa din tapos si Sara, Meg, Jill at Borge sa pag-aayos!!! Oo, tama, pati si Borge!!!

Hayun sila nakapila ke Sara. Tapos na niyang make-upan sila Meg at Jill at damit naman ang pinoproblema ng mga loka-loka. Ako? Sus. Wala akong hilig sa mga ganyang klase ng bagay. Ni buhok ko nga ee hindi ko masuklay, magpamake-up pa kaya???

Kaya pinanunuod ko na lang sila habang nakahiga sa water-bed ni Sara. Kumpara sa aming lima, ako lang ang namumukud tanging naka shorts at sleeveless at naka rubber shoes. Silang lahat ahy talaga namang naka dress at high-heels. Oo pati si Borge!!! Gaga talaga ‘to kahit kelan ee… haii… at ngayon 6:00 pm na at mukang wala pa din silang balak matapos at inaantok na ko!!!

Borge: Ellie, ano ka ba? Maraming damit jan si Sara oh, magpalit ka nga!!!

Ako: Naku, tama na yung pinagbigyan ko kayong sasama ako!!! Ito ngang si Jill oh, kanwari pang di sasama…

Sara: Syempre, andun si papa Japs mamaya!!! haha.

Jill: Oi, hindi aaa… wag nga kayo….

Meg: Ellie, kahit magpalagay ka lang ng konting powder ke Sara oh!!!

Ako: Aaaa-yo-ko!!!

Sara: Hay naku, magmumuka ka lang PA ko dun pag ganyan ang itsura mo!!!

Ako: Ahh basta, ayoko!!! Bilisan niyo na lang at gutom na ko!!!!

Nagkatotoo nga ang sinabi ni Sara. Para kong basahang naglalakad sa Eastwood. Andaming mga taga-MUP na kamuntik ko ng hindi makilala dahil ngayong gabi ee nagmuka silang mga tao dahil kagaya nila Sara, naka make-up din ang mga kababaihan at ubud ng iiksi ng mga damit nila. Ultimo ang mga lalaki ay naka porma. Samantalang ako… ito…. muka ngang personal assistant ng mga bruha kong mga kaibigan.

Borge: Sabi ko sayo ee magbihis ka!!!

Ako: Eee… hindi naman ako nandito para makipagkilala sa kung kanino…

Meg: Oo na. Pagkain lang habol mo dito.

Oo nga pagkain lang… pero lintik pagpasok namin sa The Manor, isa sa mga bar sa Eastwood, ee Dios ko po halos hindi ako makahinga sa siksikan ng mga tao tapos ang sakit-sakit pa sa tenga sa sobrang lakas nung tugtog, ang dilim dilim pa... tapos lintik ang usok ng mga naninigarilyo. Ni wala ngang lamesa o upuan ee. Lahat nakatayo at lahat andun sa dance floor nagsasayawan. Wala silang paki alam sa mundo basta sayaw lang sila ng sayaw!!

At ako??? Ito kumakalam na ang tiyan!!! Dumidilim na paningin ko!!! Asan ang chicken joy? Asan ang lechon? Asan ang pancit? Ice cream? Bangus? ASAN ANG PAGKAEN?????

Walang ibang nakahain sa maliit na lamesang nakatayo sa tabi ko kundi mga bote ng beer, baso ng iced tea at isang katakut-takot na yelo. Alam ko mga kaibigan, muka akong adik pero wala sa bokabularyo ko ang uminom ng alak!!! Yun, yun ang pinagkaiba namin ni Borge. Lahat ng bisyo alam niyan!!! Katulad ngayon, halos nalanghap ko na ang lahat ng binuga ng sigarilyo niya. At kapit na kapit na sa damit ko ang amoy ng sigarilyo.

Hindi na maipinta ang muka ko… naku JAPO wag na wag kang magpapakita saken… hayup ka!!! Kakatayin talaga kita at ikaw ang gagawin kong hapunan!!!

Sara: Oi Ellie… tignan mo oh!! Ang gwaaaapoooo!!!! Nakatingin sayo!!!!!

Ako: (nakaalumbaba na sa mesa) Oo. Sige. Gwapo. (pero hindi naman ako nakatingin at wala naman akong pakialam… kung pagkain siya matutuwa pa ko)

Meg: Tara, sayaw tayo dali!!!

Borge: Tol, okay ka lang? haha. Tara gusto mo munang lumabas???

Ako: Hindi. Dito na lang muna kayo… ako na lang magisa lalabas… papahangin lang ako… Sunud na lang ako sainyo mamaya… sasayaw na lang din ako pagbalik ko…

Borge: Talaga?

Ako: Oo. Pramis! Sige na.

Borge: Sige, sunud ka na lang tol.

Waaaah… paglabas ko grabe… FRESH AIR!!!!!!!!!! Parang ayoko na ngang bumalik sa loob ee!!! Naisip ko hindi naman siguro masama kung magliwaliw muna ako… at least dito sa labas hindi ako OP.

So ayun na nga, nilibot ko muna ang Eastwood. Napadpad ako sa hall of fame na kung saan ang mga pangalan ng mga batikang artista sa industriya ng Pilipinas ay nakaukit sa LAPAG na may hugis bitwin. Haha. Hinanap ko yung pangalan ng sweetheart kong si John Lloyd Cruz. Tapos mga sandal pa ee napadpad ako sa isang park sa Eastwood. Hindi ko alam kung ano man ang tawag nila sa lugar na toh… basta muka siyang park saken…

Maganda ang ambiance nung park, mejo mahangin at meron pa ngang mini pond sa may maliit na bridge banda dun. Dali-dali akong pumunta dun para tignan kung may mga isda ba sa pond… di naman sumagi sa isip ko na wala napala gaanong tao sa gawing ito…dapat naisip ko na hindi pala dapat naglalakad ng mag-isa ang isang dalagang kagaya ko.

Sumilip ako sa pond at naaaliw ako habang pinagmamasdan ang mga isda… ng biglang…

Lalaki 1: Hey beautiful… how could you be alone in a place like this?

Beautiful? Ako ba yun?

Paglingon ko, napapalibutan na ako ng apat na binatilyo. Sila yung mga tipong mga anak mayaman pero halata sa mga itsura nila na wala silang gagawing kabutihan sa mundo. Mga porma pa nga nila ee yung mga nakikita ko minsan sa tv. Nakatingin lang ako sa kanila, sinusuri mga itsura nila. Sobra na bang desperado ang mga lalaking ito para patulan ang isang kagaya ko?

Lalaki 2:You want to grab something to eat?

Eat? Eat daw? Kamuntik na kong maniwalang mga anghel silang hulog ng langit. Pero ever since wala talaga akong tiwala sa mga taong nage-English. Kaya nga wala akong respeto sa mga propesor ko ee. Haha. Napaka bastos ko naman kung di ako sasagot diba? Nag-English sila, well, pakitaan ko nga tong mga toh...

Ako: Well, I’m fine thank you. How ‘bout you?

Lalaki 3: You’re cute & funny too.

May sira nga talaga ulo nito… ako cute? Funny pwede pa. Pero cute??? Ah. Wala akong panahon sa mga kagaya nito. Paalis na dapat ako pero bigla akong hinawakan sa braso nung isa pang lalaki sa likod ko. Ah, wag nilang sabihing malalaki silang lalaki at babae ako. At kahit apat sila at isa lang ako papatulan ko talaga ang mga ‘toh.

Ako: Let go!!!

Naks!!! Biruin mong may nabaon akong English!!! Ha. Wag kayo apat na taon kong pinagaralan yan!!!

Lalaki 3: We’re just going to have fun! You don’t have to be so rude!

Ako: Rude? Rude your fes!! Ee kayo nga ‘tong rude!!! Naku, tigilan niyo ko aa? Wag niyong pinaiinit ang ulo ko ngayon lalo na’t nagugutom ako!!!

Lalaki 4: Oooh. Yan ang gusto ko ee yung palaban!

Lalaki 2: Yeah. Mas masaya.

Ako: Masaya? Ee kayo lang tong nageenjoy aa?

Ano bang mga nakain nitong mga ‘toh? Ee muka na ngang basahan tong damit ko ako pa napag-tripan nitong mga toh. Ee andami ngang babae na halos wala ng suot dun sa The Manor kanina ee… Humigpit na ang hawak saken nun lalaki at sa totoo lang mejo masakit na ang braso ko. Hindi ko alam kung anong sumapi saken at bigla kong inapakan yung paa nung lalaking may hawak saken. Napa-aray siya at nabitawan ako. Hindi ko na inaksaya ang oras at tumakbo na ko ng sobrang bilis papalayo sa mga adik na yun. Paglingon ko nasa likod ko pa din sila… hinahabol pala nila ko… wwwwaaaahhh… Diyos ko… ano ba tong pinasok ko???

Hindi ko na alam basta takbo na lang ako ng takbo hanggat sa may napuntahan akong makitid na iskinita ng biglang may mga kamay na humablot saken sa likuran ko… isang kamay niya ee nakatakip sa bibig ko.

WWWAAAAaaahhhh… Patay!!! Nahuli ako!!!!

Wala na kong nagawa as my captor pressed me against the cold wall of the dark alley.

Pagtingin ko sa muka niya nanlaki mga mata ko at muling tumindig ang mga balahibo ko… hinding hindi ko makakalimutan ang muka ng lalaking ito… siya… oo… siya yung MULTO sa BOYS’s CR!!!

Dahan-dahan niyang tinanggal yung kamay niya sa bibig ko.

Multo: Ssshhh…

Lalaki 1: Asan na? Did you see her?

Lalaki 2: Wala ee. San kaya dumaan yun? Hanapin niyo!!!

Nawala na sa isip kong may mga maniac na humahabol saken… nawala ng lahat sa isip ko… at hindi ko na din halos narinig na malapit na samin yung apat… wala ng ibang nasa isip ko kundi ang sumigaw ng MULTO…

Diyos ko… hanggang dito ba naman sinusundan ako ng kaluluwang ito? Ganun ba katindi ang gayuma ng potchi ko?

Sisigaw na talaga ako at siguradong katapusan na naming dalawa ng multong ito pag nangyari yun but a pair of lips stopped me from completely doing so… There I was in the darkest alley in Eastwood, with four maniacs after my trail and right then and there… the ghost who has haunted me for days just stole my FIRST KISS away…para lang mapatahimik ako.

To be continued.

LOVE-NAT OFFICIAL WEBSITE
▌ add niyo na din ako, eleonordale@yahoo.com, let's all be friends!! ▌